Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Tito

"Oh, hija? Anong ginagawa mo riyan?" tanong ni Manang nang makita ako sa basement namin.

"Ah, wala po. Gusto ko lang maglinis dito ng kaunti. Maalikabok na rin po kasi."

"Iutos mo na lang sa iba ‘yan," suhesyon ni Manang.

Ngumiti ako at umiling. "Huwag na po. Kaya ko na."

"O, siya sige. Lalabas na ‘ko."

Tumango ako at sinimulan ng maglinis. Sobrang alikabok na rito sa ibaba kaya napapatakip ako ng ilong sa tuwing pinapagpag ko ang mga lumang gamit namin. Nakarinig ako ng yabag sa hagdan, senyales na may papunta rito. I turn around only to find out it was Xander holding a tray. May laman 'yon na iced tea at sandwich.

"Merienda ka muna raw sabi ni Manang," tumango ako at lumapit sa kanya.

Uminom ako ng iced tea na dala niya. Pagkatapos ay ‘yung sandwich naman ang kinain ko.

"Naglilinis ka?"

"Obvious ba?" mataray kong tanong kahit na may laman pa ang bibig ko.

Tumawa siya ng bahagya na nagpairita sa ‘kin. "You need help?" mapanuya niyang tanong.

Ngumisi ako at nilunok ang pagkain ko pagkatapos ay uminom.

"Surely, I needded help. Eto..." sabi ko at inabot sa kanya ang walis. "Walisin mo lahat, ah? Pagkatapos pakipanhik lahat ng mga kahon na yan..." sabay turo ko sa mga malalaking kahon. "...sa taas, kasi balak kong gawing mini library 'tong basement, e."

Tumango siya pagkatapos ay kinuha mula sa kamay ko ang walis.

"Thank you... Tito," nakangising sabi ko.

Napalingon siya sa ‘kin sa sinabi ko. "What?" painosente kong tanong.

"Why so sudden? Bakit Tito ang tawag mo sa ‘kin ngayon?" kunot-noong tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Don't know. I just realize na boyfriend ka ni Tita so that's why I needed to call you my Uncle too."

Hindi ko na siya hinintay sumagot at pumunta nnng kuwarto ko sa itaas. Bahala siyang maglinis ngayon do’n, ha!

Naisipan kong maligo muna dahil pinagpawisan ako ng husto kahit na konti ang nalinis ko kanina. Nagsuot ako ng maikling short at T-shirt pagkatapos kong maligo. Pagkalapat na pagkalapat ng likod ko sa kama ay dinalaw kaagad ako ng antok.

Nagising ako sa katok at pagtawag sa ‘kin ni Manang. Pupungas-pungas akong bumangon at pumunta sa pinto para buksan 'yon. Nabungaran ko nga si Manang doon.

"Bakit po, Manang?" tanong ko.

"Kanina pa kita kinakatok. Nakatulog ka ba?" tanong niya. Tumango ako at naghikab pa. Tumango siya pabalik. "Bumaba ka na kakain na tayo..."

Tumango ako at sinabing susunod na. Naghilamos muna ako para mahimasmasan. Hinawi ko ang kurtina ko only to find out na madilim na sa labas. Napasarap ata ang tulog ko at inabot na ako ng gabi, kung hindi pa ‘ko ginising ni Manang ay paniguradong natutulog pa ako hanggang ngayon.

Bumaba na ako pagkatapos noon at dumiretso sa kusina. Bahagya pa akong napatalon nang makitang nakaupo na roon si Xander na matalim ang tingin sakin. Kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya at umupo na sa katapat niyang upuan.

"Andito ka na pala, Tito," sabi ko.

Nag-angat lang siya ng tingin at hindi kumibo. Itinuon niya ulit ang atensiyon niya sa pagkain. Nagkibit-balikat ako at sumandok na ng kanin at ulam.

"Masarap ba tulog mo?" kapagkuwan ay biglang sabi niya.

Kumunot ang noo ko noong una pero sinagot ko pa rin naman.

"Oo, napasarap nga ang tulog ko, e. Kung hindi pa ako ginising ni Manang ay paniguradong natutulog pa rin ako ngayon..."

He tsked at bahagya pang napailing-iling. Nakita ko pa rin 'yon kahit na umiinom ako.

"Mabuti ka pa nakatulog. Maghapon kasi akong naglinis ng basement, e."

Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko, mabuti na lang at hindi natuloy. Nakita ko siyang nakatitig sa ‘kin habang umiinom ako. Shit! Nakalimutan ko siyang tulungan kanina! Nawala sa isip ko 'yon nang dalawin ako ng antok kanina dahil sa pagligo!

Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang tubig ko kaya ibinaba ko na 'yon. Minsan akong lumunok at tumingin sa kanya.

"Oh? Is that so? Ano? Nalinis mo ba lahat?" ani ko. Hindi pinahalata na nakalimutan ko siya kanina.

Bahagya siyang pagak na natawa at napailing-iling na ngayon. Halata sa mukha niya ngayon ang pagka-inis.

"Oo, nalinis ko na," maikling sagot niya.

Kita ko sa kamay niya ngayon ang higpit ng pagkakahawak niya sa kutsara't tinidor. Pigil ko ang tawa nang makitang naiinis talaga siya. Napagod ka ba?

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para makapunta sa basement namin. Malinis na nga ro'n nang makarating ako. Pinunas ko pa ang daliri ko sa study table na nando’n at nakitang wala 'yong alikabok.

"Nagustuhan mo ba ang pagkakalinis?"

Napatalon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Lumingon ako at ‘di na nagulat nang tumambad sa harapan ko si Xander.

"Tito..."

"Cut that. Hindi naman nalalayo ang edad natin."

"And why is that? I should call you that way..."

"Just cut it. Xander is fine," matigas na aniya.

Pinagkibit-balikat ko 'yon at itinuon ang atensiyon sa isang box na puno ng mga libro. Isa-isa ko 'yong nilabas at iniligay sa isang shelf na nakalagay sa sulok sa tabi lang ng study table.

Kinabukasan ay maliligo na sana ako nang makitang walang tubig na tumatagas sa gripo. Nagtaka ako at pumunta sa ibaba sa kusina. Dumiretso ako sa lababo. Pagbukas ko ng gripo ay ganoon pa rin, walang tubig na lumalabas. Hinanap ko si Manang sa likod at tila may kinakausap. Nang lumapit ako sa kanya ay nakumpirma kong si Peter 'yon.

"Oh, Peter, anong ginagawa mo rito?" kuryosong tanong ko.

Muntik pang mapatalon si Manang at nakahawak sa dibdib niya. "Dios ko namang bata ka! Ginulat mo 'ko!" padaskol na aniya sa ‘kin.

Bahagya akong ngumuso and mouthed sorry. Tumango-tango lang siya at bumaling kay Peter ulit.

"Nagpapatulong ako kay Peter para mag-igib doon sa poso dahil wala tayong tubig," ani ni Manang.

"Bakit po? May problema po ba ‘yung mga gripo natin?"

"Wala. Nagkaroon lang ng water interruption doon sa bayan at parang may problema ata at kailangang kumpunihin. Ang sabi ay matatagalan daw at posibleng abutin ng maghapon kaya kailangan nating mag-igib kung ‘di ay wala tayong gagamitin," mahabang paliwanag niya.

Tumango-tango ako at bumaling kay Peter.

"Ikaw ang mag-iigib?" tanong ko sa kanya.

Tumango-tango siya at kinuha na ang isang itim na timba.

"Tulungan mo nga ako," utos niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at nagpamaywang.

"And why is that? Bakit kita tutulungan?" maarteng sabi ko.

"Tsk. Syempre ikaw magbobomba! Ako na lang ang magbubuhat ng timba para malagay do’n sa drum."

"Ayoko nga! Maghanap ka ng ibang katulong mo 'no!"

"At sino naman sa tingin mo ang tutulong sa ‘kin? Si Manang? Hindi na pwedeng magbuhat ng mabigat 'yon! Matanda na!" pasigaw na aniya.

Bahagya akong natawa nang mabanggit niya na matanda na si Manang. Mabuti naman at nakaalis na siya kung ‘di ay siguradong kurot sa singit ang aabutin ni Peter dahil ayaw naririnig ni Manang na tumatanda na nga siya.

"Basta! Hindi ako tutulong sa 'yo!" sabi ko at akmamg tatalikod nang may biglang imaheng sumagi sa isip ko. Bumaling ulit ako kay Peter na papalayo na ngayon. Tinawag ko siya at nilapitan.

"You need help right?" ani ko habang nakangisi.

"Bakit? Tutulong ka na?" nakangiti pa niyang saad.

Mabilis akong umiling at nagtaas-baba ng kilay. "Hindi pa rin. Pero may alam akong taong makakatulong sa 'yo. Wait, tawagin ko lang, ha?"

Hindi ko na siya hinayaang magtanong pa at patakbong pumasok sa loob ng mansiyon. Pagpasok ko sa likod bahay sa may kusina ay nakita ko si Xander na inilalapag ang pinagkainan niya sa lababo.

"Walang tubig," bulalas ko.

Napatingin siya sa ‘kin at tumango. "Alam ko. Kasasabi lang ni Manang."

Tumango ako at lumapit ng bahagya sa kanya. "Tapos ka nang kumain?"

Lumingon siya sa ‘kin saka tumango. "Oo, bakit? May kailangan ka?"

Inosente akong tumango.

"Oo sana. Nag-iigib kasi ng tubig si Peter doon sa poso. Kailangan niya raw ng kasama dahil marami-rami ‘yung drum na pupunuin niya." Nagkibit-balikat ako. "Would you mind if you help him? Maglilinis kasi ako ng kuwarto ko ngayon, e kaya hindi ako pwede."

Matiim siyang tumingin sa akin at humugot ng hininga.

"Ayos lang sa ‘kin. Saan ba?" tanong niya.

Iminuwesta ko ang pinto at sinamahan siya papunta kay Peter. Pagkarating namin doon ay nakita kong nagbobomba na sa poso si Peter. Ningitian ko siya nang makalapit. Tumigil siya sa pagbobomba at lumapit sa ‘kin.

"Kasama ko na ‘yung makakasama mo," sabi ko at ininguso si Xander.

Nagtaas ng kilay sa ‘kin si Peter at pinandilatan ako. Uh-oh. "Why?" bulong ko at bahagyang humalakhak.

He mouthed like 'Bakit siya? May pinaplano ka 'no?’.

Mabilis akong umiling at pinagsalikop ang kamay sa likod ko.

"Xander. Si Peter, kilala mo naman siya ‘di ba?" pakilala ko kay Peter.

Tumango siya at sinabi ko na sa kanila na magsimula na dahil wala kaming tubig na gagamitin. Hindi na rin nagawang tumanggi ni Peter dahil agaran ko rin silang iniwan.

Dumiretso ako sa kuwarto ko at nanood ng movie roon. Hindi talaga ako naglinis. Sinabi ko lang 'yon para mapapayag si Xander.

Pasado alas dose ng hapon nang maisipan kong bumaba. Pagkarating sa kusina ay saktong nakasalubong ko si Manang habang tinatakpan ang mga pagkain sa lamesa. Lumingon siya sa ‘kin nang makita ako.

"O, nandito ka na pala. Kumain kana. Tapos na kami."

Tumango ako at umupo sa mesa. Ipinaghanda ako ni Manang ng plato at kutsara't tinidor. Binuksan niya rin ang takip sa pagkain sa lamesa. May kanin na rin doon. Kumuha ako ng pagkain ko pagkatapos ay nagsimula na.

"Manang, nasaan po si Xander at Peter? Kumain na po ba sila?" tanong ko habang umiinom ng tubig.

Tumango si Manang na nakaupo sa harapan ko at pinapanood akong kumain.

"Oo, tapos na. Kasabay ko silang kumain kanina. Si Xander bumalik doon sa pag-iigib ng tubig, habang si Peter naman ay nagpaalam na dahil inutusan na raw siya sa kanila. Kailangan siya roon," sabi ni Manang.

"E, ‘di si Xander na lang po ang nag-iigib ngayon?" medyo gulat kong tanong.

Tumango si Manang at sumandal sa upuan niya.

"Ikaw nag-utos sa kanya, ano?" mapang-akusang tanong ni Manang.

Ngumuso ako at pinigil na mapangisi dahil baka mahalata ni Manang.

"Tinanong ko lang naman po kung pwede siyang tumulong..."

Umiling-iling si Manang pagkatapos ay tumayo. Umalis si Manang sa kusina at pupunta raw sa kanyang kuwarto. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko, sakto naman na bumalik si Manang sa kusina at tila nakabihis. Nakakunot-noo akong tumingin sa kanya.

"Aalis po kayo?" tanong ko.

Tumango siya at tinulungan na akong magligpit ng pinagkainan ko sa mesa.

"Pupunta lang ako saglit sa grocery dahil wala na tayong stock. May ipabibili ka ba?"

Umiling ako at binuhat ang pinggan ko at inilagay sa lababo. Wala sa loob kong binuksan ang gripo sa lababo at laking gulat ko nang may tumutulo nang tubig doon. Naghugas ako ng kamay nang may maalala. May tubig na! May tubig na!

"O, may tubig na pala," biglang sabi ni Manang sa likod ko.

"Oo nga po, e," wala sa sarili kong sagot.

"May tubig na pala. Tawagin mo na si Xander doon at patigilin sa pag-iigib. Aalis na ako," sabi ni Manang.

Tumango ako at nagpaalam na kay Manang.

Hinugasan ko ang mga pinggan ko pagkatapos noon ay dumiretso na sa kuwarto ko sa taas. May tubig na pala, bahala siyang mag-igib nang mag-igib doon. Ha! Hindi ko siya tatawagin para tumigil ano!

Lumapat ang likod ko sa kama kaya dinalaw kaagad ako ng antok.

Nagising ako sa marahas na katok mula sa pinto ko. Hindi ko pa pinansin noong una pero panay ang katok ng kung sino roon at tipong mawawasak na ang pinto ko sa kalabog no’n. Nagpasya akong bumangon at baka mawalan pa 'ko ng pinto na wala sa oras!

Marahas kong binuksan ang pinto at sumalubong sa ‘kin ang nag aapoy na mga mata ni Xander at tiim-bagang na nakatitig sa akin na siyang nagpagising sa diwa ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay na tipong nagtatanong kung anong ginagawa niya sa kuwarto ko.

"PINAPAHIRAPAN MO BA 'KO?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status