Agatha POVNandito na kami sa Paris, kahapon pa kami nakarating dito ni Ethan pero halos mag gabi na kaya kumain na lang kami ng hapunan at saka nagpahinga na. At ngayon ay mag isa lang ako na naiwan dito sa hotel dahil nasa meeting si Ethan.Ang ganda ng view dito sa hotel kung saan kami nag check in, isa ang Paris sa gustong kung puntahan at ngayon ay hindi ako makapaniwala na nandito na ako kasama ang taong mahal ko.Lumabas na ako kanina para mag ikot ikot sa paligid pero hindi din naman ako nagtagal at bumalik na sa hotel. Aalis din kasi kami ni Ethan mamaya kapag nakabalik na siya dito pagkatapos ng kanyang meeting.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa hindi ko malaman na dahilan, marahil ay dahil sa kasama ko si Ethan, ang totoo niyan ay hindi pa namin napag uusapan ang tungkol sa relasyon na meron kami. Kagaya ng sinabi niya na hindi naman kami naghiwalay na dalawa.Kung nabuhay lang ang anak namin ay isang pamilya na sana kami pero hindi pa talaga siguro ito ang taman
Ethan POVLabis na kasiyahan an nararamdaman ko ngayon, sa totoo lang ay kanina pa ako kinakabahan ng makaalis pa lang kami sa hotel. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang maging negatibo na baka hindi siya pumayag sa proposal ko lalo na sa nangyari sa amin nitong mga nakaraang buwan, pero mabuti na lang at nag yes siya kaya biglang nawala ang kaba sa dibdib ko.Kasalukuyan kaming nag didinner sa isang kilalang restaurant dito sa Paris, sinadya ko talagang isama siya at dito mag propose dahil alam ko na isa ito sa gusto niyang puntahan at naniniwala ako na ang lugar na ito ay tinatawag na City of Love."Bakit ang tahimik mo?" napatingin ako sa kanya ng bigla itong magtanong, hinihintay pa kasi namin ang pagkain."Wala naman may iniisip lang." maikling sagot ko."Ano naman 'yon? Huwag mong sabihin sa work na naman."Umiling naman ako. "Hindi ah, sinabi ko naman sayo na tapos na ang meeting kaya wala na akong dapat pang isipin." anas ko."Ang sabihin mo kinakabahan ka lang talaga kanina da
Ethan POV At dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Agatha ay mabilis akong nakaramdam ng init sa katawan, alam kung lasing siya pero hindi ko maiwasan na hindi tugunan ang kanyang halik. Pagkatapos ng ilang segundo ay pareho kaming kumalas sa paghahalikan. "Ethan," mahinang sambit niya sa pangalan ko habang namumungay ang kanyang mga mata. "You are turning me on baby." anas ko at binuhat siya papasok sa kwarto. Agad ko siyang ibinaba ng makapasok na kami sa kwarto at pagkatapos ay mabilis ko siyang siniil ng halik at tinugunan niya naman ito. Naghalikan lang kami hanggang sa inihiga ko na siya sa kama. "Agatha just tell me now to stop hangga't nakakapag pigil pa ako." mahinang bulong ko sa kanyang tainga. "Hindi mo kailangan na magpigil Ethan, I’m all yours." sagot niya naman sa akin at hinubad na ang kanyang dress na suot. Tumambad sa akin ang malulusog niyang dibdib dahilan para mas lalo akong nakaramdam ng init at kakaibang sensasyon sa katawan ko. Narinig ko naman ang mahina
Agatha POVIt's been a year simula ng maikasal kami ni Ethan, hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kasal na ako sa lalaking mahal ko. Ang dami na naming pinagdaanan na problema at ilang beses na din kaming pinaghiwalay ng tadhana pero ito kami ngayon at masaya na sa piling ng isa't isa.Nang una ay hindi pa makapaniwala ang mga kaibigan namin ng ibinalita namin sa kanila na nagpropose na si Ethan sa akin. Hindi ko din sila masisisi dahil akala nila ay hindi pa kami talagang okay at ang aadjust pa ulit, ang hindi nila alam ay napatawad ko na ng tuluyan si Ethan dahil naisip ko na wala na din naman mangyayari kung papatagalin ko pa dahil pareho naman kaming nawalan ng anak at alam kung magiging masaya ang anghel namin kapag tuluyan ng magkaayos kami ng kanyang ama.Samantalang si Belle naman at Gian ay magkarelasyon na, hindi ko alam ang totoong nangyari kung bakit naghiwalay sila ni Maxine ang alam ko lang ay wala nasa ibang bansa na ito. Saksi din kami kung paano naging
Ethan POVNitong mga nakaraan na linggo ay mas naging busy pa ako sa kumpanya, minsan hindi na ako nagkakaroon ng oras sa asawa ko at nakakaramdam ako ng guilty tungkol do'n pero naiintindihan niya naman kaya masasabi ko na swerte talaga ako kay Agatha at nangako naman ako sa kanya na babawi ako kapag natapos na ang last projects at nakapirma na ang mga new investors, pero sadyang may mga oras na hindi namin maiwasan na hindi magtalo dahil sa isang kliyente ko na si Ms. Sanchez, madalas kasi na pinagpipilitan niya na may gusto 'yon sa akin at pinagseselosan niya dahil mas madalas ko daw itong kasama.Kagaya na lang kanina bago ako umalis sa bahay ay nagkasagutan na naman kami dahil late na ako nakauwi kagabi dahil sa meeting at kasama ko din si Ms. Sanchez pero madami naman kami at ngayon ay makakasama ko na naman ulit ito sa isang lunch meeting, pilit kung pinapaliwanag sa kanya pero hindi na siya kumibo at tinalikuran lang ako, mamaya ko na lang siya kakausapin kapag nakauwi na ako
Agatha POVNang makababa ako ng kotse ay hindi ko na hindi ko na hinintay pa si Ethan at nauna na akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto.Mayamaya pa ay pumasok na din ito, hindi ako kumibo at hindi na lang siya pinansan."Agatha what you did earlier is not good." panimula niya."Oh edi kasalanan ko na." pabalang na sagot ko."What is happening to you? Hindi ka man lang nagtanong basta kana lang sumugod do'n at kung ano ano ang sinabi mo sa kliyente ko.""May mali ba sa sinabi ko? As far as I know kasi may meeting ka with your three clients, hindi ko naman alam na isa lang naman pala ang kikitain mong tao." anas ko."Hear me out please, kaya nga kita inaawat para maipaliwanag sayo ang nangyari. Hindi nakarating ang dalawa pa naming ka meeting kasi nagkaroon sila ng emergency kaya pinareschedule na lang ng ibang araw.""At dahil wala sila kayong dalawa na lang ang nagtuloy gano'n ba? Ang sweet niyo naman pala ng kliyente mo 'no?" panunuya ko."Stop being sarcastic Agatha
Ethan POVNang makaalis ang kaibigan kung si Gian ay lumabas na din ako ng opisina para puntahan ang asawa ko, alam kung nasa pool area lang siya. Habang papalapit ako sa kung saan si Agatha ay may narinig akong kausap niya sa phone, mukhang si Zey ito. Tumigil muna ako sa paglapit sa kanya at nakinig sa sinasabi niya sa kanyang kaibigan."Nakakasama lang talaga ng loob best kasi parang ako pa 'yong may kasalanan sa nangyari kanina.""At hindi ako makapaniwala na he apologize to that woman in front of me na parang nag aalala pa siya sa kung anong mararamdaman ng babaeng 'yon dahil sa mga sinabi ko, parang mas nacomfort niya pa 'yon kaysa sa akin na asawa niya. Parang nasa isang laban ako na basta na lang tinalikuran ni Ethan para kampihan ang ibang tao.""Tapos ako pa pala ang nagmumukhang gumawa ng eksena sa restaurant na 'yon? So anong gusto niyang gawin ko hayaan na lang gano'n? ""I feel betrayed by my own husband.""Naiintindihan ko naman na wala akong alam sa mundo na ginagalaw
Ethan POV Nagising ako na wala na sa tabi ko ang asawa ko kaya bumangon na ako at bumaba dahil alam kung nando'n siya. Wala kasi kaming maids ngayon dahil na sa bakasyon ang mga ito kaya si Agatha ang nagluluto ng pagkain namin. Ng makababa na ako ay nakita ko sa sala ang mga nakakalat na design ng asawa ko, 'yong iba dito ay may markang x at 'yong iba naman ay mga punit punit na. Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang iba pagkatapos ay dumiretso na ako sa dining table. "Nandyan na ang almusal mo." anas niya ng makita ako. "Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya. Umiling naman ito. "Tapos na ako kaya kumain ka na diyan at baka malate ka pa." sagot niya sa akin at naglakad na patungo sa sala. Mabilis ko naman siyang sinundan at hinawakan ang kanyang braso kaya nagtataka niya akong tiningnan. "Why? Hindi ka ba dito kakain? Hayaan mo na lang do'n at ililigpit ko nalang mamaya." "What is this? Bakit sinira mo ang mga designs na gawa mo?" tanong ko sa kanya at pinakita ang mga