Maaga akong sinundo ni Isaiah, tulog pa ang mga gaga at si Adel lang ang nagising ko kaya sakaniya nalang ako nagpaalam. Hindi raw muna kami uuwi dahil may pupuntahan pa raw kami, hindi ko naman alam kung saan dahil walang nabanggit si Isaiah.
"Where are we going?" tanong ko, hindi na ‘ko nakapagpigil kahit kanina ko pa siya tinatanong, panay ngiti lang ang sagot sa’kin.
Gaya ng kanina, ngumiti ulit siya at sumulyap sa’kin ng ilang beses bago ibinalik ang tuon sa dinaraanan namin.
"Where do you think we're going, baby?" maloko niyang tanong.
Inirapan ko ito at bumusangot nalang ako habang nakatanaw sa kalsada na puro puno lang ang makikita. Sabi na nga ba, wala akong makukuhang matinong sagot sakaniya. Hindi ko nalang ipinilit dahil medyo nahihiya pa ‘ko sa mga nasabi ko kagabi, panay ang asar niya sa’kin kanina pa.
"Tell me, Treia, why did you send those pictures? You want me to suffer, hmm?" mapanuyong tanong nito. I cannot look at him straightly, pakiramdam ko'y namumula na ang buong pagkatao ko!
I don't know how many times I cursed Kendall and the others in my mind. Sila ang dahilan kung bakit ko natatamo ang ganitong kahihiyan ngayon! Kung hindi niya sinabi ‘yon, hindi ko gagawin ‘yon. Ang reasoning nila, boyfriend ko naman daw si Isaiah. The fuck is that? Sana hindi nalang ako nanghingi ng advice sakanila!
"Unintentional ‘yon, hindi ko sinasadyang ma-send. Hilo na ‘ko kagabi kaya hindi ko namalayang nasend ko pala sayo!" palusot ko, sana naman mapaniwala siya.
Huminto siya sa tapat ng isang malaking lumang bahay, may nadaanan naman kaming mga bahay-bahay kanina pero magkakalayo ang agwat nito. Teka, nasa probinsya ba kami? Kaya siguro puro puno at halaman ang natatanaw ko. At ilang oras din ang tinagal ng biyahe.
Bumusina ito at lumabas ang isang matandang lalaki. Binuksan niya yung malaki at magarbong gate na nakaharang para papasukin kami. Inilibot ko lang ang paningin ko sa kabuuan ng lugar, puro puno, sobrang lawak. May kalumaan pero maganda pa rin. Ganitong lugar ang gusto ko!
May mga nakita akong manok na nagala pati kambing, farm ba 'to? O baka naman may farm sa loob ng hacienda na 'to. Hindi ko na tuloy maipaliwanag ang laki.
Bumaba kami sa tapat mismo ng bulwagan nila na nagsusumigaw ng karangyaan. Isaiah held my hand as we enter their ancestral house. Sinalubong kami ng tatlong kasambahay. Sa gitna nila ay isang matandang babae, siya siguro ang mayor doma dito.
"Mabuti at nagsabi ka kagabi, Niko. Handa na ang makakain, ang tutulugan niyo naman ay pinaayos ko na kagabi kaya wala na kayong aabalahin,” ani nung matandang babae. Napatingin ito sa’kin at tinaasan ako ng kilay, napansin 'yon ni Isaiah kaya pinisil nito ang kamay ko na nakahawak sakaniya.
"Nay Anita, this is my girlfriend, Treia. Be nice to her." Ngumiwi ang matanda at kalaunan umamo na ang mukha.
"Magandang araw po," bati ko, yumuko pa ko bilang paggalang.
"Pakihatid nalang ang pagkain sa kwarto niya, doon na kami kakain." Utos ni Isaiah bago ako iginiya paakyat.
Madaming pinto ang bumungad sa’kin, napakalaki pala nitong bahay nila. Kung ako lang siguro mag-isa, baka maligaw ako. Malaki rin naman ang bahay ng lolo at lola namin sa father side pero hindi ganito kalaki, sa mother side naman hindi ko pa napupuntahan. Ayaw kasi nila Mama ng sobrang laking bahay dahil baka lumayo ang loob namin sa isa't-isa. Mas gusto pa rin nila yung sakto lang, mas feel daw kasi yung pagging pamilya kapag ganoon, mas malapit daw ang loob sa isa't isa kaya hindi masyadong malaki ang bahay namin kumpara dito.
Nagtungo kami sa isang kwarto, brown, white at grey ang color palette nito. Malaki siya at hindi mo aakalaing guestroom lang, mas malaki pa yata 'to sa kwarto ko. Humiga agad ako sa malambot na kama, mabango 'yon at halatag kakapalit lang ng bed sheet. Isaiah put my bag on the couch and stood in front of me, naka crossed arms ito at taimtim akong tinititigan, naiilang tuloy ako sa posisyon namin kaya umupo nalang ako at humarap sakaniya.
"I'm not yet done with you, woman. Let's talk about what you did last night..” aniya.
Oh, please! Akala ko ba tapos na siya doon? Bakit ba ayaw niya nalang kalimutan, mas gusto niya yatang inaasar ako lagi, e! Alam ko namang kahihiyan yung mga sinabi at ginawa ko kagabi, hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa 'yon. Baka dala lang ng alak.
"Ilang days tayo riti? Wala pa naman akong dalang gamit pero meron akong extra dyan, hindi ko nagamit kagabi kaso kung magtatagal tayo ng dalawang araw o higit, wala na 'kong susuotin. Hanggang ngayon lang yung damit kong 'yon."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at iniba nalang ang topic. Tumayo rin ako at nilibot ang kabuuan ng kwarto, nagtungo ako sa bathroom, malaki 'yon at may bathtub pa. Naramdaman ko ang matalim niyang tingin sa’kin mula sa likod, mukhang hindi yata talaga niya palalagpasin ang mga sinabi ko kagabi. Mabuti nalang at dumating na ang pagkain namin, itinuon niya nalang ang atensyon sa paghahanda no'n.
Sa couch kami umupo, may maliit na mesa din doon na sakto lang sa'ming dalawa. Madaming hinanda sila Ma'am Anita na pagkain kaya natakam ako kahit wala naman akong balak na kumain ng marami kanina dahil nag stop over kami kanina sa isang fast food para kumain. Akala ko aayaw siya pero pumayag naman.
"I'll ask someone to buy you clothes, you can choose whatever you want after this,” aniya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato, medyo madami ang rice pero hindi na 'ko umangal dahil mukhang kaya ko naman.
Hindi ko na siya hinintay, sinunggaban ko na agad ang mga pagkain. Nawala tuloy ang poise ko sa harap niya, ayos lang naman siguro. Sa kalagitnaan ng pagkain ay sinabi niya ang mga gagawin namin buong araw.
"We will be staying here for three days, I've already told this to your parents. I want to surprise you so.." nagkibit balikat siya.
Nginitian ko nalang ito dahil maraming laman ang bibig ko. Inisa isa niya ang mga gagawin namin sa buong tatlong araw. Ngayon ay magpapahinga muna kami dahil mahaba ang biniyahe namin. Mamayang hapon, ililibot niya 'ko sa buong hacienda nila. So we will be staying here for the rest of the night.
"Tomorrow we will go somewhere and I want to keep it secret for now. On our third day, we will go back here and do whatever you want,” aniya.
Nahiwagaan ako sa sinabi niya, secret na naman! Gusto ko sana siyang tanungin kaso ayokong ma-spoil. Gusto kong masurpresa, nakaka-excite tuloy.
Nang matapos kaming kumain, nag volunteer ako na maghugas ng pinagkainan namin, ayoko namang magbuhay prinsesa rito. Nakakahiya dahil nakikituloy lang naman ako, mas ayos na rin yung may gagawin. Nagtalo pa kami ni Isaiah pero sa huli, wala na siyang nagawa kung hindi samahan nalang ako sa kusina. Nakaupo lang siya roon at may inaasikaso sa laptop niya habang naghuhugas ako, konti lang naman 'yon at hindi naman ako nahirapan.
"Oh, hija! Naku, bakit siya ang pinaghugas mo, Niko?" tinig ni Ma'am Anita.
Bored na tumingin sa’kin si Isaiah na parang sinasabing 'I told you'. Minadali ko na ang pagpunas ng kamay bago humarap kay Ma'am Anita para magpaliwanag.
"Ayos lang po, Ma'am. Gusto ko lang po makatulong.." sagot ko, medyo kinakabahan pa dahil sa kilay niyang nakakasindak.
Mas lalong tumaas ang kilay nito nang marinig ang mga sinabi ko.
"Nay Anita ang tawag nila sa’kin dito kaya dapat ikaw rin.. O, siya! Maiwan ko na kayo,” huli niyang sabi bago tumalikod at naglakad palayo.
Napatingin ako kay Isaiah na nagkibit balikat lang. Sinenyasan niya 'kong lumapit sakaniya. Gaya ng gusto niya, lumapit ako. Uupo na sana ako sa upuang katabi niya nang hawakan niya ang bewang ko at iupo ako sa kandungan nito. Mahina kong pinalo ang kamay niya dahil sa biglaang paghawi nito, akala ko tuloy malalaglag na ko.
"If you get boner, wag ako ang sisihin mo!" reklamo ko.
Natawa lang siya ng mahina at hinarap sa’kin ang laptop niya. Puro damit pambabae ang nakita ko roon. Naintindihan ko naman agad ang gusto niyang ipahiwatig kaya pumili na 'ko ng mga damit na gusto ko habang siya ay abala sa pagyakap sa’kin. Ibinaon niya pa ang ulo niya sa leeg ko, he kissed my neck gently. He looks comfortable with our position kaya hindi ko na ito inistorbo. I even brush his hair to give him more comfort habang abala ako sa pagpili. Mukhang nagustuhan niya naman ang ginagawa ko.
"Make sure to order bikini set and let me see it first, please?” bulong niya habang nakabaon pa rin ang ulo niya sa leeg ko.
Mukhang pagod na pagod yata siya, wala pa siyang tulog mula kagabi dahil sa’kin. Paggising ko nga, magka-video call pa rin kami at gising pa rin siya, hindi ko alam kung natulog ba siya o hindi pero base sa ipinapakita niya ngayon, mukhang hindi siya nakatulog. Isama mo pa ang ilang oras na biyahe, kawawa naman ang boyfriend ko.
Gaya ng sabi niya, tuwing may magugustuhan akong bikini set ay ipapakita ko muna sakaniya para hingin ang approval nito. And hell, lahat yata ng pinakita ko sakaniya hindi niya nagustuhan but I always win against him, wala siyang nagagawa dahil gusto ko 'yon. Tatlong set ng bikini lang 'yon, gusto ko nga sanang isa lang kaso siya ang nagpumilit na bilhan pa 'ko. Konti lang din ang damit na binili ko, yung pinakamura talaga ang pinili ko dahil siya ang magbabayad nito, ayoko namang abusuhin ang kabaitan niya. I'll pay him back nalang.
"What are you, a sugar daddy?" natatawang sabi ko.
Paano ba naman, gusto pa 'kong bilhan ng mga gamit na hindi ko naman kakailanganin. Sobra sobra na nga yung pinamili niya kanina, gusto pang dagdagan. Baka masanay ako nito nyan!
Sa huli, napagkasunduan naming magpahinga muna at mamaya na maglibot.
Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f
Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n
Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l
Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil
"Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.
Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri