Home / Romance / Becoming my Ex's Stepmother / 3- Tulungan mo akong makalimot

Share

3- Tulungan mo akong makalimot

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-10-26 12:48:38

Leah

Hindi ko alam kung paano ko nagawang makabalik sa opisina gayong pakiramdam ko ay wala na ako sa aking sarili. Kinakausap ako ng mga kasamahan ko para i-follow-up ang lahat ng kailangan para sa party at tanging tango lang ang tugon ko.

Nagsimula ang kasiyahan at nanatili na lang ako sa isang sulok. Wala naman akong papel doon na siyang pinagpasalamat ko dahil kung nagkataon, paano ako kikilos?

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa rooftop ng company building namin. Nakaupo sa lapag at nakasandal sa may kataasan din na harang. Nakapikit at pilit na inaalala ang mga panahong magkakaharap kami nila Mommy at James. Pilit kung binabalikan kung kailan nagsimulang magbago ang lahat ngunit wala.

Hindi ko akalain na ganon ako kamanhid para hindi man lang maramdaman na may milagro na pala silang ginagawa right under my nose.

Ang luha ko? Ayun at hindi pa rin tumitigil. Yumuko ako saglit para punasan ang mukha ko gamit ang aking palda.

Pagkatapos ay tumayo ako at sumungaw. Kita ko ang nagtataasang building at sa dilim ng kinaroroonan ko, I doubt kung may makapansin man sa akin mula sa iilang gusali na mas mataas pa dito.

Yumuko ako. Gabi na ngunit tila buhay na buhay pa rin sa ibaba.

Ilang palapag nga itong building na ‘to?

“I can’t imagine how you will look like kapag tumalon ka dyan.”

Napaigtad ako sa biglang nagsalita. Napakabaritono at ang sarap sa tengang boses kung hindi lang parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang pakiramdam ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaking nakapulang long sleeve polo at slacks na black.

“Sino naman ang may sabing tatalon ako?” tanong ko. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya dahil may ilang hakbang lang ang layo niya mula sa akin. Mahirap na at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya.

Then, I heard him chuckle. Medyo madilim at hindi ko masyadong kita ang mukha niya, pero ang paglitaw ng maputi at pantay pantay niyang ngipin ang nagsabi sa akin na nakangiti siya.

“Kanina lang ay mukha ka ng tatalon dyan tapos ngayon ay natatakot kang baka may gawin ako sayo?” sabi niya na may kasamang tawa. Hindi naman iyon tunog nanunuya, para pa ngang na-amuse siya.

Naglakad ang lalaki papunta sa kanang bahagi ko kung saan meron tila bench na gawa sa semento at naupo. Malayo-layo na siya ng konti sa akin pero hindi pa rin ako nagpakampante.

Nilapag niya ang isang bote ng wine na ngayon ko lang napansin na hawak pala niya at isang baso. May balak ba siyang tumambay dito mag-isa?

Sinundan ko ng tingin ang ginagawa niya at napansin kong tinutupi niya ang sleeve ng kanyang polo hanggang siko.

“Papanoorin mo na lang ba ako?” tanong niya sabay angat ng tingin. Ang malamlam na ilaw na nagmumula sa itaas na bahagi kung nasaan ang sa pagkakaalam ko ay ginagawang penthouse ay saktong tumapat sa kanyang mukha. Gwapo ito at lalaking-lalaki ngunit wala akong panahon na mag-appreciate ng kahit na anong may kinalaman sa lahi ni Adan.

Tinalikuran ko siya at muling tumanaw baba.

“Tell me,” sabi na naman niya. “Kanino ka pinagpalit, sa bestfriend mo o sa katrabaho niya?”

“Kung hindi ka makakatulong mas mabuti pa na manahimik ka na lang,” mahina kong sabi kaya hindi ko inaasahan na maririnig niya ‘yon.

“I’m not here to help. May sarili din akong problema kaya wala akong panahon para tumulong sa iba. Nagtatanong lang.”

Mabilis akong tumingin sa kanya at napaisip, niloko din ba siya ng babaeng mahal niya?

“Wag kang masyadong mag-isip, hindi ako brokenhearted na kagaya mo. Ang problema ko ay tungkol sa ibang bagay.” Habang sinasabi yon ay binuksan niya ang bote ng wine at nagsalin sa dala niyang baso.

“My mother.” Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ‘yon. Tapos lumakad ako palapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi at kinuha ang baso sa kanyang kamay at tsaka nilagok ang laman non.

Gumuhit ang init sa aking lalamunan, napapikit ako at iyon na naman, muling nagbanta ang luha sa aking mga mata.

“Gusto mong tawagan ko ang mother mo?” tanong niya.

Natawa ako.

Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan lang ba siya at gusto lang niyang sa bibig ko mismo manggaling ng buo.

Dahil naubos ko ang laman ng baso ay iniumang ko sa kanya iyon para lagyan niya ulit. Nasa kabilang side niya kasi ang wine at hindi ko maaabot kung hindi ko dudukwangin.

Hindi naman niya ako binigo at saglit lang, may iniinom na ulit ako.

Pero hindi kagaya noong una, dinahan-dahan ko na lang.

“Ang mother ko ang nang-agaw sa boyfriend ko.” There, I said it.

Tinignan ko siya at ang awa na inaasahan kong nasa kanyang mga mata ay hindi ko nakita. “I can’t say na naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon dahil hindi. Ngayon lang ako nakarinig ng sitwasyon na kagaya ng sayo,” sabi niya.

Saglit siyang tumigil pero hindi inalis ang tingin sa akin.

“But this I know. Kung sino man ang nanakit sayo ay hindi worthy para piliin mong saktan o pahirapan ang iyong sarili.”

“Kung ikaw, ano ang gagawin mo?” tanong ko.

“Honestly? I don’t know. Pero sure ako na hindi ako tatalon mula dito sa rooftop.”

“Hindi nga ako tatalon!” bulalas ko na kinatawa niya.

“Okay, sinabi mo eh.” Umiling pa siya pagkasabi non. Then, wala na ulit nagsalita pa sa amin.

“Ang sakit,” sabi ko matapos ang ilang minuto ng katahimikan. “Ang taong inaakala ko na nagmamahal sa akin ay siya pang magbibigay ng ganitong klase ng sakit sa puso ko. Pakiramdam ko ay sinaksak niya ako ng napakaraming beses. Yun tipong kahit wala na akong hininga ay hindi pa rin niya tinantanan.”

Hindi siya kumibo at nanatiling nakatingin lang sa akin.

“Just what is so good about sex? Bakit pakiramdam ko ay iyon ang dahilan kung bakit nagawa ng boyfriend ko na lokohin ako? Na ipagpalit ako sa sarili ko pang ina?” sabi ko pa.

“Damn, it felt good. I never had a night without it,” tugon niya. Nanlaki ang mga mata ko ngunit bigla siyang tumawa.

“Sinasabi ko lang kung ano ang pakiramdam. ‘Wag mo akong tingnan na para bang ako ang boyfriend mo na nanloko sayo.”

Then bigla akong napaisip kaya tinanong ko siya.

“Ikaw, paano mo kakalimutan ang ganitong klaseng sakit?”

“Sa lifestyle ko ngayon, malamang na umiinom na ako at nambabae.” Natigilan ako sa sagot niya sabay tingin sa basong hawak ko na may laman pang wine bago tumingin sa kanya.

“Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?” tanong niya.

“Nakakalimot ba talaga? Effective ba?” sunod-sunod kong tanong.

“For a moment. Pero kapag gising ka na, nandon na naman ang sakit, ang alaala.”

“Then help me forget even for a moment.” Hindi siya sumagot, diretso lang ang mga mata niyang nakatuon sa akin. “Tulungan mo akong makalimot, kahit na sa mga oras lang na ‘to."

MysterRyght

Makalimot nga kaya?

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Becoming my Ex's Stepmother   14- Ipapakilala sa magulang

    Leah Maaga akong nagising. Hindi ko alam sa sarili ko, pero kahit na ano yatang mangyari ay ganito na talaga ang body clock ko. Sanay na akong gumising ng maaga kahit noong bata pa ako, parang si Mommy. Napahinga ako ng malalim. I really look up to her. Lahat na lang ng bawat galaw ko, mga nakasanayan ay hindi pwedeng wala siyang kaugnayan. Besides being my Mom, she was also my bestfriend. Naligo ako at nagbihis. Hindi na ako nag-exert ng iba pang effort. Alangan naman magpaganda pa ako eh maghihiwalay na rin naman kami. Nagbiyahe na ako papunta sa public library na madalas namin puntahan noon. As much as possible, I want to do it quietly. Ayaw ko ng sumigaw, ayaw ko ng umiyak. Kaya siguro dito ko piniling makipagkita. Nang sa ganon ay mapigilan ko ang aking sarili sa kahit na anong bagay na ako din ang mapapahiya. Pagdating ko sa library ay naroon na siya. Halata ang pagkabahala, takot at pagkailang sa kanyang mukha. Nagtama ang aming paningin at ayaw ko man tanggapin ay masasabi

  • Becoming my Ex's Stepmother   13- Time to break up

    Leah Nakapag-check out na ako sa hotel at gusto kong himatayin sa binayaran ko. Medyo malaki din ang nabawas sa savings ko, mabuti na lamang at nakahanap ako agad ng malilipatan. Kung hindi ay ewan ko na lang talaga. Sa apartment unit ko nagsimula na akong maglinis. Pinagod ko ang aking sarili dahil ayaw kong mag-isip ng kahit na ano at kahit na sino sa mga taong kinaiinisan ko na naging dahilan na rin ng sama ng loob ko. Isa, dalawa, tatlong araw. I turned off my phone dahil sa sunod-sunod na tawag mula kay James at sa aking ina. I don’t know why they had to call me, hindi ba sila marunong makiramdam o talaga lang sobrang manhid na nila dahil sa kapal ng kanilang mukha? Dumagdag pa ang lalaking ‘yon. Ano pa ba ang gusto niya? Sex pa rin? Thursday, kakarating ko lang mula sa pamimili ng mga grocery. I need to stock food dahil hindi ako ang tipo ng tao na mahilig magpunta sa supermarket to buy supplies. Kaya nga kahit maliit ay bumili rin ako ng ref. Ang gusto ko ay may maluluto ako

  • Becoming my Ex's Stepmother   12- I want her in my bed

    Rafael“Damn!” sigaw ko sabay bato ng baso ng alak na hawak ko. Diretso na akong umuwi ng bahay pagkagaling ko sa hotel.I don’t know what got into me. Basta kaninang hapon ay hindi na ako mapakali matapos niyang ibaba ang tawag at bago yon ay narinig ko ang boses ng isang lalaki.Pakiramdam ko ay sinapian ako at kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko. Nagpunta ako agad sa hotel room niya only to find out na wala pala siya. I keep calling her pero kina-cancel lang niya hanggang sa i-off na niya ang phone.Alam kong sinadya niyang patayin ang telepono, hindi iyon namatay or nalowbat. And that pissed me off. Sobra.I stayed sa corridor ng floor kung nasaan ang silid na inookupa niya and waited for her. And when she arrives, damn. Pakiramdam ko ay mababaliw ako ng mapansin kong tila pagod na pagod siya.Ang lalaking narinig ko agad over the phone ang naisip kong dahilan non. So I acted like a total a$sh0le.And fuck! She’s right. Wala akong karapatan na pigilan siya kung kaninong lalaki n

  • Becoming my Ex's Stepmother   11- Walang tayo

    LeahAng halik niya ay mapagparusa. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, wala akong maisip na dahilan para magkaganito siya. Pinilit kong makakawala sa kanyang pagkakahawak ngunit hindi ko magawa.Halata ang galit sa bawat halik niya. Sa bawat pagsipsip sa aking mga labi hanggang sa paggalugad niya sa loob ng aking bibig ng tuluyang makapasok ang kanyang dila doon.Ngunit sa kabila non, may bahagi ng katawan ko ang nagugustuhan ang kanyang ginagawa. Hindi ko malaman kung saan iyon nanggaling o nagmula, basta bigla na lang, ang mga kamay na tumutulak sa kanya at hinihila na siya ngayon palapit pa.Ang mga labi ko ay tila may sariling mga isip na tumugon at nakipaglaban sa sipsipan. I never thought that I would be this wanton.Binuhat niya ako at dinala sa kama, bago siya tumayo, iniwan akong nakaupo at nagsimulang magtanggal ng kanyang mga damit habang ako naman ay pinanonood ang bawat kilos niya. “Are you not satisfied with my d!ck?” tanong niya ng tuluyan na niyang matanggal ang

  • Becoming my Ex's Stepmother   10- Mas magaling ba siya sa kama?

    LeahSex.It’s just sex.Tama naman siya, ‘di ba? Sex lang ‘yung nangyari sa amin. Walang label. Walang commitment. Walang kahit ano. Pero bakit parang may parte sa’kin na ayaw maniwala? Parang may kumikirot sa dibdib ko, isang boses na pilit humihingi ng higit pa kaysa sa laman.“Shit, Leah…” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kisame. “Ganito ka na ba kadesperada? Dahil lang sa konting atensyon, nagiging marupok ka na?”Napapikit ako, pinipigilan ang luha na kanina pa gustong tumulo. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Ni hindi ko alam kung saan siya nakatira o kung may asawa ba siya. Pero bakit siya ang laman ng isip ko ngayon?Saan siya pupunta? Sino ang tumawag sa kanya? Whatever it is, isa lang ang malinaw, it’s important. More important than me.At sa sinabi niyang “This is just sex,” parang tuluyang may pumutok na bula sa dibdib ko. Reality check. Wala kaming kahit anong dapat asahan sa isa’t isa.Pero paano ko babalewalain ‘yung mga sandaling kanina lang ay para bang ako

  • Becoming my Ex's Stepmother   9- A son

    Rafael Nasa meeting ako kasama ang accounting department nang maramdaman ko ang bahagyang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng pantalon ko. Usually, I ignore it lalo na kapag nasa gitna ako ng ganitong seryosong usapan. Pero sa pagkakataong iyon, may kung anong urge sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Parang sinasabi ng instinct ko na tingnan ko iyon. Napabuntong-hininga ako habang dinudukot ang phone. Nang makita kong unregistered number, napailing ako. “Spam na naman siguro,” bulong ko sa sarili. Pipindutin ko na sana ang decline, pero parang may humawak sa kamay ko, the kind of gut feeling na hindi mo pwedeng balewalain. Sinagot ko. “Hello,” sabi ko, medyo mababa ang tono, walang gana. Then I froze. “It’s me.” Hindi ko kailangang marinig ang pangalan niya. That voice, soft pero may punit ng pagod at luha. It struck something in me. Damn. It's her. Gusto kong murahin ang sarili ko. I promised myself na hanggang doon lang kami, na hindi na kami pwedeng magkita pa ulit. Ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status