Share

BFL_5

Makalipas ang dalawang araw ay tinawagan ako ni She. Ininform ako ng kaibigan ko na may bakante nang raket sa restobar. Magiging sunud-sunod daw ang event sa restobar fully-booked na ang isang linggo. Aba sino ako para humindi at ba’t di ko papatulan ang trabaho na 'yun e, halos 2k ang isang gabi kong kikitain doon.

‘Yun nga lang all around utusan ako doon pero okay na okay naman kasi nga pag good ang trabaho, ay may pa bonus at pa take out pa kaya tipid hindi ko na magagalaw o mababawasan ang sahod ko.

Nakakapagod lang din kadi nga para akong turumpo sa trabaho, pero sulit naman. Sobrang excited ako kasi sabi ni She, may isang linggo ako na sure ngayon na raket.

Tuwang tuwa ako kaya nga halos na kwenta ko na agad nga ang makukuha kong sahod sa loob ng isang linggo ko na pagtatrabahuhan at saka sa boarding house muna ako ni She at kapatid niya uuwi welcome naman daw ako lagi doon.

Ok na ok lang din naman sa kapatid nitong si Pogs na doon ako manuluyanminsan kasi solo lang ni She kasi hindi nakauwi si Pogs at sa jowa na natutulog. Si Pigs na katawan at kutis babae pero galawan at pusong lalaki talaga. Gwapings si Kute ah, abay lintik rin sa tinik ito sa mga chikas daig pa tunay na lalaki.

Mga taga probinsya ang mga ito pero napadpad sa Cavite noon mga bata pa sila kasama ang magulang nila. Tapos ayun pinalad sa magandang trabaho ngayon sa metro. Sa totoo lang si She ay nakilala ko lang sa jeep noong high school ako doon na kami nagsimula maging magkaibigan.

Naging malimit ba naman ang pag krus ng landas namin at naging swak ang samahan hanggang umabot na ng taon na mabilis lumipas naging kadamay na namin ang isa't isa.

Hanggang ang both families namin ay naging kampante na sa presensya ng bawat isa. Noon nga'y mas mabait pa nga si Nanay kay She kaysa sa akin, minsan hindi maiwasan na managhili ako sa kaibigan pero ng makilala ko na rin pamilya ni She nawala rin iyon dahil anak na anak din ako kung ituring ng Ina at ama niya. May mga bilin pa nga si Nanay Ofel sa akin ‘wag daw basta patol sa mga lalaki.

Pero noon pa man ang pinagtataka ko lang ay kung bakit walang kamukha si She sa mga ito. Si She kasi ay singkit ang mata at tisay pero kalaunan ay nawala na rin sa isip ko ang mga ganun na katanungan.

Ang tanging iniisip ko lang ngayon ay paano si Tatay habang wala ako. Isang linggo akong wala at baka nga mag pasaway na naman ito at magpabaya. Pero mamumuti naman ang mga mata namin pag hindi ako umalis at nagtrabaho ako lang naman kasi ang maasahan pa sa ngayon.

Siguro ay bibilinan ko na lamang ito at ipapakisuyo na ipasilip ko sa aking ninang na bunsong kapatid ni Tatay tutal malapit lang naman ang bahay namin sa kanila.

Inaayos ko na ang mga dadalhin ko mga tatlong pantalon lang naman at sa mga underwear lang ako marami mahihirapan kasi ako magsampay uso ang sungkit panty sa lugar kung saan nakatira sina She. Ilang bra at panty na raw nito ang wala kaya ingat na ingat talaga ako mamaya ipakulam pa ako ng kumuha, at baka may lihim na pagnanasa pala sa akin o worst ay galit.

Takot ko na lang ah, at baka bigla na ano pa mangyari sa akin na dapat ay hindi naman. Santisima marami pa kong pangarap at obligasyon. Nasa ganun akong estado ng pumasok si Tatay.

“ Marie, Naroon pala ang Nanay Ikang mo at mukhang ang lola mo e, ay Iba raw ang pakiramdam. Nak pina papunta ka at alam mo naman na sa yabang lang mahusay ang mga pinsan mo, pero pag ganitong usapin at sitwasyon ay mga unganga na at walang kauwawaan pa. ” Supladong sabi ng aking Tatay ganito ito akala mo’y laging galit pero ever since naman ay ganito ito hindi rin showy pero alam kong na may malasik at mahal kami.

“ Ah ganun po ba Ta, sige po pupunta ako maya maya na lang po. Ay Ta s’ya nga po pala ay may raket ako ulit at isang linggo ‘yun. Meaning po isang linggo akong mawawala dito. Pakiusap naman po Ta, ‘wag kayong pasaway muna at alagaan n’yo po ang sarili n'yo kaya ako nagsisikap at nag-iipon ay para sa pagpapa-shockwave ninyo para gumaling na kayo ng tuluyan. K’ya dapat po ay malakas kayo at hindi sakitin para maging maganda ang outcome ng treatment sa'inyo, ” malumanay na sabi ko sa aking ama.

Nakita ko ang bahagyang pagdaan ng emosyon nito na para bang iniisip nito na baka pabigat siya.

“ Ta, huwag kayo mag isip ng kung anu-ano. Kaya ko po. Kayang kaya. Saka ‘wag niyo po akong isipin palaking Rosemarie kaya ito, kaya matatag ako. So dapat po ay laksan niyo rin ang loob n'yo Ta, kasi pag ok na ok na kayo at malakas na aba malay niyo at baka bigyan ko na agad kayo ng apo. Take note po ah, kayo ang incharge mag alaga sa apo niyo. So dapat Ta, ay matatag pa tuhod niyo para makahabol ng makahabol.”sabi ko sa aking ama sabay biro na rin pero sa totoo lang gusto ko pag nag kapamilya ako ay naroon pa rin si Tatay makita niya ang mga magiging anak ko sa future.

“Nako Marie, dapat aynmay ipakilala ka munang jowa bago ka mangarap ng anak. Pero gusto ko ‘yun nak para naman may pagkaabalahan at aliwan ako baka doon lalakas ang pangangatawan kong muli." bahagyang nakangiting sabi ng aking ama paktay mukhang mamadiliin pa nga ako sa apo.

“Sus, biro lang take your time nak. Gusto ko syempre doon ka mapunta sa lalaking mamahalin, igagalang at hindi ka sasaktan kasi nga bata ka pa ay kota ka na sa mga malungkot na emosyon at memorya. Naging mabuti kang anak, kapatid, apo, pamangkin at kapwa kaya deserve mo sumaya sa buhay. Oh s’ya tama na at baka mag iyakan tayo reserve ko luha ko pag kinasal ka na. ‘Wag mo kalimutan ha, na mag punta ka doon sa mga lola mo, naghihintay si ate Ikang. Nga pala ingat ka lagi doon sa trabaho. pag nahihirapan ka umuwi ka na lang nak, Ngayon na ba alis mo nak?.”Isa ito sa pinakamahabang usapan namin ni Tatay, may pagbibiro na nga noon malayo ito pero ng mawala si Nanay ay parang naging malapit na ito sa amin ni Paula.

“ Ta, bukas pa po ng mga alas diyes ng umaga ang lakad ko. Maano ba naman kasi na 6pm naman ang pasok ko sa raket wala naman akong magagawa doon pa sa boarding house. At opo mag iingat ako kayo rin po dito ah, laging mag ingat. ‘Wag niyo po akong pag-alalahin doon at baka makabasag ako ng mga baso bwas sahod 'yun means bawas ipon.”sabi ko habang tatawa tawa pa ako kita ko naman ang patango nito. Alam ko naman na nauunawaan ako ni Tatay kung bakit makulit ako at paulit-ulit sa kanya lagi ng paalala.

Tinapos ko lang muna ang pag-aayos ng mga gamit ko na dadalhin. Ilang minuto lang naman ang kinain na oras noon at ng matapos ay mabilis akong lumabas at tumawid lang sa kabilang bahay.

Naabutan ko na nag uusap sila at mukhang meeting de' abanse ang style. Binati ko muna si Nanay Ikang at nag-amen ako dito tanda ng pagbati at paggalang. Naupo lang ako dahil halos kumpleto ang pitong anak ni lola Carmen.

Lagi naman na ganito si Lola, halos ilang taon na rin na sunud-sunod ay ganito ang sitwasyon ng kalysugan niya pero awa ng diyos ay nakakatawid naman ng maayos. Base sa usapan ay kailangan namaipa-checkup at ma admit na daw muna ito dahil tingin nila ay may epekto ang sugat sa paa sa panghihina rin ng katawan ni lola.

Ako pa nga dapat ang pinapasama ngunit nauna na sumagot si Tatay na may trabaho ako at marami pa naman daw available na apo kaya na absuwelto ako.

Kinaumagahan maaga ako gumising para silipin at tulungan isaayos ang mga kagamitan ni Lola. Hindi na bago sa akin na makatanggap ako ng ingod mula sa pinsan kong panganay, lalo na't ito ang humahalili pag hindi ako pwede mabilis naman na nakaalis at mga ito. Pasado alas nueve na ng umaga at ayos na ako at ready na, lagi akong ahead ng 1 hour sa designated time ko. Nakatanggap ako ng chat mula sa gc namin.

Team_pamilya_solido❤️

Lyn: Nasa emergency kami kasi hindi pwede na regular check up..

Thor: E, kumusta na?.

Thie: Next kami na sasama.

Lyn: Mukhang ma admit nga. Hindi ako pwede mag bantay dito, alam niyo yan. Dapat si Mariemar dito e, ng may silbi sa pamilya.

Thor: Dumali ka na naman ng salita. Lagi na ngang siya ang nagbabantay at nag aasikaso sa lahat.

Thie: Oo nga, ikaw muna may trabaho si Ate Marie.

Lyn: Kaninong mga kapatid ba kayo?..

Huling na basa ko kasi wala ng sumagot pa at ako seen lang lalaki lang issue nila sa buhay pag sumagot ako. Napa buntong hininga ako dahil sa mga hanash ng ate namin.

"Ate, bayaan mo siya. Ano bang magagawa niya e, busy ka saka wala namang ibang pinagkakaabalahan 'yun kundi magpaganda at manlalaki" biglang sabi ng kapatid ko sa akin. Natawa ako kahit papano ay laging may kampi sa akin.

" Okay lang naman, Nga pala alagaan ang sarili pati si Tatay ha!. Umuwi ng maaga at' wag basta sasama sa iba o mag papauto sa lalaki. Alam mo naman—" pinutol na ng kapatid ko ang sasabihin ko at ito na ang tuloy.

" Mabuti lang ang mga lalaki sa umpisa dahil hindi pa nakukuha ang gusto. Halos ibibigay lahat para mapa oo ka lang pero pag nakuha na lahat sayo iiwan ka ng ubos, luhaan at parang basang sisiw na hindi alam paano magsimulang muli. Memorized ko na po mahal kong ate." sabi nito nagkatitigan pa kami sabay tawa ng malakas.

"Aba hinahangin na ba ang utak ng mga anak ko?" hirit ni Tatay nakakapasok lang mula sa labas ng bahay. Alam namin na biro iyong sinabi nito.

" Ganda kami Tay, ganda" sabi ni Paula sabay tatlong beses tinapik ang baba pataas kaya mas natawa ako kasi sinabayan pa nito ng pag nguso.

" Ay oo ganda kayo talaga malamang pogi tatay niyo e," ganding hirit ng aming ama. Natawa ako pero sabay lungkot sa loob hindi naman kasi ako kamukha nito kasi nga hindi ako anak.

" Tay, aalis na ako para makapag pahinga din ako saglit bago sumabak sa trabaho. " sabi ko sabay tayo nagulat ako ng kunin ang bag ko at akmang lalabas na rin.

" Hatid na kita at baka mabiro ka ng mga tambay sa labasan, nag iinuman pa naman sila. Dead na dea pa naman sayo ang isa doon, " seryosong sabi nito mukhang hindi ko mahihindian.

Lumabas na nga kami si Paula isinara agad ang pinto. Nadaanan nga namin ang ilang nag iinom ay may mga pahaging nga na biro pero hindi makaderekta dahil ilag sa aking ama. Maging sa akin ilag mga ito kasi nga binabara ko nasa kanto na kami ng mag paalam ako sa aking ama na sasakay na at tumango naman ito, pero naalala ko na hindi ko ito na bigyan ng pera kaya bumaba ako ulit. Mukhang nagulat pa ng abutan ko isang libo meron naman na aiy Paula na budget baka lang may gusto itong kainin o bilhin.

Lumipas ang ilang oras narating ko ang boarding house nina She. Parang kaingay sa loob 'yun pala ay may bugbugan sa loob. Malalang ramble ng mga chickas ni Pogs mukhang nagkabukuhan pa apaka playboy kasi ni Kute. Napatingin sa akin ang isa at mukhang plano pa akong atakihin ng mag salita si She.

" Subukan mong galawin ang bff ko durog ang mukha mo sa akin. Kanina pa ako nag titimpi sa inyong mga babae kayo. Puke lang din naman ang pinag aawayan niyo akala niyo naman ay 9 inches na titi. Hala mag silayas kayo rito at baka kami e, mapalayas pa dito dahil sa mga katarantaduhan niyo. Pogs dalhin mo ang mga 'yan sa may ring doon mo pag labanin pagkaka-perahan mo pa ang mga yan, "sabi ni She hindi na maipinta ang mukha.

Natakot naman ang mga babae at mabilis nagsilabasan. Nakatingin lang ako kay She ng bigla kaming nagkangitian at sabay sabi na.

"Pogs pogi problem! " sabay bunghalit ng tawa.

Ambisyosa22

Naway samahan niyo ako sa journey ko dito.. Pwede i-bash wag lang murahin...

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status