LOGINSEBASTIAN’S Point of View
Hindi dapat naroon si Elara.Alam ko iyon sa sandaling nakita ko ang pangalan niya sa conference roster—nakapwesto sa dulo ng listahan, parang aksidenteng naisama. Rule number three. Hindi ko kailangang alalahanin ang eksaktong salita. Ako ang gumawa niyon para hindi ko na kailangang mag-isip.
She does not attend high-level negotiations.
At mali ako.
Nakatayo siya sa gilid ng mesa, hawak ang tablet niya, kalmado sa labas. Pero nakikita ko ang bahagyang paninigas ng balikat niya—isang senyales na hindi napapansin ng iba. Ako lang. Dahil ako ang dahilan kung bakit kailangan niyang matutong tumayo sa mga silid na hindi para sa kaniya.
“Ms. Vera,” sabi ng isa sa board members, may tono ng pagkukunwari, “perhaps you can clarify the delay in the offshore accounts, given your… personal connection to the CEO.”
Iyon na.
Hindi iyon tanong.
Isang pain na gustong sumira sa akin.Hinayaan kong huminga si Elara. Handa na siyang magsalita—handa siyang akuin ang isang bagay na hindi niya responsibilidad.
At doon ko naramdaman na hindi ko dapat hayaan na gawin niya iyon.
“Stop.”
Hindi ko tinaasan ang boses ko. Hindi ko kailangan. Tumigil ang buong silid—ganoon palagi. Tumayo ako, mabagal, sinadya. Ang bawat hakbang palapit sa kaniya ay isang paglabag sa sarili kong patakaran.
“She’s not answering that,” sabi ko.
May nagbukas ng bibig para tumutol. Hindi ko sila hinayaan.
“She does not carry my liabilities. If you want accountability, you address me.”
Tumayo ako sa tabi niya. Hindi sa harap—hindi ko siya tatakpan. Hindi rin sa likod—hindi ko siya itutulak pasulong.
Katabi.
Isang posisyon na malinaw ang kahulugan kahit hindi ito nakasulat sa kontrata.
“Do not use my wife as leverage,” dagdag ko.
My wife.
Hindi ko iyon pinag-isipan. Lumabas lang bigla sa bibig ko. At sa sandaling iyon, alam kong wala na akong mababawi.
Tahimik ang mesa. Alam nila ang desisyon kapag tapos na.
“Meeting adjourned.”
Walang bumoto. Walang kumontra. Dahil may mga utos na hindi idinadaan sa proseso.
Nang kami na lang ang naiwan, naramdaman kong gumalaw si Elara sa tabi ko. Hindi ko siya tiningnan agad.
“That was against your rules,” sabi niya.
Tumango ako.
Hindi ko ipinaliwanag. Hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko. Dahil totoo.
“You didn’t have to do that.”
Alam ko.
“They were setting you up,” sagot ko sa wakas. “And I don’t allow that.”
Tahimik siya.
“Akala ko ba,” wika niya, “hindi ka umaatras?”
Hindi ako umatras.
Pero pinili ko.
“Hindi,” sabi ko. “Pero may mga pagkakataong binabago ko kung kanino gumagana ang mga rules ko.”
Tumingin siya sa akin. Hindi dahil may takot. Hindi dahil may utang na loob.
May pagkaunawa.
At iyon ang kinababahala ko.
Dahil sa sandaling iyon, malinaw sa akin ang isang bagay na matagal kong iniiwasan—
hindi ko na kayang ipagtanggol ang sariling desisyon ko kung siya ang masasaktan.
At iyon ang hindi tama sa ginawa ko.
Hangga’t nasa akin pa ang kontrol. Pero alam kong nagsimula na ang pagbabago—hindi dahil sinira niya ang mga rules ko—
kundi dahil ako ang unang lumabag.
ELARA'S Point of View
ELARA’S Point of View
Hindi ko inaasahan ang mukha niya.
Nasa charity gallery kami—mga ilaw na masyadong maliwanag, mga ngiting masyadong sanay. Hawak ko ang braso ni Sebastian, ayon sa “public conduct clause,” pero hindi ko inaasahan na ang unang susubok niyon ay ang babaeng papalapit sa amin ngayon.
Matangkad. Elegante. Masyadong pamilyar ang tingin.
“Sebastian,” sabi niya, may ngiting parang matagal nang nakahanda. “It’s been a while.”
Narinig ko ang bahagyang pagbabago sa paghinga niya. Isang senyales lang—pero sapat.
“Andrea,” sagot niya. Walang emosyon. Walang lambing. Isang pangalan lang.
Ex. Isang nakaraan na bumabalik.
Hindi ko kailangang itanong. Kita ko sa paraan ng pagtitig nito sa akin—mula ulo hanggang paa, parang sinusukat kung karapat-dapat ba ako kay Sebastian.
“So this is her,” sabi ni Andrea, nakatuon na sa akin ang ngiti. “The wife.”
Hindi Mrs. Montecarlos.
Hindi Elara.The wife.Parang titulo lang. Isang bagay.
Humigpit ang hawak ko sa braso ni Sebastian—para iparamdam sa kaniya na hindi ako komportable.
“Hello,” sabi ko, kalmado. “Nice to meet you.”
Tumawa siya nang mahina. “Oh, I’m sure it is.” Tumigil sandali, saka muling nagsalita. “I just didn’t expect Sebastian to settle for… such a quiet arrangement.”
Tahimik ang paligid namin, pero ramdam kong may mga matang nakamasid. Mga tainga na naghihintay ng sabit.
Bago pa ako makapagsalita, gumalaw si Sebastian.
Hindi niya ako hinila palapit.
Hindi rin niya hinarap si Andrea agad.Sa halip, inilapag niya ang kamay niya sa likod ko—banayad, parang sinasabi sa mundo kung saan ako lulugar.
At doon siya tumingin sa ex niya.
“This conversation is over,” sabi niya, malinaw pero mababa.
Ngumiti si Andrea, pilit. “I’m just saying hello.”
“Hindi,” sagot niya. “You’re testing boundaries you no longer have access to.”
Nanigas ang ngiti nito.
“Sebastian, don’t tell me you’ve changed—”
“Hindi ako nagbago,” putol niya. “Nagdesisyon lang ako.”
Tahimik ang paligid. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa tenga ko.
Tumingin siya sa akin—sandali lang, pero sapat para maramdaman ko ang isang bagay na hindi bahagi ng kontrata.
Pagpili.
“We’re leaving,” sabi niya, hindi nagtatanong.
Habang naglalakad kami palayo, narinig ko ang boses ni Andrea sa likod namin, mas malamig na ngayon. “Be careful. He doesn’t protect what he doesn’t own.”
Huminto kami.
Akala ko sasagot siya.
Pero hindi.
Sa halip, bahagya niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin—hindi possessive, kundi assertive—at nagpatuloy kami sa paglakad.
Sa labas ng gallery, saka lang siya nagsalita.
“Are you alright?” tanong niya.
Tumango ako. Totoo naman.
Pero may isang bagay na hindi ko maikakaila.
Hindi niya sinunod ang rule na do not engage personally.
Pinili niya akong ilabas sa sitwasyon.
Hindi lang niya ako pinoprotektahan mula sa iba.
Pinoprotektahan niya rin ako mula sa mga anino ng nakaraan niya.
Ilang araw matapos ang gabing yumanig sa buong industriya, isang tahimik ngunit mahalagang desisyon ang ginawa ni Sebastian.Hindi ito tungkol sa negosyo.Hindi ito tungkol sa kumpanya.Kundi tungkol sa isang bagay na matagal na niyang kinikimkim—Ang katotohanan.Sa loob ng kanyang opisina, ilang beses niyang tiningnan ang kanyang telepono. Ilang beses niyang sinimulan ang mensahe—at ilang beses din niya itong binura.Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam.Hindi siya sanay na mag-atubili.Ngunit pagdating kay Elara—Lahat ay nagiging komplikado.Sa huli, pinili niyang maging diretso.Isang simpleng request.Isang personal meeting.Walang halong negosyo.Walang halong iba.At hindi niya inaasahan—Na papayag agad si Elara.Sa kabilang banda, habang hawak ni Elara ang mensaheng iyon, hindi na siya nagulat.Hindi siya nag-alinlangan.Hindi siya nag-isip ng matagal.Dahil alam na niya.Alam niya kung ano ang pakay ni Sebastian.Hindi na ito tungkol sa investment.Hindi na ito tungkol s
Tahimik ang buong mansion matapos ang masayang sandali ng mag-ina.Sa kabilang bahagi ng sala, abala si Seblar sa paglalaro ng kanyang mga laruan—mga maliliit na sasakyan, building blocks, at kung anu-ano pang bagay na nagbibigay sa kanya ng simpleng saya na hindi kayang tumbasan ng kahit anong yaman sa mundo.Samantala, si Elara ay nakaupo lamang, pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang anak.May ngiti sa kanyang labi.Ngunit sa likod nito—May lalim.May pagod.At may mga tanong na matagal na niyang tinatakbuhan.Sa bawat tawa ni Seblar, sa bawat inosenteng galaw nito—May bahagi sa puso ni Elara ang lumalambot.Ito ang mundo na gusto niyang protektahan.Ito ang mundo na ayaw niyang madungisan ng nakaraan niya.Ngunit kahit anong pilit niyang iwasan—May mga bagay na darating at darating.Hindi dahil gusto niya.Kundi dahil—Panahon na.“Mommy?”Naputol ang kanyang pag-iisip.Muli niyang narinig ang boses ng anak niya.Ngunit iba ang tono nito ngayon.Mas mabagal.Mas maingat.“Yes
Hindi pa rin tuluyang nawawala ang katahimikan sa loob ng mansion.Matapos ang mga tanong ni Seblar at ang mga simpleng sagot ni Elara, nanatili silang magkatabi sa malambot na sofa sa sala. Ang umaga ay tila mas mabagal kaysa dati—parang nagbibigay ng oras para sa mga bagay na matagal nang hindi napag-uusapan.Tahimik na nakasandal ang bata sa kanyang ina, habang ang maliit nitong kamay ay mahigpit na nakakapit sa braso ni Elara. Wala na ang kaninang kuryosidad sa kanyang mga mata—napalitan iyon ng isang kakaibang katahimikan, tila sinusubukang unawain ang mundong unti-unti niyang nakikita.Si Elara naman ay tahimik lamang na nakatingin sa malayo.Ngunit sa kaibuturan ng kanyang isip—Maraming bagay ang tumatakbo.Hindi niya inaasahan na ganito kabilis darating ang araw na ito.Na ang anak niya mismo ang magtatanong.Na ang mundong pilit niyang inilalayo rito—Ay unti-unti nang lumalapit.“Mommy…” mahinang tawag ni Seblar, pumutol sa kanyang pag-iisip.Dahan-dahan siyang napatingin d
Sa loob ng mansion ni Elara, kabaligtaran ng ingay sa labas ang katahimikan.Habang ang buong bansa ay abala sa pagtalakay ng kanyang pangalan—ang kanyang mukha, ang kanyang tagumpay, ang kanyang nakaraan—dito sa loob ng kanyang tahanan, tila bumagal ang takbo ng oras.Ang umaga ay tahimik.Malamlam ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana.At sa gitna ng sala—Nakaupo si Elara, hawak ang isang tablet na patuloy na nagpapakita ng mga balita tungkol sa kanya.Sunod-sunod.Walang tigil.“Mommy?”Naputol ang kanyang pag-iisip.Dahan-dahan siyang napalingon sa maliit na boses na tumawag sa kanya.Doon sa hagdan—Nakatayo ang kanyang anak.Si Seblar.Bitbit nito ang isang maliit na tablet, halatang kakagising lamang, ngunit ang mga mata nito ay puno ng kuryosidad.Hindi takot.Hindi lungkot.Kundi simpleng tanong.Lumapit ito sa kanya nang dahan-dahan.“Mommy…” ulit nito habang inaabot ang tablet.“Totoo ba ‘to?”Napatingin si Elara sa screen na hawak ng bata.Isang balita.Isa
Kinabukasan matapos ang engrandeng gabi—Isang balita ang tuluyang yumanig sa buong bansa.Hindi na ito bulung-bulungan.Hindi na ito haka-haka.Kundi isang katotohanang lantad na sa lahat.Nagpakilala na ang CEO ng Seblar Creatives.Mula sa mga pangunahing news outlets hanggang sa bawat sulok ng social media, iisa lamang ang laman ng bawat headline.Mga larawan mula sa event.Mga video ng kanyang pag-akyat sa entablado.Ang sandaling tinanggal niya ang maskara.At ang eksaktong sandali kung kailan niya sinabi—“I am the CEO of Seblar Creatives.”“BREAKING: The long-hidden CEO of Seblar revealed!”“From mystery to dominance—who really is Elara?”“The woman behind Seblar and Vera—now the most talked-about CEO in the country.”Sa loob lamang ng ilang oras—Viral.Trending.Pinag-uusapan ng lahat.“Hindi ako makapaniwala… siya pala ‘yon?”“Nakita ko na siya before… hindi ko alam na ganun pala siya kalaki.”“She was right in front of us all along…”“Grabe… she built everything in just fiv
Patuloy ang ingay sa loob ng venue.Halos hindi na magkamayaw ang mga tao sa paglapit kay Elara—sunod-sunod ang tanong, pagbati, at pagtatangka na makuha ang atensyon niya. Ang ilang minuto na sana’y simpleng pagdiriwang ay naging isang gabi ng rebelasyon, kapangyarihan, at pagbabaliktad ng kapalaran.Sa gitna ng lahat—Nakatayo si Elara, kalmado, kontrolado, at tila sanay sa bawat matang nakatutok sa kanya.“Ms. Elara, is it true na ikaw ang nasa likod ng Seblar all along?”“How long have you been planning this?”“What’s your next move after tonight?”Isa-isa niyang hinarap ang mga iyon nang walang pagmamadali. Ang bawat sagot niya ay maingat, sapat lang para mapanatili ang interes ng lahat—ngunit hindi sapat para ibigay ang lahat ng baraha niya.Ngunit sa likod ng kanyang kalmadong anyo—May isang bagay na malinaw.Alam niya ang susunod na mangyayari.Samantala, sa kabilang bahagi ng venue, tahimik na nakatayo si Sebastian.Hindi siya nakikihalubilo.Hindi siya nakikisali sa usapan.







