Share

5- Kasinungalingan

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-10-28 14:16:51

Leah

Alas kwatro na ng madaling araw, pero gising na gising pa rin ako. Para bang ayaw akong dalawin ng antok kahit ramdam ko na ang bigat ng bawat kalamnan ko.

Pumikit na ako ilang beses, nagbuntong-hininga, nagpalit ng posisyon sa kama pero wala. Kasi sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa isip ko ang bawat eksenang nangyari kanina lang. Ang bawat halik, bawat haplos, bawat ungol. Lahat, paulit-ulit.

Nakakatawa.

Pagkatapos ng ilang beses naming… p********k, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Pagod? Oo. Pero mas pagod ako sa bigat ng katotohanang pilit kong tinatakasan.

He was right.

Nakalimutan ko nga ang lahat habang kasama ko siya.

Pansamantala kong naiwala ang sakit, nakalimutan kong naabutan ko mismo ang boyfriend ko, na nakikipagtalik sa sarili kong ina.

Napapikit ako nang mariin. Ang sakit pa ring alalahanin. Parang lahat ng respeto ko sa kanila, sabay na binura sa isang iglap.

At mas nakakatawa pa… tama rin siya.

"It felt good,” sabi niya kagabi ng tanungin ko kung ano ba ang meron sa sex.

At totoo, iyon ang bumabalot ngayon sa isip ko.

I’m disgusted with myself. Pero sa ilalim ng galit at hiya, may kakaibang sensasyong hindi ko maintindihan.

Ngayon, dalawa na ang bumabagabag sa isip ko:

Ang panloloko ng nanay at boyfriend ko…

At ang nangyari sa pagitan namin ng lalaking iyon.

Sinubukan kong pumikit ulit, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi pwedeng ganito. Kailangan kong matulog. Kailangan kong magpahinga. Pagkagising ko, haharapin ko na ang lahat. Si Mommy, si James, at ang sarili kong kahihiyan.

Ngayon, nandito ako sa isang hotel.

Hindi ito mamahalin pero disente naman.

Pinili ko ‘yung medyo mura, ayokong gumastos ng sobra kahit na may sarili naman akong pera. Sarili ko lang ang sahod ko, at bukod pa doon, may allowance pa akong natatanggap galing kay Mommy mula sa hardware store namin.

Ironic, ‘no? Gamit ko pa rin ang perang galing sa kanya.

Ang perang galing sa babaeng nanakit sa akin at halos sumira ng buhay ko.

Hindi ko na namalayan ang oras. Basta nagising na lang ako sa malakas na tunog ng cellphone ko.

Naiirita kong kinapa iyon sa sahig, nahulog pala habang natulog ako.

Pagtingin ko sa screen ay pangalan ni Mommy ang nakita ko.

Parang may kumurot sa dibdib ko.

Kasabay niyon, bumalik lahat ng alaala.

Lahat ng sakit. Lahat ng kirot.

At bago ko pa mapigilan, naramdaman kong bumagsak ang luha ko. Masagana, na akala mo ay walang balak tumigil.

Tumigil ang tawag… pero ilang segundo lang, umulit ulit.

At nang pangatlong beses, sinagot ko na rin.

Huminga ako nang malalim bago ko pinindot ang “answer” button.

“Thank God!” sabi ni Mommy, halatang gulat at akala mo ay talagang  nag-alala.

Napakagat ako sa labi. Hypocrite.

“What is it?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili pero nanginginig pa rin ang boses ko. Halata ang pagpiyok kahit anong pigil ko.

“Hindi ka umuwi kagabi, anak. You’ve never done that before. I’m worried, anak.”

Gusto kong matawa.

Pagkatapos ng ginawa niya, may ganon pa siyang lakas ng loob?

“Worried?” mahinahon kong ulit, pero may halong poot sa tono ko. “Talaga, Mom? After everything, ngayon ka pa nakonsensya?”

Natahimik siya sa kabilang linya.

Ramdam ko ang bigat ng hinga niya, o baka guilt lang talaga.

“Please come home and let’s talk, anak. Hindi ko kaya na galit ka sa akin. Dalawa na lang tayong natitira—”

“Sana naisip mo ‘yan, Mom,” putol ko agad, nanginginig ang boses ko sa galit at sakit. “Sana naisip mo ‘yang ‘dalawa na lang tayo’ bago mo ako traydurin. Kayo ni James.”

Tahimik siya sa kabilang linya. Ramdam ko ‘yung bigat ng katahimikan na parang may gustong sabihin pero wala siyang lakas ng loob.

“Alam ko, anak,” mahina niyang sagot, halos pabulong. “Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko. Pero sana… sana pakinggan mo muna ako. Hindi ko ginusto ito, bigla na lang nangyari—”

Natawa ako, pero hindi ‘yung tawa ng pagiging masaya kung hindi mapait. ‘Yung puno ng panghihinayang.

“Bigla na lang nangyari?” ulit ko, halos pabulong pero may halong poot. “Hindi aksidente ang pagtataksil, Mom. Pinili mo ‘yon. Pinili mong saktan ako.”

“Leah, please,” humikbi siya. “Alam kong nasaktan kita, pero hindi ko sinadya. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero—”

“Pero ginawa mo pa rin,” putol ko ulit, at naramdaman kong unti-unti nang bumibigay ang boses ko. “Ginawa mo pa rin kahit alam mong ako ang masasaktan. Hindi ka man lang nagdalawang-isip, Mom. Sa lahat ng lalaki sa mundo, bakit siya pa?”

May sandaling katahimikan.

Sa kabilang linya, tanging pag-iyak lang niya ang naririnig ko. Malalim, basag, pero sa halip na maawa, lalo lang akong pinuno ng galit.

“Leah… anak,” pakiusap niya. “Hindi ko ginusto. I swear, it was a mistake. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero mahal kita. Anak kita. Please, come home. Let’s fix this.”

Napapikit ako, pilit na nilulunok ang namuong luha sa mga mata ko.

Fix this? Paano pa maayos ang isang bagay na wasak na? Gulagulanit na?

“Siguro nga alam mong mali,” mahina kong sabi. “Alam mong sinaktan mo ako. Alam mong niloko mo ako. Pero anong silbi kung alam mo lang?”

Huminga ako nang malalim, sabay patak ng luha ko sa kamay. “Anong saysay ng alam mo kung ginawa mo pa rin?”

Wala na akong hinintay na sagot.

Bago pa man siya makapagsalita, pinindot ko na ang “end call.”

Pagkababa ko ng telepono, para bang biglang tumahimik ang buong kwarto. Wala akong naririnig kundi ang tibok ng puso ko na mabigat, mabilis, galit.

She’s my mother.

At kahit anong galit ko, kahit anong sakit, parte pa rin ng puso kong gusto siyang yakapin at tanungin kung bakit.

Bumalik ako sa pagkakahiga. Parang bigla akong nanghina, para akong naupos na kandila matapos ang isang mahabang gabi ng pag-iyak.

Huminga ako nang malalim, pero bawat hinga ay may kasamang kirot.

Muling bumalik sa isip ko ang mga alaala naming mag-ina.

Noon, hindi ako halos mapahiwalay sa kanya. Daddy’s girl daw ako, pero sa totoo lang, siya ang mundo ko.

Walang araw na hindi ko siya kasama.

Kahit saan sila magpunta ni Dad mapa-mall, probinsya o bakasyon, kahit pa date nila ay lagi niyang sinisigurong may lugar ako sa tabi niya. Lagi akong hila-hila, lagi akong kasama.

At noong mawala si Dad, lalo kaming naging matatag. Mas naging close, mas naging magkaibigan.

Hindi siya umaalis ng bahay nang hindi ako kasama, maliban na lang kung may pasok ako sa school o may trabaho ako.

Ni minsan, hindi ko siya nakita na lumalabas para lang mag-enjoy mag-isa o makipag-inuman sa mga kaibigan. Kung sakali, sa bahay siya iinom ngunit upang makatulog lang.

Para sa akin, si Mommy ang epitome ng mabuting ina.

Naalala ko pa ‘yung mga gabing nilalagnat ako at nagkakasakit, hindi ko kailangan ng gamot noon, kasi sapat na ‘yung malamig na bimpo niya sa noo ko.

Gabi-gabi, gising siya, pinupunasan ako, hinihimas ang likod ko, pinapalitan ng damit, kinakantahan pa minsan ng paborito kong lullaby.

Kapag nagising ako sa dis-oras ng gabi, siya agad ang unang nakikita kong nakaupo sa tabi ng kama ko.

Ganun siya dati.

Mapag-aruga. Maalaga. Palangiti.

She was my safe place. My role model.

Pero ngayon... parang lahat ng iyon, tinapon niya lang.

Walang paunang salita. Walang paliwanag.

Parang isang papel na pinilas at isinaboy sa hangin.

Pinunasan ko ang luha ko pero agad ding napalitan ng panibago.

Ang sakit-sakit isipin na ang taong itinuring kong pinakamalapit sa akin, siya rin ang unang sumira sa akin.

“Why, Mom?” mahina kong bulong, halos wala nang boses. “Bakit mo ginawa ‘to sa atin?”

Tahimik ang buong kwarto, tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko.

Pero sa loob ko, parang may bagyong hindi tumitigil, isang sigaw na hindi ko mailabas, isang galit na ayaw humupa.

She threw everything away...

All those years of love, trust, and memories ay parang wala lang sa kanya.

Parang lahat ng sakripisyo, lahat ng yakap, lahat ng gabi ng pag-aalaga… naging kasinungalingan na lang.

MysterRyght

Ang sakit na yung dapat pa na masasandalan natin ang siyang magiging dahilan ng pagkasira natin.

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Becoming my Ex's Stepmother   14- Ipapakilala sa magulang

    Leah Maaga akong nagising. Hindi ko alam sa sarili ko, pero kahit na ano yatang mangyari ay ganito na talaga ang body clock ko. Sanay na akong gumising ng maaga kahit noong bata pa ako, parang si Mommy. Napahinga ako ng malalim. I really look up to her. Lahat na lang ng bawat galaw ko, mga nakasanayan ay hindi pwedeng wala siyang kaugnayan. Besides being my Mom, she was also my bestfriend. Naligo ako at nagbihis. Hindi na ako nag-exert ng iba pang effort. Alangan naman magpaganda pa ako eh maghihiwalay na rin naman kami. Nagbiyahe na ako papunta sa public library na madalas namin puntahan noon. As much as possible, I want to do it quietly. Ayaw ko ng sumigaw, ayaw ko ng umiyak. Kaya siguro dito ko piniling makipagkita. Nang sa ganon ay mapigilan ko ang aking sarili sa kahit na anong bagay na ako din ang mapapahiya. Pagdating ko sa library ay naroon na siya. Halata ang pagkabahala, takot at pagkailang sa kanyang mukha. Nagtama ang aming paningin at ayaw ko man tanggapin ay masasabi

  • Becoming my Ex's Stepmother   13- Time to break up

    Leah Nakapag-check out na ako sa hotel at gusto kong himatayin sa binayaran ko. Medyo malaki din ang nabawas sa savings ko, mabuti na lamang at nakahanap ako agad ng malilipatan. Kung hindi ay ewan ko na lang talaga. Sa apartment unit ko nagsimula na akong maglinis. Pinagod ko ang aking sarili dahil ayaw kong mag-isip ng kahit na ano at kahit na sino sa mga taong kinaiinisan ko na naging dahilan na rin ng sama ng loob ko. Isa, dalawa, tatlong araw. I turned off my phone dahil sa sunod-sunod na tawag mula kay James at sa aking ina. I don’t know why they had to call me, hindi ba sila marunong makiramdam o talaga lang sobrang manhid na nila dahil sa kapal ng kanilang mukha? Dumagdag pa ang lalaking ‘yon. Ano pa ba ang gusto niya? Sex pa rin? Thursday, kakarating ko lang mula sa pamimili ng mga grocery. I need to stock food dahil hindi ako ang tipo ng tao na mahilig magpunta sa supermarket to buy supplies. Kaya nga kahit maliit ay bumili rin ako ng ref. Ang gusto ko ay may maluluto ako

  • Becoming my Ex's Stepmother   12- I want her in my bed

    Rafael“Damn!” sigaw ko sabay bato ng baso ng alak na hawak ko. Diretso na akong umuwi ng bahay pagkagaling ko sa hotel.I don’t know what got into me. Basta kaninang hapon ay hindi na ako mapakali matapos niyang ibaba ang tawag at bago yon ay narinig ko ang boses ng isang lalaki.Pakiramdam ko ay sinapian ako at kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko. Nagpunta ako agad sa hotel room niya only to find out na wala pala siya. I keep calling her pero kina-cancel lang niya hanggang sa i-off na niya ang phone.Alam kong sinadya niyang patayin ang telepono, hindi iyon namatay or nalowbat. And that pissed me off. Sobra.I stayed sa corridor ng floor kung nasaan ang silid na inookupa niya and waited for her. And when she arrives, damn. Pakiramdam ko ay mababaliw ako ng mapansin kong tila pagod na pagod siya.Ang lalaking narinig ko agad over the phone ang naisip kong dahilan non. So I acted like a total a$sh0le.And fuck! She’s right. Wala akong karapatan na pigilan siya kung kaninong lalaki n

  • Becoming my Ex's Stepmother   11- Walang tayo

    LeahAng halik niya ay mapagparusa. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, wala akong maisip na dahilan para magkaganito siya. Pinilit kong makakawala sa kanyang pagkakahawak ngunit hindi ko magawa.Halata ang galit sa bawat halik niya. Sa bawat pagsipsip sa aking mga labi hanggang sa paggalugad niya sa loob ng aking bibig ng tuluyang makapasok ang kanyang dila doon.Ngunit sa kabila non, may bahagi ng katawan ko ang nagugustuhan ang kanyang ginagawa. Hindi ko malaman kung saan iyon nanggaling o nagmula, basta bigla na lang, ang mga kamay na tumutulak sa kanya at hinihila na siya ngayon palapit pa.Ang mga labi ko ay tila may sariling mga isip na tumugon at nakipaglaban sa sipsipan. I never thought that I would be this wanton.Binuhat niya ako at dinala sa kama, bago siya tumayo, iniwan akong nakaupo at nagsimulang magtanggal ng kanyang mga damit habang ako naman ay pinanonood ang bawat kilos niya. “Are you not satisfied with my d!ck?” tanong niya ng tuluyan na niyang matanggal ang

  • Becoming my Ex's Stepmother   10- Mas magaling ba siya sa kama?

    LeahSex.It’s just sex.Tama naman siya, ‘di ba? Sex lang ‘yung nangyari sa amin. Walang label. Walang commitment. Walang kahit ano. Pero bakit parang may parte sa’kin na ayaw maniwala? Parang may kumikirot sa dibdib ko, isang boses na pilit humihingi ng higit pa kaysa sa laman.“Shit, Leah…” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kisame. “Ganito ka na ba kadesperada? Dahil lang sa konting atensyon, nagiging marupok ka na?”Napapikit ako, pinipigilan ang luha na kanina pa gustong tumulo. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Ni hindi ko alam kung saan siya nakatira o kung may asawa ba siya. Pero bakit siya ang laman ng isip ko ngayon?Saan siya pupunta? Sino ang tumawag sa kanya? Whatever it is, isa lang ang malinaw, it’s important. More important than me.At sa sinabi niyang “This is just sex,” parang tuluyang may pumutok na bula sa dibdib ko. Reality check. Wala kaming kahit anong dapat asahan sa isa’t isa.Pero paano ko babalewalain ‘yung mga sandaling kanina lang ay para bang ako

  • Becoming my Ex's Stepmother   9- A son

    Rafael Nasa meeting ako kasama ang accounting department nang maramdaman ko ang bahagyang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng pantalon ko. Usually, I ignore it lalo na kapag nasa gitna ako ng ganitong seryosong usapan. Pero sa pagkakataong iyon, may kung anong urge sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Parang sinasabi ng instinct ko na tingnan ko iyon. Napabuntong-hininga ako habang dinudukot ang phone. Nang makita kong unregistered number, napailing ako. “Spam na naman siguro,” bulong ko sa sarili. Pipindutin ko na sana ang decline, pero parang may humawak sa kamay ko, the kind of gut feeling na hindi mo pwedeng balewalain. Sinagot ko. “Hello,” sabi ko, medyo mababa ang tono, walang gana. Then I froze. “It’s me.” Hindi ko kailangang marinig ang pangalan niya. That voice, soft pero may punit ng pagod at luha. It struck something in me. Damn. It's her. Gusto kong murahin ang sarili ko. I promised myself na hanggang doon lang kami, na hindi na kami pwedeng magkita pa ulit. Ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status