Share

Chapter 75

KATULAD ng sinabi ni Alfred, nagtayo ulit sila ng panibagong negosyo, at hindi katulad ng nauna nilang business, mas malago ang negosyo nila ngayon. Kumikita rin sila ng malaking pera dahil malaki rin ang nahanap ni Alfred na pera pang-invest.

Ylona and Dyrus worked under his authority, too. Naisip nilang magaling pala mamahala ng negosyo si Alfred kaya karamihan ng mga desisyon ay kay Alfred nila ipinagkakatiwala.

Maayos na sana ang lahat, pero may nalaman si Ylona, dahilan para sugurin niya si Alfred sa office nito.

“Alam kong magkaibigan tayo, Ylona, pero rito sa kumpanya ay boss mo ako. Matuto kang kumatok,” saad ni Alfred habang nagbabasa ng mga dokumento sa lamesa. Ni hindi niya nilingon ang dalaga.

Hindi sumagot si Ylona. Imbes ay padabog nitong inilapag ang mga dokumentong nasa kan’yang kamay sa lamesa ni Alfred, dahilan para mapatigil ang binata sa ginagawa.

“Embezzlement, bribery, pakikipagkonekta sa black market, at maging ‘yong perang pinang-invest mo para itayo ‘tong kump
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status