Dahil nabanggit ang pangalan ko, napaangat ako ng tingin at bahagyang napakunot ang noo. Makakapunta saan?
"Anong meron?" curious kong tanong.
Inirapan lang ako ni Madison na parang sinasabing 'ayan, hindi ka kasi nakikinig, tanga'. Hindi ko na kasi narinig ang mga sinasabi nila, wala rin akong pake sa kung ano 'yon pero dahil nabanggit ang pangalan ko, naisipan kong itanong.
"Birthday ni Mateo sa Saturday, punta ka," masiglang sambit ni Davis, ibang iba sa energy niya noong nakaraan. Siguro nagbabago ang energy niya tuwing nakakainom, bakit parang mas matino siya tuwing nakainom? Ang daldal niya kapag di nakakainom.
"Ikaw ba si Mateo? Bat ikaw nag-iimbita," masungit kong sabi sakaniya bago nilantakan ulit ang fries.
Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa, gusto ko na talagang matulog. Masyadong maraming gumugulo sa isip ko ngayon, hindi ko alam kung ano-ano.
Naramdaman kong nanahimik sila at napatikhim si Davis.
"Punta ka, Treia, sa birthday ko.. Sama niyo na rin yung iba niyong kaibigan," sambit nung Mateo.
Bored ko siyang tiningnan bago nginitian ng pagkalawak-lawak.
"Pass," tugon ko at binalingan naman ng tingin si Madison.
"Uwi na tayo, inaantok na 'ko," sambit ko, nagmamakaawang pumayag siya pero humindi ito. Mamaya na raw.
Nag-usap pa sila tungkol sa magaganap sa birthday nung Mateo, sa isang roof deck daw yon, pool party. Sounds interesting but no, may importante kaming gagawin sa saturday, birthday ni bunso.
Maya maya ay naglabas ng isang sigarilyo si Davis at aktong sisindihan na ito nang batukan siya nung Nikolai, kanina pa siya narito pero ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagsalita. Ininda naman ni Davis ang ginawa nito.
"Profs are here," aniya at binalingan ang isang mesang hindi malayo sa amin.
Tumingin kami roon at nakitang nakain ang tingin ko'y mga professor nila. Angas naman pala ng school nila, pwede kang manigarilyo basta huwag ka lang magpapahuli sa mga guro. Wow, just wow.
"Makabatok, ah! Nurse oh, ang sakit ng ulo ko," sambit ni Davis na parang bata, hawak pa niya ang ulo niya habang nakaharap sakin.
Pinagsasabi nito?
"Nurse?" naguguluhang sambit ni Adel. Kahit siguro sino ay maguguluhan sa sinasabi nito, hindi ko rin naman siya masisisi. Siguro ini-stalk ako nito at nakita ang mga picture kong naka-uniform.
"I saw your pictures, sa IG mo. Naka uniform kang pang-nurse, diba?" aniya.
Sabi na nga ba, parang pang nurse kasi ang uniporme namin, puting puti talaga.
"Psychology student," simpleng tugon ko.
Kita naman ang pagkapahiya nito, sinabayan pa ng tawanan at asaran sakaniya ng mga kaibigan niya, pwera nalang doon sa Nikolai na napangisi lang.
"Psychology? E 'di gamutin mo nalang 'tong puso kong baliw na baliw sayo!" sambit nito na nakahawak pa sa dibdib niya. Medyo napalakas ang pagkakasabi niya kaya nagtinginan ang ibang estudyante sa gawi namin.
I rolled my eyes. Rinig ko naman ang tawanan nila. Mabuti nalang at tumino na tong si Davis, siguro siya ang magiging unang kliyente ko, baliw nga talaga.
"Uwi na tayo, Madison," bulong ko rito.
Nagtatawanan sila dahil nagkukwento yung Davis nang sabihin ko sakaniya 'yon. Gusto ko na talagang umuwi at mukhang wala pang balak tong si Mads.
Napairap ito at iniabot sa'kin ang susing binigay ko sakaniya kanina, susi ng motor. So anong meaning nito, ha?
"Mauna ka na, papahatid nalang ako kay Kendall. Kukunin niya pa lang yung libro sa library dito, e. Need ko yon for research," aniya, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo dahil kung hindi, bakit gusto niyang magpaiwan dito hindi ba?
I curiously glance at her bago ko kinuha ang susi sa kamay niya. Tumayo ako kaya napunta sa'kin ang atensyon nila.
"I'll go home na, Ken, Adel." I gave them a kiss.
Nalilito man ay nagpahalik naman ang mga gaga. Binalingan ko ang mga lalaki, magpapaalam pa ba 'ko o hindi na? Huwag na siguro.
"Ako, walang kiss?" pabirong sambit nung Davis.
"Wala," sagot ko sakaniya. Natawa lang ito.
"Are you sure, kaya mo ba mag-drive?" nag-aalalang tanong ni Adeline.
I gave them a nod as assurance, I can drive naman. Mga walang tiwala itong mga 'to.
"Kaya na niya, siya nga nag drive papunta dito, e," sambit ni Madison.
I waved at them before leaving. Medyo malayo ang binyahe ko dahil malayo ang RV sa subdivision namin at kung minamalas ka nga naman, naabutan pa ko ng traffic! Napaka traffic talaga dito sa lugar na to!
Ipinark ko ang motor ni Madison sa bahay nila, pinagbuksan naman ako agad ng kasambahay nito. Biniro ko pang na kidnap ang alaga niya kaya hindi ko kasama, tawa lang ang iginawad sakin ni manang. Pagkatapos ko doon ay naglakad nalang ako papunta sa bahay namin, hindi naman masyadong malayo, dalawang street lang ang pagitan at nasa bungad ng street ang bahay namin kaya madaling makita.
Pinagbuksan agad ako ng pinto nung driver namin, I asked him kung nasa loob na sila Mama, naroon na raw sila at naghahain na ng hapunan. Medyo madilim na rin kasi nang makauwi ako, masyado kaming natagalan sa RV, dumagdag pa ang traffic kanina.
Mula dito sa living room ay rinig na ang ingay sa garden, doon siguro kami maghahapunan kaya nagtungo ako roon. Tama nga ang hinala ko.
"Next week pa birthday ni bunso, ah? Bakit ang daming food?" masiglang bati ko sakanila.
Si Mama ay isa isang nilalagay ang mga pagkain sa hapag, tinutulungan siya nung isang kasambahay namin. Akmang kukuha ako ng isang shanghai nang paluin niya ang kamay ko.
"Mamaya pa yan, mag-palit ka muna! Galing ka sa arawan, ni hindi ka pa naghuhugas ng kamay tapos kakain kana agad? Dun ka sa kwarto mo, maligo ka!" aniya bago binitawan ang kamay ko.
Wala na siyang nagawa nang kumuha ako ng isang shanghai at sinubo lahat yon. Medyo mainit pa kaya napaso ang dila ko. Karma.
"How's school?" tanong ni ate na kakababa lang mula sa hagdan.
Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa, ayos na ayos yata siya? Saan ang punta nito?
"Ganoon pa rin, sis. School pa rin naman siya. Walang nagbago— aray!" Hindi ko na natapos ang mga sasabihin nang kurutin ako ni Mama sa tagiliran.
Dahil doon ay lumayo ako kay Mama at dali-daling pumunta kay Papa na kakababa lang din mula sa office niya, pormal din ang suot nito at parang may pupuntahan. Inilibot ko ang paningin ko para makita silang lahat, pormal na pormal ang mga suot nito na animo'y aattend sa isang magarbong party.
"Anong meron?" curious kong tanong.
Ate smiled at me, si bunso ay naupo na sa pwesto niya habang hawak ang iPad, pinapanood ang paborito niyang National Geographic.
"Maligo ka na at magbihis ng maayos, may bisita tayo," ani Papa.
Napakunot ang noo ko. May bisita? Doon ako kinabahan, sana naman ay hindi ang mga Tito at Tita ko sa part ni Papa yon.
Hindi na 'ko nagtanong pa at ginawa nalang ang sinabi nila. Naligo ako at nag ayos. I blow dried my long wavy hair, hinayaan ko lang itong nakalugay. May tatlong damit akong pinagpilian at sa huli ay yung champagne sleeveless dress ang sinuot ko, halter type ang top nito at may slit siya sa kaliwang bahagi. Pinaresan ko ito ng nude stilettos.
Nang matapos ay bumaba na ulit ako, naroon na sila sa garden at nang makapunta ako doon ay saktong tumunog ang doorbell.
"Sila na yata yan," si ate na siyang tumayo para salubungin ang kung sino mang nasa labas.
Gulo man ay naupo na 'ko sa pwesto ko, katabi ni bunso. Rectangle type ang table, si Papa ang nakaupo sa kanan, sa gilid nito ay si Mama na kaharap ko. Napatingin sila sa mga pumapasok sa bulwagan, sila Kuya Froi lang pala at pamilya nito. Nagbatian muna sila bago naupo.
Umupo si Ate sa tabi ni Mama, si Kuya Froi ang umupo sa tabi ni Ate. Sa kaliwang haligi naupo ang tingin ko'y tatay ni Kuya Froi at ang ina nito ang naupo sa tabi ni bunso.
We started eating after that, they're talking about something but my mind is too clouded to listen to it. Nabalik lang ako sa wisyo nang banggitin ni Ate ang pangalan ko.
"What do you think, Treia?" nakangiting tanong nito.
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Lahat sila ay naghihintay ng isasagot ko kaya napaubo ako.
"A-ano yon, Ate?" tanong ko rito pagtapos uminom ng tubig.
"We were talking about your sister's wedding, beach wedding daw ang gusto nito, what do you think?" si Mama.
Napunta ang atensyon ko kay Mama, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si ate? Ikakasal na? Napatingin ako kay Ate pagtapos ay sa kamay niyang may singsing! Ikakasal na nga siya! At hindi ko man lang alam.
"That is nice, I'll suggest Batanes or Palawan if you'll pursue the beach wedding," sagot ko sa mga ito.
Nakahinga ako ng maluwag nang tumango tango si Ate, tinawanan pa ko nito. Alam kong alam niyang hindi ako nakikinig kanina pa kaya sinadya niyang ako ang tanungin, gaga talaga.
Patuloy pa silang nag-usap tungkol sa kasal habang kami ni bunso ay tahimik lang na nakain, minsan ay tumitigil ako para makinig sakanila o di kaya'y para magbigay ng opinion tuwing kailangan nila. Kuya Froi's parents are nice, mukhang masungit nga lang ang nanay nito gaya ng sabi ni Ate noon.
"Ikaw ba, hija? May boyfriend ka na ba?" tanong bigla nung Daddy ni Kuya Froi
Napaubo ako dahil sa tanong na yon kaya napainom na naman ako ng tubig.
"Naku, wala po," magalang na sabi ko.
"Isa nga yan sa pinoproblema ko, ilang taon na din yang single!" si Mama.
Sinamaan ko ito ng tingin.
"Kapag wala pang ipinakilala sa'min until next year, baka ipangako ko na yan doon sa anak nung kumpare ko," ani Papa naman na sinundan ng tawanan.
I don't like the idea of fixed marriage at palagi nilang binabanggit 'yon tuwing mapag-uusapan ang love life ko. Ewan ko ba sakanila at madaling madali silang magka boyfriend ako, kasalanan ko bang wala ako sa mood lumandi ngayon?
"Kung wala kang mahanap, yung bunsong anak ko nalang. Ganyan din ang problema namin sa batang 'yon, hanggang ngayon ay puro bulakbol!" sambit nung Mommy ni Kuya Froi.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nila. No way! Binibigyan pa nila ng idea ang mga magulang ko. Tsaka teka nga, bakit nasa akin ang usapan? Ako ba ang ikakasal?
"If only you knew, Mom. Maraming babae yang si Travis, sa sobrang dami hindi niya na alam kung paano i-handle kaya ang ending, pinag-aagawan siya," sambit ni Kuya Froi.
Nagpatuloy pa sila sa usapan at nakahinga naman ako ng maluwag nang ibahin na ang topic.
This day is so tiring..
Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f
Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n
Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l
Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil
"Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.
Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri