Share

Chapter 14

I got a full night's sleep, and yet I still feel tired. Can't believe it's already Monday, the suicidal day for STEM Students like me.

Sino ba naman ang hindi mamamatay, kung 8 hours straight ang math niyo. Four hours for Basic Calculus and another four hours for Statistics and Probability, paniguradong magugulat ka nalang sa mga numero na makikita mo.

I opened my journal, trying to read and understand it. But sadly, kahit ilang beses kong basahin at subukang intindihan, ay tila ayaw makisama ng utak ko.

Wala kaming quiz or what, pero minsan ay baliko ang utak ni Engineer Olvido. Bigla nalang may graded recitation or first ten.

Madalas naman kapag nakalimutan nito, ay biglang pinapaalala ng mga bida-bida sa klase. Jollibee amp.

Isa ako sa mga tao na takot bumagsak pero tamad naman mag-aral.

"Defeat!" I laughed. Mukhang talo nanaman sa rank game ang table number four.

"Bobo, Angela! Bakit ka sumasanib sa tank?"

"Yung MM natin, farm lang ng farm."

"Kamusta naman si Pharsa, nag SS sa tore at minions."

Ganiyan sila lagi magsisihan tuwing natatalo sila. Ang ilan sa aking mga kaklase ay naglalaro ng tongits at uno, ang iba naman ay feel na feel ang pagkanta kahit hindi naman naaabot ang nota.

Agad na natapos ang aming Calculus Class. Naubos ang oras namin kakasagot sa mga Practice Test Questionnaires, na makakatulong 'daw' sa amin next week.

"Nood tayo mamaya," pag-aaya ni Vettinah sa amin. We just finished eating and headed back to the classroom.

"Ha?" Takang pag-tatanong ni Cassandra.

"Basketball!" Vettinah, excitedly exclaimed.

"Hakdog!"

We all laughed when Vettinah, raised her middle finger, and gave it to Cassandra.

"Tomboy, ew!"

Dagdag na panlalait pa nito sa kaibigan, kaya mas lalo kaming natawa.

"May tune-up mamaya ang basketball team natin, at ng SVSF," she excitedly explained.

"Ay shet na malagkeeeet!"

"Ang landi ng sigaw mo, gago may boyfriend ka na!" I jokingly said to Ernisha, at binato ito ng crumpled paper. Tatawa tawa itong umilag.

"Madami kayang gwapo 'don," Ernisha replied.

"Kaya nga manood tayo," pangungumbinsi ni Vettinah. "Baka makabingwit pa."

Obviously, haharot nanaman ang mga bruha.

"Anong oras ba 'yon?" Pagtatanong ni Cassandra.

May tune-up game pala sila, kaya pala hindi ko napansin si Leo kanina sa Calculus. Malapit na din kasi ang APSTAP.

The week after my last practice was rough, parating na kasi ang exams. Ito yung isa sa challenging part ng isang student-athlete, you need to maintain your grades and sports career at the same time.

"Alas dos daw," sagot naman ni Vettinah.

"Stats natin yon," pag-angal ko.

Malandi din naman ako pero ayaw ko mag-cut ng klase para lang sa kahatutan. Chill lang dapat, like malandi with goals.

"Vice President kang naturingan, pero lagi kang huli sa chika," pane-nermon nito sa akin at binatukan ako. "Shorten tayo mamaya, tangeks!"

"Sino ba crush mo don, sa SV?" Pag-tatanong ko sakanya.

"Hmm," sabi nito na tila nag-iisip isip pa kung sinong pangalan ang babanggitin niya. "Hindi ko alam e."

"Ang dami mong crush!"

"More chances of winning," humahagikgik na sagot nito.

"Girls have many crushes, but their heart belongs to one special guy," singit naman ni Ernisha.

"Tanga, syempre may jowa ka." Naiiritang sumbat naman ni Vettinah. "Iiwan ka din non, kaya unahan mo na."

"Magsama kayo niyan, ni Tatiana."

"Lah! Bakit nadamay nanaman ako?"

"Deny.com," natatawa at mapang-asar na balik nito sa akin. "Halata namang may 'thing' kayo e."

"Yes," I confidently answered. Nagtilian naman ang mga ito, dahil sa sagot ko.

"May thing kami pero hindi something, kundi NOTHING," I continued. Diniinan ko pa ang salitang nothing, upang tigilan na nila ang pag-iisip ng kung ano-ano.

"Ikaw, Vettinah." We shifted our gaze to her, mukhang sakanya naman ang spot light ngayon.

"Kailan ka ba mag-seseryoso?"

"Kapag maputi ka na, at kapag lumiit na noo ni Tatiana," natatawang sagot nito, matapos makatanggap ng batok sa amin.

"Kailan nga?"

"I don't know," she almost whispered. "Boys are just pain in the ass."

"So, magse-settle ka na sa kabit slash no string attached mo?" I curiously asked.

"Yes," she confidently answered with a smile plastered on her angelic face. "Ayos lang na madaming kabit, atleast 'di ako yung kabit."

We all laughed because of her answer. Motto niya kasi yung 'More kabit, more chances of winning.'

But I know, I can feel na deep inside there is deeper reason kung bakit hindi ito nagseseryoso. Maybe, she also has that 'trust issues' thingy, or what.

"Tangina," natatawang pagmumura ni Sandra. "Kung may taong manloloko, na takot maloko.  May mang-iiwan, pero takot maiwan. Meron din palang mahilig sa kabit, pero takot maging kabit."

We laughed at her joke. After a few more minutes, Engineer Portin, our Statistics, and Probability Professor entered the room.

Hindi din ito nagtagal dahil may emergency daw sa sight. He just dropped us a lot of reviewers for the finals.

The final exam means final bagsak.

Hinila kami ni Vettinah sa rest room upang mag freshen up. Inayos namin ang aming sarili, fresh pa din dapat kahit bagsak sa math.

"Manonood ba talaga tayo nang basketball o sasali sa beauty contest?"

Wearing our P.E Uniform, we confidently walk our way to the stadium. Madami kaming mga co-Rosalimans na excited ding manood ng tune-up game.

"Leo, yung bebe mo!"

One of the players shouted. May ilang kinilig at may ilan ding hindi sumang-ayon. Some of our schoolmates assumed that Leo, and I are dating.

Lumapit ito sa amin, at narinig ko nanaman ang mahinang pagtili ng aking mga kaibigan.

"Idol mo talaga ako 'no," he proudly concluded. "Nag-cut ka pa sa Stats, para mapanood ako."

One of my eyebrows automatically raised, because of what he said.

"Shorten. Wag kang assuming," I harshly replied.

Isang mapanuksong halakhak lamang ang isinukli nito sa akin. Umalis na din ito, dahil tinatawag na sila ni coach. But before entering the stadium, ay muli itong lumingon sa amin.

He seductively winked at me, at humirit pa nang isang flying kiss.

"Dugyot!" I shouted.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status