Home / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER THIRTY-FOUR: UNRESOLVED TENSION

Share

CHAPTER THIRTY-FOUR: UNRESOLVED TENSION

Author: Lovina Alice
last update Last Updated: 2025-09-23 17:09:10

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin nang nakaraang gabi. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa aking kama. Wala rin akong katabi kaya sa tingin ko ay isang panaginip ang nangyari sa akin na pinuntahan ako ni Sir Kyle. Ipipikit ko na sana ang aking mata nang narinig ko ang boses niya. Masyadong malamig iyon na kung ako ang tatanungin ay manginginig na ako sa takot.

"Fire those bitches immediately," sabi ni Sir Kyle sa telepono. "Ayaw kong makita ang pagmumukha nila kapag bumalik na kami ni Jean Antoinette diyan bukas."

Nangunot ang aking noo sa narinig. Ang sabi ko kay Sir Roman aabsent ako, pero wala akong sinabi na idadamay ko sa aking pag-absent si Sir Kyle. Haharapin kong muli si Jake para matigil na ang kahibangan niya. Ipapatanggal ko sa kaniya ang ipinakalat niyang video naming dalawa.

"Did you take that video down?" tanong ni Sir Kyle sa kausap niya sa telepono. "Kilala na rin kung sino ang nagpakalat? Contact the police immediately, makukulong silang dalawa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTEEN: PREGNANCY DAYS

    "Sorry, pero kailangan mo na talagang makinig sa doktor mo," sabi ni Kyle sa akin nang naabutan na naman niya akong busy sa pag-de-design ng isang gown para sa VIP client ng boutique. "Iwan mo na ang trabahong iyan kay Heaven." Isang ngiti ang aking pinakawalan nang sandaling iyon, "Maiinip naman ako kung hindi ko gagawin ang isang ito. Hindi naman maselan ang aking pagbubuntis kaya sa tingin ko ay walang problema kung tatapusin ko ito." Muntik nang mangunot ang aking noo nang napansin kong nagpakawala ng isang malalim na hininga si Kyle. Akmang tatanungin ko siya nang bigla na lang siyang lumapit upang kunin ang aking ginagawa. "Malalim na ang gabi, hindi makabubuti sa buntis ang pagpupuyat," sabi ni Kyle sa akin. "Puwede naman kitang payagang ipagpatuloy iyan, pero bukas mo na iyan gawin." Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang sandaling iyon. Buntis ako, hindi baldado, para pagbawalang magtrabaho. Work from home na

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED FOURTEEN: CRAVINGS

    Dahil sa aking pagbubuntis ay nagkaroon ng pagbabago sa aking panlasa. May mga paborito akong pagkain na hindi ko magawang kainin dahil ayaw iyon tanggapin ng aking sikmura. Hindi ko naman naranasan noon na sumubok ng iba't ibang kombinasyon ng pagkain dahil kahit stressed ako sa pagbubuntis ay hindi naman ako hinayaan ng aking panganay na maging mapili sa pagkain. In fact, kapag may cravings ako noon ay nagagawa naming hanapin iyon kaagad. Ngayong sa pangalawa ko na lang nagagawa ang iba't ibang kombinasyon ng pagkain na sa tingin ko ay hindi ko gagawin kapag normal ang aking panlasa. "Sigurado ka ba na hindi burger ang gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Kyle nang tinawagan ko siya para lang magpabili ng manggang hinog at powdered chocolate drink. "Baka naman --" "How I wish na burger sana ang gusto kong kainin," pambabara ko sa kaniya. "Kung ayaw mong bilhin ang ipinabibili ko ay huwag mo nang bilhin. Ako na lang ang lalabas ng bahay para bumili," may himig pa ng pagtatampo a

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTEEN: NORMAL DAY

    Kahit na sabihin pang kasal na kaming dalawa ni Kyle ay hindi iyon nangangahulugan na diretso na iyon sa honeymoon namin. Iba ang plano namin at nagpakasal lang kami kaagad para maging legitimate ang status ng aming pangalawang anak kapag siya ay ipinanganak ko na. Wala rin namang nakakaalam na ikinasal na kami kaya minabuti na lang naming ituloy ang aming mga trabaho habang pinaghahandaan ang tunay naming kasal."Sigurado ka ba na hindi ka stressed ngayon?" tanong ni Heaven sa akin nang siya ay tumawag para ako ay kumustahin. "Biglaan ang pagpapakasal ninyo ah."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang sandaling iyon. Bukod sa mga nakasama namin sa civil wedding ay sina Roman at Heaven lang ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon. Wala nga lang sila sa kasal dahil sumunod lang din kami sa schedule na ibinigay ng judge sa amin."Natahimik ka na riyan," sabi sa akin ni Heaven. "Siguro ay stressed kang tunay ngayon dahil sa bilis ng mga pangyayari.""Well, I have to admit na nab

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED TWELVE: RUSHED WEDDING PLANNING

    Tulad ng inaasahan ni Kyle, masayang tinanggap ni Dad ang balita tungkol sa aking pagbubuntis. Iyon nga lang, kahit masaya siya ay hindi niya naiwasan na hindi mag-alala lalo na at hindi pa rin kami kasal nang ako ay mabuntis na naman ni Kyle sa pangalawang pagkakataon. "Ano na ang balak ninyong gawin ngayong buntis na ulit ang aking manugang?" tanong ni Dad kay Kyle. "Dad, engaged naman na kami ni Jean Antoinette," sagot ni Kyle. "Baka magpakasal na lang po kami kapag nakapanganak na siya." Isang iling ang ibinigay ni Dad sa aming dalawa, "That won't do. Dalawang beses nang nagbubuntis si Jean Antoinette at hindi pa rin kayo kasal." "But Dad, mas mainam kung -" "Mas mainam kung magpakasal na kayong dalawa bago manganak si Jean Antoinette para hindi na kayo mahirapan sa apelyido ng pangalawa ninyong anak," sabi ni Dad sa amin. "Look at Chiara's case, gamit niya ang apelyido ni Jean Antoinette at matatagalan pa bago niya magamit ang apelyido natin legally." Isang tango na

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED ELEVEN: CONFIRMED PREGNANCY

    Hindi maitago ni Kyle ang kaniyang tuwa nang nalaman niyang ako ay buntis sa aming pangalawa. Thankfully, sinabi sa amin ng doktor na hindi magiging maselan ang aking pagbubuntis dahil matibay ang kapit ng bata sa aking sinapupunan. Ibang-iba iyon sa una kong pagbubuntis kay Chiara. "Magrereseta pa rin ako ng vitamins na kailangan mong inumin para sa iyong pagbubuntis," sabi ng doktor sa akin. "Tandaan, kahit na okay ang pagbubuntis mo, kailangan mo pa ring umiwas sa stress. Hindi iyon makakatulong sa pagbubuntis mo." Isang tango ang aking pinakawalan. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Kyle ang aking kamay. "I assure you na iingatan ko ang aking asawa," sabi ni Kyle sa aming doktor. Napangiti ako. Hindi ko inakala na mabilis tatanggapin ni Kyle ang aking kalagayan ngayong buntis na ako sa pangalawa naming anak. "Alam mong wala ako noong ipinagbuntis mo si Chiara kaya ngayong buntis ka na ulit ay sisiguraduhin ko na hindi na ako mawawala pa sa iyong tabi," sabi ni Kyle sa

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED TEN: ANOTHER PREGNANCY?

    Mabilis na lumipas ang panahon nang hindi ko namamalayan. Naging busy kami pareho ni Kyle sa aming mga trabaho lalo na at mas naging hectic na iyon dahil kasabay noon ay ang pagsasaayos namin sa aming kasal. Iyon nga lang, hindi sa lahat ng oras ay kakayanin ng katawan namin ang pagod kaya mas maaga kaming nakakatulog sa gabi. "Nakausap ko na ang suppliers ng bulaklak," sabi sa akin ni Kyle. "Ipinahanap ko na ang mga paborito mong bulaklak." Akmang sasagutin ko na ang sinabi ni Kyle nang may naamoy akong kakaiba mula sa kaniya na hindi nagustuhan ng aking ilong. Bago pa man ako makapagtakip ng ilong ay naramdaman ko na ang pagbaligtad ng aking sikmura. "Ano ang nangyayari sa iyo?" tanong kaagad ni Kyle sa akin nang nakita niyang ako ay naduduwal sa lababo. Hinawi pa niya ang aking buhok upang masiguro na hindi iyon nakaharang sa aking mukha. Isang iling ang aking pinakawalan. Literal na hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin nang sandaling iyon. Ang alam ko lang ay gust

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status