LOGINNakangiting hinila ni Bryce si Zylah para maupo sa tabi niya. Pinunasan niya rin ang mga luha ng asawa. Hinalikan niya ito at inihiga sa kama. “Stop worrying, Zy. Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang mommy ni Jaxon. Tayo ang pamilya. Walang kwenta isipin ang mga bagay na hindi naman natin dapat pahalagahan.”
Hindi umimik si Zylah. Hinayaan na lang niya ang asawang hagkan siya nito. At muli… muli ay pinagsaluhan nila ang pagiging iisa. At kung dati ay mainit ang bawat sandali para kay Zylah, ngayon ay naramdaman niya ang mawalan ng gana. Nakatulugan ni Zylah ang yakap ni Bryce. Nakatulugan niya hanggang magising siya sa tunog ng alarm clock dahil kailangan na niyang bumangon para ipaghanda ng almusal ang kaniyang mag-ama. Pumupungas pa si Zylah na pumunta ng kusina at kahit inaantok ay sinimulan na niya ang daily routine. Tiningnan niya ang laman ng refrigerator at kung kahapon ay homemade chicken nuggets ang hinanda niya kasama ng fried egg at sinangag, ngayon ay naisip niya ang paborito ni Jaxon na tocino. Homemade din ang tocino niya para control ang sugar na nilalagay niya rito at honey ang mas gamit niya sa pampatamis para kahit paano ay may vitamins at minerals na makukuha ang anak niya. Oras din ang ginugol niya sa pagluluto. Hinahanda na niya ang mesa nang nakasimangot na Jaxon ang lumapit sa kaniya dala-dala ang tablet nito. “Bakit wala na ang GC namin nina Mama Jessa?!” pasigaw na tanong nito. “You deleted it!” dagdag nito, puno ng akusasyon ang boses. “Jax, what was that?” kalmadong tanong ni Zylah sa anak. Hangga’t maari ay ayaw niyang madagdagan ang iniisip nito sa kaniya na kapalit-palit siyang ina. “At hindi ako nag-delete ng—” “You’re lying!” sigaw ni Jaxon. “Kaya ayaw na ni Daddy sa ‘yo! Bad ka! Ayaw mo ako maging happy!” Huminga ng malalim si Zylah. Hindi niya man gustong dibdibin ang mga sinabi ng anak dahil inosente ito sa totoong sitwasyon ay hindi pa rin niya maiwasan masaktan. “I’m sorry you feel that way, Jaxon,” bulong niya. Nilapitan niya ang anak para suyuin pero umatras lang ito. “Gusto mo ikaw lang masunod!” muling sigaw nito. “Kaya mas love ni Daddy si Mama Jessa. Bad ka kasi! Si Mama Jessa mabait. Lagi niya pa akong binibilihan ng mga gusto ko! Ayaw niya akong maging sad.” “Jax…” Dapat hindi na niya intindihin ang sinasabi ng anak pero hindi niya mapigilan mapatitig dito at masaktan. “Daddy told me hindi ka niya love!” Nanlilisik ang mga mata ni Jaxon na nakatingin sa akin. “Sabi ni Daddy ayaw niya lang broken family tayo pero ayaw niya na sa ‘yo!” “It’s not true, Jax. Kung totoo ‘yan ay bakit nandito pa ang daddy mo at kasama natin?” tanong ko para malinawan siyang mali ang iniisip niya. “Because of me!” muling sigaw ni Jaxon. “Not because of you!” Huminga ng malalim si Zylah. Hindi na niya kailangan ipakipagtalo sa anak ang hindi pa nito maintindihan. “Let's eat,” wika na lang niya rito at nilagyan na ang plato nito ng paborito nitong tocino. "You love tocino, right?" “I hate you!” sigaw ni Jaxon at nilaglag sa sahig ang plato na nasa harap nito. “Ayaw ko sa ‘yo! Ayaw ko niyan!” Puno ng pagtitimpi na tiningnan ni Zylah ang anak na iniwan siya. Tiningnan niya ang kalat na pagkain sa sahig at ang basag na plato. Nanghihina na napaupo siya at hinayaan ang pagtulo ng luha. Iniisip kung siya ba talaga ang may mali kaya nagkaganito ang anak. Na baka kung sakaling naging maluwag siya sa mga gusto nitong makain ay baka hindi nagkaroon ito ng dahilan at isiping sana ay ibang babae na lang ang mommy nito. Pilit niyang binibigyan ng pang-unawa ang anak. Bata lang ito at akala ay sobra niyang binabawalan na walang dahilan. Tama iyon ang dapat isipin niya.At si Jessa? Sinamantala ng babaeng iyon ang pagbabawal niya kay Jaxon para kontrahin siya nang pasimple. Sinamantala ni Jessa para mapalayo ang kalooban ng anak niya sa kaniya at dito pumabor.
Hindi na niya gustong isipin pa ang kung ano-ano kaya niligpit na lang niya ang kalat na ginawa ng anak. Sinigurado niyang wala ng bubog nang abutan siya ni Bryce. "Hey…” usal ni Bryce. Nakatingin ito sa basag na platong naipon at mga natapong pagkain. “What's wrong?" Tiningnan lang ni Zylah ang asawa at naiiyak na naman siya isipin ang mga sinabi ng anak niya sa kaniya. “Nag-left na ako sa GC pagkatapos kong alisin muna si Jessa roon at ang anak niya,” imporma ni Bryce kay Zylah. “Same with Jaxon. Wala na ang GC kaya hindi mo na kailangan mag-worry, Zy.” “Nagalit si Jaxon at tinapon ang pagkain niya,” ani na lang ni Zylah dahil bigla ay wala na siyang interes sa mga kinukuwento ng asawa. Sa puso niya ay ito pa rin ang sinisisi kung bakit naging gano’n si Jaxon sa kaniya. “Mamaya bago mo siya ihatid ay pakainin mo muna kasi ayaw na niya yata ang luto ko.” “Bata lang si Jaxon, Zy…” masuyong sabi ni Bryce. “Ako ang bahala at magiging okay na ‘yon mamaya.” “Okay…” tanging sagot ni Zylah at nilagyan na ng pagkain ang plato ng asawa. “Tara, kain na lang tayo. Pagkatapos ng almusal ay umalis na sina Bryce at Jaxon. Katulad ng dati ay naiwan na naman siyang mag-isa sa bahay nilang pagkalaki-laki para sa kanilang tatlo. Maganda ang buhay nila dahil may sariling kumpanya si Bryce. CEO ang asawa niya sa pharmaceutical company na minana sa ama. Pareho silang pharmacist ni Bryce at sa kumpanya nga ng mga ito sila unang nagkakilala dahil doon siya una at huling nagtrabaho. Kinuha na niya ang vacuum cleaner nang matapos na niya ang mga hugasin. Naisip niyang unahin ang pagba-vacuum sa carpet ng kuwarto ni Jaxon bago ang kuwarto nilang mag-asawa. Pagbukas niya ng pinto ng kuwarto nilang mag-asawa nang matapos na siya sa kuwarto ni Jaxon, may nakita siyang nakapatong na papel sa ibabaw ng chest drawer. Nilapitan niya iyon para iligpit nang mapansin na sulat pala iyon. Kinuha ni Zylah ang envelope na nakapatong din sa tokador para ibalik ang sulat doon nang mapansin niya ang isang larawan na nasa loob niyon. Inilabas niya ang picture. Tinitigan.'Siya iyon… ang Mama Jessa ni Jaxon.'
Hindi na nagpaawat si Zylah. Alam niyang pribado ang mga sulat at hindi niya dapat basahin pero...
‘Jessa, kahit ano pa ang ginawa mo sa akin ay handa pa rin akong tanggapin ka. As long as you are willing to come back, I can cancel my wedding with Zylah immediately.’ Dang! Mapait na napangiti sa sarili si Zylah sa harap ng salamin. Thinking na isa lang talaga siyang panakip-butas mula umpisa ay masakit sa kaniya. At ngayon bumalik na si Jessa… lalaban pa ba siya kung pati anak niya ay gusto na rin itong kasama?“Na wala akong planong gawin…” kalmadong wika ni Austin para sagutin ang sinabi ni Bryce. “Hindi ko ugaling mang-angkin ng hindi akin, Bryce. Jaxon is my stepson technically, and legally dahil ako ang legal na asawa ng mother niya. But speaking of who’s the father of Jaxon should be ay wala akong planong agawin sa ‘yo, kaya huwag kang magdrama na parang inaagaw ko ang anak mo dahil hindi ko pinigilan si Zylah na iuwi namin siya.”Natigilan si Bryce. Napahiya kahit paano. Alam niyang hindi niya pwedeng inisin ang gaya ni Austin pero hindi naman palibhasa investor niya ito ay hahayaan na lang niya na magmukhang balewala para sa gaya nito. Kapag hindi niya inilaban ang sitwasyon niya ay lalo na siyang magmumukhang trapo na lang sa tingin nito. At pagtatawanan lang siya ni Zylah. Iisipin na napakahina niya.“If that’s what on your mind then better convince your wife na ihatid niyo na si Jaxon sa bahay, Austin!” pautos ulit na turan ni Bryce. “Okay na tayo basta ihatid niyo sa bahay si Jaxo
“Zylah is Jaxon’s mother,” kalmadong tugon ni Austin sa tanong ni Bryce. “Nakalimutan mo na ba ang sabi ni Jaxon kanina?” tanong niya rito. “Kay Jaxon nanggaling ang request na huwag siyang iwan ni Zylah sa inyo.”Nagtangis ang mga bagang ni Bryce. “Hindi ko alam kung anong drama ng asawa mo na pagtapos pabayaan si Jaxon ay bigla na lang gusto niyang umaktong mabuting ina ngayon…” wika niya habang palakad-lakad sa harap ng hospital room ni Jessa.“Mukhang mali naman ang sinabi mong ‘matapos pabayaan’ na ‘yan…” usal ni Austin sa tonong nagpipigil lang pero halatang hindi natutuwa sa mga naririnig kay Bryce. “Alam na alam mo kung bakit lumayo si Zylah, Bryce. Lumayo lang siya para pagbigyan kayo pero hindi siya nagpabaya. She just let you at iyon naman ang gusto niyo noon, ‘di ba? Ang palitan siya sa buhay niyo.” “Ayokong makipagtalo sa ‘yo, Austin…” usal ni Bryce. “Isa pa ay wala naman tayong dapat pagtalunan. And I have nothing against you… It’s true,” dagdag pa niya para ipaabot na r
Pabalik-balik na naglalakad si Bryce sa harap ng delivery room kung saan naroon si Jessa na kasalukuyan nanganganak. Tuliro siya sa halo-halong naramdaman. Inis, insulto, pagkalito… lahat ng iyon ay naglalaro sa emosyon niya. Binalikan niya ang pangyayari kanina sa school na dahilan kaya narito sila sa ospital ni Jessa. Ang pagkapahiya nila kanina ng asawa sa pananampal ni Zylah. Ang amusement sa mga mata ni Austin na obvious na suportado ang ginawa ng asawa nito. Ang pagpapakampi ni Jaxon sa mommy nito at sabihing ayaw na sa kanila. At ang mapanghusgang tingin ng principal sa kanila kanina ni Jessa kasama pa ng dalawang guro matapos ang mga narinig na sinabi ni Jaxon. Lahat ng mga iyon ay pabalik-balik sa isip ni Bryce at dahilan kaya lalo siyang nagagalit kay Zylah. Kung hindi sa kalokohan nito ay hindi mapapaanak ng wala sa oras si Jessa. Iyak ng bagong silang na sanggol mula sa delivery room ang umagaw ng atensyon ni Bryce. Napalitan ng ngiti ang nararamdaman niyang buwesit sa m
“Zylah!” galit na reaksyon naman ni Bryce at inalalayan ang asawa dahil halos natumba ito sa malakas na sampal ni Zylah at ngayon ay dinuduro-duro pa. “What the hell are you saying?!” pasigaw niyang dagdag. “You are insane acting so important! Hindi palibhasa may investment si Austin sa kumpanya ko ay may karapatan kang astahan kami ng ganiyan. And that slap you did to Jessa, sa palagay mo palalampasin ko na lang iyon ng gano’n na—”Isang sampal ang nagpatigil din kay Bryce. Mas malakas. Mas puno ng galit.“You!” galit na buwelta ni Bryce nang makabawi sa sampal na binigay ni Zylah. “Sumusobra ka na!” Hinila nito ang isang braso ni Zylah at plano sanang sampalin para mapatigil nang…“Don’t you there lay a finger on my wife, Almendras!” mababa lang ang tonong wika ni Austin pero puno ng pagbabanta ang tingin niya rito habang pigil ang kamay nitong naitaas na at nakahanda na ip[adapo kay Zylah. Binitiwan ni Bryce si Zylah. Napahiya. “Then what’s the hell wrong with your wife slapping us
“Stop saying that, Austin!” ani Bryce para ipagtanggol ang asawa. “Jessa is a good mother. Hindi mo alam ang totoo kaya wala kang ideya sa sinasabi mo! At hindi ko alam kung ano ang motibo nitong asawa mo sa patanong-tanong ng kung ano-ano kay Jaxon. Isa pa ay wala kayong ebidensya sa mga binibintang niyo kaya tigilan niyo ang kung anong kalokohan na sinasabing inaapi ni Jessa ang anak ko! Ako ang ama ni Jaxon at nasa poder ko siya. Kung totoong inaapi siya ni Jessa ay ako ang unang makakaalam. Hindi kayo!” Nagkatinginan sina Austin at Zylah. Parehong ang nasa isip ay napakagago talaga ni Bryce. “Hindi pa ba sapat ang sinabi ni Jaxon na ayaw niya sa inyo?” mapanghamon na tanong ni Zylah kay Bryce. “Hindi pa ba sapat na ako na inayawan niyang ina noon ang ngayon pinapakiusapan niyang huwag siyang iwan sa inyo? I’m telling you two… kukunin namin si Jaxon at huwag niyo na hangarin makigulo pa dahil hindi kami papayag na ibalik pa siya sa inyo!”“Jaxon has his habit of making things up!”
“And what do you think you’re doing, Jaxon?” tanong ni Jessa sa naiiyak na boses. Kunwari ay takang-taka sa ginawi ng bata at nasaktan. Jessa knows well she needs to play her cards. Hindi pwedeng magmukha siyang masamang ina sa tingin ng mga teacher at principal dahil sa mga sinabi ni Jaxon. At sa bagay na iyon ay alam niyang lamang na lamang siya kasi magaling siyang umarte at bumibenta lagi. “After kang iwan ng mommy mo at ako na ang naging mommy mo ay paano mong nasabi ‘yan, Jaxon?” patuloy ni Jessa na may pahikbi pang style sa boses. “Nakalimutan mo na bang pinabayaan ka ng mommy mo? Remember those times you always told me how happy you are that I became your mom?”Alam ni Jessa na siguradong pag-uusapan sila ng mga guro dahil sa kung anong sinabi ni Jaxon pero kailangan mapalabas niyang pabayang ina si Zylah at piniling unahin ang anak ng asawa nito kaysa sa tunay nitong anak. Kailangan siya ang mukhang nagsakripisyo tapos ay sinasagot-sagot pa ni Jaxon ng gano’n. Tama… ano man







