Share

Chapter 13

My fingers made their way to the end of my ponytail. I automatically smiled, as I saw myself in the mirror.

Inuutusan ako ni mama, na mag-grocery. Tinatamad ako, pero wala akong choice. Kailangan ko munang maging sipsip for a while para payagan ako ulit gumala sa susunod.

"Tatiana!" Rinig kong sigaw ni mama habang ako ay naglalakad pababa sa hagdan. "Sa grocery store lang ang punta mo, wag ka nang magpaganda."

"Ma, maganda na ako kahit hindi ako magpaganda."

Binigay nito sa akin ang listahan ng mga kailangan kong bilhin. "Mag-ingat ka," paalala pa nito sa akin bago ako umalis.

"Opo, Ma. Mag- iingat ako kahit hindi ako iniingatan." 

Napa-iling na lamang ito sa sa kalokohan ko. Akala niya ay nagbibiro lamang ako, pero totoong hindi ako iniingatan. Minsan mabait si mama, pero madalas ay dragonesa din.

I turned on the engine and started to drive. Maluwag ang kalsada, kaya nakarating ako agad. Hindi naman kasi kalayuan itong Mall sa Village namin.

Kanina pa ako paikot-ikot, dito sa parking lot. Kanina pa ako naghahanap ng space, ngunit wala akong mahanap.

I smiled as I found a parking space. But, the smile on my face faded quickly because of the Black Ford Mustang na umagaw ng pwesto ko.

Damn! Madami na talagang mang-aagaw sa mundo.

"Tangina, ang epal!" I whispered to myself.

Umatras ako at nagpatuloy na lang sa paghahanap. Buti na lang good mood ako, kaya hindi ko na papatulan.

My teeth gritted, because of what I saw from the side mirror of my car. Leo, together with his friends, came out of the car laughing.

I parked my car and entered the mall. Halos ipikit ko na ang mga mata ko, nang madaanan ko ang Watsons.

I'm one of those women na mahilig mag-skincare. Tamang skincare kahit si crush ay walang care.

I sighed deeply and tried to convince myself not to turn around. Wag kang maging marupok, sis! Kapag lumingon ka, lagot ka sa nanay mo at ubos pera mo.

Iiling iling ako na naglakad papasok ng supermarket. I took a pushcart before going in. Agad kong hinahanap ang mga pinapabili ni mama. Sanay akong mag-grocery. Sinanay nila ako at tinuruang maging wais sa paggamit ng pera.

I stopped for a while. Tinignan ko ang listahan ni mama baka may nakalimutan ako, at makalimutan niya din na anak niya ako.

"Perfect," I said to myself. Tulak tulak ang pushcart, ay pumunta na ako sa counter.

I pouted. Medyo mahaba ang pila, at nagugutom na ako. I opened my Instagram account, to avoid boredom. His story appeared at the top of my feed, so I decided to open it. It was a photo of him and his friends, laughing, and enjoying the moment. They were in the bowling alley.

"Oh my Gosh!"

I exclaimed when I suddenly hit the heart reaction, on his IG Story. Kasalanan ito ng pasmado kong kamay, napindot tuloy!

Because of that, I let out a deep sigh and turned off my phone.

I bit my lower lip. Baka kung ano ano na ang naiisip non, baka isipin niya crush ko siya or what. Damn!

After a few more minutes, sa wakas turn ko na.

"May SM Advantage Card, Ma'am?"

I shook my head in response. She started punching the items that I bought.

"3,508.25, ma'am."

Iniabot ko ang aking card, ngunit tinanggihan niya ito.

"Cash only po kami ngayon, ma'am."

"Sorry," I apologized. "Hindi enough yung cash ko dito."

"Sorry po talaga, ma'am. Nagloko po kasi bigla ang machine namin."

I bit my lower lip. Ang ilang tao na nakapila ay naiinip na dahil sa pagtatagal ko.

"Pwede bang mag-withdraw muna ako?" I asked. She was about to nod, ngunit naunahan ito nang may maglapag na pera.

"Ako na magbabayad/ I'll pay."

Tila nalito ang cashier, dahil sa sabay na paglapag ng pera ni, Leo at Alvin.

"Ako na, pare. Ako nauna," Alvin said.

"Ako na, 'pre. I insist," Leo replied. "Besides, magka-ibigan naman kami."

Umakbay ito sa akin, ngunit bahagya ko itong tinulak at pinandilatan ng mata.

"Ako na, pare."

"Ako na nga."

Naglaban ang mga ito sa titig. Walang may gustong bumitaw at pumayag na matalo. Nalilito na ang cashier, at maging ako ay naguguluhan na din.

"Uhm," I said trying to ease the tension between the two of them.

"Hati nalang kaya kayo," I suggested. They didn't agree at first, but they had no choice. Parehas na mataas ang pride nila, kaya walang may gustong mag-patalo.

"Ako na/Let me carry it for you."

Sabay nilang sabi at pilit na inaagaw sa akin ang mga bitbit ko. Sumasakit na ang bangs ko sa dalawang 'to.

"Tama na. Mapupunit na yung plastic," pagpipigil ko sa kakulitan nilang dalawa.

"Sorry," they both apologized. Binitawan nila ito at nagsisihan nanamang muli. Kalaunan, ay hinayaan din nila akong bitbitin ang mga ito.

"Uuwi ka na ba?" Alvin asked.

"Hindi pa," I replied.

"Ikaw nalang kaya umuwi, pare." I almost rolled my eyes, dahil sa pagsingit ni Leo. Antipatiko talaga!

"Saan ka pa pupunta?" Tanong ulit nito, at hindi pinansin si Leo.

"Kakain sana," I said. As expected ay wala nanamang gustong magpatalo sakanila.

"Kenny Rogers/ Vikings," they both suggested.

"Kenny Rogers, mas masarap doon." Alvin said with a smile flustered on his face.

"Vikings, Tatiana. Mas masarap doon," pangungumbinsi ni Leo.

"Kenny Rogers nga."

"Vikings nga,"

"Kenny Rogers"

"Vikings!"

"Enough," I irritatedly stop them. "Can't you just let me, decide?"

Napahilot na lamang ako sa aking sintido. What's wrong with them? In my current situation, para akong nag-aalaga o nag babantay ng dalawang pasaway na bata.

"Sa Jollibee tayo," I decided.

Umangal sila noong una, but in the end ay wala na silang choice kundi pumayag, at magpahila sa akin.

"Ikaw na mag-order."

"Ikaw nalang, pre."

Their jaw tightened. Nagtuturuan nanaman ang mga ito kung sino ang pipila, dahil medyo mahaba ito.

"Ikaw na. Maghahanap kami ng upuan ni, Tatiana."

"Ikaw na, ako nalang sasama sakanya."

Mukhang hindi ako makaka-kain ng maayos, kapag kasama ko ang dalawang 'to. Hinayaan ko silang magtalo, kaya't hindi nila alam o napansin ang pag-alis ko.

"Bahala kayo sa buhay niyo," I whispered to myself. "Ang sakit niyo sa bangs."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status