Tinanaw ni Harrison ang sports car na nakaparada sa unahan. Hindi sa kaniya iyon, kay Nikias at pinagamit lang sa kaniya dahil sa utos nito. Kararating niya lang kahapon galing Spain at si Mathias ang sumundo sa kaniya sa airport. Akala niya nga ay si Mathias ang makakasama niya sa plano ngayong araw pero agad din itong umalis kagabi dahil may importanteng utos dito si Alguien—ang boss niya na pinsan naman nina Mathias at Nikias.Boss? Oo, boss niya ang mafia patriarch ng Excellante na si Alguien Esposito.Nakakatawang isipin na siya na dating CEO ng bangkong pag-aari ay nagtatrabaho na ngayon sa isang mafioso para sa kondisyon na tutulungan siya nitong mabawi ang lahat ng minana niya sa ama. Napatiim-bagang si Mathias sa lahat ng pinagdaanan niya. Hindi niya papasukin ang magulong buhay kung hindi dahil sa ginawa sa kaniya ni Jessa. Thinking of Jessa and recalling the fear in her eyes made him smirk dangerously. Ang akala talaga yata ni Jessa ay patay na siya. Matagal na rin mula noo
Twenty minutes ago…“Where’s Jaxon?” tanong ni Bryce sa driver na siyang dapat kasama nina Jaxon at Brody. Nakita niyang dumating si Brody at ang yaya nito pero wala ang anak. Nang lapitan siya ng wedding coordinator at sabihin parating na rin ang bride ay tumango lang siya at muling ibinalik ang atensyon sa driver na assign sa mga bata.“Dinala po sa ospital si Jaxon, Sir Bryce,” imporma ng driver sa amo niyang nakatingin at naghihintay ng sagot. “Ospital?!” gulat na ulit ni Bryce. “Anong nangyari?” Ang pag-aalala ay nasa mukha at boses niya para kay Jaxon. Napatingin muli sa relo para tingnan kung may oras pa para puntahan ang ospital na sinasabi ng driver. “Saang ospital dinala si Jaxon?”Napalingon ang driver sa kasamang yaya ni Brody para ito ang magpaliwanag. Hindi niya rin kasi alam ang eksaktong nangyari at basta sinabi lang sa kaniya kanina na umalis na sila dahil hindi na makaka-attend ng kasal ang panganay na anak ng amo nila dahil sumakit ang tiyan. “Kanina po ay sumakit
Naningkit ang mga mata ni Jessa sa inis sa narinig na kuwento ng driver. Pero nang maalala niya ang sinabi ni Bryce na dahilan kaya hindi raw makakarating si Austin Mulliez ay napangiti siya. Ang sabi ni Bryce na may meeting ang may-ari ng Hotel Tranquil na napaka-importante kaya ibig sabihin ay mali ang nasagap ng driver na dahilan kaya may pa-raffle ang account ng hotel ni Austin. Napakaimportante kaya sabi pa nga ni Bryce ay baka sa ibang bansa magaganap ang meeting kaya hindi makaka-attend sa imbitasyon nila si Austin. With that thought, kung totoo na may pakilalang magaganap sa asawa ng CEO mamaya ay baka naman mga tauhan lang ng hotel ang may pakulo para lang may abangan ang mga followers nila. “Scam ‘to!” nakangising sabi ni Jessa at ibinalik ang phone ng driver. “Hindi po ‘yan scam, ma’am.” Umiling ang driver. Nasa mga mata ang pangungumbinsi sa bride na inihatid na nagsasabi siya ng totoo. “Noong isang linggo nga po, ma’am, ay ganitong oras din nang may nanalo ng isang
Bryce and Jessa’s wedding day…Masayang-masaya si Jessa dahil ang lahat ng gusto niya ay natupad para sa kasal niya kay Bryce. Sa isip ay sikat na naman siya sigurado sa mga social media at siguradong kahit sa TV news ay mababanggit ang pangalan niya. She’s an internet celebrity kaya normal iyon. At ano pa ba ang aasahan sa isang internet celebrity na may pakakasalang guwapo at mayamang CEO ng Almendras Pharma? Of course, siya na naman ang kaiinggitan ng mga netizens na walang magawa sa buhay kundi abangan ang mga ganap niya sa buhay. “Ang ganda mo, Mommy!” namimilog ang mga matang wika ni Brody sa ina. “Syempre,” tugon ni Jessa sabay ngiti ng ubod-tamis. “Kailangan si mommy talaga ang maganda kasi ako ang bride. Dapat pangalan ko ang maging trending sa lahat ng socmed ngayong araw. My wedding with your Daddy Bryce should be the envy of all women.” Sa daming trending sa internet nowadays ay kailangan ni Jessa ng magandang content para malipat sa kaniya ang atensyon ng marami. At an
Kung nag-enjoy si Raffy sa mga bagong kaibigan ay gayundin si Zylah. At marami pa silang napag-usapan nina Willow at Chloe. Dahil din kina Chloe at Willow ay naisip ni Zylah na mali pala ang akala niya noon na kapag sobrang yaman ay may ibang ugali ang mga tao. Willow and Chloe proved her wrong. Sadyang minalas lang siya sa mga mayayaman na nakilala dati. Mayayaman na wala naman sa level ng yaman ng mga taong kaharap niya pero sobrang mapang-api at akala mo mga kung sino. Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Austin at Mathias kaya nagpaalam na si Zylah sa magpinsan. Ang sabi ni Chloe ay ipapadala na lang sa kaniya ang naisip nito para sa interior design kaya ibinigay niya ang personal email dito. Si Raffy ay nagpaalam na rin sa tatlong batang lalaki na kalaro niya. At habang nasa byahe pauwi ay nakatulog si Raffy sa pagod sa pakikipaglaro. “May problema ba?” mahinang tanong ni Zylah sa asawa. Alam niyang kanina pa may gumugulo rito at iyon ang gusto niyang malaman. Hinintay niya
Umiling si Willow. Hindi niya kilala kung sino ang sinasabi ni Zylah kasi hindi naman siya naging close kina Austin at Rachel. Tanging kay Mathias niya lang nalaman ang mga bagay-bagay tungkol sa kaibigan nito at kung bakit umiwas si Austin noon sa kuya niya. “Kanino mo pala nalaman ang tungkol sa kapatid ni Rachel?” tanong ni Willow para malinawan tapos natawa ng mahina. “And weird kasi… bakit kailangan sabihin pa na kamukha ni Rachel?”Wala naman pakialam si Willow pero hindi niya maitago ang pagtataka lalo na at kanina lang itinanong ni Zylah kung hawig ba ito kay Rachel. Maganda si Rachel sa tanda ni Willow pero hindi rin naman papahuli si Zylah. In fact, kung siya ang pipili kung sino ang mas maganda ay si Zylah ang pipiliin niya.“Kay Paulina,” kiming tugon ni Zylah. “Hindi ko alam kung kilala mo si Paulina Vergara pero siya ang nagsabi sa akin. Ang alam ko ay college friend din nina Mathias at Austin ang uncle ni Paulina. Si Harrison Vergara.” Hanggang doon lang ang kayang sab