Sa loob ng opisina ni Lewis, tahimik na nakatayo si Cali sa harapan ng kanyang desk. Ilang beses niyang sinubukang lunukin ang galit na bumibigat sa kanyang dibdib, pero hindi niya kayang pigilan ang poot na unti-unting pumupuno sa kanya.
Hindi niya akalain na basta-basta na lang ipapahayag ni Lewis sa harap ng lahat na buntis siya kahit hindi naman totoo. Hindi rin siya sinabihan na ito ay bahagi ng kasunduan nila. Pakiramdam niya ay nawalan na naman siya ng kontrol sa sarili niyang buhay. Napakapit siya sa gilid ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili. “Bakit mo sinabi ‘yon?” tanong niya, pilit na iniingatan ang boses para hindi sumabog. Walang alinlangan siyang tiningnan ni Lewis, ang malamlam nitong mata ay puno ng kasiguraduhan, para bang wala itong nakikitang mali sa ginawa nito. “Because it’s the only way to make them believe.” Napanganga siya. “Believe what? That I’m pregnant?” “I told you, Cali.” Tumayo si Lewis mula sa kanyang upuan at lumapit sa kanya, pinagmamasdan siya na parang binabasa ang isip niya. “You need protection? Then my mother wants an heir. She’s been pressuring me for years. This was the fastest way to shut her up.” Napaatras siya, hindi makapaniwala sa naririnig. “So, anong plano mo? Magpapanggap akong buntis habang buhay?” “No.” Ngumiti ito, pero may bahid ng panunubok sa kanyang mukha. “You’ll have to get pregnant for real.” Parang biglang nanikip ang dibdib niya sa narinig. “Ano?” Tuloy-tuloy lang si Lewis, walang bahid ng emosyon sa kanyang tinig. “You need to bear my child, Cali. It’s part of the deal.” Nanlamig ang kamay niya. Hindi niya alam kung paano magrereact. Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Lewis na mag-isip pa nang matagal. Tumawag ito sa kanyang tauhan at inutusan itong kunin ang isang dokumento. Ilang sandali lang, iniabot nito sa kanya ang isang makapal na kontrata. “This is our agreement,” paliwanag ni Lewis habang inilalahad ang dokumentong punô ng detalyado at maingat na nakasulat na mga kondisyon. “You’ll give me an heir. After five years, you’ll have a choice—stay married to me or file for divorce. If you choose to leave, you can name your price—just tell me how much you want.” Napatingin siya sa dokumento, halos hindi makapaniwala sa binabasa niya. It was all there—every condition, every rule, every consequence of their deal. Kailangan nilang makabuo ng tagapagmana sa lalong madaling panahon. At pagkatapos ng limang taon… Desisyon niya kung mananatili siya o aalis. Napakagat siya sa labi, nanginginig ang kamay habang hawak ang papel. This was insane. Pero bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto nang may malakas na pagkalampag. "Where is she?!" Halos napatalon si Cali sa lakas ng sigaw na iyon. Bago pa niya makita kung sino ang dumating, naramdaman na niya ang takot na gumapang sa kanyang laman. Mula sa pintuan, galit na pumasok si Devin. Ang dating maingat at maayos nitong hitsura ay wala na ngayon—gulo ang buhok nito, mahigpit ang pagkuyom ng kamao, at ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit. “Devin?” halos bulong niya, pero hindi nakatakas sa pandinig ni Lewis ang takot sa kanyang boses. Mabilis na lumapit si Devin kay Cali, pilit siyang hinahatak palapit. “Come with me.” Bago pa siya makagalaw, isang malakas na kamay ang pumigil sa kanya. “Let her go,” malamig ngunit puno ng awtoridad na utos ni Lewis. Napatigil si Devin at nilingon ito. “Ikaw?! Ikaw ang sumira sa amin!” Lewis smirked. “Sira na ang relasyon niyo bago mo pa siya tinulak sa impyerno.” Nagpanting ang tainga ni Devin sa sinabi nito. “You stole my wife!” “She’s not your wife anymore,” matigas na sagot ni Lewis, hindi natitinag. Napapikit si Cali, nanginginig ang buong katawan sa tensyon na bumalot sa silid. “Cali!” bulyaw ni Devin, pilit siyang hinihila palapit. “You’re coming with me! Now!” Pero bago pa siya mahila nito, isang malakas pwersa ang pumulupot sa kaniyang bewang. “She’s not yours to take. She's my fiance now,” madiin na sabi ni Lewis. Nagkatinginan sila ni Cali, at sa unang pagkakataon, naisip niyang wala na ngang makakatulong pa sa kaniya kundi si Lewis. Kahit hindi rin siya sigurado sa kahahantungan ng buhay niya dito. Galit na napailing naman si Devin. “Cali… Mahal kita. Hindi na kita sasaktan, I swear. Just come home with me.” Nag-aalangan siyang tumingin kay Devin. Ilang beses niya nang narinig ang mga pangakong iyon noon. Ilang beses na siyang naniwala—at sa bawat pagkakataon, mas lumala lang ang sitwasyon. Mabilis na bumalik sa kanyang isip ang mga alaala ng kirot, ng mga pasa sa kanyang katawan, ng takot na bumalot sa kanya tuwing uuwi ito nang lasing, o tuwing hindi niya magustuhan ang galaw niya. Pero kahit sa harap ng lahat ng sakit, kahit sa harap ng lalaking matagal niyang minahal, may bahagi pa rin sa kanya ang natutuksong bumigay. Hanggang sa marinig niya ang malamig na tinig sa kanyang tagiliran. “Think about the deal, Cali.” Dahan-dahan siyang lumingon kay Lewis. Hindi ito nakatingin sa kanya, pero ang kamay nito ay nakapatong sa mesa—malapit sa kontrata. The deal. The benefits. The freedom. Sa isang saglit, bumalik ang rason niya. Hindi siya makakabalik sa impyerno. Hindi na niya muling hahayaang hawakan ni Devin ang buhay niya. Bago pa siya makapag-isip nang dalawang beses, dinampot niya ang kontrata at ang prenup agreement—at sa harap ni Devin, matapang niya itong nilagdaan. Ang tunog ng kanyang panulat sa papel ay parang martilyong bumagsak sa katahimikan ng silid. Devin froze. Tila hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. “Cali…” bulong nito, nanginginig ang kamay na pilit inaabot ang papel. Ngunit hindi siya natinag. Tinapunan niya ito ng isang tingin—isang titig na puno ng determinasyon at panibagong tapang. “Tapusin na natin ‘to, Devin,” mahinahong sabi niya. “This is my decision.” Biglang sumiklab ang galit sa mukha ni Devin, at bago pa siya makagalaw, mabilis na humarang si Lewis. “Enough,” malamig na sabi nito, ang tingin kay Devin ay puno ng banta. “Get out.” Nanatili si Devin sa kinatatayuan, nanginginig ang buong katawan sa galit at pagkadismaya. Ngunit sa huli, wala itong nagawa kundi umalis. Nang sa wakas ay tuluyang sumara ang pinto sa likod ni Devin, saka pa lang bumalik ang kanyang hininga. Tahimik na tinapik ni Lewis ang dokumento sa mesa at inabot ito sa kanya. “Congratulations,” anito, isang bahagyang ngiti ang nasa labi. “You’re officially mine now.” At doon lang naunawaan ni Cali—wala na siyang babalikan. At wala na rin siyang kawala.Mataas na ang araw nang magising si Cali. Unang pumasok sa isip niya ay ang nakakahalinang katahimikan. Sunod niyang naramdaman ay sama ng tiyan. Napakabilis ng pagsunod ng mga susunod na pangyayari—parang may humila sa bituka niya, at sa isang iglap ay napabangon siya mula sa kama, hawak ang tiyan, at halos madapa habang nagmamadaling bumangon ng kama.“Cali?” tawag ni Lewis, garalgal pa ang boses—halatang kagigising lang.Pero hindi na siya nakasagot.Diretso siya sa banyo, binuksan ang pinto, at yumuko sa bowl. At sa gitna ng mga masusuka-sukang tunog, naramdaman niyang may malamig na pawis na tumulo sa batok niya. Humawak siya sa tiles habang paulit-ulit na sinusuka ang laman ng sikmura niyang halos wala nang laman.Hindi niya alam kung dahil sa gutom, stress, o kung pareho—pero alam niyang ito na ‘yon.Morning sickness.Hindi lang ito idea. Hindi lang ito test result.May nabubuhay sa loob niya.Ilang saglit pa, narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya.“Cali?” mahina, pero
Tahimik lang si Cali sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sila pauwi mula sa condo. Hawak-hawak niya ang maliit na paper bag na pinaglagyan ng pregnancy test. Wala siyang masabi. Hindi niya rin alam kung may dapat pa bang sabihin.Pero ang kamay ni Lewis, naroon—nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita habang nagmamaneho siya gamit ang isang kamay.Hindi ito nangungulit. Hindi nagtatanong.Pero ang presensya niya, sapat para hindi tuluyang malunod si Cali sa sariling pagkalito.“Gusto mo bang sabihin kay Devin?” tanong ni Lewis, mahinahon ang tono, parang sinusukat ang lalim ng tubig bago ito lubusang talunin.Umiling si Cali. “Hindi ko pa alam Devin. Hnid ko rin maiisip kong anong dahilan bakit pa niya dapat malaman.”Tumango lang si Lewis. “Okay.”Lumunok si Cally ng makapag pasya ng sabihin kung ano ba talaga ang pinag-aalala niya ngayon. “Ahm– ang iniisip ko ay pamilya mo, Lewis. Anong gagawin natin? Kung kelang sinabi mo na sa pamilya mo na nawala na ang pinagbubuntis ko saka naman
Dumilat si Cali sa loob ng isang kwartong hindi kanya. Mahinang liwanag mula sa bintanang may sheer curtains ang dahan-dahang bumalot sa paligid, at sa gilid ng kama ay naroon ang isang lalaking mahimbing pa ring natutulog.Si Lewis.Nasa guest room sila ng mansion—yung kwarto malapit sa sala. Doon siya inilipat ni Lewis matapos siyang makatulog sa couch kagabi, at sa halip na iwan siya, nanatili rin ito sa sofa bed sa tabi. Pero tila lumipat ito sa kama noong madaling-araw… o baka siya ang nilapitan nito habang mahimbing siyang natutulog.Hindi na mahalaga.Ramdam niya ang init ng katawan nitong malapit sa kanya, at ang tahimik na paghinga ng taong halos hindi nagsasalita pero damang-dama mo ang presensya.Bahagya siyang gumalaw para bumangon, pero bigla siyang napatigil.May kumirot sa sikmura niya—hindi ordinaryong kirot. Sumunod ang matinding hilo. Napasinghap siya at agad tinakpan ang bibig. Dali-dali siyang tumayo at halos napasadsad sa sahig sa pagmamadaling lumabas ng kwarto.
Pagkarating nila sa mansion, tahimik pa rin si Cali habang binabaybay ang hallway papasok. Si Rea ay nauuna sa kanya, pero pagkabukas pa lang ng pinto ay agad silang sinalubong ng tanim na katahimikan—maliban sa mahinang classical music na nanggagaling sa loob.Nasa living area si Lewis, nakatayo sa harap ng isang malaking shelf na may koleksyon ng alak. May hawak siyang baso ng whisky, pero hindi pa niya ito iniinom. Nang marinig ang mga yabag nila, agad siyang napalingon.Agad tumama ang tingin niya kay Cali.“Hey,” bati niya, may bahagyang pag-aalalang nakapinta sa mukha. “Kakauwi n’yo lang?”Tumango si Cali. “Oo. Nilibang lang ako ni Rea.”Lumapit si Lewis, iniwan ang baso sa marble counter ng bar.“Kamusta ka na?” tanong niya, diretsong tinitigan si Cali. Wala sa tono ang pagiging pormal—mas parang gusto niyang tukuyin kung kumain ba siya, kung okay ba ang pakiramdam niya, kung umiiyak ba siya habang wala ito.“Okay naman,” sagot ni Cali, tipid ang ngiti. “Thanks sa planner ni Re
Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana
Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap