“WHAT DO you mean?” Napataas ng kilay si Beckett at napakagat sa pang-ibabang labi, tila kinabahan sa sinabi ni Fiona. Dalawang bagay ang maaaring tinutukoy ni Fiona. 'Yong isa ay ang tungkol sa pagiging tagapagmana ni Vivianne ng Allamino Corporation, at 'yong isa naman ay… ‘No. Fiona shouldn't know about that,’ naiiling at kinakabahang saad ni Beckett sa isip. ‘At least, not yet.’ “Her real identity.” Itinaas ni Fiona ang hawak nitong folder at ibinigay kay Beckett. “Vivianne Allamino, ang nag-iisang tagapagmana ng Allamino Corporation at ng buong Allamino Empire. Maganda, medyo rebelde, pero magaling sa negotiation and strategies…” Fiona raised a brow, throwing Beckett a suspicious look. “Are you going to use her for your own gains?” Beckett sighed in relief because of Fiona's blabberings. Marami mang sinabi ang manager niya, pero masaya na siya dahil mukhang hanggang doon lang naman ang nalaman ng babae. “I know that everyone is already aware that I want to build my own bu
INILAGAY NI Fiona ang paper bag sa hita ni Vivianne bago umalis at iniwan si Vivianne mag-isa. Ganoon man ang mga sinabi ni Fiona sa kan’ya ay hindi na siya na-offend. Kung mayroon mang magmamalasakit nang husto kay Beckett, alam niyang si Fiona iyon. She’s his manager, after all. But Fiona’s last sentence made the hairs on her neck stand up in confusion and fear at the same time. Para bang may alam si Fiona tungkol sa kan’ya, bagay na ikinatakot niya. Mabilis na lumipas ang mga oras, at hindi niya namalayang uwian na pala. It was Thursday, and her father wanted her presence at the mansion. Gusto niya sanang hindi pumunta pero alam niyang wala naman siyang magagawa. She had power… but she felt powerless. Umuwi muna siya sa dorm para makapag-ayos. Vivianne wore a black sleeveless Saint Laurent dress, partnered with Gucci black high heels. Ang gamit naman niyang bag ay galing sa Dior, maging ang hikaw na suot niya. Today, she’s not Vivianne Allamino who is a mere dress stylist at
IS IT POSSIBLE to bring someone to Heaven even if they’re still alive? Sounds impossible. Pero para kay Vivianne, iyon ang pinakatugmang sabihin para sa kan’yang nararamdaman ngayon. Beckett isn’t the typical guy he used to date in the past. Contrary to his innocent-like features and his reputation as a good boy, his kisses were the opposite. Malalim at mapangahas kaagad ang mga halik nito na para bang hayok na hayok si Beckett sa kan’ya. “A-Ano ba—” Hindi na natapos ni Vivianne ang pagmamaktol nang biglang hawakan ni Beckett ang magkabila niyang kamay. Using his one hand, Beckett pinned Vivianne’s hands on top of her head, while his other hand went again to her nape, down to her arms and waist. Mababaw ngunit nakakatingid-balahibo ang paghawak nito, dahilan para makagat ni Vivianne ang pang-ibabang labi ng lalaki. Medyo mariin iyon, at hindi alam ni Vivianne kung bakit niya iyon nagawa. Isa lang ang alam niya. Nakakabaliw ang bawat hagod ng kamay ni Beckett sa kan’ya. It was gen
“TRISTAN ESTEFAN.”Malamig at nakakapanindig-balahibo ang pagkakabanggit ni Beckett sa pangalang iyon. The man, who was already in front of him, felt the same way, too.“B-Bakit alam mo ang pangalan ko?” nauutal na tanong ng lalaki. “Sino ka? Ikaw ba ang nagpadukot sa akin—” “Place that fucking towel inside his mouth again,” saad ni Beckett bago hinilot ang itaas ng kan'yang ilong gamit ang mga daliri. “So fucking noisy.”Nathan and his other men were right. Kung makadaldal ang lalaki ay daig pa nito ang babae. Beckett didn't want to hear his blabberings or complaints. He only wanted to hear Tristan groaning in pain and begging to save his life.Sa ngayon, natutupad naman ni Beckett ang gusto niya. Tristan now looked at him as if he saw death itself.“Ang ayoko sa lahat, 'yong ginagago ako kausap,” ani Beckett sa isang malamig na tono bago humigpit ang pagkakahawak sa baseball bat. “Ano'ng silbi ng kontrata kung hindi mo naman susundin?”Beckett, despite using the English language on
KUMUNOT ang noo ni Beckett nang marinig ang pangalan na binanggit ni Vivianne. Suddenly, his body went stiff as Tristan’s images of beaten up and killed lingered in his mind. Kanina niya pa nga iyon gustong iwaksi sa utak, pero ito si Vivianne at muli itong pinaalala sa kan’ya.“I don’t know what you’re talking about,” ani Beckett bago umigting ang panga nito. “So, is that it? That’s the reason why you’re acting cranky all day? You’re not thinking about the kiss?”“Hindi.” Umirap si Vivianne bago nag-iwas ng tingin. Ramdam niya ang pamumula ng pisngi kaya naman mabilis niyang pinakalma ang sarili. “Saka bakit ba puro halik ‘yang binabanggit mo, ha? Hindi ka makalimot?”“Nope.” Beckett leaned forward, narrowing their distance closer. “Never.”Nor did he have any plans to forget it.“E-Ewan ko sa ‘yo.” Tumikhim si Vivianne para lang mabaling sa iba ang atensiyon ni Beckett, but it was a wrong move. Sa ginawa niyang pagtikhim ay dumako ang tingin ng lalaki sa labi ni Vivianne. His gaz
LILY WAS astounded for a second because of her friend’s sudden request. “Ha? Ang weird ng inuutos mo, ah. Don’t tell me pagnanasaan mo ‘tong ex-boyfriend mo kahit patay na?”“Siraulo ka—Wait, paano mo nalaman?” Halata ang pagtataka sa boses ni Vivianne. Alam niya kasing wala pa siyang pinagkuwentuhan tungkol doon bukod kay Manager Yu. “Kanino mo nalaman?”“Kay Tristan! Malamang! Nahuli mo raw kasi siyang nambababae,” sagot naman ni Lily habang palinga-linga ito sa paligid. Pumupuslit lang kasi siya ng pagkuha ng litrato kay Tristan habang wala pa sa loob ng morgue ang mga higher-ups. Bawal itong ginagawa niya, at kapag nahuli siya ay paniguradong matatanggal siya.“At talagang sinabi niya sa’yo ‘yon? Tanginang gago.” Napairap si Vivianne bago humigpit ang pagkakahawak sa steering wheel. Pakiramdam niya ay sunod-sunod na ang stress niya, at hindi niya iyon nagugustuhan.“Oo naman! Sabi ko kasi, sabihin niya sa akin lahat ng nalalaman niya.” Proud si Lily sa sarili. Mukha mang inosente
THIS DAY was a hectic day for Beckett, pero sanay naman na ang katawan niya. He pushed himself to work harder and be more determined just so he could escape from sadness every time he was alone. Ang hindi lang siya sanay ay ‘yong imbes na nagpapahinga na sana siya at natutulog ay si Vivianne pa rin ang nasa isip niya.“Fuck,” Beckett muttered as drank the whiskey in his glass in one sitting.Imbes na tumambay sa penthouse ay nagpunta siya sa den kung nasaan ang mga tauhan niya. His drug cartel is one form of his escape. Dito siya pumupunta kada naguguluhan sa buhay, habang si Nathan naman ay nakabantay lang sa kan’ya.“May problema, boss?” ani Nathan nang makita kung gaano kalukot ang mukha ng boss nila. Ganoon pa man, guwapo pa rin ito.‘Lovelife?’ Gusto sanang itanong ni Nathan ‘yon, pero ayaw niyang mabato ni Beckett ng baso. Beckett was scary when he’s mad, pero sa tingin ni Nathan ay hindi naman ito galit. Kita niya kasi ang pagkabalisa sa mga mata nito.“Nothing,” Beckett repli
BAGO TULUYANG dumapo ang suntok kay Beckett, kaagad niyang iniharang ang kamay at ikinapit iyon sa kamao ng kalaban niyang babae. Beckett knew that it was a woman when he held onto her fists. His opponent's fists were small yet strong. Soft yet masculine. Napangiwi si Beckett dahil kahit maliit ang kamay ng babae ay mabigat ang puwersa nito. Ganoon pa man, nakahinga pa rin siya nang maluwag dahil hindi nasapak ang mukha niya. At least, not for the second time. Beckett couldn’t let someone punch his handsome face again. Halos magwala si Fiona at ang higher-ups nang makita ang pasa sa mukha niya noon, at alam niyang kapag nangyari iyon ay gagawa na ng Syneverse Entertainment ng aksyon. He doesn’t want to lose his freedom, but he couldn’t leave the modeling industry for now. Beckett needed to take everything under his control… and this is one of these things; the gunshot, the killer, and his purpose. “Who are you?” tanong ni Beckett sa babae bago humigpit ang pagkakahawak sa kamao n