“HINDI KO na tatanungin kung ano ang pinag-awayan ninyo ng asawa mo, dahil as usual, alam ko naman na…” saad ng best friend niyang si Jamila.Naroroon na siya sa condo nito. Kasalukuyan silang nasa mini kitchen, nagluluto ito para sa kanilang pananghalian, habang siya ay nakaupo lang at nakamasid sa ginagawa nito.“Pero may iba sa nangyari ngayon, hindi siya katulad nang dati,” sagot niya.Saglit siya nitong nilingon ng nakakunot ang noo.“Bakit? Ano ang ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong nito, pagkatapos ay muling ibinalik ang atensiyon sa pagluluto.“Isinama niya kasi sa bahay kagabi si Veronica. Sobrang sakit ng puso ko sa ginawa niyang iyon, best. At kaninang umaga, nag-away kami at nagkasakitan ng babaeng iyon. Kaya hayun, galit na naman sa’kin si Harrison. Si Veronica naman ang nagsimula ng away, at siya rin ang unang nanakit. Hindi man lang ako pinakinggan ni Harrison noong sinubukan kong magpaliwanag,” malungkot niyang kuwento.“Hay naku, hindi ka na talaga natuto, Daisy,”
Last Updated : 2026-07-11 Read more