Mag-log inHello, dear readers! If you're enjoying this story, I'd truly appreciate your support. Please leave a comment, add this story to your library, or send a gem. It means so much to me and helps motivate me to keep writing. Thank you for being part of this journey!
Hindi ko akalain na bukod sa mag-asawa ay may balita pa sa akin ang chief resident na apektado ang trabaho ko.“Dr. Sinclair, I’m sorry. Pero sa naganap kanina at reklamo ng pasyente, pansamantala ka munang aalisin sa emergency rotations at sa mga C-section procedure,” paliwanag ni Chief, na bakas ang simpatiya.“What? Chief, alam mo na sumunod ako sa protocol. Bakit ako at ibang pasyente ang tatanggap ng consequence gayong ako itong biktima? You know that, right?” Hinawakan niya ako sa balikat. “Naiintindihan ko, pero may mga protocol na kailangang sundin ang hospital administration. Inaayos na ng legal team ang mga ebidensya para suportahan ang kaso mo. Tandaan mo, hindi ito suspension, itutuloy mo pa rin ang mga follow-up appointment at consultation mo. Hindi ka lang papayagan sa surgery dahil makakaapekto ito sa trabaho mo at sa ospital. Kumalma ka na muna, Gazelle.”The chief had been my mother’s friend, a mother figure to me since my mom passed away.“Thank you, Chief,” I murmu
Pinaghiwalay kami ni Maximus para sa imbestigasyon. Kinausap ako ng babaeng inspektor habang si Maximus ang inuusisa ng isa pa.“Sinasabi ni Mr. Beckett na may naging problema raw sa mga diagnostic test at ultrasound,” paliwanag ng investigator. “Mali raw ang naging procedure at pinilit mo ang asawa niya na ipalaglag ang bata dahil wala ka namang intensyong gamutin ito.”Kumunot ang noo ko.“Dinudugo na siya pagdating niya sa ospital,” paliwanag ko. “Puno ng bubog ang mga binti niya. Nang tanungin namin ang tungkol doon, sinabi niyang personal na bagay daw iyon, kaya nirespeto namin ang privacy niya at hindi na kami nag-usisa pa.”“She’s bleeding? And he believes this is some unpracticed medical expertise on your part?” takang tanong ng inspektor.“Inspector, isa akong doktor. Responsibilidad kong siguruhin ang kaligtasan ng ina at ng bata sa oras ng pangangan
GazelleNapangiwi ako nang kumirot ang ulo ko. Isang nurse ang lumapit sa akin, marahang nilalapatan ng ice pack ang masakit na parte ng aking mukha.“Dr. Sinclair! Salamat naman at gising na kayo!” aniya. Unti-unting nagbalik ang mga alaala… ang ospital, ang paghatid sa akin dito ni Maximus… at ang lalaking iyon, na kamag-anak ng pasyente ko, na bigla na lang nag-amok. Hinablot niya ako, at pagkatapos niyon… nagdilim na ang lahat sa akin. The nurse continued anxiously, “God! Dr. Sinclair! Mabuti at nagkamalay ka na. Hindi namin alam ang gagawin kung sakaling hindi ka magigising kaagad. Nakakatakot si President Ferrero kanina; parang nawala siya sa sarili. Pinilit lang siya ni Dr. Castillo na gamutin ang sugat niya.”‘Wait…’ Naguluhan ang utak ko. ‘Sugat? Nawala sa sarili si Maximus?’Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.“A-anong nangyari?” tanong ko.Ipinaliwanag ng doktor na sumuri sa akin ang naganap kanina sa hallway. Ang ikinabigla ko ay nang marinig ang tungkol sa pa
Maximus Bahagya pa lang nakakalayo nang isang bloke ang kotse nang makaramdam ako ng kakaibang kaba. Pagkatapos niyon ay nakita ko ang cellphone ni Gazelle sa lapag ng sasakyan. Posible na nahulog niya ito nang bumaba siya ng kotse. “Please return to the hospital,” utos ko sa driver habang ipinapakita ang phon. “Your Ma’am left this behind in the vehicle.”“Understood, Sir!” he said. Agad namang ginamit ng bodyguard sa unahan ang radyo niya para sabihan ang security team sa likod namin na magbabago kami ng ruta. Sumandal ako sa leather seat at sinubukang magpakalma. I often sent Gazelle messages on a whim; sometimes to silence the dream that haunted my thoughts; minsan para lang makalimutan ang panaginip na laging nanggugulo sa isip ko. Pero ngayon, gusto ko lang talaga siyang makita, ang maamoy ang pamilyar niyang bango. Wala pang kalahating oras ang lumilipas, pero sumasakit na ang dibdib ko sa matinding pananabik, nagngangalit sa pangangailangan na makasama siya. I closed my
“Why?” Curiosity stirred inside me.“Because I’m jealous,” he replied. “Hindi ka naman nagseselos kay Kyros noon.” My words were a statement, not a question. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Asawa ko na si Maximus ngayon, at desperado akong tanggapin ang bagong buhay na ito na niyakap ko na nang tuluyan. Namumula ang mukha ng driver nang pumasok sa loob ng sasakyan dahil sa intimate na posisyon namin sa backseat. Gayunman ay ipinagpatuloy nito ang trabaho, itinaas ang partisyon at itinuon ang atensiyon sa kalsada. Gumaan ang tingin ni Maximus, at naramdaman ko ang likod ng kanyang kamay na humaplos sa aking pisngi. “You have no idea how jealous I was back then,” bulong niya, at naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking tainga. “Halos ikulong na kita para hindi makita ng iba.” Humaplos ang palad ko sa kanyang leeg. May mali na yata sa akin. Imbis na matakot, nakaramdam pa ako ng kakaibang pananabik. May kakaibang kapangyarihan si Maximus sa akin; isang atraksyon na
“How do you feel about that?” tanong ni Royal nang mapansin niyang natahimik ako matapos mabalitaan ang tungkol kay Stella..“I don’t know, Roy. Ang totoo ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko masasabing masaya ako o malungkot. Naging bahagi ng buhay ko si Kyros sa loob ng maraming taon, at hindi lang iyon basta-bastang relasyon. Sa kanya ko ibinahagi ang kabataan ko, halos bawat yugto ng buhay ko ay nandoon siya.”Muling nagbalik ang mga alaala ng pitong taong relasyon namin ni Kyros, na parang lumang pelikulang nagpe-play sa isipan ko. “Nandoon siya noong binuksan ko ang acceptance letter ko para sa medical school, o nang pumasa ako sa mga exam. Naniniwala siya sa akin sa panahon na nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Nandoon siya nang traydurin ako ni Cristina at noong pumanaw ang nanay ko. Sinuportahan ako ni Kyros kahit noong kailangan kong tumalikod sa mata ng publiko.”Bumuntong-hininga ako nang malalim.“Ngunit sapat ba ang mga iyon para manghinayang ako sa relasyon







