Share

Chapter 9

"Nothing happened, okay? Kumain lang talaga kami. That's it," I explained.

Pilit nilang inuusisa kung ano ang nangyari kahapon. They were concluding that something happened between me, and Leo. They were accusing me, itinatago ko lang daw ito at ayaw sabihin sakanila.

"Feeling ko talaga, crush ka niya," Cassandra concluded.

"Nope. Were just, friends?"

To be honest, natatakot ako every time na may bagong tao na papasok sa buhay ko. I have trust issues and sometimes iba ang mindset ko like maybe it is better to be alone because you are more assured that no one would hurt you. But sometimes, I also like the feeling na alam mong may taong interesado makinig sayo, sa mga rants mo at mga kalokohan.

"Para sayo friends lang, how about him? What if he likes you?"

What if. Punong-puno tayo ng what if sa buhay natin, and those what-ifs are sometimes the reason kung bakit tayo nasasaktan. We were expecting something na akala natin posible na baka mangyare, pero at the end of the day lahat ng what-ifs natin ay nanatiling what if's lang.

But later on, I've realized how important it is to control your mind. To only feed your mind with good things, no more doubts, and what if's. Kasi tayo lang din ang gumagawa ng way para masaktan yung sarili natin. Sad to say pero duwag din ako, takot masaktan. But as time goes by, I also realized that pain is part of our lives. What hurts us today, makes us stronger tomorrow.

"Change topic," pagsabat ni Vettinah, sa usapan. "Pustahan na lang tayo."

"Anong kalokohan nanaman ba yan, Vettinah?" Cassandra, asked while glancing at her wristwatch.

"Trust me with this one," pangungumbinsi pa nito sa amin. We nod, as she clapped her hands as a sign of victory.

"Anong oras na ba?"

"Hindi ko alam."

"May relo ka pero hindi ka marunong tumingin ng oras?"

"Crush mo nga may mata, pero walang pagtingin sayo," she fired back.

We all laughed because of that. "Itapon mo na yan, Cassandra."

"11:11 na, at wala ka pa ring jowa!"

"Whatever," Vettinah dramatically rolled her eyes. "Pustahan tayo kung papasok si Prof. Evangelista," natatawa at maloko nitong pag-anyaya sa amin.

"Papasok yon, pero uubusin niya oras niya sa kaka-sermon," natatawang sagot ni Cassandra, which is partly true. Minsan na nga lang ito pumasok pero instead na magturo ay pinapagalitan niya kami hanggang maubos ang oras.

"Hindi naman 'yon pumapasok," pagsingit ko naman. Bilang lang din talaga ang araw na pumapasok siya. Mukhang May sarili siyang schedule, kaya kapag exam ay nahihirapan kaming manghula sa sagot.

"Papasok yon, 10 minutes bago bell," sabi naman ni Ernisha.

"Papasok yon. Late lang kasi mabagal umakyat," kampanteng pahayag ni Vettinah.

Halos mapunit ang labi ni Tinah, our lazy Prof entered the room. She's complaining again dahil makalat daw, maingay, maalikabok, etc.

"Prepare for a graded recitation,"panimula nito sa klase bago umupo. Nagkatinginan kaming mag-kakaibigan, at ang ilan naming kaklase ay umaalma.

"Stop complaining! Matatanda na kayo, dapat kaya niyong sagutin ito."

"Ma'am, tungkol po saan?"

Saglit itong sinulyapan ni Ma'am, "Lahat ng na-discuss natin."

"Hindi ka pa nga nagdi-discuss," one of my classmates, whispered. Kaya palihim kaming natawa, dahil medyo totoo yon.

Inilabas ni Ma'am ang kanyang index card at bumunot dito. Ito ang nakakatakot, dahil para kaming nasa isang raffle show.

"Viztan," she called. Napamura na lamang sa gulat si Viztan, bago tumayo. Palihim kasi 'tong naglalaro nang mobile legends sa ilalim ng lamesa.

"What is good in goodbye?" Naglakad lakad ito sa loob ng classroom habang hawak ang aming mga index card. For sure, wala nanaman siyang maipagawa kaya ganito.

"Ang good sa goodbye ay makakaalis ka na sa sitwasyon na ayaw mo, makakalaya ka na sa pain na kumukulong sayo."

Naningkit ang mata ni ma'am, na tila hindi kuntento sa sagot ng aking kaklase. Naglakad ulit ito, at muling bumunot sa index card.

"Dasalla," she called. Mabilis naman itong tumayo at confident na ngumiti sa klase.

"What is the true meaning of happiness?"

He let out a deep sigh before answering, " For me, the true meaning of happiness is letting the people around you choose if they would stay in your life or not."

"Your point is? Liwanagin mo, Mr. Dasalla."

"Ma'am, my point is, ang totoong kaligayahan ay hindi pinipilit. If they choose to leave you, then let it kahit masakit." Sagot nito, at tila hindi ulit natuwa ang aming guro.

My seatmate, Cassandra, keeps on glancing at her wristwatch. "Tagal naman mag bell," she whispered to me. Impit at palihim akong tumawa dahil sa binulong niyang 'yon.

"Ms. Bassig!" Galit na bulyaw ni ma'am. Sandra, bit her lower lip because of nervousness. Medyo kinabahan din ako dahil ayokong mapahiya sa klase, nakakababa kasi nang self-confidence.

"Why do you keep on glancing at your wristwatch? Kung gusto mo ng umuwi, mauna ka na—-"

Napatigil ang lahat dahil sa pagtunog ng pager. Safe by the announcement, huh.

"Announcement, to all Senior High School Students, please proceed to St. Rose Hall now."

Cassandra, smirked. Nakaligtas ang gaga sa sermon ni ma'am. Nagsikuhan kaming magkaka-ibigan at sabay-sabay na nag-thumbs up sakanya.

"Repeat announcement. To all Senior High School Students, please proceed to St. Rose Hall now."

Pilit na itinatago ng aking mga kaklase, ang kanilang mumunting ngiti.

"Ang swerte mo, gago!" Natatawang sabi ni Ernisha, kay Cassandra.

"I know," mayabang naman na sagot nito.

•••

"Good morning, Rosalimans!"

Pambungad na bati ng isang guro sa amin. Lahat ng SH Student ay nandito, sa loob ng hall.

"Are you excited to know the list of your newly elected officers?"

Naghiyawan ang mga ito. Inilibot ko ang aking mata, may hinahanap ito pero hindi ko alam kung sino. Alam kong hinahanap ng mata ko si Leo, ayaw ko lang aminin sa sarili ko.

"Wala dito yung hinahanap mo," mapang-asar na bulong ni Vettinah.

"Gago, di ko naman hinahanap si Leo."

They laughed. "Wala naman kaming sinasabi na si Leo ang hinahanap mo," pang-aasar pa nila. I just rolled my eyes and tried to focus my attention on stage. Buti na lang at nagsimula nang mag-announce si sir, kaya tinigilan na nila ang pangungulit sa akin.

They all cheered for us, umakyat kami sa stage at nagpasalamat. This is it, hindi ko sasayangin yung trust na ibinagay nila sa akin, sa aming mga nanalo.

"Congratulations to all the newly elected SSG officers. Wishing you all a great experience."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status