Share

Chapter 12

"Get a room, guys!"

Nandidiri at mapaglarong sigaw ni Vettinah, nang maabutan kami sa ganoong posisyon. Dahil sa gulat, ay parehas at kusa kaming napalayo sa isa't isa.

That was too close!

"Maharot kang pokpok ka!"

"Tangina mo, sabi mo sa CR ka lang e."

Pagbibintang nang aking mga magagaling na kaibigan. I manage to compose myself and gave them my sweetest smile.

"That's not what you think," I said trying to convince them that what they saw was nothing.

"Palusot amp," tila hindi naniniwalang sabi ni Cassandra. "May mata kami, hoy!"

"Alam ko," I replied. "Parang crush mo, may mata pero walang pagtingin sayo."

I jokingly answered, trying to diversify their attention and to change the topic.

"Gago!" Cassandra, shouted, and gave me her middle finger.

"Uuwi na kami,sasabay ka ba?" Pagtatanong ni Vettinah. Si Ernisha at Cassandra, ay medyo tipsy na. Tanging si Vettinah na lamang ang diretso pa ding nakatayo at tila hindi tinablan ng alak.

"Alangan," I answered.

"Malay ba namin kung ihahatid ka niyan," Vettinah said and pointed to Leo.

"Hatid ko na kayo," he offered.

"Kunyare ka pa. Gusto mo lang naman ihatid si Tatiana, sabit lang kami."

Leo laughed because of what Cassandra said. "Of course not," tanggi naman nito. "I'm just worried. Gabi na at medyo nakainom kayo."

"Minamaliit mo ba ang driving skills ko?" Maangas na tanong ni Vettinah. Siya kasi ang driver namin, at yaya kapag galing sa inuman.

"No," he chuckled. "That's not what I mean."

Naglakad kami palabas ng bistro. Leo accompanied us to the parking lot. "Ingat, girls. Vettinah, drive safely."

Lahat kami ay doon matutulog kila Vettinah. Bahay ng tropa, bahay ng lahat. Doon ang tambayan namin kapag nalalasing.

"Hoy, kalmahan mo lang," pagsusuway ko kay Vettinah. Bigla kasi nitong binilisan ang pagpapatakbo. Hindi naman sa wala akong tiwala, Pero parang ganoon na nga.

"Tanga, gusto niyo bang matulog sa labas?" she answered.

Mabilis lang kaming nakarating sa Village nila dahil malapit lang ito sa Bistro. Pumasok na kami at dahan dahang umakyat sa kwarto.

It was already 11:45 o'clock in the evening, as I have checked on my phone. Yet, I'm still here, fully wide awake.

I roamed my eyes around, mahimbing na ang tulog ng aking nga kaibigan. Natawa na lamang ako ng marinig ang bahagyang paghilik ni Ernisha. Sa aming lahat, ay siya ang pinaka-natamaan ng alak. Tumatawa na 'to nang mag-isa kanina at binabato-bato ang cellphone. Si Cassandra naman, ay nagbibilang ng buhok. Umiiyak pa 'to, kung bakit daw marami siyang buhok.

I let out a deep sigh. Hindi ko na ata alam kung paano matulog. I decided to open my Instagram account, but I also immediately closed it.

Nakakarindi na laman ng mga IG stories ay 'Romeo save me' , na halata namang scripted. Hindi ako bitter. I'm just stating the fact na someday, iiwan ka din ng Romeo mo. Ang ilan naman ay nauna pa ang Romeo save me, bago label.

I closed my eyes and tried to sleep.

But, I really can't!

Inaantok na ako. Nararamdaman ko na ang antok pero hindi ko magawa.

Tulog na ang katawan ko, pero ang diwa ko gising na gising pa din. Mahirap talagang matulog lalo na kapag may lungkot na dinadala, kasi kapag pipikit ka bigla nalang tumutulo ang luha.

It's not that i'm really sad. Masaya naman ako, pero kapag ganitong sumasapit ang gabi lagi kong nararamdaman na may kulang.

Well, taksil naman kasi talaga ang gabi. Kahit gaano ka kasaya sa umaga, kapag sapit ng gabi ipapaalala nito lahat ng lungkot na pwedeng madama.

I let out another deep sigh. Kinuha ko ulit ang phone ko, at muling binuksan ito. I decided to make spoken poetry.

Everytime na nalulungkot ako, at hindi makatulog gumagawa ako ng poetry. Binubuhos ko lahat ng nararamdaman ko sa pagsusulat.

INGAT KA SA PAG-ALIS MO

Ito ay para sa taong umalis sa buhay ko.

Ingat ka sa pag-alis mo.

Ingat ka sa paglalakbay mo.

Ingat ka sa paghahanap sa sarili mo na ginawa mong dahilan para iwan ako.

Marahil nagtataka ka kung bakit kita pinag-iingat sa mga bagay na 'to.

Ayaw ko kasing mahirapan yung taong naging dahilan ng pagsaya ko.

Ayaw kong maramdaman mo yung naramdaman ko nung iniwan mo 'ko.

Ayokong maranasan mo yung sakit na sukuan ka ng taong mahal mo.

Hindi ko hihilingin na singilin ka ng karma para sa'kin.

Sa halip, hihilingin ko na sana maging masaya ka kahit hindi na dahil sakin. Dahil hindi porke nasaktan mo'ko ay dapat saktan ka na rin.

Hindi porket binaliwala mo ako ay dapat ka na ring balewalain.

Ayokong maranasan mo yung sakit na wasakin ng ibang tao yung sarili mong puso.

Ayokong umasa ka sa nakakakilig nilang pangako.

Ayokong maniwala ka sa mga katagang "Mamamatay ako 'pag nawala ka", kasi kung totoo 'yon bakit buhay ka pa. Kaya mag-ingat ka.

Mag-ingat ka sa mapanlinlang na mga salita.

Mag-ingat ka sa mga dilang maliliit na nagsasabing "Mahal kita at hindi ako magsasawa" kasi masakit.

Masakit maniwala sa mga salitang nakakagago.

Pero masaya na 'ko.

Nag-iingat na ako.

Kaya paalam na sa'yo.

At ang huling bilin ko ?

Mag-ingat ka sa mga katulad mo.

I smiled after finishing it. Nakaka-satisfied, nakakagaan sa loob. My phone vibrated and saw a DM from Leo.

rogeliosoriano: Gising ka pa?

I almost rolled my eyes, because of his stupid question. Bakit pa kailangang tanungin yung mga bagay na obvious naman.

tatcorsanes: Tulog na ako, multo ko lang 'to.

Napataas ang kilay ko dahil na-seen niya na agad ito, at typing na siya. I

rogeliosoriano: Silly, matulog ka na

rogeliosoriano: Wag mo 'kong masyadong iniisip

tatcorsanes: Gago!

rogeliosoriano: Language, Tat.

tatcorsanes: Pake mo ba?

rogeliosoriano: Goodnight!

rogeliosoriano: Thank you for today, darling.

"Guard your heart, Tatiana!" I reminded my self. Salita lang yan, kakainin niya rin sa huli.

My lips pursed as I turned off my phone. I closed my eyes and tried to sleep.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status