LOGINKINAGABIHAN, inakala ni Kaelin na aabutin na naman siya ng madaling-araw sa paghihintay kay Harrison at sa pagbabantay sa mga pagkaing inihanda niya para rito.
Ngunit napangiti siya nang marinig niya mula sa labas ang pamilyar na tunog ng sasakyang kararating lamang. Alas-siyete pa lang ng gabi, kaya naman nagtaka siya kung bakit maaga itong umuwi ngayon.
Mukhang makapagsasabay silang maghapunan, dahil hindi pa rin siya kumakain at mainit-init pa ang mga pagkaing inihanda niya.
Pero ang saya na naramdaman niya ay pandalian lang pala, dahil pagpasok nito ay kasama si Veronica. Nakayapos pa sa baywang ng babae ang braso ni Harrison. Naglalambingan pa ang dalawa habang nagtatawanan papasok ng bahay.
Hindi niya alam kung paano magre-react sa nakikita. Kung magagalit ba siya, iiyak, o kokomprontahin ang dalawa.
Pero sa huli, mas pinili pa rin niyang maging kalmado. Siya rin naman ang talo kapag nagpakita siya ng galit.
“M-May pagkain dito, Harrison…” agaw-pansin niya sa binata.
Tiningnan lang siya ng asawa nang walang emosyon. Samantalang si Veronica ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa, na para bang iniinsulto at hinuhusgahan siya.
“My God, babe! I’m so tired na! Gusto ko nang mag-shower at magpahinga, at alam mo na rin kung ano ang susunod…” kagat-labing sambit nito kay Harrison, pero sa kanya ito nakatingin.
Hindi na siya muling tiningnan ng asawa. Sa halip, inakay na nito si Veronica paakyat sa kwarto nito.
Siya naman ay naiwang nanginginig dahil sa halo-halong nararamdaman.
Dahil sa sama ng loob, selos, at galit, hindi na niya nagawa pang kumain o iligpit ang mga inihanda niya para sa hapunan.
Umakyat siya sa kanyang silid. Nadaanan pa niya ang kuwarto ng asawa, kung saan naririnig pa niya ang malanding boses ng babae.
Agad siyang dumapa sa kama pagdating sa kanyang kuwarto. Humulagpos ang kanina pa niya tinitimping pag-iyak. Idiniin niya ang isang unan sa kanyang mukha upang hindi lumabas ang kanyang mga hikbi.
Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, ngayon lang dinala ni Harrison sa bahay nila ang babae nito.
Dito na ba magtatapos ang matagal na niyang pagsasakripisyo para patunayan sa lalaki na karapat-dapat siya rito?
Susuko na ba siya? Pero paano niya mapapatunayan sa sarili na mahal niya ang asawa kung susukuan na niya ito?
“Pero paano naman siya? Araw-araw siyang nasasaktan, binabalewala, at tinatapakan. Hanggang kailan ba niya kayang magtiis?
Dahil sa sobrang pagod at sa walang tigil na pag-iyak, tuluyan na siyang nilamon ng antok at nakatulog.
***
HUMIHILIK na sa kanyang tabi si Veronica habang mahigpit na nakayakap sa kanyang katawan.
Ngunit siya’y nananatiling gising, binabagabag ng isang damdaming matagal na niyang inakalang wala na siyang pakialam.
Paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isip ang anyo ni Kaelin kanina nang makita sila ni Veronica na magkasama.
Hindi niya malimutan ang lungkot at matinding pagod na mababanaag sa mga mata nito. Parang sa isang iglap, nasilayan niya ang sakit na pilit nitong ikinukubli habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Veronica, na para bang sila ang tunay na mag-asawa.
Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa babae? Ang tanging naaalala niya lang sa tuwing nakikita niya ito ay ang ginawa nitong pananakit sa kanyang damdamin nang pumayag ito sa kasal.
Tandang-tanda pa niya ang kasal nilang iyon.
Sa isang engrandeng simbahan na pinalamutian ng mga puting rosas at kumikislap na kristal mula sa chandelier, idinaos ang kasal nila ni Kaelin. Ang bawat upuan ay puno ng mga bisitang nakasuot ng pormal na kasuotan, ngunit ang hangin sa loob ay tila may bigat sa kanyang pakiramdam.
Nakatayo siya sa harapan ng altar, nakasuot ng itim na tuxedo na lalo lamang nagpatindi sa kanyang malamig na presensiya. Gayunmapan, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang hindi mapansin ng mga bisita ang nag-aalab na galit sa kanyang dibdib.
Kaya niyang magpaskil ng isang maganda, ngunit pekeng ngiti sa kabila ng dumaraing na inis sa loob niya.
Sa tabi niya ay si Kaelin, nakasuot ng puting gown. Ngunit hindi niya mabasa kung ano ang tunay na laman ng damadamin nito sa sandaling iyon, maliban sa isang tipid na ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Sa bawat sandaling nagkakasalubong ang kanilang mga mata, ramdam niya ang bigat na hindi niya maintindihan, o ayaw lang niyang intindihin.
Nang magsalita ang pari, halos niya iyon pinakinggan. Para sa kanya, isa lamang iyong seremonya at isang obligasyon na kailangang tapusin.
“You may now kiss the bride.”
Doon lamang tila bumalik sa tamang huwisyo ang kanyang isip. Halos hindi dumampi ang kanyang mga labi sa mga labi ng dalaga nang halikan niya ito.
Matapos ang kanilang kasal, sa bahay niya sila dumiretso, kung saan sila nagsasama ngayon.
“Ang guest room ang magiging permanente mong kuwarto. Huwag kang mag-assume na dahil mag-asawa na tayo, ay magtatabi na tayo sa pagtulog,” malamig niyang saad sa dalaga.
Wala namang imik na sumunod si Kaelin. Tahimik lamang nitong kinuha ang maliit na maleta at nagtungo sa itinuro niyang silid.
Ang bahay na iyon ay ipinagawa niya para sa kinabukasan nila ni Veronica. Bawat sulok niyon ay bunga ng mga pangarap na sabay nilang binuo noon. Ngunit sa huli, ibang babae ang dinala niya roon bilang asawa.
Dahil hindi siya makatulog, marahan niyang inalis ang braso ni Veronica na nakapulupot sa kanyang katawan bago dahan-dahang bumangon.
Napabuntung-hininga siya habang nagsusuot ng damit. Wala siyang maisip na gawin kaya hinayaan niyang dalhin siya ng kanyang mga paa pababa ng hagdan hanggang sa kusina.
Nangunot ang kanyang noo nang mapansing puno pa ng mga pagkain ang mesa.
Ngayon lang yata natulog si Kaelin nang hindi nagliligpit, naisip niya.
Isa-isa niyang binuksan ang mga takip ng mga nakahandang pagkain. Agad na sumingaw ang mabangong aroma ng mga ito, dahilan upang bigla siyang makaramdam ng matinding gutom.
Kumuha siya ng plato at kutsara, saka tahimik na naupo at nagsimulang kumain.
Bagama’t malamig na ang mga putahe, nananatili pa rin ang likas na sarap ng bawat pagkain. Hindi niya maikakaila na mahusay talagang magluto si Kaelin sa kabila ng pagiging career woman nito.
Habang ninanamnam niya ang sarap ng mga pagkain, biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Muntik pa siyang mabilaukan sa pagkagulat.
“I-Ikaw pala, Harrison.”
Boses ni Kaelin iyon, ngunit wala ang kinasanayan niyang lambing sa tono nito. Sa halip, pagod at antok ang naroon.
“Dapat ginising mo ako para nainit ko pa ‘yang mga pagkain. Kumain ka tuloy ng malamig,” dugtong pa nito sa matamlay na tinig.
Hindi niya maiwasang manibago.
Dati, kahit gaano pa ito kapagod, hindi nawawala ang ningning sa mga mata nito sa tuwing kakausapin siya nito, kahit pa hindi maganda ang pakikitungo niya rito.
Pero ngayon, tila ba unti-unti nang nawawala ang kulay ng mga iyon.
Tinutubuan na ba siya ng konsensiya, o ngayon lang niya nakitang nasasaktan si Kaelin?
Hindi naman siguro masama kung pakikitaan niya ito kahit kaunting kabutihan.
Panahon na ba para baguhin niya ang pagtrato rito?
“A-ATE KAELIN, okay lang ba talaga sa ‘yo na rito muna ako katulad nang sinabi ni dad kanina?” nag-aalangang tanong sa kanya ni Hailey habang naghuhugas siya ng mga plato.Umuwi na sina Henry at Cora ilang oras lang matapos ang kanilang umagahan, kaya nasimulan na niya ang paghuhugas ng mga pinagkainan.“Hindi naman sa ‘kin itong bahay na ito, sa kuya mo. Kaya kung may dapat kang tanungin, siya iyon, hindi ako,” sagot niya nang hindi man lang ito tinitingnan.“Pero mag-asawa kayo, kaya sa ‘yo na rin itong bahay—”“Sa papel lang kami mag-asawa, hindi sa personal,” pambabara niya rito.Hindi agad ito nakahuma.Ano kaya ang pakiramdam nito ngayong ibinabato niya rito ang mga sinasabi nito sa kanya noon?“A-Ate…g-gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo—”“Matagal na kitang napatawad, kayo ng kapatid mo. Pero ang sakit na idinulot ng mga ginawa at sinabi ninyo sa ‘kin noon ay nananatili pa rin sa puso’t isip ko.”“K-Kung ganoon, bakit tinanggap mo ulit si kuya?” garalgal ang boses na tanong nit
EKSAKTONG alas otso nga nang dumating ang pamilya ni Harrison.Pagkaligo niya kanina ay agad siyang nagbihis dahil gusto niyang hintayin sa labas ng bahay ang pagdating ng mga ito.Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay dahil ilang minuto lang siyang naroroon sa labas nang huminto sa harapan niya ang sinasakyan ng mga ito.“Good morning, anak!” nakangiting bati sa kanya ni Cora pagkababang-pagkababa nito ng sasakyan.Hinalikan siya nito sa pisngi, samantalang nakipagbeso naman siya kay Henry.“Magandang umaga, hija…” bati sa kanya ni Henry.Huling lumabas ng sasakyan si Hailey.Pero napakunot siya ng noo dahil sa one-week na magiging bakasyon nito roon ay bakit yata tila napakarami naman nitong dalang gamit?Tatlong malalaking maleta lang naman ang dala nito na inilalabas ng driver mula sa compartment ng sasakyan.“H-Hi, a-ate K-Kaelin…” kandautal nitong bati sa kanya, ni hindi makatingin ng diretso.Simpleng pagtango lang ang naging sagot niya rito.“Naku, tamang-tama ang dating ni
DAHIL SA GINAWA ni Harrison ay nakaramdam siya ng sobrang hiya, kaya naman walang paalam na iniwan niya ito sa loob ng guest room.Bahala na itong maghakot ng kanyang mga gamit mag-isa.Nagluto na lang siya ng almusal para sa kanila at sa paparating na pamilya nito.Habang nagluluto ay sumasagi pa rin sa isip niya ang ginawa ni Harrison sa kanya kani-kanina lang.Hindi niya maikakaila na nagustuhan niya ang ginawa nito sa kanya.Ang matigas nitong kamay na humaplos sa kanyang pisngi, at ang malaki nitong braso na yumapos sa kanyang baywang.At ang pinakatumatak sa kanyang isipan ay ang ginawa nitong paghalik sa kanyang leeg.Bulta-bultaheng kuryente ang nilikha niyon sa katawan niya.Ganoon pala ang pakiramdam kapag hinahalikan at hinahawakan ng taong mahal naman talaga niya sa umpisa pa lang.Pinaghalong kaba, kilig at excitement ang nararamdaman niya ng mga sandaling magkalapit ang kanilang mga katawan.Lalo pang nagwala ang kanyang puso nang maamoy niya ang mabango nitong hininga.
NGISING ASO si Harrison habang nakasunod sa badtrip na asawa.Sa wakas, natupad na rin ang pangarap niyang makasama ito sa iisang silid.Salamat sa matalino at madiskarte niyang kapatid, dahil kung hindi dahil sa tulong nito ay hindi ito ngayon mangyayari.“Bilisan mo na riyan dahil marami tayong hahakutin! Baka ma-late ka pa sa trabaho, kasalanan ko pa!” mataray na sambit ng kanyang asawa.“Hindi ako ngayon papasok. Dito lang ako ngayong araw.”“Okay. Bahala ka sa buhay mo. Choice mo ‘yan, eh.”Naninibago talaga siya sa ugali nito.Dahil kilala niya itong mahinhin, mabait, mapagpasensiya, at nananahimik lang sa isang tabi kahit na ano pang masasakit na salita ang sabihin niya rito.Sa halip na makipagsagutan ito sa kanya rati sa tuwing inaaway niya ito, ay idinaraan na lang nito sa pag-iyak.Nung gabing makita niya ito sa birthday party, ni wala man lang siyang nakita kahit katiting na reaksyon sa maganda nitong mukha.Nakatingin lang ito sa kanya ng walang ekspresyon, na kung dati n
NAALIMPUNGATAN si Kaelin sa walang tigil na pagtunog ng kanyang cellphone.Kaya naman kinakapa-kapa niya ito sa ibabaw ng bedside table dahil hindi pa niya kayang imulat ang mga mata.“Hello?” paos niyang sagot sa kung sinumang pangahas na tumatawag sa kabilang linya.“Hija, Kaelin. Ang daddy Henry mo ito!”“Hi, daddy Henry. Napatawag po kayo?” malamyang sagot niya, pagkatapos ay humikab pa siya habang nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata.“Anak, pupunta kami riyan ng mommy Cora mo at si Hailey. Bibisitahin namin kayo ni Harrison ngayong umaga.”Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa sinabi nito.Naimulat niyang bigla ang mga mata.Ang pagkaantok na kanina’y bumabalot sa kanyang katawan ay bigla na lang na tumakas.Hindi sila puwedeng abutan nito na magkahiwalay ang tinutulugan nilang kwarto ni Harrison, dahil panigurado, ay mag-iisip na naman ito ng hindi maganda.Naikuyom tuloy niya ang kanyang kamao.Kailangan pala nilang magpanggap ngayong umaga ni Harrison.
HINDI MAPAKALI si Harrison sa kanyang silid.Halos hindi siya dapuan ng antok dahil sa isiping naroroon lang sa guest room ang kanyang asawa.Kahit ano na ang ginawa niya para lang makaramdam ng antok. Tumalon-talon, tumakbo ng paroo’t parito, at naka-one hundred na siyang push-ups, pero wala pa rin.Nanatiling gising na gising ang kanyang diwa.Bakit ba kasi ayaw ni Kaelin na makasama siya sa iisang kwarto?Dahil doon ay bigla siyang napaisip.Kailangan niyang gumawa ng paraan para makumbinsi niya itong sa kwarto niya manuluyan.Alas nueve y media pa lang naman ng gabi. Siguro’y puwede pa niyang tawagan si Lucas para hingian ng payo.“Yes?” sagot ni Lucas sa kabilang linya matapos niyang i-dial ang numero nito.“Hindi ka pa naman matutulog, right?”“Hindi pa naman, why?”“May gusto sana akong itanong sa ‘yo…”“About what?”“Ayaw kasi ni Kaelin na tumuloy rito sa kwarto ko.”Alam na rin naman nito na bumalik na si Kaelin at magkasama na ulit sila sa bahay.“And???”“Now, here’s my qu







