Share

Chapter 4

Sunshine's Point Of View

"Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"

"Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"

"Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"

Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa akin. Is he already falling for me? Hindi ko rin masasagot ang tanong niya. Parang ang bilis lang kasi ng pangyayari. Dapat nga, ako ang magtanong niyan sa kanya, eh. Am I falling for him that fast? Hindi ko talaga alam. Parang nakakatanga lang isipin na strangers pa lang kami pero ganito na ang nararamdaman namin sa isa't isa. Who on earth can tell me what's happening to me? Simula kasi noong mangyari sa amin iyon, siya na palagi ang laman ng utak ko. At ngayon namang nagkita na kami, hindi ko maipaliwanag 'yung sayang nararamdaman ko.

"Hindi ko alam."

'Yon na lang ang isinagot ko sa kanya. Napaupo kami doon sa inupuan ko kanina.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" bigla niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya nang seryoso. Wala akong nararamdamang gano'n sa kanya.

"Bakit? Dapat ba kitang katakutan?" tanong ko sa kanya pabalik. Umiling naman siya.

"Ang weird lang, 'no? Hindi pa tayo magkakilala pero ganito na ang nangyayari," natatawang sabi niya. Napangiti rin ako. Bakit nga ba? Bakit gano'n na lang kabilis ang mga pangyayari? Hindi ko siya kilala pero parang mahal ko na yata siya. Ewan.

"Hi! I'm Patrick Raveno." Inilahad pa niya ang kamay niya sa akin habang nakangiti. So, Patrick pala ang pangalan niya? Bagay sa kanya. Kinuha ko naman iyon at nakipag-kamay.

"Sunshine Bernardo," pagpapakilala ko. "It's finally nice to know your name."

"Yeah."

▫▫▫🎈▫▫▫

Patrick's Point Of View

Sunshine. Such a beautiful name. Bagay na bagay sa maganda niyang mukha.

Akala ko, hindi na ulit kami magkikita. I missed her... so much! Hindi ko alam kung mahal ko na nga ba talaga siya. Basta ang alam ko lang ay masaya akong nandito siya sa tabi ko at gusto ko siyang makasama araw- araw.

"Dude, what's with that face? Para ka namang timang!" bulyaw sa akin ni Miko. Napatikom naman ang bibig ko nang mapansin ang presensya nila. Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Dito lang naman kami palaging nagkikita, eh.

Kagabi, pagkatapos naming mag-usap ni Sunshine ay inihatid ko siya sa kanila. Pumayag naman siya, eh. Nanghingi na rin ako ng number niya para kahit papaano ay makausap ko pa rin siya araw-araw. At ito nga, ka-text ko siya ngayon. Nakakahiya mang isipin, pero kinikilig ako sa tuwing nag-re-reply na siya. Yuck ka, Patrick!

"Sigurado ako, babae 'yan!" Sino pa bang mahilig sa babae? Si Darwin.

"Lul!" Binato ko nga ng unan ang loko. "P're."

Napatigil ako sa pagti-text. Napatigil din sa pangungulit sina Darwin nang may biglang magsalita galing sa pintuan. Paglingon ko, doon ko lang ulit nakita ang mukha niya.

"Uy, James! Kumusta? Ang tagal mong 'di nagpakita, ah? Ano 'yon, nagpapa-miss ka? Asa ka naman! Tss. Tagal nawala, wala namang ipinagbago. Pangit pa rin." Sinuntok ko siya sa pisngi pero hindi kalakasan, kagaya ng nakasanayan kong gawin sa kanya. Pero napatigil din ako sa ginagawa ko nang mapansin kong nakatingin lang silang lahat sa akin, nakakunot pare- pareho ang mga noo.

"What's with you?" tanong ni Miko. "Naka-drugs ka ba, dude?" Si Jecko. "Babae drugs niya." Si Darwin. "Hindi ka ba galit?" Si James.

Tinawanan ko lang ang mga tanong nila.

"Ako? Galit? Siguro noon, oo. Pero bawi na nang masuntok kita. Okay na ako. At isa pa, may magagawa pa ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Eh, kay Rhian?" napatingin ako sa kanya nang seryoso.

"Hindi naman siya bibitaw sa relasyon namin kung wala siyang nagugustuhang iba, eh. Ipinagpalit niya ako sa 'yo kaya alam kong mahal ka niya. Kaya sana, mahalin mo rin siya."

Tsk. Naging madrama na yata ako ngayon. "'Yung totoo, babae ang dahilan niyan, 'no?" ani

na naman ni Darwin. "Babae ang dahilan kung bakit ang bilis mong maka-move on," patuloy pa rin niya.

"Mga gunggong pala kayo, eh! Kayo itong nagsabi sa akin na hindi lang si Rhian ang babae sa mundo, na mag-move on na ako kasi wala rin naman akong magagawa. Tapos ngayon naman na nagawa ko ang lahat ng iyon, gulat na gulat naman kayo," inis kong sabi sa kanila. Mga baliw pala sila, eh. Sila itong nag-suggest nang gano'n tapos ngayon, magugulat. Umupo na lang ako ulit sa couch at tumingin sa phone. Nag-reply na pala siya. Mag-re-reply pa sana ako nang biglang sumigaw si Jecko. "Wooh! Dapat ipagbunyi ang taong hindi na sawi!" Nakataas pa ang mga kamay niya. Nagtawanan na lang kaming lahat sa kanya. Baliw talaga.

So, that's it! Life goes on. Hindi ko na maibabalik pa ang mga nangyari na. Nawala man si Rhian sa buhay ko, may Sunshine naman na pumalit at kumukumpleto ng buhay ko ngayon.

What! Nagiging corny na yata ako ngayon.

"Okay na kami," text ko sa kanya.

"Nino? Ng ex mo?"

"Ng bestfriend ko."

"Eh, kayo ng ex mo?"

"Hindi ko pa siya nakikita, eh."

"Let's meet nga pala. Free ka ba? May ipakikilala lang ako sa 'yo, kaibigan ko."

"Sure. Ipakikilala ko na rin sa 'yo ang bestfriend ko."

Sinabi niya kung saan kami magkikita at pagkatapos no'n ay tinapos na rin namin ang conversation. Lumapit naman ako sa apat na unggoy na ngayon ay nag-vi-video games na. Oo, meron no'n dito sa tambayan namin. Parang bahay na nga ito kung tutuusin, eh.

"James, may lakad tayo."

▫▫▫🎈▫▫▫

Sunshine's Point Of View

"Sino ba kasi ang taong 'yon?" tanong na naman sa akin ni Princess. Kanina pa kasi siya tanong nang tanong sa akin kung sino raw ba ang i-mi-meet namin ngayon. Na- cu-curious daw kasi siya. Sabi ko nga sa kanya, gwapo. Sabi naman niya, pagtatawanan daw niya ako 'pag hindi.

"Huwag ka kasing masyadong atat!"

"Eh kasi naman, ang tagal niya. Ang daya mo, kahit pangalan, ayaw mong sabihin. Sino ba siya sa buhay mo?"

Natahimik ako doon sa tanong niya. Si Patrick? Sino nga ba si Patrick sa buhay ko? Siya lang naman ang taong kahit hindi ko pa nakikilala ay kahalikan ko na. Siya lang naman ang napagkamalan kong boyfriend ko. Siya lang naman ang nakasama ko sa iisang kama kahit hindi ko siya kilala. At higit sa lahat, siya lang naman ang nagbigay inspirasyon sa akin na puwede pa pala akong magmahal ulit. Siya si Patrick, ang taong natutunan kong mahalin kahit noong mga panahon na strangers pa lang kami sa isa't isa.

"Let's just say, a special friend of mine," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Special someone kamo," pagtatama niya. Ngumiti na lang ako sa kanya tapos nag-pout lang siya. Cute.

"Rhian?"

Natahimik kaming dalawa ni Princess nang may biglang nagsalita. Pagtingin ko, si Patrick pala. Pero sino nga ulit 'yung tinawag niya?

"P-Patrick?" Kita ko 'yung gulat sa mukha ngayon ni Princess. Teka, parang hindi ko yata naiintindihan.

"Kilala mo siya?" tanong ko kay Princess. Unti- unti naman siyang tumango. "Pero paanong Rhian? Eh 'di ba, Princess ang pangalan mo?"

"Princess Rhian Concepcion ang buo niyang pangalan." Si james na ang nagpatuloy ng pagsasalita. Ngayon ko lang siya napansin.

"James? Ibig sabihin, siya 'yung guy bestfriend na sinasabi mo?" Napatingin ako kay Patrick.

"Magkakilala kayo?"

"Yes. Friends ko silang dalawa ni Princess. Eh, kayo?" nalilito ko pa ring tanong. Pero bigla rin akong natigilan nang may naalala ako. "Wait. Kung si James 'yung guy bestfriend mo, then, Princess must be your..."

"Yes, she's my past." Si Patrick na ang nagpatuloy. Shit! I didn't know! Ang awkward. Ghad! What to do?

"Omo! I didn't know! I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko rin naman kasi alam na—"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong halikan sa labi. Omo! This is not the first time na hinalikan niya ako pero, nagulat pa rin ako. Ayst! Sinong 'di magugulat, 'di ba? Nakita iyon nina James at Princess!

"It's okay. Past is past," nakangiti niyang sabi. "P're, kayo ba?"

"No."

"Yes."

Ha? Hindi naman naging kami, ah? Siguro papunta pa lang doon, pero hindi pa kami! Hindi pa nga niya ako nililigawan, eh!

"In denial." Ngumiti naman sa akin si James nang nakakaloko. Gosh! Nakakahiya talaga! Si Patrick kasi, eh. Bakit niya ako hinalikan? Worse is, sa harapan pa nina Princess at James!

"I think, you two need to talk," sabi ko na lang para mawala 'yung ilang ko sa kanila. Tinutukoy ko sina Patrick at Princess. Kailangan nilang ayusin 'yung hindi pagkakaintindihan na namamagitan sa kanilang dalawa. Alam kong okay na, pero alam ko rin na may dapat pa silang pag-usapan.

"James, samahan mo naman ako," aya ko sa kanya. Na-gets naman siguro niya ang ibig kong sabihin kaya umalis na kami.

"Kailan pa naging kayo?" tanong niya nang makalayo na kami.

"Bakit? Naging kami ba?"

"So, anong tawag doon sa kiss kanina? Joke?"

Kung sa bagay. Bakit nga ba gano'n? Bakit ko siya pinapayagang halikan ako kahit ang totoo ay hindi naman kami? Dahil may nararamdaman ako para sa kanya? Dahil mahal ko na siya? Sapat na bang dahilan iyon para payagan siyang halikan ako?

"Ewan," sagot ko na lang sa kanya saka ngumiti. "Ay sus! Nahuli ka na nga sa akto, nagde-deny ka

pa. Kahit kayo na, ayaw mo pa ring sabihin." Ngumiti na naman siya nang nakakaloko. Natawa na lang ako kay James. Ang kulit niya kasi. Tss. Kinikilig na ba ako nito? Ewan.

"Ewan ko sa 'yo!"

▫▫▫🎈▫▫▫

Patrick's Point Of View

Tadhana nga naman talaga, oh! Talagang mapagbiro. Hindi ko inasahan na ang ipakikilala pala sa akin ni Sunshine na kaibigan niya ay ang ex ko. Masyado yatang naging maliit ang mundo para sa amin.

Heto kami ngayong dalawa ni Rhian, nakatayo. Iniwan kasi kami dito nina Sunshine para makapag-usap. Pero ano namang pag-uusapan naming dalawa? Naka- move on na ako sa kanya, may mahal na siyang iba at wala na rin naman na akong nararamdaman para sa kanya. Napatawad ko na silang dalawa ni James at may Sunshine na rin ako. May dapat pa ba kaming pag-usapan?

"Wala naman tayong pag-uusapan, 'di ba?" basag ko sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Napatingin naman siya sa akin. Kita ko 'yung lungkot sa mukha niya, halatang may sasabihin siya. "Masaya ka na sa kanya. Naka-move on na ako sa 'yo. Okay na tayo, 'di ba?"

"Patrick, I'm sorry," umpisa niya. "I'm really, really sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya ang lahat, eh. It was a dare game. Ang dare sa akin ay halikan si James sa pisngi lang, pero 'yung mga kaibigan ko ang may pakana. Noong akmang hahalikan ko na siya, nakapikit ang mga mata ko no'n kaya hindi ko namalayan ang biglang pag-ikot ng ulo niya kaya sa lips niya tumama 'yung halik kong 'yon. And all of a sudden, that kiss changed everything, even my feelings. 'Di ko iyon sinabi sa 'yo kasi alam kong magagalit ka. Nilihim ko iyon, pati na 'yung unti-unting pagbabago ng nararamdman ko para sa kanya."

Napatigil siya sa pagsasalita nang ilagay ko sa labi niya ang hintuturo ko, paraan na alam ko para patigilin siya sa pagsasalita.

"You don't have to explain, Rhian. Okay na sa akin na masaya ka na. Sapat ng humingi ka ng tawad."

Magpapatuloy pa sana siya sa pagsasalita nang pigilan ko ulit siya. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status