MasukSa loob ng tatlong taon, buong pusong minahal ni Kaelin Daisy Castellon Kensington ang kanyang asawang si Harrison Vincent Kensington. Tinanggap niya ang malamig nitong pagtrato, at ang katotohanang hindi nito kayang suklian ang kanyang pagmamahal. Habang patuloy siyang nagsasakripisyo para sa kanilang pagsasama, unti-unti namang napapagod ang kanyang puso. Para kay Harrison, si Kaelin ay isa lamang asawa sa papel, isang babaeng laging naroon at hindi aalis kailanman. Ngunit nagkamali siya. Isang araw ay bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Saka lamang napagtanto ni Harrison ang halaga ng babaeng matagal niyang binalewala. Ang tahanang dati'y puno ng pag-aaruga ay naging tahimik. Ang babaeng akala niyang habambuhay na maghihintay ay marunong din palang sumuko. Habang unti-unting bumabangon si Kaelin at binubuo ang buhay na wala si Harrison, nagsisimula namang gumuho ang mundo ng lalaking minsang ipinagkait sa kanya ang pagmamahal. Handang gawin ni Harrison ang lahat upang maibalik ang kanyang asawa. Ngunit ang Kaelin na kanyang muling makikilala ay hindi na ang dating babaeng handang magsakripisyo para sa kanya. Sa pagkakataong ito, si Harrison naman ang hahabol. Siya naman ang magmamakaawa. At siya rin ang susubok na palambutin muli ang pusong siya mismo ang nagpatigas. Ngunit sapat ba ang pagsisisi upang maibalik ang isang pag-ibig na matagal nang napagod? O huli na ang lahat para sa lalaking ngayon lang natutong magmahal? Kapag ang sobrang umibig ay paulit-ulit na nasaktan at napagod, maaari pa ba itong magbigay ng pangalawang pagkakataon? O may mga pusong kapag tuluyang bumitaw, ay hindi na kailanman muling babalik?
Lihat lebih banyakALAS-SINGKO pa lang ng umaga ay gising na si Kaelin. Tahimik siyang bumangon mula sa kama sa kanyang sariling silid.
Hindi niya kailangang mag-ingat sa kanyang mga kilos na baka magising ang asawa niya, dahil hindi naman sila magkasama sa iisang kwarto.
Tatlong taon na silang kasal, ngunit ni minsan ay hindi siya natulog sa tabi ni Harrison. Ang silid na dapat sana’y para sa kanilang mag-asawa ay matagal nang inangkin nito, samantalang siya ay pinalipat nito sa guest room noong unang gabi pa lang ng kanilang kasal.
Naaalala pa rin ni Kaelin ang mga salitang binitiwan nito noon.
“Huwag mong kalilimutan ang kasunduang ito. Kasal lang tayo sa papel, pero hanggang doon lang iyon. Huwag kang umasa ng mas higit pa.”
Masakit, ngunit tinanggap niya, dahil mahal niya si Harrison. At umaasa siya na balang araw ay matutunaw din ang malamig nitong puso.
Matapos maghilamos ay agad siyang bumaba sa kusina.
Gaya ng araw-araw, siya mismo ang naghahanda ng almusal. Alam niya ang lahat ng gusto ni Harrison. Kung gaano katagal dapat ipiniprito ang bacon, kung gaano dapat kainit ang kape, at kung ano’ng brand ng tinapay na gusto nito. Kabisado niya ang lahat. Samantalang ni hindi yata alam ng lalaki kung ano ang paborito niyang pagkain.
Nang matapos siyang magluto ay tinungo na niya ang silid nito. Marahan siyang kumatok.
“Harrison,” tawag niya sa pangalan nito.
Ngunit wala siyang narinig na sagot mula rito, kaya muli siyang kumatok.
“Harrison, nakahanda na ang breakfast.”
Ilang minuto pa ang lumipas bago nito binuksan ang pinto. Agad na sumalubong sa kanya ang malamig na mukha ng asawa.
“May kailangan ka?” malamig pero sarkastiko ang tono.
Hindi niya napigilan ang masaktan. Para siyang katulong na nagsasabi rito na tapos na ang gawain niya, pero hindi naman nito napapansin ang pinaghirapan niya. Pero kahit na nasasaktan siya sa ipinapakita nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti kahit pilit.
“Nakahanda na ang breakfast,” pag-uulit niya sa sinabi.
Tiningnan lang siya nito ng malamig, wala nang iba. Ni hindi man lang siya nito binati ng good morning, o kahit ang gantihan man lang siya ng ngiti, ni walang bakas kahit kaunting lambing.
Sabagay, sanay na naman siya. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi na siya nasasaktan.
Tahimik siyang bumalik sa dining room. At dahil gutom na siya ay nauna na siyang kumain. Kung kailan nakatayo na siya para iligpit ang sariling pinagkainan ay saka pa lamang bumaba ang lalaki.
Sabagay, ano pa ba ang bago? Palagi naman itong ganoon, sinasadiya talaga nito na bumaba kung kailan tapos na siyang kumain para hindi siya nito makaharap.
Hindi niya maiwasang hindi tapunan kahit saglit na sulyap ang asawa. Nakaayos na ito para sa trabaho, at napakagwapo nito sa suot nito. Pero napakalamig naman ng awra. Ni hindi man lang siya iniimikan, o kahit magpasalamat man lang sa paghahanda niya sa almusal nito.
Pakiramdam niya ay para silang dalawang estrangherong nagkataong nakatira sa iisang bahay, para silang hindi mag-asawa.
Humila ito ng isang upuan at umupo, pagkatapos ay nagsimulang kumain. Hindi pa man ito nakakadalawang kagat sa sandwich nang biglang tumunog ang cellphone nito mula sa bulsa ng suot nitong itim na slacks.
Agad na nagbago ang kaninang malamig nitong awra, dahil ngayon ay nakangiti na ito habang nakadungaw sa cellphone. Isang ngiting kahit kailan ay hindi niya natanggap mula rito.
Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang nagpadala ng mensahe rito.
Si Veronica, ang babaeng mahal nito noon, at marahil hanggang ngayon.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa sponge na kasalukuyang ikinukuskos niya sa pinggang pinagkainan. Minsan ay naitanong niya sa sarili kung bakit ba patuloy siyang nagtitiis, at kung bakit araw-araw pa rin niyang pinagsisilbihan ang lalaking malinaw naman na hindi siya mahal.
Ngunit sa tuwing nakikita niya si Harrison, nawawala ang lahat ng lakas niya para sumuko. Kahit paulit-ulit siyang nasasaktan, kahit paulit-ulit siyang binabalewala, umaasa pa rin siya. Umaasang balang araw ay titingnan siya nito bilang asawa, at hindi bilang isang babae na inilagay lang ang pangalan sa kanilang marriage certificate dahil kailangan.
Nataranta siya nang bigla na lang itong tumayo mula sa pagkakaupo, na para bang wala na itong balak ubusin ang almusal na pinaghirapan niyang ihanda.
Natatakot siyang maulit na naman ang mga nagdaang umaga. Kung hindi man nito tuluyang binabalewala ang inihanda niya, titikim lang ito ng kaunti, na para bang napipilitan lang.
“H-Hindi mo man lang ba tatapusin ang pagkain mo?” mahina at maingat niyang tanong. “Bakit parang nagmamadali kang umalis? May emergency meeting ka na naman ba?” dugtong pa niya, kahit alam naman niya ang totoong dahilan ng pagmamadali nito.
Palagi na lang nitong idinadahilan ang emergency meeting sa tuwing makikipagkita ito kay Veronica.
Lumingon ito sa kanya, nag-aalab ang galit sa mga mata.
“Bakit? Ano ba ang pakialam mo?” malamig ngunit mariing sagot nito. “Hindi ba sinabi ko nang wala tayong pakialamanan? Kaya huwag kang umasta na parang asawa ko! Sa papel lang kita asawa, hindi sa totoong buhay!”
Bawat salitang binitiwan nito ay tila matalim na punyal na sunod-sunod na tumarak sa kanyang dibdib.
Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Ilang beses na niyang narinig ang mga salitang iyon mula rito, pero hindi pa rin siya nasasanay, ganoon pa rin kasakit.
“Gusto ko lang naman kasing malaman kung ano ang mga ganap mo sa labas, sa trabaho. Nag-aalala lang naman ako sa’yo—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla itong sumabat.
“Puwes, hindi ko kailangan ang pag-aalala kung sa’yo lang naman manggagaling! Hindi ka nga nag-alala sa relasyong sinira mo na mayroon ako kay Veronica, ‘di ba? Kasi kung totoo ‘yang pag-aalala mo sa’kin, hindi ka na dapat pumayag sa kasal na gusto ng mga magulang natin! Pero ano? Pumayag ka para sirain ang buhay ko!” bulyaw nito sa kanya.
Napapikit na lang siya ng mariin. Kailan kaya magiging bukas ang isip nito na kaya tinanggap niya ang kasal ay dahil mahal niya ito, hindi para sirain ang buhay nito.
“Harrison, hindi ganoon iyon. Nagkakamali ka ng iniisip—”
“I don’t need your fucking nonsense opinion!” bulyaw nito at saka mabilis na tumalikod. Sinipa pa nito ang isang upuan, kaya naman napaigtad siya nang lumikha iyon ng malakas na ingay at matumba.
Napadausdos na lang siya sa kinatatayuan habang umiiyak, pagkatapos ay biglang bumalik sa kanyang alaala kung paano siya nito pinakiusapang umatras sa kanilang kasal.
KINABUKASAN ay muling bumalik si Harrison sa mansyon ng mga Castellon. Hindi alintana kung muli siyang saktan ng mga kapatid ni Kaelin dahil sa panggugulo niya rito.Sa katunayan, kayang-kaya naman niyang labanan ang dalawa nitong kapatid, pero dahil sa kagustuhan niyang bumalik sa kanya ang asawa at muling makuha ang tiwala at pagmamahal nito, ay hinahayaan na lang niyang masaktan siya ng mga ito para hindi siya mahirapang makalapit kay Kaelin.“Kaelin!” tawag niya sa pangalan ng asawa.Kinakalampag at kinakatok niya ng malakas ang malaking gate.“Sir, bawal na ho kayo rito. Ibinilin sa’kin nina sir Kieran at sir Kristoff na paalisin kayo kapag muli kayong bumalik dito,” ani ng guard na nakabantay roon.“No! I need to talk to my wife!” malakas niyang sambit.“Wala na ho si ma’am Kaelin dito, umalis na. Kahapon pa,” pahayag ng guard.“W-What?! U-umalis?! B-bakit daw?! At saan ba raw siya pumunta?!” natataranta niyang tanong.“Hindi na kita puwedeng sagutin sa mga tanong ninyong ‘yan,
MISTULANG naubos ang lahat ng lakas ni Harrison habang mabibigat ang mga hakbang na nilisan niya ang harapan ng mansyon ng pamilya Castellon.Namumula ang mga mata niya dahil sa pagluha, kasabay ng mabibigat na paghinga na tila pasan niyon ang kanyang labis na pagsisisi.Kahit anong pagsusumamo, pagmamakaawa, at pakiusap ang gawin niya, nanatiling matigas si Kaelin. Ni hindi man lang ito natinag kahit nakita pa siya nitong sinasaktan ng mga kapatid.Ganoon pala ang pakiramdam ng ipinagtatabuyan.Masakit, malungkot, at nakakawala ng pag-asang magpatuloy sa buhay. Ganoon pala palagi ang nararamdaman ni Kaelin noong magkasama pa sila.Pero kung gaano ito katagal na nagtiyaga sa ugali niya, ganoon din kahaba ang gagawin niyang pagsusumamo rito para pabalikin ito sa buhay niya.Kahit araw-araw pa siyang pumunta sa mansyon ng mga ito para lang magmakaawa rito ay gagawin niya.Pagdating niya ng bahay ay nalukot ang mukha ni Veronica nang makita ang hitsura niya.“What happen to you, Harrison
SIGURO kung katulad pa rin siya ng dati na nagkakandarapa na makuha ang atensyon nito, siguro ngayon ay titiklop kaagad siya rito.Hindi man niya alam ang dahilan ng biglaan nitong pagbabago, ay wala siyang pakialam. Nakakagulat man ang tila paghahabol nito sa kanya ngayon, pero sapat na ang mga naranasan niyang sakit sa piling nito para hindi siya matinag.Akmang papasok si Harrison sa nakabukas na gate ng mansyon nang biglang may nagsalita sa likuran niya.“Hanggang diyan ka na lang,” malamig na sabi ni Kieran kay Harrison.Kasunod ni Kieran si Kristoff, kapwa seryoso ang ekspresyon.“Hindi ako pumunta rito para makipag-away,” mahinahong sagot ni Harrison. “Gusto ko lang makausap ang asawa ko.”“Ngayon mo lang naisip ‘yan?” sarkastikong tanong ni Kristoff. “Noong nasa poder mo siya, ano ang ginawa mo sa kanya?! Binalewala mo siya at sinaktan!”“Alam kong nagkamali ako,” ani Harrison, bakas ang pagsisisi sa boses. “Pero…mahal ko si Kaelin. Handa akong ituwid lahat ng mga pagkakamali
LUMIPAS ang limang araw mula nang tuluyang lumipat si Veronica sa bahay ni Harrison. Sa simula, inakala niyang magiging maayos sa kanila ang lahat.Akala niya, sapat na ang presensiya ni Veronica para mawala ang kung anumang pangungulilang nararamdaman niya simula nang umalis si Kaelin.Akala niya, magiging masaya sila ni Veronica kapag nagsama na sila sa iisang bubong na wala ng hadlang, katulad nang parang isang tunay na mag-asawang nagmamahalan.Pero mali ang lahat ng kanyang inakala.Unti-unti niyang napagtanto na may mga bagay na hindi basta napapalitan.Madalas siyang umuuwi na nadadatnang magulo ang sala, walang pagkaing nakahain sa mesa, at ang bahay na tila nawalan ng sigla.Hindi na nga ito naglilinis, nagagawa pa nitong magkalat. Hindi ganito ang bahay noong si Kaelin pa ang kasama niya.Kapag tinatanong niya si Veronica, madalas ay nakatutok lang ito sa cellphone o kaya’y nagrereklamo na pagod din ito sa buong araw.“Hindi mo ba puwedeng asikasuhin man lang itong bahay?” m


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan