"Why is a beautiful lady like you alone in this dark place?" maya-maya ay tanong ng nagpakilalang si Chad a hindi man kaguwapuhan ay malakas naman ang appeal. May nakakalokong ngisi na nakapaskil sa labi nito pero hindi iyon napansin ng dalaga dahil nakatutok ang tingin niya sa gitarista ng banda na tumutugtog sa stage. Naalala niyang muli si Jevy pagkakita sa gitara. Kung hindi sa boses ni Chad ay tutulo na muli ang luha niya. "Hmm. . ." nahihilong lumingon siya sa lalaki at malapad itong nginitian. "Alone? Yes, I am alone in this world coz nobody loves me! So let’s cheers to that!" Pasigaw na wika niya at itinaas ang bote ng san mig na nangangalahati na ang laman. Pang-anim na bote na niya ito at hindi akalain ni Elyssa na ganito na karami ang nainom niya. Namamaos na ang boses niya at namumula ang mukha sa kalasingan pero hindi iyon alintana ng dalaga. Sinunod naman siya ng limang lalaking kaharap. Kanya-kanyang taas ng bote ang lima at ikinilink iyon sa bote na hawak ni Elyssa. T
Louie dropped the minutes of the meeting that his secretary passed when Minho called telling him that Elyssa was getting drunk alone in his club. He rushed to reach the said place in Araneta, Cubao. Nagpapasalamat siya at nagkataong naroon si Minho at ito ang pansamantalang namamahala dahil abala ang manager nito na siyang naka-assign doon. Kung wala ang kaibigan at hindi nito nakita si Elyssa ay hindi alam ni Louie ang gagawin kung may mangyayaring masama sa dalagang napupusuan. Like a madman, Louie drove his sportscar like having a crazy drag race only to get to Elyssa as fast as he could and save her from being groped by drunkards. He didn’t even park his car correctly and dashed inside the club only to see a confident woman drunkenly holding the vocalist’s hand while ascending the stage. Kaagad na nilamon ng selos at galit ang pagkatao niya at walang anumang hinawakan ito sa kamay at pinababa ng stage. Kahit nagprotesta si Elyssa ay hindi niya ito pinakinggan at malakas na hinata
Napatiim ang bagang ni Louie sa sinabi ng dalaga. Ngunit hindi sa unang sinabi nito kundi sa panghuli. When she was talking about not being her boyfriend. Pinigilan niya ang galit ngunit madilim pa rin ang mukhang hinarap si Elyssa. "Yes! You are right, Ms. Elyssa. I am only your boss,” seryoso niyang wika. Sa tulong ng liwanag mula sa streetlight ay kitang-kita niya ang paggguhit ng hindi maipaliwanag na emosyon sa mukha ng dalaga ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita. “But I am sorry, Ms. Castillo, because I don't want anything bad happen to my employee in front of my face without doing anything.” Hindi nakaimik si Elyssa kaya niyakag na niya ito at inalalayan patungo sa kinapaparadahan ng kotse. Nagpasalamat sa sarili si Louie dahil tahimik itong sumunod sa kanya at hindi na nagpumiglas o umayaw. Iginiya niya ito paupo sa passenger seat matapos buksan ang pinto ng kotse. He gasped when he breathed Elyssa’s sweet scents mixed with strong smell of liquor but it was enticing to him w
Malakas na tunog ng cellphone ang biglang nagpagising sa tulog-mantikang si Elyssa na napuyat dahil sa paglalasing nang nakaraang gabi. Kahit medyo masakit pa ang ulo dahil sa dami ng alak na nainom ay nagpumilit siyang bumangon at hinagilap ang cellphone na hindi tumigil sa pag-ingay sa loob ng kanyang bag na nakapatong sa ibabaw ng mesitang katabi ng kanyang kama. "Hello?" namamalat ang boses na bati niya. Mariin niyang ipinikit ang mata habang ang malayang kamay ay minasahe ang namimigting sentido. Sumandal siya sa uluhan ng kama habang hinihintay ang sagot nang nasa kabilang linya. “Hello? Issay, is that you?” A soft yet familiar voice entered Elyssa’s ear, and she jolted awake upon hearing that. Her heart leaped in an instant as if wanting to jump out of her ribcage. Why is he calling me? Kahit ang hangover niya ay biglang nawala nang makilanlan ang boses na nasa kabilang linya. Lalo na nang marinig niya na may halong pananabik sa himig nito gaano man iyon kahina. Hindi siya na
Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa bar pero hanggang ngayon ay ‘di pa rin nakikita ni Elyssa ang anino ni Louie. At bakit ko ba siya hinahanap? Gigil na tanong niya sa isip dahil hindi mawala-wala si Louie sa balintataw niya nitong mga nakaraang araw. Kahit si Jevy ay ginugulo ang isip niya dahil sa pagtawag nito ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi siya makapag-concentrate sa trabaho. . Nasa packaging area siya at nag-i-inventory nang bigla siyang lapitan ng ngiting-ngiting si Marra. Marahil tapos na ang quarterly general meeting ng mga ito, kung saan halos lahat ng section head at supervisors ay kasali. Pati yata department manager ay naroon rin. Nandoon din kaya si Louie? Elyssa wonders what the meeting is about lalo na nang makita ang malapad na ngiti ng pinsan. Siguradong may magandang nangyari. "Hey, cousin! I have a very good news for you!" Agad na bungad nito sa kanya at excited siyang niyakap. "What is it!?" nagniningning ang matang ta
Putok ang butseng bumalik sa canteen si Elyssa pagkagaling niya sa opisina ni Louie. Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan ang sarili. Alam niyang mahal niya si Jevy, pero bakit kapag kaharap niya ang boss niya ay kakaiba ang tibok ng kanyang puso? Kahit ganoon pa man ay pilit niyang pinakalma ang sarili dahil ayaw niyang mapansin ng pinsan at ng kaibigan ang kumplikadong ekspresyon na nakabalatay sa mukha niya. Lalo na si Marra. Malakas itong mangilatis. Kaagad na natanaw ni Elyssa ang dalawa pagkapasok niya sa canteen dahil hindi pa nakaalis ang mga ito kaya nilakihan niya ang bawat hakbang upang maki-chicka pa sa mga ito bago matapos ang break-time nila. Malapad ang ngiti niya at nakatutok sa dalawa ang kanyang tingin. Malapit na siya sa mesang kinaroroonan nina Marra nang biglang may tumayong isang babae sa mesang dadaanan niya at sa saktong pagtayo nito ay bumundol ito sa katawan niya. Sa sobrang lakas ay bahagya siyang napaatras. Kung hindi lang mabilis ang reflexes niya a
Kinagabihan naunang umuwi si Marra sa kanila dahil mas maaga ang labas nito. Maaga ang pasok nito kinabukasan dahil change of shift na ulit sila. Habang sila ni Ellen ay sa susunod na umaga pa ang duty. Silang dalawa ngayon ni Ellen ang magkasabay. Hatinggabi na kaya madalang na ang sasakyan na nasa daan sa tapat ng factory na pinapasukan. Kung meron man dumating ay may sakay na agad iyon o ‘di kaya ay naunahan sila ng ibang katrabaho na nagmamadali ring umuwi. Mayroon silang service bus, ang problema siksikan lagi at ayaw ng dalawa makisabay dahil hindi naman gaanong kalayuan ang apartment nila. Kapag wala pang darating na taxi sa loob ng halos sampung minuto nilang paghihintay saka sila walang choice kundi makipagsiksikan. Elyssa and Ellen were now waiting for a taxi to bring them back to their apartment, but it was already five minutes long, yet no taxi was in sight. Kasalukuyan silang nagtatawan at nagkukuwentuhan habang nag-aabang ng taxi nang biglang may kotseng huminto sa hara
“Why?” Nang makabawi ay saka nagtanong si Elyssa. “I like you.” Muling napatulala si Elyssa sa sinabi ng kaharap at kaagad na kumabog ang dibdib ng malakas. Hindi siya makapaniwala kung tama ba ang narinig. Pasalamat siya dahil kakaunti na lang ang mga taong naroon. Isa pa mahina ang pagkakasabi niyon ni Louie na tanging siya lang ang nakakarinig. "I like you, Elyssa!" muling pahayag ng boss niya. Malamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya at sa tulong ng ilaw sa kalsada ay kitang-kita niya ang maamong ekspresyon mula roon. Bahagyang nahimasmasan ang dalaga nang muling nagsalita ang kaharap. Seryoso ba ‘tong mokong na ‘to? Nagko-confess ba siya sa’kin? "Ow c'mon, Mr. Fuentebella. Huwag ako ang ihanay mo sa listahan ng mga babae mo. Iba ako sa kanila." Totoo ba’ng pinagsasabi nito? How come, ang isang tulad mo, magkakagusto sa isang simpleng tulad ko? "You are right, Miss Castillo. Iba ka sa kanila that’s why I like you!" Nanatiling seryoso ang mukha ng binata. Walang ha