MasukLeah
“Mom! James!” bulalas ko. Bakas sa tinig ang sakit at pagkabila dahil sa tagpong nasaksihan. Nakakapit si Mommy sa mababang cabinet na nakasandal sa dingding ng kanyang silid habang nakatalikod kay James na nakahawak sa balakang niya at inaangkin na akala mo ay normal lang iyon.
Mabilis na nag-unat ng likod si Mommy matapos hugutin ni James ang kanyang ari. Ngunit hindi sila lumayo sa isa’t-isa. Bagkus, mabilis kinuha ng aking boyfriend ang kumot na nasa ibabaw ng kama at tinakpan ang hubad na katawan ng aking ina.
Gusto kong matawa dahil sa ginawa niya. Normal na lang sa aming mag-ina na makita kaming walang damit. Pero heto si James, umaaktong akala mo ay kailangan niyang protektahan si Mommy mula mismo sa akin na sarili niyang anak.
“Leah, anak. I can explain…”
“Explain what? Kung paano nagsimula ang kababuyan niyo?” galit kong tanong habang nagsisimula ng manlabo ang aking paningin dulot ng mga luha na wala ng tigil ang pag-agos mula sa aking mga mata.
“Leah, Mommy mo ang kausap mo. Pwede kang magsalita ng hindi sumisigaw.” Agad akong nagbaling ng tingin kay James.
“Yes. Alam mo pa rin pala na Mommy ko ang kinakalantare mo! Saan ka kumuha ng apog para gawin yon? Ano? Libog na libog ka na dahil hindi kita pinagbibigyan? Hindi mo magawang mahintay na ipagkaloob ko ang sarili ko sayo?” galit kong sabi. Puno ng hinanakit at kung nakakamatay lang ang tingin, malamang, ay bumulagta na siya.
“Anak, hindi ganon..”
“At ano yon, Mi? Pinagtatanggol mo ang kalibugan niya? Bakit? Dahil tigang na tigang at kating-kati ka na rin at hindi mo na rin napigilan kaya kahit na alam mong boyfriend ko ay pinatos mo?”
Isang malakas na sampal ang binigay sa akin ng aking ina. Pumaling ang aking mukha sa lakas. Masakit dapat iyon, ngunit mas masakit ang tagpong nadatnan ko at ang katotohanan na ang taong nagdala sa akin sa mundong ito at nag-aruga sa akin ay siya pa lang magbibigay ng sakit na walang katulad.
“I- I- I’m so sorry, anak. Hindi ko sinasadya na–”
“Hindi mo sinasadya? Kagaya ng pagtuwad mo at hayaan kang galawin ng boyfriend ko? Hindi mo sinasadya na masarapan ka habang inaangkin ka niya? Ano yon, hindi mo rin ba sinasadya na nahubaran ka at bumuka ang mga hita mo?”
“Leah!” sigaw ni James na ngayon ay nakapantalon na. Ngunit hindi ko na nakaya pa. Yung baling ko sa kanya ay siya ring pagdapo ng palad ko sa kanyang pisngi.
“Wala kang karapatang sigawan ako!” sigaw ko rin pagkatapos.
“Anak, please…. Listen to me and let me explain...”
“Sige, makikinig ako. Kailan kayo nagsimulang lokohin ako?” Halos basag na ang boses ko na may kasama ng pagpiyok.
“Sa maniwala ka sa hindi, talagang hindi namin sinasadya ang lahat ng ito, Leah.” Tinignan ko si James. Kailanman ay hindi siya pumalya ng pagtawag sa akin ng “honey o hon”. Pero ngayon, pangalan ko na lang ang lumabas sa kanyang bibig. Biglang pumasok sa isip ko, sa tuwing dinadalaw niya ako dito sa bahay at nasa paligid lang ang aking ina ay wala din ang endearment niya.
“Kung ganon, kailan? Kailan nagsimula ang hindi sinasadya na sinasabi nyo?” tanong ko ngunit hindi siya nakasagot at bigla na lang napayuko.
There’s something in me na bigla, parang gusto ko na lang bumulagta. Sa reaksyon niya, kahit hindi niya sabihin ay naiisip ko ng matagal na rin ang kanilang relasyon. Matagal ng may nangyayari sa kanila habang buo ang tiwala at paniniwala ko na mahal nila ako.
“Anak, I’m really sorry. Hindi ko gustong saktan ka. Alam ng Diyos kung gaano ka kahalaga sa akin, kung gaano kita kamahal…” umiiyak na sabi ng aking ina. Agad na hinagod ni James ang likod niya at doon ko nakita kung gaano siya ka-worry para sa aking ina.
Bakit?
Bakit hindi ko ito nakita?
Bakit hindi ko napansin ang mga senyales na niloloko na pala ako ng mga taong mahal ko?
Ang sakit-sakit.
Tumingin ako sa aking ina na ngayon ay nakasubsob na sa dibdib ni James habang patuloy na umiiyak.
Mapakla akong ngumiti.
Noon, ang gusto ko sa lalaki ay yung may edad sa akin. Kagaya ng aking ama sa aking ina. Nakita ko kung paano alagaan ni Dad si Mommy.
Ngunit sa sigasig ni James, kahit na magkasing edad lang kami at hindi siya ang lalaking pinapangarap ko ay sinagot ko siya dahil sa kanyang sincerity.
Ngunit ano ito?
Ang aking ina ay may relasyon sa boyfriend ko!
Sa lalaking anak na niya dapat.
“Kung ganito ang pagpapahalaga at pagmamahal mo, ayaw ko na. Sarilinin mo na lang. I hate you” sabi ko na naging dahilan upang mas lalong umiyak ang aking ina.
Napailing ako. Lumaki akong nakikita si Dad na sinusuyo siya. Para sa akin ang cute niyang tingnan non.
Pero ngayon, ewan ko. Hindi ako makapaniwala na siya ang aking ina.
“Nagmamahalan kami ni Ella, Leah.”
Para akong sinaksak sa sinabi ni James. Paano niyang nagagawa na saktan pa ako ulit ng mga salita niya matapos ang nasaksihan ko? Natawa ako ng pagak. “Nagmamahalan kayo? Eh tayo, ano ang tawag mo sa atin?”
“I’m really sorry. Sasabihin ko sana sayo mamaya kaya lang–”
“Kaya lang, nahuli ko kayo?” putol ko sa anupaman na lalabas sa kanyang bibig. “At talagang binalak mong sabihin sa akin kung kailan ang first year anniversary ng pagiging magkasintahan natin? Anong akala mo sa damdamin ko? Anong akala mo sa akin, manhid?”
Pinunasan ko ang aking mukha dahil pakiramdam ko na basang-basa na iyon ng luha bago hinarap ang aking ina.
“At ikaw Mommy, kailan mo balak sabihin sa akin ang tungkol sa panloloko niyo sa akin? Teka lang, ina nga ba talaga kita?”
“Leah! Syempre, nanay mo ako!” bulalas niya na tila hindi makapaniwala. Ngunit siguro ay naisip niya kung ano ang kanyang ginawa kaya bigla na lang siyang napayuko tsaka nagsalita ulit. “Wag kang magalit sa akin, anak…”
“Wag akong magalit? Ano ang gusto mong maramdaman ko, matuwa dahil sa wakas niloko ako ng nanay at boyfriend ko? Ano akala mo sa akin, bato na walang pakiramdam?” Muling tumulo ang luha kong wala na yatang balak tumigil sa pagtulo.
“Hindi sa ganon, Leah, anak...”
“Wag mo akong tawaging anak. Dahil hindi magagawa ng isang ina ang ginawa mo sa akin.” Matigas at may diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
Lumuluhang lumapit sa akin si Mommy at akmang aabutin ako ngunit mabilis kong iniiwas ang aking kamay. Napahawak siya sa kanyang bibig at muling umiyak.
“It’s so ironic. Ikaw na ang nanakit pero mas mukha ka pang biktima kaysa sa akin.” Pagkasabi ko non ay tumalikod na ako.
“Leah, ‘wag kang umalis. Ako na lang ang aalis. Masama pa ang loob mo baka kung ano pa ang mangyari sayo–”
Tumigil ako sa paglakad.
“Wala ng mangyayari pa sa akin na makakasakit sa akin than what you and James did to me. Kaya ‘wag ka ng magpanggap.” Tuluyan na akong lumakad palabas at pumunta sa aking silid para kunin ang talagang sadya ko sa pag-uwi.
Abangan po kung ano ang susunod na mangyayari.. Please like, comment and gem votes po. Maraming salamat!
RafaelNaningkit ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan sa screen ng cellphone ko.Sa totoo lang, ayaw kong kausap ang babaeng ’to. Kahit kailan. Kung hindi lang siya ang ina ni James, matagal ko na siyang binlock—walang pagdadalawang-isip, walang konsensya. Pero dahil sa sitwasyon namin, napipilitan akong magpigil, kahit na bawat pag-ring ng pangalan niya ay parang may kumukurot sa sentido ko.“What’s wrong, may problema ba?” tanong ni Leah.Bakas sa mukha niya ang pag-aalala—’yong klase ng tingin na halatang ramdam niyang may mali, pero ayaw niyang ipilit kung hindi ko pa handang sabihin. Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti, kahit ramdam kong pilit lang ’yon at hindi umaabot sa mga mata ko.“Nothing to worry about,” sagot ko, mas kalmado ang tono kaysa sa nararamdaman ko.Alanganin siyang tumango, parang nagdadalawang-isip kung maniniwala ba siya o hindi. Malamang ay napansin niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ko kanina—kung paano ako nanigas nang makita ko ang pa
RafaelMaaga pa. Snack pa lang ang nakain namin, pero pakiramdam ko parang inabot na kami ng dis-oras ng gabi sa bigat ng mga pinag-usapan namin. May mga usapan talagang kayang pabagalin ang oras. Yung tipong kahit hindi pa hatinggabi, ramdam mo na ang pagod ng emosyon mo.Nakita kong ngumiti si Leah. Hindi pilit, hindi awkward kundi yung ngiting may pagka-kalmado, na para bang may naintindihan siyang mahalaga. At doon pa lang, kahit papaano, nakahinga na ako. Panatag akong naiintindihan niya ang kalagayan ko… kahit hindi madali.Nakakainis lang isipin na ako ang mas matanda, mas maraming pinagdaanan, pero siya pa ang kailangang umunawa sa akin. Anong klaseng lalaki ako para ipaubaya sa mas bata sa akin ang ganitong bigat ng sitwasyon?“Hey, okay ka lang?” tanong niya.Napapitlag ako, parang biglang hinatak pabalik sa reyalidad.“Yeah… of course. Bakit mo natanong?” pilit kong sagot, kahit alam kong halata ang pagkalunod ko sa isip.“Para kasing natahimik ka na dyan,” sabi niya, may ng
RafaelNatakot ako sa magiging reaksyon niya.Alam kong hindi madali sa kanya na tanggapin na isa na akong ama… at kasing edad pa niya ang anak ko. I also know na pwede siyang ma-intimidate o mag-overthink.Sa relasyon namin, at sa agwat ng edad namin, siguradong iniisip niya na baka hindi siya magustuhan ni James. Pero deep down, alam kong hindi niya kailangan mag-alala tungkol dun.Kung sakali man, si James ang unang makakaunawa sa akin dahil kasing edad ko na rin ang asawa niya. Mas mature siya, mas matalino sa edad niya, at eventually, makikita niya na kahit same age siya ng anak ko, hindi hadlang iyon sa pagmamahal o respeto niya sa akin.Pero hindi ko maalis kay Leah ang pagkabahala… kasi hindi pa niya alam ang buong picture.“So… you’re saying… may anak ka na na kasing edad ko?” tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. Halos nakaka-chill na yung seriousness sa mata niya, pero ramdam ko ang curiosity at kaunting takot.“Yes.” Tapat at diretso kong tugon, walang halong palus
LeahAng dibdib ko… ang lakas ng pagkabog niya. Parang gusto nang bumagsak sa sobrang takot at kaba. Natatakot na talaga ako sa nakikita kong hesitation sa mukha ni Rafael. Yung klase ng hesitation na hindi basta-basta kayang lokohin ng kahit anong paliwanag.“Is this about another woman?” tanong ko, halos pabulong. Alam kong natanong ko na ito bago pa kami umalis ng Pilipinas. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kailangan ko ulitin. Para siguradong hindi ko lang iniisip ang sarili ko.Iniisip ko na matatanggap at makakaya ko kahit ano… basta ‘wag lang ibang babae. Yung tipong may first love siya na hindi makalimutan, yung bigla na lang babalik sa buhay niya at baka magpagulo sa puso niya para sa akin.“Not exactly like that,” sagot niya, mahinang boses na may halong pangamba at bigat.Parang huminto ang mundo ko sa sandaling iyon. Bigla, pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga.Not exactly like that.Ibig sabihin… may babae pa rin na involved. Hindi ganon, pero… may something
LeahSaglit na katahimikan ang namagitan sa amin, pero sa pagkakataong ito, ramdam kong hindi lang ito simpleng paghinto ng usapan. Mabigat ang hangin. Parang may nakasabit na salita sa pagitan naming dalawa—isang salitang ayaw pang bumagsak.Nakatingin lang si Rafael sa mesa, hindi sa akin. Kita ko kung paano niya bahagyang kinuyom ang kamay niya, saka muling pinakawalan, paulit-ulit, na para bang may pinipigilan siyang emosyon. Huminga siya nang malalim, pero hindi iyon sapat na parang hindi pa rin siya makahinga nang maayos.“Are you okay?” tanong ko nang mapansin kong hindi pa rin siya nagsasalita.Napapikit siya sandali, matagal, bago tuluyang huminga nang malalim. Yung tipong halatang pinaghahandaan ang isang bagay na matagal nang kinikimkim. Nang magmulat siya ng mata, hindi niya agad ako tiningnan.“Medyo kinakabahan lang ako,” tugon niya. May bahagyang panginginig ang boses niya, halos hindi halata, pero dahil kilala ko siya, ramdam ko. “Natatakot din… na baka hindi mo matangg
Leah“Sira ka talaga, Rafael!” sabi ko nang tuluyan na akong makahuma, sabay tulak sa balikat niya. “Ang akala ko pa naman ay dahil talaga sa trabaho. Na naisip mo na malaki ang maitutulong ko sayo dito, na kailangan mo ako dahil may ambag ako sa ginagawa mo… yun pala ay—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumawa nang malakas, yung tipong halos mapaluhod siya sa sofa kakaiwas sa paghampas ko.“Sweetheart, relax,” sabi niya habang umiilag pa rin. “Malaki talaga ang maitutulong mo.”Napatingin ako sa kanya, nakaamba pa rin ang kamay ko, pero bago pa ako makasagot ay bumulalas na siya—walang preno.“Fucking you feels like I land a billion-dollar deal!”Napailing ako sa sobrang kaimposible ng lalaking ito. “Grabe ka,” sabi ko, sabay irap. Pero sa totoo lang, sa loob-loob ko, ramdam ko ang kiliti sa dibdib ko. Hindi ko maitatanggi—kinikilig ako.Masarap pala sa pakiramdam na marinig ang mga salitang ganon mula sa kanya. Hindi dahil bastos, kundi dahil ramdam ko ang int







