"Hoy! Uhaw na uhaw ka bang bruha ka?!" saway saakin ni Isha nang patuloy ang pag shot ko ng Embassy. Naka pitong shot na ata ako na dire-diretso, medyo nararamdaman ko na rin ang epekto ng alak
"Pucha! Pang matanda naman 'tong pinainom mo saakin! Nag gin-dew nalang sana tayo sa apartment!" reklamo ko at nakakaramdam na ng hilo
"Aba?! At nag reklamo ka pa talaga ha?!" sigaw saakin ni Isha para mas marinig ko siya dahil malakas ang music
"Uwi na tayo, tangina alas dos na Alisha!" sabi ko at saka tumayo para umalis na ngunit mas uhaw ata si Isha dahil itinungga niya muna ang last shot bago siya nagpatianod sa hila ko
"Teka naman, bwesit" reklamo niya
Nararamdaman ko na ang hilo dahil sa rami ng nainom ko ngunit nakikita ko parin naman ang daan palabas sa bar. At dahil madaling araw na ay pahirapan ang tricycle dito, naghintay lang kami ng ilang minuto ni Isha para sa tricycle ngunit nagulat nalang ako ng may itim na sasakyan ang huminto sa tapat namin. Mas lalong nangunot ang noo ko ng magbukas ang bintana nito at nakita ko si gunggong sa driver seat.
"Oh hi, atenean guy!" malanding sabi ni Isha kaya pinandilatan ko lamang siya
Bahagya naman natawa si Lace at tumingin ulit sa akin
"Let me give you a ride, ladies" pormal na sabi niya
Tinarayan ko lamang siya "Kaya naming mag commute" sabi ko
Ngunit nagulat nalamang ako nang buksan ni Isha ang pinto sa likod ng sasakyan at mapayapang naupo doon. Pinagkunutan niya naman ako ng noo nang makitang nakatayo parin ako sa labas
"Oh? Anong hinihintay mo Yna? Pasko?" sabi ni Isha
Hindi agad ako nakasagot sakanya nang maagaw ni Lace ang atensyon ko nang bumaba siya sa sasakyan at binuksan ang pinto sa shot gun seat na nasa harap ko
"Get in" sabi niya
Ngunit imbis na sundin siya ay sinubukan kong buksan ang pinto kung saan naka upo si Isha ngunit naka lock ito. Pinandilatan ko naman siya
"Sorry my dear Alyanna, gusto ko mapag isa dito shooo!"
Bwesit! May sa demonyo talaga 'tong kaibigan ko. Agad naman akong tumingin sa gawi ni Lace at pinandilatan siya ngunit binigyan niya lamang ako ng matamis na ngiti. Ngiti na nakakatunaw..
"Get in, Yvonne"
Kahit nagambala ang buong sistema ko dahil sa pagtawag niya saakin gamit ang second name ko ay pumasok nalang ako sa sasakyan niya at saka naupo. Ni walang tumatawag saakin gamit ang second name ko! Hindi ko rin naman ito ginagamit kapag magpapakilala ako, usually I introduce myself as Aly, Alyanna, but most of the people I know call me Yna.
"Saan ka nakatira?" tanong ni Lace, hindi parin niya pinapaandar ang kotse niya
Napatingin naman ako sakanya dahil sa tanong niya at pinanliitan siya ng mata
"May balak ka bang i-stalk ako?!" pagalit na sabi ko
Agad naman nagunot ang noo niya "Huh? What are you saying Yvonne? Ihahatid ko kayo, hindi ko naman alam kung saan kayo naka tira" paliwanag niya
Sa oras na ito ay parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa. Walang kwenta naman ang sinabi ko bwesit! Sinisi ko rin ang alak sa sistema ko dahil sa mga naiisip at pinag sasabi ko
"Whatever!!" pasigaw na sabi ko dahil sa inis
"Chill woman" natatawang sabi ni Lace kaya mas nag init ang dugo ko "So, saan ko kayo ihahatid?" tanong niya ulit
"Dyan lang sa dayangdang, solid street" sagot ko ngunit ang tingin ko ay nasa bintana lang. Nakita ko rin sa rear mirror na bagsak na ang kaibigan ko
Tumango naman siya. Buong biyahe ay tahimik lang siya at ipinagsasalamat ko 'yun. Dahil kung dadaldal pa siya ay lalagyan ko na nang kwitis ang bunganga niya
Dahil malapit lang din naman ang apartment ko ay nakarating kami agad. Lumabas agad ako ng sasakyan at binuksan ang pinto sa likod kung saan nakaupo at walang malay si Isha
"Pucha, buhay pa ba 'to?!" sabi ko at iniyuyugyog ang katawan ni Isha para magising siya
"I think it's better if I'll carry her to your room. Mukhang knock down" he chuckled
Napakunot naman ang noo ko sa suggestion niya "No thanks, I can manage her" sabi ko at patuloy na ginigising si Isha ngunit ang hina ko ngayon kay Lord dahil bagsak na bagsak talaga ang walang kwenta kong kaibigan
"C'mon Yvonne, just let me carry her, 'di mo siya kaya. Mas malaki pa siya sa'yo"
"Sinasabi mo bang maliit ako?!" sigaw ko sakanya
I saw the smirk that plastered on his lips "No that's not wh-"
"At bakit ba Yvonne ka ng Yvonne!" 'di ko na siya pinatapos dahil narinig ko nanaman sakanya ang second name ko
"That's your name right? What's the matter?" nakangising tanong niya
"Matter?! Matter mo mukha mo! Tanong mo sa g****e mahina ako sa science!" hasik ko sakanya at pinagtawanan lang ako
"My baby's really cute" biglang sabi niya kaya natigilan ako sa paghatak ng kamay ni Isha, punyetang 'to at napaka bigat
Agad na nanikip ang dibdib ko dahil sa boses niya. Sa paraan ng pagkakabigkas niya ng bawat salita ay para akong matutunaw. Lakas loob akong humarap sakanya at nakipag kumpetensya sa malalim na titig niya saakin
"Alam kong cute ako, p-pero 'di ako sanggol!" at parang gusto ko nalang lamunin ng lupa dahil sa pagkaka utal ko. The fuck Alyanna!
"What's with the stuttering, Yvonne?" naka ngising tanong niya habang nakataas ang kanang kilay
Agad na nag init ang pisngi ko sa kagagahan ko "Paki mo ba! Umuwi kana nga!" ganti ko sakanya, pilit na pinapakalma ang sistema ko
"How? Your friend is peacefully sleeping on my car" sagot niya
Natigilan ako at hinahanda ko na ang sarili kong batukan ang magaling kong kaibigan pagka gising nito. Kahit kalian ka talaga Alisha!
"If you want me to go home, let me carry your friend. Para makapagpahinga kana rin" malumanay na sabi niya at biglang naging seryoso
"Bubuhatin mo lang ha! 'Wag kung saan saan ang hawak babaliin ko talaga yang mga buto mo!" pananakot ko sakanya ngunit halata naman na hindi siya natakot dahil pinagtawanan niya lang ako
"Calm down woman, I'm not what you think" sabi niya at hinayaan ko na siyang buhatin niya si Isha. Todo tingin naman ako sa kamay niya na nasa balikat ni Isha at ang isang kamay naman nito ay nasa bewang.
Nang malapit na kami sa hagyan ay nahalata ata ni Lace ang pagbibigay atensyon ko sa kamay niya kaya napatigil siya kaya tumigil din ako at pinanliitan siya ng mata
"I'm not gonna take advantage on her, c'mon" natatawang sabi niya ngunit inirapan ko lamang siya at nauna nang umakyat sa hagdan.
Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng kwarto ko ay hinarap ko ulit si Lace habang maingat paring hawak si Isha
"Ibaba mo na s'ya" seryosong sabi ko
Napakunot naman ang noo niya at tumingin sa paligid. Siguradong lahat ng katabing room ko ay natutulog na
"Seriously Yvonne? Dito ko lang siya ibaba?" mahinang tanong niya, iniiwasan na makagawa ng ingay
"Makakatayo 'yan ako na bahala humila sakanya papasok" sagot ko
Sumang ayon naman agad siya at 'di na nakipag talo saakin ngunit hindi niya pa man naibababa ng maayos si Isha ay na out of balance na ito kaya agad din itong sinalo ni Lace. Nanlaki nalang ang mata ko nang nakayakap na sakanya ang walang malay na si Isha habang hawak ni Lace ang bewang niya at medyo nahahalikan niya ang sentido ni Isha. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala dahil sa pagkaka out balance ni Isha.
Dahil sa mabilis na pangyayari at sa nakikita ko ay parang may biglang tumutusok ng karayom sa dibdib ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa posisyon nilang dalawa nang nakaawang ang bibig.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? May epekto parin ba 'yung alak na ininom ko?
Nang mapansin ni Lace ang 'di ko maintindihang reaksyon ko ay agad niyang inayos si Isha at ibinuhat ulit ito gaya ng pagkakabuhat niya kanina
"Y-yvonne" natauhan ako sa nauutal na boses ni Lace at sa itsura niya na parang humihingi ng tawad. Agad kong iniwas ang paningin ko at hinanap ang susi sa maliit na bag ko. Kahit sa pag hahanap ng susi ay nangangatal parin ako. Ano ba Yna! Tumigil ka nga!
Nang mabilisan kong buksan ang pinto ay inayos ko agad ang higaan ko. Naramdaman kong nakasunod na rin saakin si Lace.
"Paki baba nalang siya rito" sabi ko at hindi parin tumitingin sakanya
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka niya maayos na hiniga si Isha na malalim parin ang tulog
Nang humarap siya sa pwesto ko at nagtagpo ang mga mata namin ay umiwas ako agad
"Sige na, pwede ka nang umuwi. Salamat" pinilit ko ang sarili kong maging mataray para hindi niya mahalata ang kung anong bumabagabag saakin. Na ako mismo ay hindi ko rin alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito dahil lang sa mabilisang pangyayari na 'yon
"Yvonne" seryoso at malalim ang boses ni Lace nang tawagin niya ulit ang second name ko. Lakas loob akong nakipag titigan sakanya. Nakita kong parang humihingi ng tawad ang mga mata niya. At saka ko rin napagtanto na... ang ganda pala ng mga mata niya
"Hm?" tanong ko, hindi alam ang tamang salita na sasabihin
"Sorry, ahm.. that was just, ahm" 'di matuloy ni Lace ang sasabihin niya at napakamot pa sa batok niya
Binasa niya ang pang ibaba niyang labi at dahil do'n ay nanatili ang mga makasalanan kong mata sa labi niya. Alyanna, gising!
"Sorry, na out of balance si Isha, I didn't mean what happened a while ago" paliwanag niya, 'di inaalis ang malalalim na titig niya saakin
Nginitian ko siya ng tipid at saka tumango "Okay lang, kahit tulog pala 'to, clumsy pa rin" biro ko at tumawa ng peke ngunit tinitigan niya lamang ako at hindi nakisabay sa tawa ko. Tangina mukha akong tanga uy!
"Ah sige na umuwi kana anong oras na baka pagalitan ka sainyo" sabi ko at mahinang itinulak siya palapit sa pinto
Nang nasa may pinto na siya ay humarap lang siya saakin at tinangoan ako kaya ganon din ang ginawa ko sakanya. Nang isasara ko na sana ang pinto ay nagulat nalang ako ng pigilan niya 'to. Nasa taas ang kamay niya na ipinang pigil niya sa pinto. Napalunok ako ng makipagtitigan sa maganda ngunit mapupungay niyang mata
"A-ano pang k-kailangan mo" nanggigil nanaman ako sa sarili ko sa pagkakautal ko. Tangina sakit ata 'to!
"Yvonne" tawag niya ulit sa'kin gamit ang malalim niyang boses
Kapag ang iba ay tinatawag ako gamit ang second name ko ay nandidiri ako, ngunit bakit pag sakanya... bakit pag kay Lace ang ganda pakinggan?
"H-ha?"
Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga at pumikit ng mariin kasa ulit nakipagtitigan saakin
"I don't want you to get jealous, baby. Ikaw lang ang gusto ko"
And that night, I feel like everything has stopped. My heart beats became faster, and it's because of this unexpected man.
"Ang sakit pa rin ng ulo ko pucha naman" reklamo ni Isha pakapasok palang namin sa room 2pm ang first class namin ngayong araw at pinagpapasalamat ko na nagising kami ng bandang alas dose, dahil kung hindi ay malalate kami o 'di kaya hindi kami makakapasok ngayong araw Pinandilatan ko ng mata si Isha dahil sa pagrereklamo niya "Karma mo 'yan" sabi ko ngunit nginusoan niya lang ako Halos hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa nangyari at sa huling sinabi ni Lace saakin bago niya ko iwan na nakatunganga sa pinto ng apartment ko. Hanggang ngayon ay 'di ko maalis sa isip ko ang boses niya. Para itong musika na hindi na maalis sa tenga ko "Hoy! Tangina naman kanina pa 'ko nanghihingi ng one whole eh!" nabigla at nataohan ako nang sinigawan ako ni Isha "Ha?" tarantang tanong ko "Ha? Hansel Bautista!" Natawa nalang ako sa nang gigigil na mukha ni Isha. Ano ba naman kasi 'yan! Siya nanaman ang nasa isip ko, kagabi nga't 'di na ako nak
Nagising ako sa alarm ko kinaumagahan. Wala kaming pasok ngayong araw kaya ang balak ko ay mag wowork out ng kaunting oras dito lang sa loob ng apartment at mag gogrocery na rin ng mga kulang na pagkain ko dito.Napahawak nalang ako sa sentido ko dahil sa sakit nito. Napuyat ako kagabi at tinalo ko pa ang may hangover!Naalala ko kung gaano ako ka tanga kahapon! Napasabunot nanaman ulit ako sa sarili ko nang maalala ang mga ngiti ko kay Lace at ang huling sinabi ko.Dahil sa ilang at nataohan ako, hindi na ako makatingin sakanya at hindi ko na nalasap ang sarap ng lomi! Nako naman Lord, bakit gano'n!Matapos naming kumain ay inihatid niya lang ako sa tapat ng school dahil may pasok pa ako. Buong session ay hindi ako nagsasalita at hindi ko rin naintindihan ang lesson. Buti nalang at minor subject lang 'yon!Dahil din sa sistema ko kagabi ay na guilty si Isha dahil sa pag iwan niya saakin at wala na daw ako sa sarili at hindi na nag sasalita. Iniisi
Nang makarating sa parking lot ay nakita ko agad ang pamilyar na kotse. Hindi naman kalakihan ang parking lot dito kaya 'di na ako nahirapang hanapin ang sasakyan ni LaceNag suot lang ako ng black shorts at white hoodie jacket dahil malamig na sa labas. Itinali ko rin ang buhok ko para umaliwalas ang mukha koNang nasa tapat na ako ng sasakyan niya ay kinatok ko ang bintana ng nasa driver seat. Tinted ang sasakyan niya kaya 'di ko siya makita sa loobNang buksan niya ang bintana ay sumilay agad sa'kin ang ngiti niya. Ayan nanaman ang mga mata niya!"Ang ganda naman ng pulubi" sabi niyaNapakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, did he just called me a beggar?!"Ano?!" inis na tanong ko ngunit tumawa lamang siya"Ay akala ko hihingi ka ng barya" pang aasar niya kaya pinandilatan ko naman siya at pinag krus ang kamay ko"Balik na 'ko sa taas" sabi ko at maglalakad na sana nang lumabas siya ng sasakyan at hinawakan ang braso ko
Natapos ako magpalit ng damit at nakita kong hinihintay na rin ako ni Lace. Naka black tshirt na rin siya ngayon, siguro ay mayroon siyang extra shirt na nasa kotse niya langPinagbuksan niya agad ako ng pinto at saka ko sinabi sakanya ang pangalan ng hospital kung nasaan si Papa. Halos isang oras ang byahe dahil sa lugar namin ang hospital, na labas pa ng NagaHindi ako umimik buong byahe dahil ang nasa isip ko lamang ay si Papa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nawala siya saamin.Buti at hinayaan lang ako ni Lace na manahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kasama ngayon si Lace. Sa gantong oras ay wala nang byahe papunta saamin, kaya kung wala ang kasama ko ngayon ay malabo na makapunta ako agad kay PapaNang marating namin ang hospital ay parang gusto ko nang tumalon at tumakbo para puntahan si Papa. Panibagong luha ang nag babadya sa mga mata ko ngunit nilakasan ko ang loob ko.Hindi ako iniwan ni Lace, sinamahan n
Malipas ang tatlong araw ay nagising na si Papa, ngunit patuloy pa rin ang pag momonitor sakanya. Sobrang saya namin ni Mama nang magising si Papa. 2 araw rin akong absent at buong weekend ay nandito lang ako sa hospital at uuwi lang kapag maliligo at magbibihis.Mabuti at sinisendan naman ako ni Isha ng mga notes niya tungkol sa mga subjects na hindi ko napasukan.Ngayong araw rin ililipat na si Papa sa isang private room at aalisin na ang mga apparatus na nakakabit sakanya. Masayang masaya si Mama at kwento lang ng kwento tungkol sa mga pasyente niya.Mamayang 11 am pa ang pasok ko, at bandang alas nwebe ay ililipat na si Papa ng kwarto. Balak ko sanang umalis kapag nailipat na si Papa ng kwarto ngunit napilit din nila ako na bumalik na ng Naga dahil baka mahuli ako sa pag pasok"Pa, 'wag mo na kasi kalimutan ang pag iinom mo ng gamot para ka namang 'di doktor" saway ko kay Papa ngunit natawa lang siya kaya nakitawa na rin si Mama"Yna, doktor ak
"Ahm.. Lace? Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko sa lalaking kasama ko na abala sa pag mamaneho at parang tanga na kanina pa nakangiti. Alas sais na ng gabi at kakatapos lang ng klase ko ay nasa labas na siya ng campus at hinihintay akoNapakunot siya ng noo ng makita ang reaksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin at iginala ang mata sa bintana ng sasakyan"Hey, you look nervous, Wala akong gagawing masama" he chuckled"Wow, nasagot mo 'yung tanong ko. Galing" sabi ko at inirapan siyaNatawa naman siya at nagulat nalang ako ng bagalan niya ang pagmaneho at itinabi ang sasakyan niya"It's a surprise okay?" seryosong sabi niya habang nakatitig ang mga mata saakin"Surprise? Birthday ko ba? Ba't 'di ko alam?"Napailing naman siya sa sinabi ko at bahagyang natawa "I really like you.. Hahaha, I mean.. argh whatever" 'di niya na pinatuloy kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin"Awit ano daw" bulong koPinagpatuloy niy
"Wait, Yvonne. What do you mean?" tanong ni Lace at hindi parin maalis ang gulat sa reaksyon niya"Hindi ko rin gets kaya 'wag mo na akong tanungin" sabi ko kahit ang totoo ay napakalakas na ng pintig ng puso ko at feeling ko nadulas ako dahil sa sinabi ko sakanya"C'mon just repeat what you have said. Make me understand" pagpipilit niyaInirapan ko naman siya sa kulit niya "May bayad na kapag inulit ko"Napabuntong hininga naman siya bilang pagsuko sa pagpipilit saakin. Napayuko siya at pinaglaruan ang kamay niya. Kumuha siya ng bote ng softdrinks at binuksan ito saka iniabot saakin. Dahil din nakaramdam ako ng uhaw sa sinabi ko kanina ay kinuha ko agad ang softdrinks na binigay niya at itinungga ito. Kahit hindi ako umiinom ng softdrinks ay wala akong choice at feeling ko nanuyo ang lalamunan ko"I thought you don't like softdrinks" saad niya"Pa'no mo nalaman?" nagtatakang tanong ko"I told you, it's been a year since I liked you"
Matapos ang gabing 'yun, hindi na kami nakapag usap ni Lace. Punyeta matapos akong yayain ng date hindi na ako kakausapin?! Ewan ko ba, ghinost n'ya na ba ako? Well, paki ko naman sakanya 'di ba?Naging busy naman ako sa mga activities and school works namin, lalo na sa major todo aral ako. Madalas na rin akong makipag contact kay Mama or Papa para kumustahin ang lagay niya. Mabuti naman at okay na si Papa, kaya mas nakakapag focus ako sa pag aaral ko.7 pm nang matapos ang huling klase ko ngayong biyernes, nag paalam agad saakin si Isha dahil nandoon na raw ang driver niya at may family dinner sila. Napag desisyonan ko na rin umuwi at kanina ko pa gusto maligo.Pagkarating na pagkarating ko sa apartment ay dumiretso agad ako sa CR para maligo. Halos 20 minutes din akong nagbabad sa tubig at kulang nalang ay umidlip na ako do'n.Nang matapos ay pinatuyo ko agad ang buhok ko gamit ang tuwalya, suot ang dolphin shorts ko at ang over sized black shirt