Share

Chapter 6

Sunshine's Point Of View

"BABE may gagawin ka ba ngayon?"

Katatapos ko lang maligo nang may natanggap akong text galing kay Patrick.

"Wala naman. Bakit?"

Habang hinihintay ko ang reply niya ay nagbihis na ako ng damit. Parang trip ko ngayong mag-mall. Isama ko kaya si Princess?

"Wala lang. Ipakikilala lang sana kita sa mga kaibigan ko. Ano, free ka ba? I'll fetch you later."

Hala! 'Di ako prepared! 'Di ako nakontento sa text niya kaya naman tinawagan ko siya.

"Uy, 'di ako prepared!" bungad ko.

"Kaya nga kita sinabihan ngayon, 'di ba? Haha.

Pupuntahan kita diyan mamaya."

"Err. Baka hindi nila ako gusto?" Baka kasi mamaya, lalaitin lang nila ako, eh.

"Hindi talaga. Kasi, ako lang dapat."

Medyo loading ako doon sa sinabi niya, pero nang ma-realize na ang sinabi niya, feeling ko ay namumula na ang mukha ko. Gosh!

"Okay, sige na. Pero puwede ko bang isama si Princess?" Natahimik siya saglit sa tanong ko. Okay naman na sila, 'di ba?

"Okay."

Good.

"Sige na, ibababa ko na 'to." Papatayin ko na dapat 'yung tawag nang bigla niya akong pigilan. "Bakit?" tanong ko pa.

"I love you" Eeh! Kenekeleg nemen eke!

"I-I love you too. Sige na, kita na lang tayo mamaya." Nakangiti pa ako niyan, ha? Haha. Pagkatapos kong patayin ang tawag ay napatili na lang ako pero pigil lang, baka kasi marinig nina Mama. Hahaha. Bakit gano'n? Maraming beses na niya akong sinabihan ng 'I love you' pero hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako? Siguro, gano'n lang talaga 'pag in love.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili sa harap ng salamin ay tinawagan ko na rin si Princess.

"Hello?" bungad niya.

"Princess, may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman. Bakit?"

"Eh kasi, si Patrick, ipakikilala raw niya ako ngayon sa mga kaibigan niya. I'm sure naman na puro lalaki lang ang nandoon. Gusto ko sanang magpasama sa 'yo para naman hindi ako ma-out of place doon mamaya. Puwede ka ba?"

"O-Okay."

Ngumiti na lang ako kahit 'di niya nakikita. Nagpasalamat lang ako sa kanya bago ko siya binabaan ng tawag. Napaisip naman ako. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaibigan ni Patrick sa akin? Okay lang kaya silang kausap? Baka kasi 'yung iba, snob o 'di kaya ay suplado. Tsk. Ewan, pero parang kinakabahan ako. Pero kaunti lang. Haha.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na rin si Princess at 'di nagtagal ay sumunod na rin si Patrick.

Simple lang naman ang damit na isinuot ko. Ayaw kong magpa-impress, 'no! Gusto kong maging simple lang sa harap nila. May sasakyan namang dala si Patrick kaya hindi kami nagcommute. Siyempre, gwapo ang naging driver namin at si Patrick 'yon! Haha. Nasa shotgun seat ako samantalang nasa likod naman nakaupo si Princess. Medyo awkward.

"Hindi naman siguro sila masusungit, 'di ba?" tanong ko na lang nang 'di ko na makayanan 'yung katahimikan.

"Depende." What? Anong depende? "Minsan kasi, seryoso sila. Minsan din, masusungit. Tapos, biglang mabait. Moody kumbaga." Kinabahan naman ako doon sa sinabi niya. Adik pala mga kaibigan niya. Haha. Napatango na lang ako. Is it just me o talagang nakakaramdam din silang dalawa ng awkwardness? Nakakawindang! Nag-uusap kaming dalawa habang nasa likuran lang naman namin 'yung ex niya.

"Ikaw, Princess, nakilala mo na ba sila?" tanong ko na lang para mawala 'yung ilang factor ko sa kanya.

"Ah, oo. Pero 'di ko rin sila masyadong nakakausap. Medyo OP din kasi ako sa kanila, eh."

"Ganoon ba?"

"Just be yourself, okay? 'Di ka nila kakainin. Haha! Alam kong magugustuhan ka rin nila bilang girlfriend ko." Sabi niya with matching hawak pa sa kamay ko. Ngumiti na lang ako sa kanya at 'di na ulit nagsalita pa. Wala pang isang oras ay nakarating na rin kami. Simple lang naman kung tingnan sa labas 'yung place. Pero promise, namangha talaga ako nang makapasok na kami. Ang ganda kasi. Para siyang club na ni-renovate lang. Haha. Ewan. May mga part kasi sa bahay na ito na mayroon din sa isang club. Pero para na siyang bahay kasi may sofa sa gitna with TV pa, may kwarto rin. Walang ka- tao-tao sa baba kaya sa tingin ko ay nasa itaas sila. May nakita rin akong kwarto, so, malamang ay naroon nga sila. Kita lang naman dito sa baba 'yung kwarto sa itaas, eh.

"Wait lang, pupuntahan ko lang sila," paalam niya. Tumango na lang ako at umalis na rin siya. Sabay naman kaming umupo ni Princess sa sofa. Pansin ko lang, masyado yata siyang tahimik ngayon—actually, mula pa kanina.

"Princess, may problema ka ba?" untag ko sa kanya. Parang ang lalim kasi ng iniisip niya, eh.

"H-Huh? W-Wala." Wala raw, eh bakit siya nauutal?

"You can't fool me." Tinitigan ko siya nang seryoso.

"Wala nga." Nanliliit lang ang mga mata kong tiningnan siya. Alam kong meron, eh. Ano kaya 'yon?

"Babe!" natahimik naman ako sa tumawag. Waaah! Nand'yan na sila! Okay. Relax lang, Sunshine! Lumingon naman ako sa likuran ko at doon nakita ko silang bumababa sa hagdanan. Parang nagslow-mo ang pagbaba nila ng mga oras na iyon. Bakit ang ha-hot nilang tingnan? Pero siyempre, 'di magpapatalo si Patrick, 'no! Siya pa rin ang pinaka-hot sa kanilang lahat. Hahaha.

"Hi! So, ikaw pala ang bagong girlfriend ngayon ni Patrick? I'm Darwin, by the way," pagpapakilala niya. Bakit iba yata ang pagkakaintindi ko doon sa sinabi niya? Inabot ko na lang ang kamay niyang nakalahad na. If I'm not mistaken, siya ang pinakabata sa kanilang lahat. Halata rin naman kasi sa mukha.

"Sunshine," pagpapakilala ko.

"It's finally nice to meet you, beautiful." Akmang hahalikan niya dapat ang kamay ko nang pigilan siya ni Patrick. Feeling ko, namumula ako ngayon.

"Hep! Hep! Hep! 'Wag na 'yan, dude! Girlfriend ko 'yan, eh!" Okay? Anong nangyayari?

"'Wag mo na lang pansinin si Darwin, ha? Babaero kasi ang isang 'yan, eh," bulong sa akin ni Patrick pero rinig naman ng lahat. Sinamaan lang siya ng tingin ni Darwin. Haha. Cute!

"Anyways, again, he's Darwin. Siya naman si Miko, siya ang may-ari sa lugar na ito, dating club kasi ito at ginawa lang naming tambayan ngayon." I knew it! In fairness naman, ang gwapo niya at ang tangkad pa. Sa kanilang lahat, siya ang pinakamatangkad. I bet, siya rin ang pinakamatanda.

"And, he's Jecko." Turo niya doon sa lalaking kanina pa nakangiti. Gwapo naman siya, eh, at nakikita ko iyon. Kaya lang, hate ko talaga 'yung mga taong may braces, eh. Idagdag pa 'yung naka-eye glasses siya nang makapal. Para siyang nerd na ewan? Siya lang naiiba sa kanila.

"And, of course, you know him, James." Si James naman, mukhang ang tahimik ngayon. Anyare?

"Hi! Nice to meet you all, guys!" bati ko na lang sa kanila.

"You were more beautiful than I thought," ani Darwin.

"Ang swerte ni Patrick sa 'yo," ani Miko. "Kailan din kaya ako magkakaroon ng girlfriend?" tanong naman sa sarili ni Jecko.

"Magpa-gwapo ka muna, dude, saka mo ulit itanong 'yan." Nakakalokong ngumiti naman si Darwin.

"Loko ka, Darwin, ah!"

"Oo nga, dude," sang-ayon naman ni Miko. Iyon, pinagtutulungan na po nila ang kawawang si Jecko. Natawa na lang ako sa kanila. Seriously, may ganito pa palang mga lalaki ngayon? Ang kukulit! Hindi ko pa sila nakakasama nang matagal pero ramdam ko 'yung closeness nila sa isa't isa. Saka feeling ko, mababait naman sila. Err. Ewan ko lang kay Darwin? Masyado kasing maloko, eh. Hahaha.

"Hashtag, medyo out of place. Pahangin na lang muna ako, ha?" Natahimik kaming lahat sa nagsalita.

Shems! Nakalimutan ko bigla si Princess! Hindi pa man din ako nakapag-re-react ay mabilis na siyang umalis at lumabas. Napatingin naman ako kay James pagkatapos. Tingin ko, may problema talaga silang dalawa, eh. Tatayo lang ba siya? Hindi man lang ba niya susundan si Princess? Napansin ko nga rin kanina, hindi niya ito binati nang dumating kami.

"Ano, tatayo ka lang ba diyan? Wala kang balak na sundan siya?" tanong ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako saglit pero mayamaya lang din ay umalis na rin siya at sinundan si Princess. Nako, LQ yata 'yung dalawa.

"LQ ba sila?" tanong ko kay Patrick pero nagkibit- balikat lang siya. Napatingin naman ako sa mga kaibigan niya, wala pa nga akong itinatanong ay sabay-sabay na rin silang nagkibit-balikat. Okay? Napatingin na lang ulit ako kay James na ngayon ay kalalabas lang ng pintuan. May problema nga sila, pero bakit 'di man lang iyon sinabi sa akin ni Princess? Tss.

▫▫▫🎈▫▫▫

Rhian's Point Of View

Wala akong masabi. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano bang sasabihin ko sa kanila, eh. Kaya napagpasyahan kong umalis na lang muna at magpahangin na lang sa labas.

Nakakainis! Hindi man lang niya ako pinansin kanina. So, tototohanin niya talaga 'yung sinabi niya sa akin noon? Ugh!

"Sweety..." Napatigil ako nang marinig ang boses niya. O ngayon, bakit niya ako sinundan?

"Bakit mo 'ko sinundan? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba, hindi mo na ako kakausapin?" sunod- sunod kong tanong sa kanya.

"Iyon ba talaga ang gusto mo?" Napalingon naman ako sa kanya. Madrama siyang tumalikod sa akin. Pinigilan ko naman siya. Gago pala siya, eh! 'Di man lang ako lambingin! Ngiting-aso naman siyang humarap sa akin. Nako, pasalamat siya at gwapo siya at mahal ko siya kundi, nasipa ko na 'yung ano niya... 'yung tuhod niya.

"Ewan ko sa 'yo!" kunwari ay pagalit kong sabi sa kanya. Teka, teka, anong kunwari? Inis talaga ako sa kanya, 'no! Tss.

"I'm sorry, okay?" sambit niya sabay yakap sa akin. "Alam mo namang mabilis lang talaga ako magselos, 'di ba? At alam mong ganito ang ginagawa ko kapag nagseselos ako."

Bumitaw ako sa yakap niya at hinawakan ko ang pisngi niya. Gwapo talaga! "Sweety, ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yong wala kang dapat na ikaselos. Okay? Wala akong gusto kay Yohan, ikaw lang ang mahal ko." paliwanag ko naman sa kanya. "Please, 'wag ka ng magselos." Aba! Parang baliktad yata? Dapat, siya ang sumusuyo sa akin, eh! Daya niya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko. "'Di ko naman mapipigilan 'to, eh."

"Alam ko. Pero sana, pagkatiwalaan mo ako." "I'm sorry kung 'di kita pinansin kanina." "Naiintindihan ko naman pagiging isip-bata mo,

eh. Hahaha!" Tinawanan ko naman siya. 'Yung mukha niya kasi, nakakatawa talaga. Haha.

"Isip-bata pala, ha?" Hinalikan niya ako sa labi. "May isip-bata bang humahalik?" tanong niya. Nginitian ko naman siya nang nakakaloko.

"Dati, wala. Pero ngayong humalik ka, nagkaroon na. Hahaha!"

At iyon, pinagkikiliti na lang niya ako.

"Bati na ba tayo nito?" tanong ko nang maka- recover na sa katatawa.

"Basta next time, 'wag mo na ulit kausapin ang lalaking iyon. 'Di ko siya gustong lumalapit sa 'yo." Haha. Ang cute niya pag nagagalit.

"At ikaw naman, bawas-bawasan mo 'yang pagiging seloso mo. Hindi magandang hobby 'yan, promise." Piningot ko naman ang ilong niya. Niyakap na lamang niya ako pagkatapos.

"Sorry ulit."

▫▫▫🎈▫▫▫

"Ano bang nangyari sa inyo? Napansin ko kasi 'yung 'di niyo pagpapansinang dalawa kanina. Problem?" tanong sa akin ni Sunny. Gabi na at nandito pa rin kami sa tambayan. Sabi kasi, dito na lang daw kami maghapunan. Magmo-movie marathon pa raw mamaya pagkatapos.

"Daya mo, ah! 'Di mo shine-share sa akin." pagtatampo niya.

"Nako, Sunny! Ang babaw lang kasi ng dahilan niya, eh, kaya 'di ko na sinabi sa 'yo. Maliit lang naman na problema 'yon. Nagselos kasi siya kay Yohan. And knowing him? Mabilis siyang nakakaramdam ng selos at 'di siya namamansin kapag gano'n. Kaya nga nalalaman ko kaagad kung nagseselos ba siya, eh. Hindi n'ya kasi ako pinapansin." Nako! Bakit gano'n ugali ng isip-batang 'yon? Haha.

"Hahahaha! Para naman palang babae kung magselos 'yang si James, eh!" natatawa niyang sabi. Pero mayamaya ay natahimik din. "Pero sino nga ba si Yohan?" Umayos naman siya ng upo. Nasa kwarto kami ngayon, sa kama. 'Di kasi kami makasabay sa mga boys sa baba, eh, kaya kami na lang. Haha.

"Siya 'yung kaklase ko noong college na ang sabi- sabi ay may gusto raw sa akin. Hindi ko nga alam kung may trabaho ba 'yon ngayon o pinagkakaabalahan man lang, eh, palagi ko kasing nakikita ang presensiya niya. I found him, sometimes, irritating. Alam mo 'yon? Nakakairita na kasi 'yung palagi niyang pagpapapansin sa akin, eh. Pero siyempre, ine-entertain ko pa rin siya kahit papaano. Wala rin naman kasi siyang ginagawang masama sa akin para itaboy ko. At 'yung oh-so-madaling-magselos kong boyfriend naman, 'di ako kaagad pinapansin kapag nalalaman niyang kinausap ko si Yohan," paliwanag ko.

"Ibang klase talaga si James! Haha. Pero kung ako sa 'yo, sabihin mo na kay Yohan na wala kang gusto sa kanya. Na may mahal ka ng iba, na kaibigan lang siya para sa iyo. Para naman layuan ka na niya at para 'di na magselos ang weird mong boyfriend. Kasi malay natin, baka ma-obsess pa sa 'yo 'yung tao tapos, baka siya pa magiging dahilan ng hiwalayan niyo ni James. You know, sayang din ang pinagsamahan niyo."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. May point din naman siya. Siguro nga, kailangan ko nang sabihin 'yon kay Yohan mismo.

Magsasalita pa sana ako nang may biglang kumatok sa pintuan, nakasarado kasi.

"Babe?" Napangiti naman ako nang malapad nang marinig kung sino 'yung tumawag.

"Uy, hanap ka! Miss ka na yata. Haha."

"Loka!" Hinampas pa niya ako sa braso pero 'di kalakasan saka pa tumayo at pinagbuksan ng pinto si Patrick.

"Bakit?"

"Wala lang. Na-miss lang kita," sabi pa nito sabay kiss kay Sunny at ngumiti nang nakakaloko. Eeh! Kinilig naman ako do'n!

"Ikaw, kiss addict ka talaga kahit kailan!" Tumayo na ako sa kama at nilapitan sila.

"Ehem!" I cleared my throat saka ngumiti nang nakakaloko. "Gusto ko pa sanang umupo doon kaya lang napuno na pala ng langgam, eh. Kinakagat na ako. Grabe kasi 'yung ka-sweet-an niyo, eh. Nilalanggam pati kama." Natatawa na lamang akong dumaan sa harapan nila. Haha. Ayokong makita ang ka-sweet-an nila. Nakakainggit, eh! Hahaha.

Sa totoo lang, natutuwa talaga ako sa nangyayari ngayon sa amin ni Patrick. Ngayon ko lang siyang nakitang ganoon, at kay Sunny pa. Ibang-iba talaga siya sa Patrick na nakasama't nakilala ko noon. Mas naging masayahin siya ngayon. Siguro nga ay destined talagang magkahiwalay kami. Kasi, may mas karapat-dapat pa para sa mga puso namin. Hindi ako bitter o ano pa man kay Sunny, ha? Masaya talaga ako para sa kanila.

Masaya akong nagkahiwalay kami kasi nakita namin 'yung taong nakalaan talaga para sa amin. Masaya ako kasi, masaya na kami pareho.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ligaya Lising Carillo
pa unlock po please thanks
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status