Share

2

Shine's POV

Hulaan ninyo kung nasaan lang naman ako ngayon.

Nandito lang naman ako sa private room kung saan nandito ang mga members ng Snober's band para mag practice. Ang mga sikat at nag gwagwapuhan nilalang ng d'yos para sa akin dahil talagang sobrang gwagwapo nila lalo sa malapitan.

Alam kong inggit na inggit ang ilang mga fans sa akin lalo na ang mga schoolmates ko na patay na patay din sa mga idol nila. ''Pero syempre wala na silang magagawa dahil ako ang nagwagi. Beauty ko ang nag top kaya talbog ang beauty nila sa ganda ko, ano sabi nila sa mukha ko? Chaka? Pero ang Chaka na ito ang nasa tabi ng mga crush nila, kaya talong talo sila sa ganda ko.''  Para lang akong tanga at  sira habang nagsasalita habang naka tingin sa mga nag gwagwapuhang mga nilalang sa loob na kasalukuyang nag prapractice ng kanilang bagong kanta.

sa totoo lang ang sarap nilang tikman lahat. I mean titigan feeling ko kasi mga chocolates sila na imported at masarap papakin. natatakam na sabi ko sa sarili ko. Lumalandi ka na naman Shine, konting pigil nakakahiya ka. Saway ko sa sarili ko, habang pinapanood ko silang lahat mag practice.

Nang biglang.

''Ehem Miss laway mo punasan mo, nakakahiya kasi tumutulo..!'' Sabi ng isang tinig sa likod ko. Pag tingin ko si Dark ang guitarista ng grupo. amputek makalaglag panty rin ang isang ito sa malapitan.

''Lahat ba kami pinagpapantasyahan mo?'' biglang sabi muli ni Dark, na kasalukuyan na palang nasa likod ko at nakangiti. doon ko biglang napansin na sunod sunod pala ang naging tango ko sa tinanong nito kanina, na kung lahat ba sila ay pinagpapantasyahan ko. Jusko. Kakahiya ka Shine anung tinatango tango mo diyan? Sita ko na naman sa sarili ko sabay takip ko sa mukha ko.

Nakakahiya.

''Hahahaha... Ang cute mo, kabilang ba ako sa mga pinagpapantasyahan mo?'' tanong nito habang ginagamitan ako ng killer smile nito.

Ehem, inaakit yata ako ng isang ito huh? Sabi ko sa sarili ko habang kinikilig.

Wag kang ganyan Dark marupok ako papatulan kita?

Pero dahil nahihiya parin ako sa nangyari kanina, hindi tuloy ako makatingin dito ng deretso feeling ko kasi yung dugo ko sa katawan umakyat lahat sa ulo ko.

Kaya siguradong sigurado ako at tiyak na tiyak ako napakapula ng mukha ko. Dagdag pa na nagkakanda bulol bulol ang mga sinasabi ko. Patay ako nito ganito ako pag kinakabahan.

''A~~aano hi~hi~~hindi pala..'' sabi ko sa nanginginig na boses.. Narinig ko ito tumawa ng bahagya. kaya natulala ako. Sino ba tinatawanan niya? Ako ba?

Sabagay malamang ako 'yon.

''Nakakatuwa ka alam mo ba yun?'' sabi nito sa akin saka ngumiti nanaman.

Haru jusko ngiti palang pamatay na este ulam na.

Pero teka napapansin ko kanina pa ito tawa ng tawa sa akin hah?

''Wag ka na ngang ngumiti ng ngumiti diyan di ako makapagsalita ng maayos eh.. Nakakakaba ang kagwapuhan mo, nakaka inlove.'' bigla kong nasabi dito na ikinapikit ko ng mariin bakit ba kasi ganito kadaldal ang dila ko pag may pogi sa harapan ko.

''So inlove ka sa akin ganun?'' tanong nito na inilingan ko naman ng sobra. Nakita kong ngumuso ito at sumimangot.

''Ano kaya yon?'' sabi pa nito..

''Kay Chad ako inlove ng sobra'' pagta tapat ko dito.

Naikina tango tango naman nito.

Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Chad, 

kaya namula tuloy ako nakakahiya. Tsaka sabay sabing. 

''Sorry ka nalang hindi kita type di ako pumapatol sa payat na wala pang dibdib meaning kawayan.'' sabi nito sa akin na ikinalaki ng mata ko..

Aray ko naman! Sakit huh, sapul na sapul ako dun. 

''Hala siya! basted na ako agad? Ang sakit sa bangs Wala bang bawi?'' sabi ko... Pero tumalikod lang ito at iniwan kami.

''Hindi ko iyon babawiin dahil totoo 'yon.

Siya nga pala yung pagiging P.A mo sa akin, panindigan muna natin,,, dont worry sasahuran kita...'' sabi ni chad sa akin habang abala ito sa pagkalikot sa kanyang bag...

''Naku kahit wag na.. Kiss mo lang sapat na sa akin bilang sahod...'' bulong ko lang yon at biro pero narinig pala nito, kaya hinarap ako.

''Itulog mo nalang ang imahinasyon mo na yan. Dahil kahit gilitan ako ng leeg, ni sa panaginip di kita pagbabalakang halikan...'' sabi nito, saka ito tumayo at naglakad papunta sa ibang grupo, pero hindi pa ito nakakalayo ng tuluyan,, bumulong ako na tiyak na aabot sa pandinig nito at ng katabi ko..

''grabe ka naman. Pero di bale, pag may pagkakataon ako nalang ang magnanakaw ng kiss mula sayo hehehe chorot...'' sabi ko.

hindi kaya ako nagpaparinig dun sa katabi ko...saka ako tumingin dun kay Dark na kasalukuyang naka ngiti at naka tingin sa akin..

''Diba di mo naman narinig balak ko?'' tanong ko kay Dark pero humagalpak lang ito ng tawa saka nito ginulo ang buhok ko.

''Ayos ka naman bumulong dinig na dinig ng lahat..'' sabi ni Dark saka muling tumawa..

''Crazy!'' sabi naman ni chad, saka inaya si Dark, patungo sa mga kasamahan nila sa loob..

''Babye kitakits nalang after ng practice.'' paalam ni Dark sa akin sabay kindat.

Whaaaaaa..... Lumalandi ka Dark wag kang ganyan konti nalang papatulan na talaga kita.

''Kinikilig tuloy ako. Kung kagaya mulang si chad,, hayy naku hayahay ang buhay ko hubad panty na agad wala ng ligoy ligoy pa magpapakipot pa ba ako syempre hindi na diba? Sunggab na agad.'' bulong ko na tiyak kung ako nalang talaga nakarinig.

Hay naku ang immagination nga naman ng mga fangirl na gaya ko wagas..

Di ko napansin nakatulog na pala ako habang naka upo. Napadilat nga ako agad ng parang may naririnig ako nag hahagikgikan sa mukha ko..

Pag dilat ko whaaaaaa!!!

Ang tatlong member ng 

Snobers nasa harap ko at mga naka ngiti lahat.

Teka parang ang bigat ng mukha ko parang may nakalagay kaya naman bigla akong napa diretso ng upo, dahilan ng pagkalaglag ng hiwa hiwang kamatis at hiwa hiwang pipino mula sa mukha ko.

''Nak naman kayo ng teteng, ano tingin nyo sa mukha ko plato? Bakit sa mukha ko ninyo nilagay ang mga pinaghihiwa ninyo..?'' 

sita ko sa mga ito. Nag tahimikan naman ang mga ito at Halatang mga guilty sa pinag gagawa sa mukha ko.

Napatingin naman ako sa gilid ko si Chad busy sa pagtitipa sa gitara niya. Wala man lang malasakit ang isang ito, ni hindi man lang sinaway yung mga kaibigan niya sa ginagawa sakin.

''Hay naku tigilan nyo na nga ang pag tritrip sa mukha ko... Kahit di ako kagandahan masasabi ko namang makinis ang mukha ko at balat noh...'' sabi ko saka ako tumingin sa tatlong nag ngingisihan,

teka parang may kulang? 

''Nasaan nga pala si Dark?'' tanong ko sa tatlo,, pero umiling lang naman ang mga ito at di sumagot.

''Parang may mga sapi naman ang mga ito.'' bulong ko pero 'di bale cute naman kayo lahat sa paningin ko.

''Kasama ng girlfriend niya! Bakit mo hinahanap? Close kayo??'' tanong nung pinaka malamig na taong nakilala ko sa grupo.

''Hindi ahh natanong lang masama ba?'' sagot ko naman. With matching beautiful eyes pa.

''Tsiiii kasura ang itsura mo kaya tigilan mo nga ako.'' bulong nito pero dinig ko naman. kaya medyo nainis ako kaya 'yung tatlong makukulit na nagtrip sa akin ang napagbalingan ko.

''Alam n'yo umayos nga kayo diyan,, para kayong mga bangag sumagot,, kumain naba kayo? Gusto n'yo ng pagkain at juice?'' tanong ko sa mga ito saka biglang nagsingitian ang mga ito saka mga nag si tanguan..

Ang kukulit talaga ng mga ito.

''Syempre naman lalo na pag libre mo..'' sogot nung Renver na agad kong sinagot.

''Anong libre? Ako na nga bibili ng kakainin n'yo tapos libre ko pa kayo..Patawa kayo huh? Akina mga pambili ninyo mas mapera pa nga kayo sa akin eh'' sabi ko sabay lahad ng kamay ko.

''Anu kaya yon'' reklamong sabi nung tatlo.'' sabay abot ng mga pambili. Mag aabot din pala ang dadaldal pa.

''Masarap bilhin mo huh?'' sabi ni Ley. Nang biglang nag salita si Chad.

''Talagang career na career mo pagiging P.A noh?'' sabi nito na ikinasimangot ko.

''Bakit naman hindi kung kasing gwa gwapo naman ninyo ang lagi kong makakasama okay lang...'' sagot ko nalang nakita kong napa buntong hininga ito,, saka nag abot din ng pera.

''Hayan ibili mo ako ng pagkain ko. Siguraduhin mong papasa sa panlasa ko ang bibilhin mo kung hindi tanggal kana sa Pagiging P.A mo...'' sabi nito sabay talikod.

Palabas na sana ako ng bigla akong maka bunggo ng tatlong babae.na sobrang sama kung makatingin sakin mula ulo hanggang paa.

''Problema ninyo? Parang papatay kayo?'' tanong ko sa mga ito saka ko sila sinamaan din ng tingin. Anong akala nila sa akin masisindak nila ako?? Patawa ba sila? Pagbubuhulin kopa sila.

To be continued..

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status