Ibinalik ni Zylah ang sulat sa loob ng envelope at ipapasok na sana sa drawer nang makita ang isang sulat pa sa loob ng drawer. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon para mabasa kung ano ang nakasulat doon.
Sulat iyon mula kay Jessa at kung tama ang iniisip niya ay iyon ang tugon ng babae sa sulat na mula kay Bryce. ‘Bryce, I’ve moved on. Tama na. Hayaan mo na ako maging masaya. Please respect my decision and don’t contact me again. Ayokong mag-isip ng hindi maganda ang asawa ko.’ Natigilan si Zylah hanggang sa ibalik niya ang mga sulat sa sobre. Si Jessa talaga ang mahal ni Bryce at isa lang siyang tagasalo ng lalaking nabigo sa first love nito. At kagaya ng naisip niya, dahil bumalik na si Jessa ay balewala na kay Bryce ang nararamdaman niya kaya okay lang dito kahit masaktan siya. Tunog mula sa phone ang umistorbo sa kung anong iniisip niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa at si Bryce ang caller.Zylah cleared her throat and answered the call, “Hi,” pinilit niyang maging normal ang boses pero parang mula sa hukay ang narinig niya. “May... naiwan ka?” tanong niya dahil gano’n naman lagi kapag biglang natatawag si Bryce na kakaalis lang nito, may naiiwan itong ipapakuha sa kaniya kaya papaabangan sa kaniya ang kung sinong uutusan nito mula sa kumpanya.
“Busy ka?” tanong ni Bryce. Kaswal lang na tanong iyon pero nahihimigan niya ang paglalambing sa boses nito. “Naglilinis lang,” tugon ni Zylah at totoo namang iyon ang ginagawa niya. “Ano sana?” “May naiwan kasi akong documents ng office diyan sa kuwarto natin. Huwag ka na muna maglinis doon para sure na walang ma-misplace.” Nilibot ng tingin ni Zylah ang kuwarto. ‘What a liar!’ Gusto niyang isigaw pero inawat na naman niya ang sarili nang maisip ang inosenteng anak. Tama na ang nangyayari kay Jaxon, hindi na niya dadagdagan ang inis nito sa kaniya. Kapag hinayaan niyang magpadala siya sa galit ay ang anak niya ang siguradong maapektuhan. “No worries,” sabi na lang ni Zylah. “I won’t clean our room. Dito na lang ako sa room ni Jaxon at kapag naligpit mo na ang mga kalat…” She sighed. “I mean, ang mga nakalat mong 'dokumento' ay saka na ako maglilinis.” “Thanks, Zy…” sabi ni Bryce.Ramdam na ramdan ni Zylah ang biglang pag-relax ng asawa. Natatakot din pala ito na makita niya ang mga sulat. Gusto niyang matawa. Sinulyapan ni Zylah ang dalawang sulat na nakakalat. “May iba pa ba?”
“Wala na. ‘Yon lang.” Tinapos na ni Bryce ang tawag. Kinuha ni Zylah ang sobre ng mga sulat at ikinalat ulit niya ang mga laman niyon kagaya ng abutan niya kanina. Lumabas na siya ng kuwarto at dumiretso na sa baba. Nagpatugtog siya. Nilunod niya ang galit sa mga rock songs na naririnig. Hindi siya nahilig sa rock pero sa nararamdaman niyang galit ay mas gusto niyang makinig sa pagwawala ng mga rock singers sa mga piyesa nila. Lumipas ang maghapon at nakalma na ni Zylah ang sarili. Papadilim na at kadalasan ay gano’ng oras ang uwi ng mag-ama niya. Naghahanda na siya ng dinner nila nang dumating si Bryce. “Si... Jaxon?” nagtatakang tanong niya kasi mag-isa lang itong dumating. “Pinasama ko muna kay Mommy,” tugon ni Bryce. Nilapitan nito si Zylah at hinila para yakapin. Masuyo nitong hinaplos-haplos ang likod ng asawa na alam nitong nagtatampo pa rin sa mga natuklasan. “Inisip ko na kailangan naman natin ng time para sa bawat isa kaya... okay na rin na isama muna ni Mommy si Jaxon.” Naninigas na napatingin si Zylah sa asawa. Hindi niya alam paano tatanggihan ito sa obvious na paanyaya. Hindi dahil sa ayaw niya lang. Nararamdaman niya kasi na ginagawa lang ni Bryce ang mga biglaang paglalambing dahil gustong bumawi sa kaniya. At bakit babawi kung sinabi naman nito na balewala lang si Jessa? “Zy…” he murmured. “Malaki na si Jaxon. Pwede na natin sundan.” Napaatras si Zylah. Iniisip kung sincere ang asawa sa sinabi o paraan nito iyon para mauto pa siya lalo. “Why?” tanong niya. “Anong why?” natawang balik tanong ni Bryce kay Zylah. “Hindi tayo naghihirap para limitahan ang magiging mga anak natin. At gusto kong magkaroon na ng kapatid si Jaxon kasi iyon ang tingin kong hinahanap niya.” “Sigurado ka ba na sa akin mo pa gustong magkaroon ng panibagong anak?” seryosong tanong ni Zylah nang maalala ang dalawang sulat na nabasa niya kanina. Oo, matagal na ang mga sulat na iyon pero ang basahin ulit iyon ni Bryce ay may ibig sabihin. Mahal pa rin talaga nito si Jessa. At kung mali ang iniisip niya ay bakit hindi nagawa ni Bryce itapon ang mga sulat na iyon o sunugin? Sa tagal nilang nagsama ay itinago pa rin ni Bryce ang mga huling sulat nito at ni Jessa sa bawat isa. “Tama na nga ang pag-iisip mo ng kung ano-ano. Hindi ko gustong balikan si Jessa. Tapos. Hindi ko na siya kailangan dahil ano pa ba ang hahanapin ko?” Masuyong tinitigan ni Bryce si Zylah. “Ano pa ba ang hahanapin ko ay kumpleto na ang buhay ko dahil sa ‘yo.” Tinitigan ni Zylah ang asawa. Nagdududa siya pero umaasa pa rin siyang nagsasabi ito ng totoo. At kung ano man ang sama ng loob niya ay kailangan pa ba niyang isipin kung ito mismo ang nagsasabi na siya ang pinipili nito? “Do you still trust me, Zy?” tanong ni Bryce. Dahan-dahang napatango si Zylah. Yes, magtitiwala pa rin siya. At kung inaayos ni Bryce ang pagsasama nila ay dapat niya itong tulungan. Iyon ang nasa isip niya. Bakit pa siya magmamatigas kung— Tunog ng phone ni Bryce ang pumutol sa pag-iisip ni Zylah. Kinuha ni Bryce ang phone mula sa bulsa at nagmamadaling sinagot nang makita kung sino ang caller nito. Bigla ang kung anong masuyong anyo ni Bryce kanina ay napalitan ng kung ano. Excitement. “Jessa?” tanong ni Bryce sa kausap sa telepono at hindi na napansin ang panlalaki ng mga mata ni Zylah. “What’s wrong?” “Bryce, si Jaxon. He’s at the hospital. He has severe stomach pain.” Iyon ang narinig ni Zylah mula kay Jessa dahil naka-open ang speaker ng phone ni Bryce. Hindi niya tuloy maunawaan kung nananadya ba ito iparinig sa kaniya ang pagtawag ni Jessa. Ayaw na lang niyang isipin pa dahil mas nasa isip niya ang katanungan kung bakit kasama ni Jessa ang anak niya. At ang katotohanang… nagsinungaling na naman ni Bryce.The Wedding Day…Sa buong durasyon ng kasal ay hindi na mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Zylah. Masaya siya. Sobrang saya niya dahil hanggang natapos ang seremonyas ng kasal nila ni Austin ay maayos lahat at ramdam niyang tanggap siya ng mga taong dumalo para kay Austin. Even Reina. Nang lumikot ang baby sa sinapupunan niya ay napahawak siya sa tiyan. Napangiti. Kahit ito ay mukhang nagagalak din na sa wakas kasal na siya sa daddy nito. Nilibot ng tingin ni Zylah ang buong bulwagan. Iilan lang ang mga bisita nila kung tutuusin, wala pa sigurong thirty. Mga pili lang na bisita. Ang mag-asawang McIntyre lang at si Paulina ang masasabi ni Zylah na kahit paano malapit sa kaniya. And looking at the couple na parehong kausap ng mother-in-law niya, Zylah was glad na naka-attend ang mga ito kahit may family issue na pinagdadaanan.“I’m so happy being here. Thanks for making me believe in true love again…” usal ni Paulina na ikinalingon ni Zylah. “And you’re so lovely in your wedding dres
Inosenteng ngumiti si Raffy sa narinig na sinabi ni Paulina. Totoong strict ang Mommy Zylah niya pero alam niyang iniisip lang nito lagi ang makakabuti sa kaniya. Her mommy and daddy wanted only the best for her. “Promise…” nakangiting usal ni Paulina kay Raffy. “Mamaya ay sa room mo na ako.” Masayang-masaya si Paulina dahil kumpyansa siyang matutukso niya si Raffy. Bata lang ito at ang mga bata ang pinakamadaling imanipula. “Um, Ate Pau…” alanganing wika ni Raffy. Napatingin siya sa glass wall na tanaw ang garden kung saan naroon ang mommy at daddy niya nag-uusap. “Can I watch your videos tomorrow instead?” tanong niya kay Paulina. Nasa boses ang pag-asam na bukas ay pwede pa rin niyang mapanood ang videos na sabi nito.“We can watch it later, Raffy…” Hindi mawala-wala ang ngiti ni Paulina. “Akong bahala. Walang makakaalam na pupuntahan kita mamaya sa room mo,” bulong niya rito. Kinukumbinsi na siya ang the best na kaibigan para rito.“No, Ate Pau…” Tumayo si Raffy. “Ayaw nina momm
Kanina pa hinihintay ni Paulina malapitan ng solo si Zylah. Ramdam niya ang mga pasimpleng banta ni Austin sa kakatingin ng masama sa kaniya. Yes, ramdam niya pero binabalewala lang niya sa maghapon mula nang dumating siya kaninang umaga sa bahay ng mga ito. She needs to act unbothered to look like she has no interest anymore with Austin.Nang makita ni Paulina si Zylah lumabas ng bahay at patungo sa garden ay sinundan niya ito. Pagkakataon na niya dahil mag-isa lang si Zylah kaya hindi na siya dapat mag-alangan pa. “Hi!” Nakangiting lumapit si Paulina kay Zylah nang maupo na ito sa isang bench. “Is it okay to join you here?” Ngumiti si Zylah kay Paulina. “Yes, of course…” Umusod siya sa pagkakaupo at nagpaalam sa mga ka-video call niyang sina Belinda at Melissa. “I was surprised that Austin is getting married,” umpisa ni Paulina sabay ngiti ng ubod tamis. Ngiti na hindi iisipin ni Zylah na peke. “Matagal na kaming hindi nagkita kaya nakakagulat na ikakasal na rin siya ulit sa wakas
—CALIFORNIA—“Mommy, look!” Umikot si Raffy sa harap ni Zylah para ipakita kung gaano kaganda ang suot niyang dress na pinasadya ni Austin. Ang dress ang susuotin niya sa kasal ng mommy at daddy niya.“Wow!” nakangiting komento ni Zylah. Nang tatawagin niya sana si Austin para makita rin nito si Raffy ay natigilan siya at napakunot-noo dahil kausap nito ang ina at mukhang nagtatalo na naman. Tatlong araw na lang at kasal na nila ni Austin. Nakahanda na rin ang lahat. Dumating na rin ang ibang mga bisita sa kasal nila at nakilala na rin niya ang dalawa pa sa mga best friends ni Austin na sina Cassian at Vito. Si Mathias na lang ang hindi pa nakakabalik kasi nagsabi na ito kay Austin na sa araw na lang ng kasal darating. Huminga ng malalim si Zylah at inalis ang agam-agam sa dibdib niya sa nakikitang pagtatalo ng mag-ina. Nang ibalik niya ang tingin kay Raffy ay nginitian niya ito. “Let’s take your pictures, Raf…” aniya rito at inangat ang phone na hawak para kuhaan ito ng mga larawan
“Will you let me go now?” inis na tanong ni Paulina kay Bryce nang muling pigilan nito ang paghakbang niya palayo. Hindi niya ito makuha sa pagtataray kanina pa. “What a brat you really are!” galit niyang dagdag. Iyon ang sabi sa kaniya ng imbestigador na kausap. Isang spoiled brat si Bryce Almendras at lahat ng gusto ay kailangan masunod. The reason kaya ito nahiwalay kay Zylah Flores ay dahil sa ex nitong binalikan kahit sila pa ng kinakasama dati. Kinakasama dati. Napangisi si Paulina nang bumalik sa isip na hindi lang pala basta kinasama ni Bryce si Zylah, asawa pala talaga. “Hindi pa tayo tapos mag-usap,” inis na wika ni Bryce sa babaeng ayaw niyang bitiwan ang braso at baka takbuhan siya. “May sinabi ka kanina na gusto kong malaman kung totoo ba. Now, tell me… Totoo ba na—”“Forget it!” inis na sabi ni Paulina at malakas na itinulak si Bryce. “Hindi mo na kailangan alamin pa since sabi mo nga ay inaantay na lang ang annulment ninyo ni Zylah. What’s your inquiry for? Unless gus
—SINGAPORE— Kanina pa may hinihintay si Bryce. Hindi niya kilala ang kikitain pero may note sa inside pocket ng jacket na suot niya kagabi sa event na dinaluhan. Hindi niya sigurado kung sino ang naglagay ng note pero may hinala siyang iyong babae na nakabungguan niya kagabi. Ang nakasulat sa note ay oras, petsa, at lugar kung saan sila magkikita. Kung ano ang dahilan ay sinabing malalaman niya basta makipagkita siya. Hindi siya dapat nakipagkita pero nang makausap niya ang imbestigador na inuupuhan niya para hanapin si Harry kagabi ay sinabi nitong may lead na ito na nasa Singapore si Harry. Dahil sa nalaman sa imbestigador ay inisip niyang si Harry ang gustong makipagkita sa kaniya. “Good that you’re here already…” wika ng isang babae nang nasa harap na siya ni Bryce. Napakunot-noo si Bryce. Mataman niyang tiningnan ang babae. Kinikilala. Hindi ito ang babaeng nakabungguan niya kagabi pero pamilyar sa kaniya ang mukha nito. “You are…” “Paulina Vergara,” pakilala ng babae kay