Share

Chapter 18 - Red Dahlias

Walang imikan sina Stella at Gabriel mula sa biyahe hanggang maihatid siya nito sa bahay nila. Hindi man ito magsalita, nababasa ng dalaga ang galit at labis na pagkadismaya sa mukha ng kasintahan.

"Pumasok ka na sa loob," utos ni Gabriel.

Nakatitig lamang ito sa gate ng bahay nila Stella. Malamig ang boses nito. Bumabalot sa buong kalamnan ng dalaga ang lamig nito.

"Hon, please don't get mad. Hindi naman ako ang nanguna, eh! It was Kelly! Sinampal niya ako, pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko!" paliwanag ng dalaga.

Sinubukan niyang kunin ang kamay ni Gabriel pero isinuksok ng binata sa magkabilang bulsa ng pantalon niya ang mga kamay.

Nakaramdam si Stella ng kirot sa puso niya.

"Let's talk tomorrow," sambit pa ng boyfriend niya. Ni hindi man lang siya nito tinitignan.

"No! Ngayon natin 'to pag-usapan!" pikit-matang sigaw niya at nang magmulat siya, bumungad sa kanya ang blankong mukha ni Gabriel. Wala na siyang mab

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status