/ Romance / Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy / Chapter 6: Scars and Silence

공유

Chapter 6: Scars and Silence

작가: Ember
last update 최신 업데이트: 2025-02-14 17:10:13

Sa halip na sumagot, napalunok si Cali. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kakaibang epekto sa kanya ang paraan ng pagsasalita ni Lewis—ang paraan ng pag-angkin niya sa sitwasyon. Tila isang bitag na hindi niya namalayang unti-unti siyang hinihigop.

Ang kanyang mga mata ay dahan-dahang gumapang sa paligid. Ilang sandali lang ang nakalipas, masaya siyang nakikihalubilo sa selebrasyon, ngunit ngayon, parang lumiit ang mundo niya. Lahat ng ingay, lahat ng bulungan, tila naglaho kasabay ng malalim at walang alinlangang titig ng lalaking nasa harapan niya.

Hindi niya dapat maramdaman ito.

Dapat ay inis siya. Dapat ay may takot. Dapat ay nag-aalangan siya kung tama ba ang ginawa niyang desisyon, pero hindi—dahil sa isang banda, alam niyang wala naman talaga siyang ibang pagpipilian.

Hawak na siya ni Lewis.

At kung tama ang pakiramdam niya, hindi siya nito basta-basta bibitawan.

"Relax," aniya, bahagyang yumuko upang itapat ang labi sa kanyang tainga, ang boses ay halos isang bulong ngunit puno ng kumpiyansa. "You look like you’re about to run."

Napatingin siya rito, pilit pinapanatili ang kompyansa sa kanyang mukha. Alam niyang iyon ang inaasahan nitong makita—ang isang babaeng hindi basta-basta sumusuko. “Wala akong balak tumakbo.”

Ngumisi si Lewis, ngunit hindi iyon basta ngiti. May kung anong lalim sa titig nito, isang hindi mabasag na paniniwala na hawak nito ang lahat ng kontrol. “Good.”

Magsasalita pa sana si Cali nang bumalik si Rea, hawak ang braso ng isang babaeng nasa late forties o early fifties. Eleganteng bihis ito sa isang cream-colored dress, ang postura ay perpektong tuwid, at ang mukha—bagaman may banayad na tanda ng edad—ay may bahagyang kahawig kay Luis at Lewis.

“Cali, this is Jen,” masayang pakilala ni Rea. “Kuya Luis' wife.”

Biglang bumigat ang hangin.

Agad na inayos ni Cali ang kanyang postura, tinapalan ng magalang na ngiti ang kaninang bakas ng kaba sa kanyang mukha. Hindi niya maaaring ipakita ang alinmang bahid ng kahinaan, lalo na sa harap ng isang tulad ni Jen Alcaraz.

"It’s nice to meet you, Mrs. Alcaraz."

Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa, mabagal at walang emosyon sa mukha. Para bang tinatantiya siya, sinusuri kung ano ang maaaring makita sa kanyang pagkatao. Ilang segundo ang lumipas bago ito bahagyang tumango.

“You’re Lewis’ woman?”

Napalunok si Cali. Hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. Hindi niya rin alam kung paano ito dapat sagutin.

“Yes, she is,” sagot ni Lewis bago pa siya makapag-isip ng tugon. Walang pag-aalinlangan sa tono nito, para bang ni hindi sumagi sa isip nito ang posibilidad na siya mismo ay hindi sigurado sa sagot.

Napangiti si Rea, tila sinusubukang alisin ang tensyon sa hangin. “Ate Jen, you should have seen kuya Luis’ face kanina. Akala mo makakakita siya ng ghost!”

Lumingon si Cali kay Luis, na tahimik lamang sa isang tabi. Walang anumang ekspresyon sa mukha nito—walang reaksyon, walang pagtatanggol sa sarili. Para bang wala siyang pakialam kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa kanya.

Ngunit tila hindi rin interesado si Jen sa biro ni Rea. Sa halip, bumaling ito kay Cali at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

“I hope you know what you’re getting into.”

Nanatili siyang nakatitig rito, pilit na pinapanatili ang kanyang composure. Alam niyang isang pagkakamali ang ipakita ang pag-aalinlangan sa harap ng babaeng ito.

“I do, ma’am,” sagot niya, kahit pa hindi niya alam kung gaano iyon katotoo.

Ngunit sa paraan ng tingin ni Jen, alam niyang hindi ito kumbinsido.

Bago pa lumalim ang usapan, isang waiter ang lumapit upang sabihin na kailangan si Jen ng ilang bisita. Tumango lamang ito, walang anumang ibang sinabi, saka dahan-dahang lumakad palayo kasama si Luis.

Sa pag-alis nito, para bang bumalik ang hangin sa paligid.

“I think she likes you,” bulong ni Rea.

Napalunok si Cali. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya.

“Cali doesn't need her to like her,” sabat ni Lewis, bahagyang nakangisi ngunit may bahid ng seryosong tono.

Bumuntong-hininga siya, pilit na itinatago ang bigat sa kanyang dibdib. Para bang hindi lang simpleng relasyon ang pinasok niya kundi isang laro—isang laro na hindi niya alam kung paano lalabasan.

Matapos ang hapunang halos hindi makalunok si Cali, nagpasya na siyang iuwi ni Lewis. Nang makarating sila sa mansion, hindi niya alam kung paano dapat kumilos. Samantalang si Lewis naman, agad siyang itinuro sa isang silid, sinabing naroon ang kanyang mga gamit.

Pagpasok niya, tumambad sa kanya ang isang kwarto na may pinaghalong kulay abo at itim—madilim, ngunit may eleganteng pagiging pormal. Bahagya niyang binuksan ang walk-in closet at agad na bumungad sa kanya ang mga damit pambabae. Isang tingin pa lang, alam na niyang eksakto ang mga iyon sa kanya. Hindi niya alam kung paano o kailan iyon napunta roon, pero hindi na siya nag-abalang magtanong. Sa halip, kinuha na lang niya ang pinakamalapit na pares ng pajama at muling isinara ang closet, iniiwasan ang pagtingin sa iba pang mamahaling kasuotan sa loob.

Agad niyang hinubad ang suot niyang damit, hindi na komportable sa bigat nito sa kanyang katawan. Ngayon, tanging isang pares ng itim na underwear na lang ang natira sa kanya. Luminga siya sa paligid, hinahanap ang banyo, ngunit dahil sa lawak ng kwarto, sandali pa siyang nalito bago ito matagpuan. Nang makita ito, napangiti siya nang bahagya, sabik na maibsan ang pagod at bigat sa katawan.

Kumuha siya ng tuwalya mula sa drawer bago agad na umilalim sa shower. Ilang minuto lang siyang nanatili roon—hindi niya kayang magtagal, kahit na gusto niyang hugasan hindi lang ang dumi kundi pati ang mga alaala ng mga sugat sa kanyang katawan.

Matapos malinis ang sarili, ipinulupot niya ang tuwalya sa kanyang katawan at lumabas ng banyo.

Madilim pa rin ang paligid. Tanging ang dalawang malamlam na ilaw sa magkabilang gilid ng kama ang nagsisilbing tanglaw. Kinuha niya ang isa pang tuwalya upang patuyuin ang kanyang buhok, saka walang pag-aalinlangang hinubad ang basang tuwalya sa katawan.

Ngunit halos mapatalon siya sa gulat nang biglang bumukas ang pinto.

Pumasok si Lewis na walang pakundangang binuksan ang ilaw, para bang gusto pang makita nang mas malinaw ang hubad niyang katawan.

Nanigas si Cali, huli sa sarili. Parang huminto ang oras. Ang panginginig sa kanyang katawan ay hindi niya alam kung dahil sa kahihiyan o sa matinding kaba. Dali-dali niyang dinampot ang tuwalya at ipinulupot muli sa kanyang katawan, halos nanginginig ang mga daliri sa pagmamadali.

"S-Sorry... hindi ko alam na papasok ka," mahina niyang sambit, nakatungo at hindi magawang tingnan si Lewis sa mata. Mariin niyang kinagat ang labi, pilit iniiwasan ang anumang repleksyon ng reaksyon nito sa kanyang mukha.

Pero higit sa lahat, ikinatatakot niya ang maaaring makita sa mga mata nito.

Takot siya sa posibleng pandidiri.

Dahil sa wakas, wala nang tela na tumatakip sa lahat ng pasa at sugat sa kanyang katawan. At alam niyang nakita na iyon ni Lewis—lahat ng bakas ng sakit at pang-aabuso na pilit niyang itinatago.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 54: The Morning After

    Mataas na ang araw nang magising si Cali. Unang pumasok sa isip niya ay ang nakakahalinang katahimikan. Sunod niyang naramdaman ay sama ng tiyan. Napakabilis ng pagsunod ng mga susunod na pangyayari—parang may humila sa bituka niya, at sa isang iglap ay napabangon siya mula sa kama, hawak ang tiyan, at halos madapa habang nagmamadaling bumangon ng kama.“Cali?” tawag ni Lewis, garalgal pa ang boses—halatang kagigising lang.Pero hindi na siya nakasagot.Diretso siya sa banyo, binuksan ang pinto, at yumuko sa bowl. At sa gitna ng mga masusuka-sukang tunog, naramdaman niyang may malamig na pawis na tumulo sa batok niya. Humawak siya sa tiles habang paulit-ulit na sinusuka ang laman ng sikmura niyang halos wala nang laman.Hindi niya alam kung dahil sa gutom, stress, o kung pareho—pero alam niyang ito na ‘yon.Morning sickness.Hindi lang ito idea. Hindi lang ito test result.May nabubuhay sa loob niya.Ilang saglit pa, narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya.“Cali?” mahina, pero

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 53: Steady. Solid. Real.

    Tahimik lang si Cali sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sila pauwi mula sa condo. Hawak-hawak niya ang maliit na paper bag na pinaglagyan ng pregnancy test. Wala siyang masabi. Hindi niya rin alam kung may dapat pa bang sabihin.Pero ang kamay ni Lewis, naroon—nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita habang nagmamaneho siya gamit ang isang kamay.Hindi ito nangungulit. Hindi nagtatanong.Pero ang presensya niya, sapat para hindi tuluyang malunod si Cali sa sariling pagkalito.“Gusto mo bang sabihin kay Devin?” tanong ni Lewis, mahinahon ang tono, parang sinusukat ang lalim ng tubig bago ito lubusang talunin.Umiling si Cali. “Hindi ko pa alam Devin. Hnid ko rin maiisip kong anong dahilan bakit pa niya dapat malaman.”Tumango lang si Lewis. “Okay.”Lumunok si Cally ng makapag pasya ng sabihin kung ano ba talaga ang pinag-aalala niya ngayon. “Ahm– ang iniisip ko ay pamilya mo, Lewis. Anong gagawin natin? Kung kelang sinabi mo na sa pamilya mo na nawala na ang pinagbubuntis ko saka naman

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 52: Before The Truth Sinks In

    Dumilat si Cali sa loob ng isang kwartong hindi kanya. Mahinang liwanag mula sa bintanang may sheer curtains ang dahan-dahang bumalot sa paligid, at sa gilid ng kama ay naroon ang isang lalaking mahimbing pa ring natutulog.Si Lewis.Nasa guest room sila ng mansion—yung kwarto malapit sa sala. Doon siya inilipat ni Lewis matapos siyang makatulog sa couch kagabi, at sa halip na iwan siya, nanatili rin ito sa sofa bed sa tabi. Pero tila lumipat ito sa kama noong madaling-araw… o baka siya ang nilapitan nito habang mahimbing siyang natutulog.Hindi na mahalaga.Ramdam niya ang init ng katawan nitong malapit sa kanya, at ang tahimik na paghinga ng taong halos hindi nagsasalita pero damang-dama mo ang presensya.Bahagya siyang gumalaw para bumangon, pero bigla siyang napatigil.May kumirot sa sikmura niya—hindi ordinaryong kirot. Sumunod ang matinding hilo. Napasinghap siya at agad tinakpan ang bibig. Dali-dali siyang tumayo at halos napasadsad sa sahig sa pagmamadaling lumabas ng kwarto.

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 51: Somewhere Safe

    Pagkarating nila sa mansion, tahimik pa rin si Cali habang binabaybay ang hallway papasok. Si Rea ay nauuna sa kanya, pero pagkabukas pa lang ng pinto ay agad silang sinalubong ng tanim na katahimikan—maliban sa mahinang classical music na nanggagaling sa loob.Nasa living area si Lewis, nakatayo sa harap ng isang malaking shelf na may koleksyon ng alak. May hawak siyang baso ng whisky, pero hindi pa niya ito iniinom. Nang marinig ang mga yabag nila, agad siyang napalingon.Agad tumama ang tingin niya kay Cali.“Hey,” bati niya, may bahagyang pag-aalalang nakapinta sa mukha. “Kakauwi n’yo lang?”Tumango si Cali. “Oo. Nilibang lang ako ni Rea.”Lumapit si Lewis, iniwan ang baso sa marble counter ng bar.“Kamusta ka na?” tanong niya, diretsong tinitigan si Cali. Wala sa tono ang pagiging pormal—mas parang gusto niyang tukuyin kung kumain ba siya, kung okay ba ang pakiramdam niya, kung umiiyak ba siya habang wala ito.“Okay naman,” sagot ni Cali, tipid ang ngiti. “Thanks sa planner ni Re

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 50: Moments He Hides

    Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 49: A Day Like Sunlight

    Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status