Share

CHAPTER 49: Pretender

Author: Feibulous
last update publish date: 2026-08-09 11:57:58

Nagpatuloy ang video at ipinakita si Stella na humihingi ng gamot kay Tessa. Inabot naman ni Tessa ang gamot at maingat na ipinaliwanag kung paano ito tamang gamitin.

Tila nawalan na ng gana si Stella na ipagtanggol ang sarili na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng kanyang anak dahil kita ang lahat ng iyon sa camera.

Hindi na nakapagpigil ang ina ni Kyros sa labis na galit. Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa pisngi ni Stella.

“You shameless woman! Tinanggap kita sa pamilya Ferrero
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 120A: Intrusive

    Pinukaw kaagad ni Nanny Beth ang isip ko, “Basta, pumunta ka na sa kuwarto ni Sir Max at maghanap ka ng isa sa mga damit niya para kay baby Lulu. Pangako mo lang sa akin na hindi mo bubuksan ang huling drawer ng kanyang dresser. Bawal na bawal 'yon, at tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang pinakialaman mo 'yon.”Hindi na ako nagdalawang-isip na sundin ang ginang. Bukod sa gusto kong malaman kung ano ang anyo ng silid ni Maximus, gusto ko rin matulungan si Lulu na maramdaman na mas malapit siya sa kanyang daddy.Bumukas ang pinto nang halos walang anumang maririnig. Nakikita ko ang kasambahay na pumapasok at lumalabas sa kuwartong ito araw-araw, pero kami ni Lulu ay hindi man lang naglakas-loob na humakbang sa loob. Isa ito sa mga silid na ipinagbabawal pasukin nang walang pahintulot.It looked nothing like I expected. Instead of a cold, dark bachelor’s room, it resembled the shared space of a husband and wife. The walls were

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 120: Curiosity

    ElleTatlong araw na akong nag-aalala kay Lulu. Mainit akong tinanggap nina Nanny Beth at Mandy na hindi ko inaasahan, kaya naging mas madali akong nakapag-adjust kaysa sa mga iniisip ko.Nang unang araw, dumaan si Bonnie. Dinalhan niya ako ng mga personal na gamit matapos malaman na kinailangan kong mag-stay sa estate ng kanyang boss. Sa unang gabi ko ay pinahiram lang ako ni Mandy ng kanyang mga damit na magagamit.Ang pagpapanatag kay Lulu sa nursery school ang naging tunay kong pagsubok. Parang tuko na nakadikit sa akin si Lulu sa unang dalawang araw, habang tahimik na pinapanood ang ibang mga bata mula sa malayo. Pero nagbunga naman iyon sa ikatlong araw.Gumaan ang pakiramdam ko habang pinapanood siyang humahabol sa isang batang lalaki, na masayang tumatawa sa buong playground.Nakakausap ko rin sa chat si Maximus at pinadadalhan siya ng picture ni Lulu bilang update na rin sa kanya.Pero n

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 119: Return

    Kyros Habang papalabas ng restaurant, binabalot ng napakaraming tanong ang isipan ko. Nabilin ko na sa chef na mawawala ako nang ilang araw dahil pupunta ako sa Bryston. Ang mismong pag-iisip pa lang tungkol sa lugar na iyon ay sapat na para bumilis ang kabog ng dibdib ko.Simula nang umalis si Elle,, pinaimbestigahan ko kung saan makikita ang lokasyon ng numerong tinatawagan ko. Noong mga naunang araw, nasa South pa siya. Hindi ako nakuntento nang makausap ko muli si Elle. Inalam ko muli kung saan naroon ang kanyang numero.Dahil nakarehistro sa pangalan ko ang telepono niya, nabigyan ako ng access sa mobile signal nito, at doon ko natuklasan na pumunta siya sa Bryston.Agad na sumiklab ang matinding galit na bumalot sa buo kong pagkatao.Walang dahilan si Elle para magtungo sa lugar na iyon. Maliban na lang kung… nagbalik na ang mga alaala niya, o baka may natuklasan siya tungkol sa kanyang anak. Dahil nagtatrabaho siya sa organisasyon ni Cassian, siguradong may access siya sa mga i

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 118: Breach

    MaximusAng mga duda ay nakatatak pa rin sa isip ko kahit nasa tatlumpung libong talampakan na ako sa himpapawid, habang umuungol ang mga makina ng eroplano patungong Europa.Nang mag-usap kami sa library, napansin ko na kaamoy ni Miss Elle si Gazelle. Kusa na lang nag-react ang katawan ko, tulad noong araw, na marahil ay siyang dahilan kung bakit hindi ko mailayo ang tingin ko sa kanya sa mga tahimik na sandaling kaming dalawa lang ang naiwan.Yet the differences nagged at me. Her accent carried the warm drawl of the American South, nothing like Gazelle’s. Napakaingat magkubli ng damdamin ang mga matang iyon na kulay asul... ibang-iba sa kung paano ako tingnan ni Gazelle noon, na puno ng kahinaang nagpapatigil sa paghinga ko.May gaspang sa himig ang boses ni Miss Elle, na para bang ilang taon siyang sumisigaw laban sa ingay o marahil ay nakaiyak na ng napakaraming luha.Pakiramdam ko ay siya si

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 117: Crossroads

    ElleNabigla na lang kaming tatlo sa loob ng silid ni Lulu nang marahas na magbukas ang pintuan!Nanginig at tumigas ang buo kong katawan bago ko pa man ito namalayan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o iisipin; ang alam ko lang, galit ang boses ng lalaking biglang pumasok.Sa tabi ko, mabilis na tumayo si Mandy, ang kasambahay, na halatang kinabahan. Naningkit sa amin ang malamig niyang mga mata, na sapat upang manahi ang takot sa balat ko.“What’s going on here?” he demanded. “Daddy!” tili ni Lulu, na kumikinang ang mga mata sa tuwa habang tumatakbo patungo sa lalaki, at saka humahagikgik.“Naglalaro po kami! Ako po ang may-ari ng salon!” buong pagmamalaki niyang sabi, bago itinuro si Mandy. “Siya po ang beautician ko,” at itinuro naman ako, “and Miss Elle is my customer. Do you want to be my customer, too, Daddy?”Nakahahawa ang kanyang kasiyahan, kahit sa gitna ng tensyong kinalalagyan namin.Kinarga ni Maximus Ferrero si Lulu. Tingin ko ay kumalma na siya. “Gustong-gusto kong

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 116: Tethered

    Maximus“Paanong nangyari ito?” tanong ng aking ama.Lumabas sa screen ang manager mula sa London Branch, namumutla habang itinuturo ang breach analysis na makikita rin sa screen.“It happened while we were switching over to the new logistics app. We were right in the middle of updating the system when the hackers found a way in.”Tumikhim muna siya bago ipinagpatuloy ang mga detalye “Nakapasok ang mga hacker sa mga lokal na server at nakakuha ng walang pahintulot na access sa sensitibong data ng mga customer; lahat ng impormasyon na pribado.”Hindi lang ito basta-bastang breach; direktang paglabag sa mga batas sa proteksyon ng datos. We were already being investigated for slipping up on global security standards, and I knew we needed Lucas and his cybersecurity team now more than ever.“Boss, kung hindi natin ito malulutas agad, nahaharap tayo sa hanggang twenty million euros na multa!” paliwanag ng manager sa London. Sumulyap ako sa aking ama. Kita ko ang pagkaasar sa kanyang mukha,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status