Share

Chapter 03

Author: Serene Hope
last update publish date: 2026-07-05 16:16:43

KASALUKUYANG nasa opisina ng Kensington Global Holdings si Harrison. Tahimik na nakaupo sa harap ng kanyang malawak na mesa, abala sa pagpipirma sa sandamakmak na dokumentong nakalatag sa kanyang harapan. Halatang seryoso at nakatuon ang kanyang atensyon sa trabaho.

Ngunit sa sandaling bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok si Veronica, agad na naglaho ang konsentrasyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang ibinaba ang hawak na ballpen at tumingala. Kusang lumambot ang kanyang mga mata nang masilayan ang babaeng mahal niya.

“Babe!” masiglang tawag ni Veronica habang mabilis na lumalapit sa kanya. Pagdating sa kanyang tabi, yumuko ito at marahang hinalikan siya sa labi.

Napangiti siya bago marahang hinaplos ang pisngi nito.

“Hindi ba sinabi ko sa’yo na huwag ka nang pumunta rito? Susunduin naman sana kita mamaya,” malumanay niyang saad, puno ng pag-aalala ang boses. “Paano kung napagod ka sa byahe?”

Mahinang natawa ang dalaga at saka umiling.

“Ano ka ba? Ayos lang ako,” sagot nito habang nakatitig sa mga mata niya. “Hindi naman ako napagod dahil may driver naman ako.”

“Kahit na,” mariing saad niya habang pinipisil ang kamay nito. “Ayoko pa ring bumibiyahe ka nang mag-isa. Gusto kong ako mismo ang susundo sa’yo. Okay?”

Ganoon niya kamahal at pinahahalagahan si Veronica. Ito ang babaeng una niyang minahal, at naniniwala siyang ito na rin ang huli. Limang taon na rin silang magkarelasyon nito.

Isa si Veronica sa mga kilalang fashion model sa ibang bansa. Dahil sa busy nitong career, bihira lamang itong umuwi ng Pilipinas. Kaya sa tuwing nagkakaroon sila ng pagkakataong magkasama, sinisiguro niyang masusulit nila ang bawat sandaling magkasama sila.

Sa tuwing may international business trip naman siya, hindi puwedeng hindi sila magkita kung nasaang bansa siya. Gaano man siya ka-busy, pinaglalaanan talaga niya ng oras para magkita at magkasama sila ng dalaga.

Sa katunayan, matagal na nilang pinaplano ang bumuo ng sariling pamilya. Ngunit naglaho ang lahat ng iyon nang mapilitan siyang pakasalan si Kaelin.

Muling sumagi sa isip niya ang mukha ng babaeng iyon.

Sa isang iglap, naglaho ang lambing sa kanyang mga mata. Umigting ang kanyang panga at nanigas ang kanyang anyo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na dahil sa kasalang iyon, naantala ang pangarap nila ni Veronica.

Napansin naman ng babae ang bigla niyang pananahimik kaya agad itong nagtanong.

“Hey, babe? What’s wrong?” kunot-noong tanong nito.

“Naalala ko na naman kasi ang babaeng sumira sa mga plano natin,” matigas niyang sagot.

“Babe…” malumanay na sambit ni Veronica habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi. “Hindi ba sinabi ko sa’yo? Handa akong maghintay. Kaya huwag ka nang mag-alala tungkol sa kasal ninyo ng babaeng iyon. Kahit ako man ay nagagalit, pero ano ba ang magagawa natin? Gusto siya ng mga magulang mo para sa’yo.”

Bahagya itong ngumiti bago muling nagsalita.

“Kaya nga gumagawa na rin ako ng paraan kung paano ako magugustuhan nina Tito at Tita, at kung paano nila kamumuhian si Kaelin. At saka, may kakampi naman ako. Remember Hailey? Ayaw rin naman ng kapatid mo sa desperadang babaeng iyon.”

“Ako na ang bahalang gumawa ng paraan kung paano mapapawalang-bisa ang kasal namin. Huwag ka na lang makialam,” saad niya. “Ayokong madungisan ang mga kamay mo dahil lang sa babaeng iyon. At lalong ayokong madamay ka kapag nagkagulo na ang lahat. Gusto kong manatili kang inosente at walang alam sa problema namin.”

“Okay, babe. Ikaw ang masusunod. Pero siguraduhin mo lang na tayong dalawa talaga sa huli,” mapanuksong saad nito.

“Sana ay huwag kang magsawang maghintay sa’kin, babe. Kaya natin ‘to,” aniya sa babae.

“Mahal kita, Harrison. Mahal na mahal kita. Kaya maghihintay ako, gaano man katagal,” seryosong sagot nito.

Malaki ang pasasalamat niya rito dahil handa itong maghintay at gawin ang lahat, basta sila lang ang magkatuluyan sa huli.

Kaya niya nagustuhan si Veronica dahil ito ang babaeng nakikita niyang magiging asawa niya balang araw. Lahat ng katangiang mayroon ito ay siyang hinahanap niya sa isang babae.

Hindi katulad ni Kaelin, puro sariling interes at kasiyahan lang ang iniisip nito. Wala itong sariling desisyon at palaging nakadepende pa rin sa mga magulang sa bawat kibot.

Naturingang matalino sa negosyo, pero tanga naman pagdating sa pagdedesisyon sa personal na buhay.

***

HATINGGABI NA, pero katulad ng dati, naghihintay pa rin si Kaelin sa harapan ng lamesa habang nakatitig sa mga malalamig na pagkaing pinaghirapan niyang ihanda.

Kahit paulit-ulit, kahit nakakapagod, hindi siya tumitigil sa pag-asang baka sa paraang iyon ay tuluyan siyang mapansin ni Harrison.

Alam niyang kasama na naman nito si Veronica, kaya hindi niya mapigilang mapaiyak dahil nasasaktan na naman siya.

Alas una na ng madaling araw, kaya wala siyang nagawa kundi iligpit ang mga pagkaing inihanda niya para rito.

Lulugo-lugo siya habang kumikilos dahil sa pagod, puyat, sakit, at pag-asang mamahalin din siya n Harrison balang araw.

Kinabukasan, dahil Linggo at alam niyang maghapong hindi na naman uuwi si Harrison, naisipan niyang dumalaw sa kaniyang pamilya.

Nag-iwan na lang siya ng note para alam ni Harrison kung nasaan siya, sakaling umuwi ito nang biglaan.

“O, bunso. Linggo ngayon, ah? Bakit ka nandito? Hindi ba dapat ay magkasama kayo ng asawa mo ngayon at nagbo-bonding?” tanong ni Kieran, ang panganay niyang kapatid.

“Bakit ba kasi hindi mo pa aminin na hindi maganda ang pagsasama ninyo, ha, bunso? Halatang-halata naman na hindi ka pinapahalagahan ng lalaking iyon!” sabat naman ni Kristoff, ang pangalawa niyang kapatid.

Alam niyang hindi lingid sa kaalaman ng dalawa niyang kuya ang nangyayari sa pagitan nila ni Harrison.

“Mga kuya, hayaan niyo na—”

“Ano? Hayaan na lang namin dahil mahal mo siya? Ganoon ba iyon?” ani Kieran.

“Ang mali kasi sa’yo, inuuna mo pa ang Harrison na iyon kaysa sa sarili mong buhay. Hindi ka ba nagtataka? Kahit alam niyang mahal na mahal mo ang trabaho mo, pinag-resign ka niya para parusahan ka! Sa nakikita namin, ikaw lang ang nagmamahal sa inyo. Habang siya, nagpapakasaya pa rin sa piling ng dati niyang girlfriend!” diretsong saad ni Kristoff.

Nanatiling tikom ang kanyang bibig sa kabila ng masasakit na salitang binitiwan ng kanyang mga kapatid laban kay Harrison.

“Kapag talaga may nangyaring masama sa’yo dahil sa kagaguhan ng lalaking ‘yan, gugulpihin ko talaga siya! Tingnan lang natin kung mamahalin pa siya ng kinababaliwan niyang babae kapag sinira ko ang pagmumukha niya!” galit na sambit ng kuya Kieran niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 51

    “A-ATE KAELIN, okay lang ba talaga sa ‘yo na rito muna ako katulad nang sinabi ni dad kanina?” nag-aalangang tanong sa kanya ni Hailey habang naghuhugas siya ng mga plato.Umuwi na sina Henry at Cora ilang oras lang matapos ang kanilang umagahan, kaya nasimulan na niya ang paghuhugas ng mga pinagkainan.“Hindi naman sa ‘kin itong bahay na ito, sa kuya mo. Kaya kung may dapat kang tanungin, siya iyon, hindi ako,” sagot niya nang hindi man lang ito tinitingnan.“Pero mag-asawa kayo, kaya sa ‘yo na rin itong bahay—”“Sa papel lang kami mag-asawa, hindi sa personal,” pambabara niya rito.Hindi agad ito nakahuma.Ano kaya ang pakiramdam nito ngayong ibinabato niya rito ang mga sinasabi nito sa kanya noon?“A-Ate…g-gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo—”“Matagal na kitang napatawad, kayo ng kapatid mo. Pero ang sakit na idinulot ng mga ginawa at sinabi ninyo sa ‘kin noon ay nananatili pa rin sa puso’t isip ko.”“K-Kung ganoon, bakit tinanggap mo ulit si kuya?” garalgal ang boses na tanong nit

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 50

    EKSAKTONG alas otso nga nang dumating ang pamilya ni Harrison.Pagkaligo niya kanina ay agad siyang nagbihis dahil gusto niyang hintayin sa labas ng bahay ang pagdating ng mga ito.Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay dahil ilang minuto lang siyang naroroon sa labas nang huminto sa harapan niya ang sinasakyan ng mga ito.“Good morning, anak!” nakangiting bati sa kanya ni Cora pagkababang-pagkababa nito ng sasakyan.Hinalikan siya nito sa pisngi, samantalang nakipagbeso naman siya kay Henry.“Magandang umaga, hija…” bati sa kanya ni Henry.Huling lumabas ng sasakyan si Hailey.Pero napakunot siya ng noo dahil sa one-week na magiging bakasyon nito roon ay bakit yata tila napakarami naman nitong dalang gamit?Tatlong malalaking maleta lang naman ang dala nito na inilalabas ng driver mula sa compartment ng sasakyan.“H-Hi, a-ate K-Kaelin…” kandautal nitong bati sa kanya, ni hindi makatingin ng diretso.Simpleng pagtango lang ang naging sagot niya rito.“Naku, tamang-tama ang dating ni

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 49

    DAHIL SA GINAWA ni Harrison ay nakaramdam siya ng sobrang hiya, kaya naman walang paalam na iniwan niya ito sa loob ng guest room.Bahala na itong maghakot ng kanyang mga gamit mag-isa.Nagluto na lang siya ng almusal para sa kanila at sa paparating na pamilya nito.Habang nagluluto ay sumasagi pa rin sa isip niya ang ginawa ni Harrison sa kanya kani-kanina lang.Hindi niya maikakaila na nagustuhan niya ang ginawa nito sa kanya.Ang matigas nitong kamay na humaplos sa kanyang pisngi, at ang malaki nitong braso na yumapos sa kanyang baywang.At ang pinakatumatak sa kanyang isipan ay ang ginawa nitong paghalik sa kanyang leeg.Bulta-bultaheng kuryente ang nilikha niyon sa katawan niya.Ganoon pala ang pakiramdam kapag hinahalikan at hinahawakan ng taong mahal naman talaga niya sa umpisa pa lang.Pinaghalong kaba, kilig at excitement ang nararamdaman niya ng mga sandaling magkalapit ang kanilang mga katawan.Lalo pang nagwala ang kanyang puso nang maamoy niya ang mabango nitong hininga.

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 48

    NGISING ASO si Harrison habang nakasunod sa badtrip na asawa.Sa wakas, natupad na rin ang pangarap niyang makasama ito sa iisang silid.Salamat sa matalino at madiskarte niyang kapatid, dahil kung hindi dahil sa tulong nito ay hindi ito ngayon mangyayari.“Bilisan mo na riyan dahil marami tayong hahakutin! Baka ma-late ka pa sa trabaho, kasalanan ko pa!” mataray na sambit ng kanyang asawa.“Hindi ako ngayon papasok. Dito lang ako ngayong araw.”“Okay. Bahala ka sa buhay mo. Choice mo ‘yan, eh.”Naninibago talaga siya sa ugali nito.Dahil kilala niya itong mahinhin, mabait, mapagpasensiya, at nananahimik lang sa isang tabi kahit na ano pang masasakit na salita ang sabihin niya rito.Sa halip na makipagsagutan ito sa kanya rati sa tuwing inaaway niya ito, ay idinaraan na lang nito sa pag-iyak.Nung gabing makita niya ito sa birthday party, ni wala man lang siyang nakita kahit katiting na reaksyon sa maganda nitong mukha.Nakatingin lang ito sa kanya ng walang ekspresyon, na kung dati n

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 47

    NAALIMPUNGATAN si Kaelin sa walang tigil na pagtunog ng kanyang cellphone.Kaya naman kinakapa-kapa niya ito sa ibabaw ng bedside table dahil hindi pa niya kayang imulat ang mga mata.“Hello?” paos niyang sagot sa kung sinumang pangahas na tumatawag sa kabilang linya.“Hija, Kaelin. Ang daddy Henry mo ito!”“Hi, daddy Henry. Napatawag po kayo?” malamyang sagot niya, pagkatapos ay humikab pa siya habang nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata.“Anak, pupunta kami riyan ng mommy Cora mo at si Hailey. Bibisitahin namin kayo ni Harrison ngayong umaga.”Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa sinabi nito.Naimulat niyang bigla ang mga mata.Ang pagkaantok na kanina’y bumabalot sa kanyang katawan ay bigla na lang na tumakas.Hindi sila puwedeng abutan nito na magkahiwalay ang tinutulugan nilang kwarto ni Harrison, dahil panigurado, ay mag-iisip na naman ito ng hindi maganda.Naikuyom tuloy niya ang kanyang kamao.Kailangan pala nilang magpanggap ngayong umaga ni Harrison.

  • Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret   Chapter 46

    HINDI MAPAKALI si Harrison sa kanyang silid.Halos hindi siya dapuan ng antok dahil sa isiping naroroon lang sa guest room ang kanyang asawa.Kahit ano na ang ginawa niya para lang makaramdam ng antok. Tumalon-talon, tumakbo ng paroo’t parito, at naka-one hundred na siyang push-ups, pero wala pa rin.Nanatiling gising na gising ang kanyang diwa.Bakit ba kasi ayaw ni Kaelin na makasama siya sa iisang kwarto?Dahil doon ay bigla siyang napaisip.Kailangan niyang gumawa ng paraan para makumbinsi niya itong sa kwarto niya manuluyan.Alas nueve y media pa lang naman ng gabi. Siguro’y puwede pa niyang tawagan si Lucas para hingian ng payo.“Yes?” sagot ni Lucas sa kabilang linya matapos niyang i-dial ang numero nito.“Hindi ka pa naman matutulog, right?”“Hindi pa naman, why?”“May gusto sana akong itanong sa ‘yo…”“About what?”“Ayaw kasi ni Kaelin na tumuloy rito sa kwarto ko.”Alam na rin naman nito na bumalik na si Kaelin at magkasama na ulit sila sa bahay.“And???”“Now, here’s my qu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status