Hindi napigilan ni Zylah ang mapahikbi sa narinig na wish ng anak. Bakit naman naging gano’n? Alam niyang bata pa si Jaxon at baka naman nakakatuwaan lang ang Jessa na ‘yon pero… pero hindi niya kasi maiwasan ang masaktan. Magselos.
“Zylah?” tawag ni Bryce na ikinalingon niya. “Umiiyak ka? Why?” “Sino…” Huminga ng malalim si Zylah. Kinalma niya muna ang sarili para hindi mapiyok ang boses. “Sino si… si Jessa Moreno, Bryce?” direktang tanong niya kahit hindi nililingon ito. Hindi sumagot si Bryce na lalong ikinasama niya ng loob. Nang tingnan ni Zylah ang asawa ay nagbibihis na ito at parang binalewala lang pala ang tanong niya. Nilapitan niya ito at inabot ang tablet ni Jaxon para makita nito ang group chat na ikinasasama ng loob niya. “Mama Jessa pa talaga ang tawag sa kaniya ni Jaxon…” naiiyak niyang wika. “Siya ang ex mo, ‘di ba?” “I can explain,” ani Bryce at kinuha ang tablet sa kaniya para ipatong sa headboard. “Explain what?” masama ang loob na tanong ni Zylah. “Ipapaliwanag mo kung bakit mas gusto ng anak natin ang ibang mommy? How could you let it happen? Hinayaan mong magkaroon kayo ni Jaxon ng ibang pamilya? You let our son call another woman Mama? At alam mo ang masakit? Ang ex mo pa…” “Please listen to me, Zylah. Hindi ko akalain na magiging close si Jaxon kay Jessa. Nagkataon lang na nasa parehong park kami noong araw na una silang nagkakilala. Nakalaro ni Jax ang isang bata na hindi ko alam ay anak ni Jessa. Mga bata alam mo na…” Inakbayan ni Bryce si Zylah. “Nang lumapit si Jessa dahil hinahanap ang anak ay doon ko lang nalaman na siya ang mama ng kalaro ni Jax. Iyon lang ‘yon sana kaso makulit si Jax dahil gusto na raw niya gawing kapatid ang anak ni Jessa. I told you many times, gusto ni Jaxon maging kuya.” “At bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa 'coincidence' na pagkikita ninyo ni Jessa?” nagdududa pa ring tanong ni Zylah. “Mahirap bang ipaalam sa akin ang pagkikita niyo na hindi sinasadya? Kung hindi ko pa nakita ang GC ay hindi ko malalaman na itinatago ninyo ni Jaxon sa akin ang pakikipagkita sa ex mo!” Hindi na niya naiwasan mapataas ang tono ng boses. “Lagi ka kasing abala… Kapag sinasama ka namin lumabas ay ayaw mo dahil sabi mo may tatapusin ka pang mga gawain. Halos wala ka ng panahon sa amin. Nalulungkot si Jaxon at nataon naman na magkasundo sila ng anak ni Jessa.” “Laging abala?” tanong ni Zylah pabalik. Sa pagkakatanda niya ay kaya siya laging may gawain sa bahay ay para rin kina Bryce at Jaxon. May OCD si Bryce kaya pinipilit niyang nakaayos lahat sa bahay nila. Ayaw niyang kahit kaunting bagay ay maging dahilan ng pagtatalo nila. Totoo na hindi siya nakakasama dahil kapag nagyayaya lumabas ang asawa ay pagod na pagod na siya at nagpapahinga, pero kadalasan ay dahil naglalaba pa siya o naghahanda ng kakainin nila. She always made sure na bawat pagkain nila mula sa breakfast, lunch, at dinner ay hindi replica ng sinundang araw. Madaling maumay ang anak niya sa pagkain kaya sinisigurado niyang hindi iyon paulit-ulit. “Lagi ba akong abala?” muli ay tanong ni Zylah. “O baka naman ang totoo ay ginagamit mo lang si Jaxon para makita ang ex mo dahil mahal mo pa siya?” “Zy!" Bryce exclaimed and chuckled. "Ano ba? Walang gano'n. And believe me, mali ka ng iniisip…” Yayakapin sana ni Bryce ang asawa pero umatras si Zylah. Bryce sighed. Nailing. “It’s not what you think… Maniwala ka sana na naging magkasundo lang sina Jaxon at Brody, plus malambing din kasi si Jessa sa anak natin kaya pakiramdam ni Jaxon ay may another mommy siya. In fact, that GC was Jaxon’s idea. Pinagbigyan na lang namin ni Jessa para hindi na siya mangulit pa at mag-tantrums.” “Pero sana sinabi mo…” Naiyak na si Zylah. “Sana sinabi mo para hindi ako ganito. Pakiramdam ko ayaw na pala sa akin ng anak ko tapos wala akong alam. At ang mga pictures… bakit hinahayaan mo si Jaxon sa maraming sweets. Alam mo ang kondisyon niya, ‘di ba?” “Hindi naman sa hinahayaan... At hindi makakasama kung pagbibigyan natin si Jaxon paminsan-minsan sa sweets.” “Pagbibigay na dahilan kaya naisip niyang mas gusto na niya si Jessa maging mommy niya,” bweltang padabog ni Zylah. “Can’t you see? Ang tingin tuloy ni Jaxon ay ako na ang villain sa buhay niya. Sa batang isip niya ay kung si Jessa nga naman ang mommy niya ay pagbibigyan siya lagi.” "Well..." Kumibit-balikat si Bryce at hinawakan ang kamay ni Zylah. “I’m sorry, Zy…” puno ng sinseridad ang tono na wika nito. “Hindi ko gustong masaktan ka ng gan’yan at iba ang isipin. Isa pa ay hindi ko rin ginustong itago ang tungkol sa friendship nina Jaxon at Brody, nataon lang na nawawala sa isip ko para makwento sa 'yo. Hindi naman kasi importante sa akin si Jessa para alalahanin ko. I hope you understand.” Pinunasan ni Zylah ang mga luha. Masama pa rin ang loob niya nang titigan si Bryce. “Sabi mo hindi mo ginustong masaktan ako… Pero iyon ang tingin kong problema mo, Bryce. Hindi mo iniisip una pa lang kung makakasakit ba ang gagawin mo o hindi.” Dahil sa sinabi ni Zylah ay nagkaroon ng katahimikan kaya lalo siyang naiyak. Masakit sa kaniyang tanggapin na ang anak ay may ibang gusto maging ina. Kahit anong pilit niyang isipin na bata lang si Jaxon ay hindi pa rin mabago ang katotohanan na hinayaan ni Bryce mangyari sa kaniya ang ganito, ang ipagpalit sa iba ng anak. “What do you want me to do now?” tanong ni Bryce na bumulabog sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tinitigan ni Zylah muli ang asawa. Gusto niyang sabihin dito na kahit anong gawin pa nito ay tapos na, may iba nang mas mabuting mommy sa tingin ng anak nila. Gusto niyang isigaw na mas mabuti sigurong maghiwalay muna sila para sa katahimikan ng puso niya dahil kahit anong paliwanag ni Bryce ay hindi kayang alisin ang pagdududa niyang niloloko siya nito. At kalokohan rin na paulit-ulit itong nakikipagkita sa ex kasama ang anak nila tapos sasabihin na nawawala sa isip kaya nalilimutan ipaalam sa kaniya. Tama… mas mabuting makipaghiwalay siya muna. Kaso… maisip pa lang niya ang inosenteng anak ay naawa na siya rito. At baka lalo lang siyang mapasama sa paningin ng anak kapag inilayo niya ito sa ama. “Delete the GC,” mahinang utos ni Zylah. “You want to do something then delete the GC and stay away from your ex.” Tumango si Bryce. “I will. Promise. Aayusin ko lahat para sa atin.”“Pero paaano kapag nagalit pa rin sa akin si daddy, mommy?” inosenteng tanong ni Brody. Masyado itong namamanipula ng ina kaya sunod-sunuran. “Kaya nga dapat siguraduhin mo na hindi mangyari kasi kapag nagalit sa ‘yo ang daddy niyo ay papalayasin ka niya sa bahay na ito. Mahihiwalay ka sa akin, Brody! Mawawalan ka ng mommy!” pananakot ni Jessa sa sariling anak. Iyon ang paraan niya para sumunod ito Tanda pa ni Jessa nang dati ay sinabi ni Brody na bad ang ginagawa niya kay Jaxon. Sinabi pa na bawal magsinungaling kaya bakit iyon ang itinuturo niya rito.“Gusto mo bang mahiwalay sa akin?” tanong ni Jessa sa anak nang mabasa niya ang kalituhan sa mga mata nito. “No, mommy…” Mabilis ang pag-iling ni Brody. “Ayaw ko mahiwalay sa ‘yo…”Napangisi si Jessa. “Kaya nga makinig ka, Brody…” malambing niyang wika sa anak. “Sasabihin mo na bad talaga si Jaxon sa daddy mo kapag sinabi ni Jaxon na ikaw ang naunang nanulak. At sasabihin mo rin na laging gumagawa ng gulo si Jaxon kahit sa school
“Jaxon!” tawag ni Brody sa isa na hindi siya pinansin at dire-diretso lang sa paglalakad galing sa pool area papunta sa kuwarto nito. Si Jaxon ay sadyang hindi pinansin si Brody kasi mula pa noong inaapi siya ni Jessa ay alam niyang kasabwat ito. Ni minsan ay hindi ito naging mabait sa kaniya at lagi pang nagsisinungaling gaya ng mommy nito“Tinatawag kita, Jaxon!” habol ni Brody sabay tulak sa isa na patuloy lang naglalakad kaya na-out balance at nauntog sa hamba ng pinto. Si Jaxon na nasaktan ay kinapa ang bukol sa noo at nang tumayo siya ng diretso ay hinarap si Brody na nakangisi pa sa kaniya. Parang tuwang-tuwa pa na nabukulan siya.“Papansin ka!” galit na sabi ni Jaxon sabay tulak din kay Brody.“Brody!” malakas na sigaw ni Jessa. Saktong nasa baba na ng hagdan siya nang makita na itinulak ni Jaxon ang anak. Mabilis na nilapitan niya ang anak para tulungan tumayo. “What’s your problem, Jaxon?” tungayaw niya sa stepson. “Bakit mo itinulak si Brody?”Hindi sumagot si Jaxon. Alam
Raffy’s birthday…Napangiti si Zylah habang nakatingin kay Raffy na masayang-masaya na sinalubong ang sinasabi nitong best friend. Ang batang si Nathan ay may katabaan at kasama ang lola nito. “Hello po,” magalang na bati ni Zylah sa matandang babae na kiming ngumiti. Namiss niya tuloy ang nanay niya dahil sigurado siyang nagkakalapit ang edad nito sa mama niya. “Samahan ko na po kayo sa table,” aya niya sa matanda at kay Nathan. She invited her parents pero hindi makapunta dahil hinahapo ang papa niya. Nangako na alanhgh sila ni Austin na sila ang papasyal sa mga ito. Hindi naman nagpaiwan si Raffy at sumama rin sa kanila hanggang sa table kung saan niya dinala ang mag-lola. “Happy birthday, Raffy!” masayang bati ni Nathan sa kaibigan nito sabay abot ng regalo na siya mismo ang pumili para rito. “Thank you, Nathan!” masayang turan ni Raffy at kasunod ay niyaya na nito ang kaibigan na maglaro sa pinasadyang play area para sa mga bata. Gusto nila ni Austin na pagbigyan ang gusto ni
“You are so impossible, Bryce! I always admire you kaya nga magkasama na ulit tayo pero sa nakikita ko ngayon na takot mo kay Zylah dahil asawa na siya ni Austin ay parang hindi ko makita na ang lalaking minahal ko ng sobra-sobra at hinangaan. Handa mo nga ako ipaglaban noon kay Harry pero si Jaxon hindi mo kayang gawan ng paraan para makasama man lang ang totoong mother niya?”“Enough, Jes!” matigas ang tonong pagpapatigil ni Bryce sa kakasalita ng asawa. Naiba na ang topic nila pero bumalik na naman ito sa ideya na lapitan niya si Austin para kausapin tungkol kay Zylah. “What’s wrong with you?”At napipikon na siya sa asawa. Kanina nang sabihin nito ang totoong nangyari noon kaya nakunan si Zylah ay talagang nagulat siya at nadismaya rito. Paano naman kasi ay killa niya itong mabuting tao kaya hindi niya maisip na nagawa nitiong pagtakpan ang nagawa ni Jaxon dahil lang sa naawa ito sa anak niya. “Anong what’s wrong with me na ‘yan?” kunot-noong tanong ni Jessa. ”Bakit parang ako pa
Napaling na lang si Bryce sa tono ni Jessa. Bagaman inaamin niyang may katotohanan ang mga sinabi ni Jessa na siguradong pinagtatawanan lang siya nagyon ni Zylah pero hindi iyon ang mas nasa isip niya kundi ang nasa asta ng asawa habang nakikipag-usap sa kaniya. Nag-iba na talaga ito. Hindi niya gustong bigyan ng pansin noong una dahil baka naman dala lang ng pagdadalang-tao nito pero habang tumatagal ay lumalala na rin ang pagbabago ng asawa simula nang makasal sila. Kahit ang mommy niya na kasundo nito noon ay hindi na rin ito gusto dahil sa pagpapabaya diumano kay Jaxon at sa sobrang gala at luho. Mas marami pa raw itong oras sa pagsa-shopping at paggawa ng content, sabi ng mommy niya, kaysa pag-aasikaso sa kanila ng mga bata.“What?” mataray na tanong ni Jessa. “What are you staring at? Kailangan ba na ako ang mag-isip ng tamang gagawin mo para makipag-usap ka kina Austin at Zylah? Jut think of Jaxon at makakaisip ka na ng reason para lumapit kay Austin Mulliez!”“No…” Umiling si
“Mommy!” Napatayo si Raffy at binitiwan ang phone na hawak nang makita si Zylah na pumasok ng pinto. Umiiyak talaga siya kanina nang tawagan ito pero ayaw niyang malaman ng mommy at daddy niya kaya hindi niya aaminin. At kaya siya umiyak kanina ay dahil nakita niya ang mga isinulat ni Jaxon sa isa sa notebooks niya. Hindi naman niya maisumbong si Jaxon sa mommy at daddy niya kasi ayaw niyang magalit ang mga ito. At natatakot siya na maging totoo ang sinabi ni Jaxon na kapag gusto na nitong bawiin ang mommy niya ay iiwan siya nito.“Hindi pa tapos ang meeting ni daddy?” nakangiting tanong ni Zylah sabay pasimpleng obserbahan ang anak kung tama ba ang hinala niya. “At nasaan si yaya?” tanong niya kasunod sabay ikot ng tingin sa office room ni Austin. “May inutos si daddy kay yaya kaya pumunta sa driver,” mahina ang boses na sagot ni Raffy. “Gusto mo ba mag-Jollibee muna habang hinihintay natin si daddy?” tanong ni Zylah sa bata na agad ang pagningning ng mga mata. Paborito kasi niton