Masuk“KUYA, PLEASE. Hayaan niyo na muna kami ni Harrison. Alam kong masakit para sa kanya ang nangyaring kasal sa pagitan namin dahil may mahal siyang iba. Sa akin, walang problema, dahil mahal ko siya, kuya. Kaya hindi ako umatras nung pinakiusapan niya ako. Unfair lang talaga sa side niya ang nangyari, kaya naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit niya,” pagdepensa niya sa asawa.
Tanging mga kapatid niya lang ang nakakaalam sa bagay na iyon. Ang akala ng kanilang mga magulang ni Harrison ay maayos ang pagsasama nila, hindi kasi nila ipinapakita ang tunay na estado ng kanilang relasyon kapag nasa harapan sila ng mga magulang. Umaarte sila na para bang tunay na nagmamahalan.
“Sana balang araw ay matauhan ka rin at iwanan mo ‘yang gagong lalaking ‘yan! Hindi ko lang siya magalaw-galaw dahil sa’yo!” galit ding sabat ni Kristoff.
Naputol lang ang panenermon ng dalawang kapatid niya nang dumating sa sala ang kanilang mga magulang.
“Ano ba ang pinagtatalunan niyo, ha? Dinig na dinig namin ng daddy ninyo ang mga boses niyo sa kusina, hindi lang namin maintindihan!” ani ng ina nila.
“Ewan namin diyan, mommy. Sa bunso n’yo na lang po kayo magtanong. Alam naman niya ang sagot,” supladong tugon ni Kieran sa kanilang ina. Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at naglakad palayo.
Sumunod ding umalis si Kristoff.
“’Yang bunso n’yo, may utak naman, pero ewan ko kung bakit iba ang pinapairal,” sabi nito bago tuluyang lumayo.
Napatingin sa isa’t isa ang mag-asawa, kapwa nagtataka kung bakit tila parehong may galit sa kanya ang dalawa niyang kuya.
“Kaelin, anak,” mahinahong tawag ng ina sa kanya. “May hindi ba kayo pagkakaintindihan ng mga kuya mo? Tungkol saan ba iyon? Nagtataka lang kami dahil parang pinagkakaisahan ka nila, eh, alam naman naming mahal na mahal ka ng dalawa.”
Ngumiti si Kaelin para pagtakpan ang nararamdaman.
“Naku, huwag na po kayong mag-alala, Mom. Maliit na bagay lang po iyon. Mapag-uusapan din naman namin mamaya,” pagdadahilan niya.
“Kaelin, nasaan ang asawa mo? Napapansin ko yata, bawat dalaw mo rito sa mansyon, ni hindi mo man lang siya isinama ni isang beses sa loob ng tatlong taon ninyong pagsasama?” tanong naman ng kanyang ama.
Napakagat siya sa ibabang labi. Wala talagang katapusan ang pag-iisip niya ng mga dahilan para lamang mapagtakpan ang kanyang asawa sa tuwing may magtatanong tungkol dito sa kanyang pamilya.
“Alam niyo naman po kasi si Harrison, Dad. Masyado siyang workaholic. Kaya hindi ko na rin siya pinipilit. Ayoko rin kasi siyang maistorbo,” pagdadahilan niya.
“Ito talagang bunso natin, sobrang bait! Kaya kahit hindi sila magkarelasyon dati ni Harrison ay pinakasalan siya,” anito sa kanilang ama. “Kaya gustong-gusto talaga namin ng daddy mo ang batang iyon para sa’yo, anak.”
Napayuko siya sa tinuran ng ina. Kung alam lang ng mga ito kung ano ang sinasapit niya sa poder ni Harrison.
***
“ATE NICAAAAA!” masayang sigaw ni Hailey nang makitang kasama niya ang dalaga.
“Hi, Hailey! I missed you!” sambit ni Veronica sabay halik sa pisngi ng kanyang kapatid.
“Mabuti naman at naisipan mong sumama kay Kuya rito! Magpapatulong kasi akong maghanap ng dress para sa gaganaping party sa school namin!" excited na sambit nito.
“Oo ba, walang problema! Iyon lang pala. At saka, kaya nga ako sumama rito ay para sa’yo. Gusto kitang maka-bonding. Remember? Kapatid na rin ang turing ko sa’yo!” ani Veronica.
“But wait,” saad muli ni Veronica. “I have a gift for you! Galing pa ‘yan sa Paris!” masayang sambit nito habang iniaabot sa kapatid niya ang isang may kalakihang paper bag.
“Really? Is this really mine?!” namilog ang mga mata ni Hailey sa sobrang tuwa.
Pagkaabot ng paper bag ay agad nitong binuksan iyon.
“Is this a gown?!” namamanghang tanong nito. “Hindi ko na pala kailangang magpatulong sa’yo na humanap dahil puwede na ito! Ang gandaaa! Thank you, Ate Nica! You’re the best!”
Masayang-masaya siya sa tuwing nakikita niyang magkasundong-magkasundo ang dalawa.
Close rin siya sa kanyang kapatid, kaya ito lang ang nakakaalam sa kanilang pamilya sa tunay niyang nararamdaman.
“Mukhang masaya na kayo rito. Iiwan ko na muna kayo, ha? Hahanapin ko lang sina Mom and Dad,” paalam niya sa dalawa.
“Yaya, where’s Mom and Dad?” tanong niya sa nadaanang katulong.
“Nandoon po sila sa garden, Sir,” sagot nito.
Mabilis siyang lumabas at tinungo ang likod ng mansyon. Natagpuan nga niya roon ang kanilang ama at ina, na mukhang seryosong nag-uusap.
“Mom, Dad!” tawag-pansin niya sa dalawa.
“Harrison, anak! Nandiyan ka pala! Si Kaelin, kasama mo ba?” tanong ng kanilang ina.
“Hindi po, eh. Pero narito si Veronica. Siya ang kasama ko sa pagpunta rito,” sagot niya.
“Harrison, dapat ang asawa mo ang isinasama mo rito kapag umuuwi ka, hindi si Veronica. Si Kaelin ang asawa mo. Ano na lang ang sasabihin nina Carmela at Konrad kapag nalaman nilang ibang babae ang isinasama mo rito?” sita sa kanya ng ama.
Lihim siyang napatiim-bagang. Si Veronica na nga ang isinama niya, ang babaeng iyon pa rin ang hinahanap ng mga ito?
“Dad, nagkataon lang po na sumama si Veronica dahil may ibibigay siyang regalo kay Hailey,” kalmadong sagot niya. “Si Kaelin naman po, baka umuwi rin sa kanila.”
May sakit sa puso ang ama niya. That’s why kinailangan niyang sundin ang mga gusto nito, kahit labag sa kanyang kalooban.
Hindi maganda ang lagay ng puso nito, kaya pinag-iingat sila ng doctor. Hindi ito puwedeng magalit, malungkot, o mabigla.
Kaya naman siya ang sumasalo sa lahat ng pagdurusa, huwag lang itong mapahamak.
“Umuwi rin? Anong klaseng sagot iyan, Harrison?” mataas ang boses na tanong nito. “Asawa mo si Kaelin at nakatira kayo sa iisang bubong, pero mukhang hindi ka sigurado kung saan siya pumupunta!”
Agad itong dinaluhan ng kanilang ina upang pakalmahin. Pati siya ay nataranta.
“Huwag kang mag-alala, Dad. Sa susunod na pag-uwi ko rito, isasama ko na siya.”
“Aba’y dapat lang! At isa pa, bigyan n’yo na rin kami ng apo ng mommy mo! Tatlong taon na kayong mag-asawa, pero hanggang ngayon ay wala pa rin!” sambit pa nito.
“Hindi pa siguro kami pinagbibigyan ng pagkakataon, Dad, kaya wala pa. Darating din ang hinihingi ninyo, Dad. Hindi pa nga lang sa ngayon,” kalmado pa ring sagot niya kahit gustong-gusto na niya itong sagutin nang pabalang.
Siya? Magkakaanak kay Kaelin? No way! Iyon yata ang hinding-hindi niya kayang sundin sa lahat ng gustong iutos nito sa kanya.
Si Veronica lang ang magiging ina ng mga anak niya, wala nang iba pa.
LAKING GULAT ni Harrison nang pag-uwi niya ay nadatnan niya ang sariling pamilya sa loob ng kanyang bahay.Prenteng nakaupo ang tatlo sa isang mahabang sofa na nasa sala.“M-Mom? D-Dad? Hailey? A-anong g-ginagawa niyo rito?!” gulat at kandautal na tanong niya sa mga ito.“Hijo. Hindi na kasi kayo roon bumibisita ni Kaelin sa mansyon, kaya kami na lang ang nagpasyang puntahan kayo rito. Iniisip kasi namin na baka sobrang busy niyong dalawa kaya nahihirapan na kayong isingit sa schedule ninyo ang pagbisita sa amin, kaya para maiba naman, kami naman ang bumisita rito sa bahay ninyo,” paliwanag ng kanyang ina.“By the way, where’s Kaelin?” tanong ng kanyang ama. “Hindi kasi namin siya naabutan dito kanina,” dugtong pa nito.Halos malunok niya ang sariling dila dahil sa kawalan ng maisasagot. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Parang isang napakalaking pagsubok ang kinakaharap niya ngayon.Tiningnan muna niya ang kapatid bago siya nagpasyang sagutin ang tanong ng kanyang ama.“A-Ahm… I
ISANG BUWAN. Isang buwan na ang nakalipas simula nang iwan siya ni Kaelin.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa nitong iwanan siya sa kabila ng labis na pagmamahal nito sa kanya.Hindi niya maipaliwanag ang lungkot, sakit ng damdamin, at panghihinayang sa kanyang puso habang dumaraan pa ang mga araw.Hindi na rin siya nakakadalaw pa sa kaniyang pamilya simula nang umalis ito, dahil natatakot siyang malaman ng kanyang ina at ama na hindi na sila nagsasama pa.Puro na lang siya dahilan kapag tumatawag ang mga ito sa kanya. Parang bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na humarap sa mga ito na wala sa kanyang tabi ang asawa.At si Veronica.Galit na galit sa kanya ang babae dahil hindi na niya ito pinuntahan pa. Nagsabi pa ito sa kanya through text na tatapusin na lang nito ang isang kontrata at iiwan na nito ng tuluyan ang career para tuparin ang pangarap niyang magkaanak dito, kung iyon lang ang nata
KINABUKASAN ay muling bumalik si Harrison sa mansyon ng mga Castellon. Hindi alintana kung muli siyang saktan ng mga kapatid ni Kaelin dahil sa panggugulo niya rito.Sa katunayan, kayang-kaya naman niyang labanan ang dalawa nitong kapatid, pero dahil sa kagustuhan niyang bumalik sa kanya ang asawa at muling makuha ang tiwala at pagmamahal nito, ay hinahayaan na lang niyang masaktan siya ng mga ito para hindi siya mahirapang makalapit kay Kaelin.“Kaelin!” tawag niya sa pangalan ng asawa.Kinakalampag at kinakatok niya ng malakas ang malaking gate.“Sir, bawal na ho kayo rito. Ibinilin sa’kin nina sir Kieran at sir Kristoff na paalisin kayo kapag muli kayong bumalik dito,” ani ng guard na nakabantay roon.“No! I need to talk to my wife!” malakas niyang sambit.“Wala na ho si ma’am Kaelin dito, umalis na. Kahapon pa,” pahayag ng guard.“W-What?! U-umalis?! B-bakit daw?! At saan ba raw siya pumunta?!” natataranta niyang tanong.“Hindi na kita puwedeng sagutin sa mga tanong ninyong ‘yan,
MISTULANG naubos ang lahat ng lakas ni Harrison habang mabibigat ang mga hakbang na nilisan niya ang harapan ng mansyon ng pamilya Castellon.Namumula ang mga mata niya dahil sa pagluha, kasabay ng mabibigat na paghinga na tila pasan niyon ang kanyang labis na pagsisisi.Kahit anong pagsusumamo, pagmamakaawa, at pakiusap ang gawin niya, nanatiling matigas si Kaelin. Ni hindi man lang ito natinag kahit nakita pa siya nitong sinasaktan ng mga kapatid.Ganoon pala ang pakiramdam ng ipinagtatabuyan.Masakit, malungkot, at nakakawala ng pag-asang magpatuloy sa buhay. Ganoon pala palagi ang nararamdaman ni Kaelin noong magkasama pa sila.Pero kung gaano ito katagal na nagtiyaga sa ugali niya, ganoon din kahaba ang gagawin niyang pagsusumamo rito para pabalikin ito sa buhay niya.Kahit araw-araw pa siyang pumunta sa mansyon ng mga ito para lang magmakaawa rito ay gagawin niya.Pagdating niya ng bahay ay nalukot ang mukha ni Veronica nang makita ang hitsura niya.“What happen to you, Harrison
SIGURO kung katulad pa rin siya ng dati na nagkakandarapa na makuha ang atensyon nito, siguro ngayon ay titiklop kaagad siya rito.Hindi man niya alam ang dahilan ng biglaan nitong pagbabago, ay wala siyang pakialam. Nakakagulat man ang tila paghahabol nito sa kanya ngayon, pero sapat na ang mga naranasan niyang sakit sa piling nito para hindi siya matinag.Akmang papasok si Harrison sa nakabukas na gate ng mansyon nang biglang may nagsalita sa likuran niya.“Hanggang diyan ka na lang,” malamig na sabi ni Kieran kay Harrison.Kasunod ni Kieran si Kristoff, kapwa seryoso ang ekspresyon.“Hindi ako pumunta rito para makipag-away,” mahinahong sagot ni Harrison. “Gusto ko lang makausap ang asawa ko.”“Ngayon mo lang naisip ‘yan?” sarkastikong tanong ni Kristoff. “Noong nasa poder mo siya, ano ang ginawa mo sa kanya?! Binalewala mo siya at sinaktan!”“Alam kong nagkamali ako,” ani Harrison, bakas ang pagsisisi sa boses. “Pero…mahal ko si Kaelin. Handa akong ituwid lahat ng mga pagkakamali
LUMIPAS ang limang araw mula nang tuluyang lumipat si Veronica sa bahay ni Harrison. Sa simula, inakala niyang magiging maayos sa kanila ang lahat.Akala niya, sapat na ang presensiya ni Veronica para mawala ang kung anumang pangungulilang nararamdaman niya simula nang umalis si Kaelin.Akala niya, magiging masaya sila ni Veronica kapag nagsama na sila sa iisang bubong na wala ng hadlang, katulad nang parang isang tunay na mag-asawang nagmamahalan.Pero mali ang lahat ng kanyang inakala.Unti-unti niyang napagtanto na may mga bagay na hindi basta napapalitan.Madalas siyang umuuwi na nadadatnang magulo ang sala, walang pagkaing nakahain sa mesa, at ang bahay na tila nawalan ng sigla.Hindi na nga ito naglilinis, nagagawa pa nitong magkalat. Hindi ganito ang bahay noong si Kaelin pa ang kasama niya.Kapag tinatanong niya si Veronica, madalas ay nakatutok lang ito sa cellphone o kaya’y nagrereklamo na pagod din ito sa buong araw.“Hindi mo ba puwedeng asikasuhin man lang itong bahay?” m







