LOGINNakakabingi lagi ang katahimikan.
Tahimik na gusto ko tuwing si Sebastian ang kaharap ko—ngunit ang uri ng katahimikan na ito ay parang may nakatingin kahit wala kang nakikita. Ang bawat hakbang ko sa marmol na sahig ay may echo, parang paalala na hindi ako dapat naroon.
“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Sebastian habang naglalakad kami sa mahaba at maliwanag na hallway. “Sanayan lang.”
Sanayan.
Parang may kumurot sa dibdib ko sa salitang iyon. Paano ko sasanayin ang sarili ko kung hindi naman ito ang nais ko.
Huminto siya sa harap ng isang pintong mas malaki kaysa sa dati kong kwarto. Binuksan niya iyon.
“Your room,” wika niya. “Temporary.”
Napatingin ako sa loob—maluwang, maayos, sobrang perpekto. Parang hotel na walang kaluluwa. Isang kama na parang hindi pa natutulugan, mga kurtinang makapal, at bintanang tanaw ang buong siyudad.
“Temporary?” tanong ko.
“Hangga’t hindi pa tayo kasal,” sagot niya. “Pagkatapos niyon, magbabago ang arrangement.”
Hindi ko na tinanong kung paano.
Pumasok ako at inilapag ang bag ko. Sa likod ko, narinig ko ang pagsara niya sa pinto.
“May ilang bagay kang dapat malaman,” sabi niya mula sa likod ko.
Humarap ako.
“May security sa bawat palapag,” pagpapatuloy niya. “May mga camera sa common areas. Wala sa loob ng kwarto mo—”
“Salamat,” putol ko, hindi ko alam kung sarkastiko ba o pagod lang.
Hindi siya nag-react. “Hindi iyon pabor. Requirement iyon.”
Lumapit siya nang kaunti, huminto sa distansyang hindi ko maipaliwanag kung bakit mas nakakakaba.
“Sa bahay na ito,” wika niya, mababa ang boses, “hindi kita gagalawin kung ayaw mo.”
Nanlamig ang batok ko—hindi dahil sa takot sa sinabi niya, kundi sa paraan ng pagkakasabi.
“Pero huwag mong isipin na isa iyong kalayaan,” dagdag niya. “May hangganan ang lahat ng bagay dito. Pati ang pagtulog.”
Nilunok ko ang laway ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Matulog ka na,” sagot niya, diretso. “Magpapahinga ka. Dahil simula bukas, wala ka nang oras para mapagod.”
Tahimik kaming nagkatitigan.
Bago siya lumabas, huminto siya sa pintuan.
“Isang bagay pa,” sabi niya.
Tumingin ako.
“Sa labas ng kwartong ito,” dagdag niya, “ikaw ang magiging asawa ko. Hindi fiancée. Hindi asset. Asawa.”
Sumikip ang dibdib ko. “At dito?”
Sumulyap siya sa kama, saka sa akin.
“Dito,” sagot niya, “ikaw ay isang responsibilidad.”
Umalis siya.
Naiwan akong mag-isa sa kwartong hindi akin, sa bahay na hindi ko pinili, suot ang apelyidong hindi ko pa rin tanggap.
Humiga ako sa kama—malambot, malamig, pero wala akong saya na nararamdaman.
At sa unang gabi ko sa mansion ng lalaking magiging asawa ko sa papel, isang malinaw na katotohanan ang hindi ko matakasan:
Hindi ito simula ng pagmamahal.
Ito ang simula ng pagsubok kung hanggang saan ko kayang manatiling buo…
habang unti-unting kinukuha ang lahat ng kontrol sa akin.Nagising ako bago pa tumunog ang alarm.
Hindi dahil sanay akong maaga—kundi dahil may kakaibang pakiramdam na may naghihintay. Parang ang bahay mismo ang nag-utos na bumangon ako.
Alas-sais pa lang.
Ang liwanag ng umaga ay dahan-dahang pumapasok sa kurtina.
Tumayo ako at naghilamos. Paglabas ko ng kwarto, may isang babaeng naka-uniporme na agad na yumuko nang bahagya.
“Good morning, Ma’am,” sabi niya. “Breakfast will be served in fifteen minutes.”
Napahinto ako. “Ah… salamat.”
“Please follow the schedule,” dagdag niya, magalang pero halatang napilitan.
Schedule.
Hindi pa ako nakakalakad ng limang hakbang nang may lumapit na isa pang staff.
“Your wardrobe for today has been prepared,” sabi niya, sabay turo sa isang silid. “Mr. Montecarlos approved it last night.”
Nanlamig ang dibdib ko.
Hindi pa man ako bumabangon… nakahanda na agad na ang isuot ko.
Sa loob ng silid, nakaayos ang damit—simple, elegante, kulay na hindi ko karaniwang pinipili. May kasamang note sa mesa.
Breakfast at 6:30.
Orientation at 7:15. Departure at 9:00. —SWalang “please.”
Walang tanong.Eksaktong 6:30, nasa dining room na ako.
Malawak ang mesa. Tahimik. Isang tasa ng kape ang nasa harap ko—tama ang timpla. Hindi ko alam kung paano niya nalaman.
Dumating si Sebastian, sariwa, maayos, parang hindi kailanman natulog.
“Good morning,” sabi niya, casual.
“Good morning,” sagot ko.
Umupo siya sa tapat ko, binuksan ang tablet niya.
“Kumain ka,” wika niya. “Mahaba ang araw mo.”
“Alam ko,” sagot ko. “Nasa schedule.”
Sumulyap siya sa akin—
“Good,” sabi niya. “Sinusunod mo.”
Huminga ako nang malalim. “Ganito ba araw-araw?”
“Mas magiging abala ka,” sagot niya. “Kapag kasal na tayo.”
May kirot. Tahimik. Totoo.
“Kailangan mong masanay,” dagdag niya. “May oras ng gising. Oras ng pagkain. Oras ng paglabas. Ang disiplina ang magliligtas sa’yo sa mundong papasukan mo.”
“At kung ayaw ko?” tanong ko.
Hindi siya agad sumagot. Uminom muna siya ng kape.
“Then you’ll make mistakes,” wika niya. “At hindi kita sasaluhin kapag ginawa mo.”
Tumayo siya.
“Orientation room,” sabi niya. “Ten minutes.”
Pag-alis niya, napatingin ako sa paligid—mga staff na gumagalaw nang tahimik, parang lahat may alam na hindi ko alam.
Ang mansion na ito ay hindi tahanan.
Isa itong sistema.
At sa unang umaga ko rito, natutunan ko ang pinakaunang tuntunin—
Hindi ako ginising ng araw.
Ginising ako ng mga patakaran ni Sebastian.
ELARA’S POINT OF VIEWHindi ko alam kung ano gaano kabigat para sa'kin na buksan ang phone ko.Trending topic. Mga social media accounts na hindi ko kilala, pero alam kong may mga tao roon na naghihintay lang na masaktan ako. Isa pang article mula sa kilalang tabloid. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lang public image ang target.“MONTECARLOS MARRIAGE: Wife Allegedly Pregnant Before Wedding?”Anonymous sources claim Montecarlos heir may have orchestrated the union after learning of Elara’s supposed pregnancy.Parang huminto ang mundo sa paligid ko.Hindi ako buntis.Pero nakasulat iyon—isang piraso ng papel na nagtataglay ng panghuhusga, tsismis, at kasinungalingan na puwede nang sirain ang pangalan ko sa isang iglap.Mahigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko, parang gusto kong ipako sa mesa ang galit at takot ko. Ramdam ko ang pagpapawis ng palad ko. Lumipas ang ilang segundo bago ako nakahinga ng malalim. Hindi ako puwedeng umiyak. Hindi dito. Hindi habang nakamasid ang buong mundo
ELARA’S Point of ViewHindi agad nawala sa sistema ko ang boses ni Andrea kahit nakaalis na kami sa gallery. May mga salita kasing hindi kailangan isigaw para marinig at maintindihan, sapat na ang paraan ng pagkakabitaw, sapat na ang kumpiyansang pinakita niya.“He doesn’t protect what he doesn’t own.” Paulit-ulit iyon sa isip ko habang nakaupo ako sa passenger seat ng sasakyan, nakatingin sa mga ilaw sa labas ng bintana parang mga alaala na ayaw ko ng alalahanin. Tahimik si Sebastian habang nagmamaneho, ang panga niya bahagyang naka-set sa isang linya na hindi ko mabasa kung galit ba iyon o natural lang sa kaniya. Sanay ako sa katahimikan niya, ngunit iba ang katahimikang iyon—mas mabigat, mas may iniingatan.Hindi ko alam kung bakit hindi ako agad nagsalita. Marahil dahil ayokong magmukhang naapektuhan. Marahil dahil ayokong patunayan ang anumang pagdudua na may kakayahan ang isang nakaraan na guluhin ang kasalukuyan namin.Hindi ko kinaiinggitan ang ganda ni Andrea. Hindi ko rin k
SEBASTIAN’S Point of ViewHindi dapat naroon si Elara.Alam ko iyon sa sandaling nakita ko ang pangalan niya sa conference roster—nakapwesto sa dulo ng listahan, parang aksidenteng naisama. Rule number three. Hindi ko kailangang alalahanin ang eksaktong salita. Ako ang gumawa niyon para hindi ko na kailangang mag-isip.She does not attend high-level negotiations.At mali ako.Nakatayo siya sa gilid ng mesa, hawak ang tablet niya, kalmado sa labas. Pero nakikita ko ang bahagyang paninigas ng balikat niya—isang senyales na hindi napapansin ng iba. Ako lang. Dahil ako ang dahilan kung bakit kailangan niyang matutong tumayo sa mga silid na hindi para sa kaniya.“Ms. Vera,” sabi ng isa sa board members, may tono ng pagkukunwari, “perhaps you can clarify the delay in the offshore accounts, given your… personal connection to the CEO.”Iyon na.Hindi iyon tanong.Isang pain na gustong sumira sa akin.Hinayaan kong huminga si Elara. Handa na siyang magsalita—handa siyang akuin ang isang bagay
Nakakabingi lagi ang katahimikan.Tahimik na gusto ko tuwing si Sebastian ang kaharap ko—ngunit ang uri ng katahimikan na ito ay parang may nakatingin kahit wala kang nakikita. Ang bawat hakbang ko sa marmol na sahig ay may echo, parang paalala na hindi ako dapat naroon.“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Sebastian habang naglalakad kami sa mahaba at maliwanag na hallway. “Sanayan lang.”Sanayan.Parang may kumurot sa dibdib ko sa salitang iyon. Paano ko sasanayin ang sarili ko kung hindi naman ito ang nais ko.Huminto siya sa harap ng isang pintong mas malaki kaysa sa dati kong kwarto. Binuksan niya iyon. “Your room,” wika niya. “Temporary.”Napatingin ako sa loob—maluwang, maayos, sobrang perpekto. Parang hotel na walang kaluluwa. Isang kama na parang hindi pa natutulugan, mga kurtinang makapal, at bintanang tanaw ang buong siyudad.“Temporary?” tanong ko.“Hangga’t hindi pa tayo kasal,” sagot niya. “Pagkatapos niyon, magbabago ang arrangement.”Hindi ko na tinanong kung paano.Pumaso
Hindi ko inaasahang ganito kabilis.Sanay ba siya sa madalian, o sadyang sanay siyang kino-kontrol ang lahat ng nasa paligid niya.Tatlong oras matapos kong pirmahan ang wedding clause, nasa loob na ako ng isang private conference room—puti ang ilaw, salamin ang dingding, at may mga taong hindi man lang nagpakilala. PR teamLegal advisersImage consultants.Lahat sila alam ang gagawin. Ako lang ang hindi.“Five minutes,” sabi ng isang babae habang inaayos ang buhok ko. “Relax your shoulders. Smile softer.”Hindi ko alam kung paano ngumiti sa isang kasinungalingan.Bumukas ang pinto.Pumasok si Sebastian, naka-dark suit, walang bahid ng emosyon sa mukha. Pero nang huminto siya sa tabi ko, awtomatikong inilagay niya ang kamay niya sa likod ko—magaan lang, pero sapat para ipaalala sa’kin na kabilang na ako sa mundo niya..“Remember,” bulong niya, hindi nakatingin sa akin, “you’re happy.”Bago pa ako makasagot, bumukas ang isa pang pinto.“Live in ten… nine… eight…”Humigpit ang hawak ni
Nakaupo ako sa harap ng mesa ni Sebastian, hawak ang kontratang akala ko’y tapos ko nang intindihin. Pero mali ako. May isang pahina pa—nakahiwalay, mas makapal, mas malinaw ang bigat.WEDDING CLAUSEHuminto ang paghinga ko.“Hindi pa iyon ang huli,” sabi ni Sebastian, kalmado, parang normal lang ang susunod niyang sasabihin. “May kondisyon ang kasunduang ito.”“Akala ko malinaw na lahat,” sagot ko, bahagyang paos.“Malinaw,” tugon niya. “Pero hindi kumpleto.”Inusog niya ang papel palapit sa akin. Parang kutsilyong dahan-dahang inilapag sa mesa.“Ang kasal,” wika niya, “ay gaganapin sa loob ng tatlumpung araw.”Nanlaki ang mata ko. “Thirty days?”“Enough time para maging kapani-paniwala,” sagot niya. “At sapat para ihanda ka.”Binasa ko ang mga linya—mas mabagal, mas maingat.The bride agrees to comply with all wedding arrangements decided by the groom. No objections regarding venue, guest list, attire, or vows. Public display of unity is required. Refusal will result in immediate







