Share

CHAPTER 48: Nemeses

Author: Feibulous
last update publish date: 2026-08-08 23:50:11

Kyros paused the video and turned to Stella, his expression hardening.

“Magsabi ka ng totoo. Sino ang totoong ama ng anak mo?”

Lumarawan sa mukha ni Stella ang sakit, pero mabilis ‘yong pinalitan ng galit. “Kyros, ibinigay ko sa’yo ang buong puso ko! Paano mo pa rin nagagawang mahalin si Gazelle pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin? Umamin ka na nga! Nagkabalikan na kayo!”

Lalong tumaas ang boses niya sa bawat bintang.

“Ginagawa mo lang ‘to para ibaling sa akin ang sisi para makipaghiwalay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 197: Twin

    LucasBakas ang pagkalito sa mukha ko.Naalala ko ang sinabi niya sa akin, “There must be some misunderstanding...”Inakala kong ang ibig niyang sabihin ay may mga bagay siyang kailangang asikasuhin, na hindi talaga siya dapat naroon sa restawran noong una pa lang. Pero matapos kong makausap ang nanay ko, sinabi niyang ilang oras naghintay si Ms. Foster para sa akin sa restawrang iyon. Doon unti-unting nabuo ang lahat sa isip ko, at ni isa ay walang tumugma sa larawang nabuo ko.Ang babaeng nakasama ko buong maghapon ay hindi ang nag-ayos ng blind date namin. Magkapareho lang sila ng apelyido.Kumunot nang malalim ang noo ko.Nagtiim ang aking bagang habang pinagmamasdan si Isla Foster na nagmamadaling lumayo sa sasakyan, bakas ang tunay na takot sa kanyang mukha. Noon din ay may isang babaeng galit na galit na sumugod papunta sa kanya, at may kung anong pumukaw sa loob ko: ang pagnanais na protektahan si Isla.“Isla! Hayop ka! Tinanong ko sa restawran kung sino ang kasama ni Mr. Wes

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 196: Mistaken

    Pagkatapos kong ipasa ang aking resignation sa kumpanya ni Conrad, dumiretso ako sa restawran na binanggit niya.Nang hahawakan ko na ang pinto, natigilan ako. Kausap ni Conrad si Ethan, ang matalik niyang kaibigan, at isang babae, marahil ay kasintahan ni Ethan o isa lang sa mga kaibigan nila.“Come on, man,” sabi ni Ethan. “Gano’n naman talaga siya dati pa. Hindi ka pa ba sanay?” “Aaminin ko, nagulat talaga ako nang maging girlfriend mo si Isla Foster,” sabi ng babae. “Hindi ba’t si Elara ang mahal mo? Paano kayo nagkatuluyan ni Isla?” “Hindi mo alam?” kaswal na sagot ni Ethan. “Umalis si Elara dalawang taon na ang nakalilipas. Nag-abroad siya para sa lalaking ipinakilala sa kanya ni Mrs. Foster. Nabaliw siya nang husto sa lalaking iyon sa ibang bansa. Sobrang nanlumo itong kaibigan natin.”Sandaling tumigil si Ethan, halatang nakita ang matalim na tingin ni Conrad. “Pasensya na, nagsasabi lang ako ng totoo.” “Kaya si Isla ang pinili mo?” tanong ng babae. “Ang kambal niya?”“Ela

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 195: Ignored

    Natahimik sandali ang kabilang linya bago ko narinig ang pang-uuyam.“Ganyan ka naman palagi kapag hindi nasusunod ang gusto mo. Tigilan mo na ang kalokohang iyan. Pumasok ka sa opisina bukas ng umaga at ayusin mo ang problema sa kliyenteng iyon.”Iyon ang mga huling salitang narinig ko bago naputol ang linya. Wala siyang planong seryosohin kung ano ang talagang nais ko.Siguro kasalanan ko rin kung bakit ganito ang trato niya sa akin. Hinayaan ko kasi.Pero sa unang pagkakataon, wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin niya. Masyado akong nasaktan para mag-isip pa, at masyado na akong pagod para patuloy na magpanggap na maayos ang lahat.Magkalapit lang ang tinitirhan nina Conrad at Elara noong lumalaki sila, magkababata silang dalawa, kaya nakikita ko na siya noon tuwing pinapapunta ako ni Dad sa bahay nila kapag kaarawan niya.Labimpitong taong gulang ako nang una ko talagang makilala si Conrad. Nang araw na iyon, hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.Pakiramdam ko ay h

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 194: Grief

    Isla‘Pasensya na. Sinabi sa akin ni Elara na kailangan niya ng pera para sa nalalapit niyang pakikipagkita kay Lucas Westwood. Ayaw niyang magmukhang simple lang, kaya sa kanya na lang ipinadala ng accountant ko ang pondo. Nasa business trip kasi ako at kakabalik ko lang ngayon.’Pumatak ang mga luha ko sa screen ng cellphone habang binabasa ang mensaheng iyon mula kay Conrad Cross, ang nobyo ko sa loob ng dalawang taon. Napahagulgol ako sa pasilyo ng ospital. Tapos na ang lahat. Hindi ko na kailangan ang perang hinihiram ko sa kanya. Mom was gone.Wala akong aasahan sa tatay ko kaya naman humingi ako ng tulong kay Conrad. Pero sino ang mag-aakalang uunahin niya ang luho at materyal na pangangailangan ni Elara kaysa sa pambayad sa ospital ng nanay ko?Kakambal ko si Elara. Sinabi ko sa kanya na nag-aagaw-buhay na ang nanay namin, pero binalewala niya lang iyon.Paano niya nagawa ito sa sarili naming ina?Kunsabagay, hindi talaga niya gusto ang aming ina. Noong pitong taong gulang ka

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 193: Serendipity

    Lucas“Nag-asawa na ang lahat ng kaibigan mo at bumubuo na ng sariling pamilya, at ikaw, nandito pa rin, tinatrato pa ring parang laro ang buhay!”Bahagyang pumiyok ang boses ni Mom, hindi ko alam kung dahil sa emosyon o sa gamot niya.Napakaraming beses ko nang narinig ang linyang iyon kaya parang dumaan na lang ito muli sa tainga ko. Still, it never failed to sting. I frowned, keeping my gaze on the floor.Hindi ko akalain na lahat ng kaibigan ko ay masaya na sa kanilang buhay ngunit heto ako at maiiwan na mag-isa.Mula nang mamatay si Emma, tuluyan na akong tumigil sa pakikipag-date. Ibinaon ko ang sarili ko sa trabaho. Mula sa pagiging walang pakundangang babaero tungo sa pagiging workaholic; iyon na ang lalaking kinahinatnan ko.“Ma, baka puwedeng hinay-hinay lang nang kaunti…” bulong ng kuya kong si Roman, ngunit taglay ng boses niya ang awtoridad ng pagiging pangan

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 192: Protection

    Dante[Months ago]Alam ko na malaking risk ang pumunta sa South at harapin si Felix Doyle. Ngunit nang ipadala niya ang imbitasyon, tinanggap ko ito, bilang lalaki sa kapwa lalaki. Gayunpaman, hindi ako basta-basta susugod nang mag-isa. Nagsama ako ng dalawa sa pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ni Ivan. Anuman ang mangyari, kailangan ko siyang harapin. Kailangan kong tingnan sa mata ang lalaking nagdulot ng matinding sakit kay Gianna.She hadn’t been truly happy for the past five years. Maybe even longer than that. And maybe that was one of the reasons I stayed away, why I tried not to add to her internal suffering. Nagkataon na kailangan kong balikan ang pasyente na sinuri ko noong nakaraan na nagtungo ako rito kung saan may naganap sa amin ni Gianna. Hiniling ko kay Felix na magkita kami sa ospital.Nakaupo ako sa isang bangko na naroon sa open space na garden sa ikatlong palapag ng gusali, hinahayaang dumampi sa akin ang may kainitang ng hangin, nang pumasok si Felix sa pintuan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status