Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ni Viviene. Iyak lang siya nang iyak at hindi matanggap ang mga salitang binitawan ng asawa niya. Dinaluhan siya ni Cherry at Apple, pati na rin si Manang Liza. Hinayaan siya ng mga ito na umiyak. Hindi ito nagtanong, hinayaan lang nga mga ito na maglabas ng nararamdaman si Viviene.
Inihatid siya ng mga ito sa silid nilang mag-asawa. Hiyang-hiya siya na makita siya ng mga ito sa ganoong tagpo pero paano nga ba niya pipigilan ang sarili na lumuha? Lalo na kung durog na durog siya ngayon? Bandang alas dose ng hating gabi siya kumalma.
At nag-umpisang magbalot-balot ng mga gamit. She no longer want Theo to user her. Wala siyang pakialam kung hindi mapunta rito ang posisyon na inasam-asam nito. Ang nais niya lamang ay lumayo sa lugar na nagpapaalala kay Viviene ng pinagsamahan nila ni Theo.
Umalis si Viviene na walang nakakaalam. Even, Theo’s Abuelo, kahit pa close na close siya sa matanda. Ayaw naman niyang siya ang maging dahilan ng pagkakasira ng mag-lolo. Kasi alam ni Viviene na pipilitin lang ng Abuelo ni Theo na iwanan ni Theo si Camilla.
Hindi niya nakilala si Camilla o nakita man lang. Narinig niya lang ang mga kwento patungkol dito. Wala na si Camilla nang pumasok siya sa buhay ni Theo. Pero alam ni Viviene na minahal nito si Camilla higit pa sa buhay nito. Ano nga naman ang laban ni Viviene doon? Lalo na kung kinasal lang sila sa papel.
Hila-hila ni Viviene ang maleta niya nang umalis siya sa tahanan nila ni Theo. Iyon ang naging tahanan niya sa loob ng tatlong taon, kahit papaano ay naging masaya siya roon pero mas lamang pa rin ang sakit na nararadaman niya ngayon.
Pumara si Viviene ng taxi at sumakay roon. Dalawang oras rin ang byinahe niya upang makarating sa destinasyon niya. Madaling araw na at medyo madilim na ang daan. Naglalakad lang si Viviene hanggang sa makarating siya sa dulo ng kalsada.
Naabutan ni Viviene ang guard na tulog na tulog sa guard house. Kumatok siya sa bintana upang gisingin ito. Nagtagumpay naman si Viviene.
“Manong, pabukas naman ng gate o?”
Pupungas-pungas pa ang guard, “S-Sino ‘ho sila? Madaling araw na Ma’am. Hindi pa ho tumatanggap ng mga bisita-Ma’am Vivi?!”
“Oho, ako po ‘to. Baka pwede niyo ‘ho akong papasukin. Pagod po ako sa biyahe,” Nakangiting wika ni Viviene sabay turo sa mga maleta niyang nasa gilid.
“Sandali lang po!” ani ng guard saka pinindot ang intercom. “Code: Roses. Roses. Roses.”
Natawa na lamang si Viviene sa narinig. Bumukas ang malaking gate na kulay abo. Tumambad sa kanya ang mga naggagandahang halaman at ilaw. Napangiwi siya.
“Ma’am Vivi, pasok na po kayo!” ani ng guard. “Hindi ko po kayo masasamahan sa loob, walang maiiwan rito.”
Tinanguan niya lang ang guard at naglakad papasok. Awtomatiko ring sumara ang gate. Medyo mahaba-haba pa ang lalakarin niya papasok. Nasa fifteen minutes, rin ang lalakarin niya. Hindi naman siya natatakot dahil maliwanag naman ang paligid.
Papalapit na nang papalapit si Viviene at bumungad sa kanya ang malaking fountain na umiilaw rin. Hanggang sa makarating na siya sa mansyon. Bumukas ang pinto at hindi nga nagkakamali si Viviene naroon lahat naghihintay sa kanya. Mismo ang mga kasambahay ay nakahilira rin, suot-suot ang uniporme nilang siya ang pumili noon.
“My estranged daughter is back!” Tuwang-tuwang wika ni William Spencer.
“Dad,” wika niya ng may ngiti sa labi.
Ilang taon rin niyang hindi nakita ang Daddy niya matapos siyang umalis sa puder nito. Ngayon lang siya muling nakabalik sa pamamahay nito makalipas ang halos limang taon.
“Baby!”
Nag-angat ng tingin si Viviene nang marinig iyon. Boses iyon ng mga nakakatandang kapatid niya. Tumatakbo pababa ng hagdan ang kapatid niyang si Wesly at Wilbert. Pinanlakihan niya ng mga mata ito ngunit hindi man lang natinag.
“Ate!” Sigaw naman ng bunso niyang kapatid ni Xenon.
“Be careful!” Paalala niya rito.
Nang makababa ang mga kapatid niya ay niyakap siya ng mga ito. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot na nararadaman ni Viviene. Ang inaakala niya ay magkakaroon siya ng pamilya sa katauhan ni Theo ngunit para dito ay isa lang pala siyang malaking sagabal sa bubuohin nitong pamilya.
“I’m glad at kompleto na ang mga anak ko. Sa hinaba-haba ng panahon ay nabuo rin kayong apat, mukhang gumana na ang pagdadasal mo Manang Lydia!” Ani ng Daddy niya.
Kokontrahin sana iyon ni Viviene ngunit mas naisip niyang masaya lang talaga ang Daddy niya at nakabalik na siya sa puder ng mga ito makalipas ang ilang taon. Kahit na ilang oras lang ang layo ng bahay nila ni Theo sa bahay ng Daddy niya ay hindi niya magawang umuwi sa kanila sa pagkat may pagtatampo siya sa Daddy niya dahil sa nais muli nitong mag-asawa na tutol silang magkakapatid lalong lalo na si Viviene. Hindi niya maatim na magdadagdag pa ng asawa ang Daddy niya matapos mamatay ang Mommy ni Xenon.
Kinagabihan noon ay nagpasya silang buong pamilya na mag-dinner sa yati na pagmamay-ari ng pamilya nila. Masaya silang kumakai ng hapunan ngunit hind pa rin mapilan ni Viviene ang malungkot. Hindi maalis sa sistema niya si Theo.
“Is there problem, Baby Sister?” Paglalambing ni Wesley sa kanya at niyakap siya. “Pansin ko lang na ang lungkot mo. May dapat ba kaming malaman?”
“Wala, Kuya. Don’t mind me.”
Hinalikan ni Wesley ang noo niya, “You know that you can always count on me, right?”
“I know, Kuya. Thank you for that.”
Bumalik silang dalawa sa mesa at sumabay sa usapan. Matapos ang ilang taon ay nakompleto at nagkasabay rin kumain ang pamilyang spencer. Kahit man may tampuhan at hindi pagkakaunawaan ay sa huli pamilya pa rin sila. Hindi man mula sa iisang ina silang magkakapatid ay mahal nila ang isa’t-isa. Hindi nasusukat ng buo o kalahating dugo ang mayroon sila.
Pinatunog ni William Spencer ang hawak na baso gamit ang tinidor. Nakuha niya ang lahat ng atensyon ng mga anak niya. Walang mapagsidlan ang tuwa niya bilang ama na buong muli ang kanyang mga anak.
“Masaya ako bilang ama niyo na muli kayo kayong makitang magkasama. Matapos ang ilang taon ay kompleto tayong pamilay. Para sa pagbabalik ni Viviene!”
Matapos ang family dinner nila ay naunang bumaba ang mga kapatid niya. Habang si Viviene ay nagpahuli dahil nag-ayos muna siyang muli sa ng sarili niya. Pakiramdam niya tuloy ay ang pangit-pangit niya kaya hindi siya magawang mahalin ni Theo.
Bumaba na si Viviene sa yati at tutungo na sana siya sa kung saan naka-park ang kotse ng kapatid niya. Nang may maramdaman si Viviene na humawak sa braso niya, nang lumingon siya ay nakita niya si Theo na galit na galit.
Theo scoffed. “You were begging me to take you back but here you are flirting with men.” Mas humigpit ang pagkakahawak ni Theo sa braso niya. Pakiramdam ni Viviene ay magmamarka iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. “Umuwi ka sa bahay natin.”
Tumaas ang kilay ni Vivien sa narinig, “Bakit naman ako uuwi? Ang sabi mo maghihiwalay na tayo. I am living life the I want, Theo.”
Ngumisi Theo ngunit ang mata nito ay nag-aapoy sa galit. “H’wag mo akong subukan, Vivien. Tandaan mo kayang-kaya kong bilhin ang buong pagkatao mo. Kaya mo nga ako pinakasalan hindi ba?”
Matalim na tinignan ni Viviene si Theo. Pinipigilan ang sarili na maluha sa binitawang salita ni Theo. Umingkas ang kamay ni Viviene sa mukha ni Theo. Gulat na gulat si Theo, hindi inaasahan na sasampalin siya ng asawa niya.
“You!” Gigil na sambit ni Theo at bigla siniil ng halik si Viviene.
Hindi nakahuma si Viviene sa ginawa ni Theo. Nang matauhan siya ay tinulak niya si Theo.
“Bastos!” She screamed angrily.
“Bastos na kung bastos, Viviene. Tandaan mo, asawa pa rin kita!”
“Ikaw nga! Ikaw ang babaeng matagal ko nang hinahanap!” Napalingon si Viviene nang marinig ang boses na yun. Kumunot ang noo niya nang hindi niya maaninag kung sino iyon. Kinabahana agad si Viviene, napahawak siya sa basong nasa harapan niya at handa iyong ibato. “Sino ka?” Nangingnig sa takot na wika ni Viviene. “I am not a bad guy!” muling wika ni Silas.“Ganyan naman lahat sinasabi. Pero yun pala serial killer!” giit ni Viviene. “Do I look like a killer to you?” inis na wika ni Silas.Nainis siya bigla sa paratang ng babae sa kanya. He is Silas Montemayor-Averde, mula siya sa isang prominenting pamilya. At isa ang pamilya nila sa pinaka mayaman sa bansa. And to think mapagkakamalan siyang killer? Mukha lang siyang bangangdahil hindi sapat ang tulog niya. But his face card? Mula sa mga ninuno niya hanggang sa kanya at sa pinsang niyang si Kristine? Hindi man sila pumasok sa mundo ng entertainment but they had been scouted a thousand times. Even internationally, maraming guston
“Ano bang gusto mong gawin ko, Silas?” Inis na tanong ni Kristine kay Silas na nakaupo sa mahabang sofa sa opisina niya, “I don’t know, Kristine. I can’t think straight, okay? Palala nang palala ang sitwasyon ko. I haven’t slept for days, Kristine. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko!” naiinis na wika ni Silas.“I told you, seek for a professional help, Silas. Hindi pwedeng porque hindi ka agad komportable sa doktor ay hindi ka na rin sisipot sa susunod pang session mo. You have to endure it to get better—”“No,” seryosong wika ni Silas. Sumeryoso ang mukha ni Kristine, “Then, I can’t help you. That’s the only thing I could tell you, Silas. Bukod r’yan ay wala na. Or do you want me to tell Abuela about this, Silas. Mamili ka.” “You can’t do that, Kristine. I know you won’t,” wika pa ni Silas. “Trust me, Silas. I can, lalo na kung kapakanan mo ang nakasalalay rito. You can’t go on with your life like that. Maapektuhan lahat nuyan, Silas. Kaya mas mabuti pang malaman ni Abuela par
“Ma’am, saan ka po pupunta?” Natatarantang tanong ni Cherry nang makitang pababa sa hagdan si Viviene. “Aalis ako, Cherry. Kayo na ang bahala dito sa bahay. Sa susunod, kapag sumulpot naman ang babaeng ‘yun tawagan niyo agad ako,” sambit ni Viviene. “Maghihiwalay na talaga kayo ni Sir, Ma’am? Hindi na talaga mapipigilan yan? Wala po ba kayong balak na awayin ang babae ni Sir?” sunod-sunod na tanong ni Cherry. Huminto si Viviene sa harap ni Cherry, “Hindi ko alam, Cherry.” “Pero kayo po ang legal na asawa, Ma’am. Kailangan niyong lumaban! Kahit pa siya ang mahal, kayo ang legal wife. Sa mga teleserye nga hindi nagpapaapi ang asawa sa kerida. Dapat ganun ka rin Ma’am!” Naiiling si Viviene, “Hindi ganun kadali, Cherry. Masyadong komplikado ang sitwasyon namin ni Theo. At higit sa lahat, ayaw ko nang ipilit ang ayaw pa…” “Ma’am hanggang sa ikaw at ikaw pa rin ang legal wife. May laban ka! Dapat gayahin mo yung sa teleserye, sinabunutan niya ang babae ng asawa niya. Pinagsasampal niy
“Theo!” galit na wika ni Camilla nang hindi umimik si Theo nang makaalis ang asawa nito. Hindi pa rin sumagot si Theo. Nagpupuyos na sa galit si Camilla, ilang araw niyang hindi nakita ang kasintahan. Panay tawag siya at text ngunit madalang lang ito kung sumagot. Kaya nagpasya na siyang puntahan ang bahay nito. Kinailangan niya pang magtanong kung saan nakatira si Theo dahil hindi niya kung saan ito nakatira. Maliban na lamang sa mansyon mismo ng mga Saldivar, kung saan isang beses siyang nakapunta roon.Bumuntong hininga si Theo, pagod siya at walang ganang makipag-away. Hinawakan niya ang kamay ni Camilla. “Iuuwi na muna kita,” wika pa nito. Napantig ang tenga ni Camilla sa narinig, “Anong ibig mong sabihin?” Imbes na nagpapahinga siya ngayong gabi ay pinili niyang magmaneho papunta rito dahil sa nais niyang makita si Theo. Ilang gabi na siyang hindi makatulog ng maayos dahil miss na miss na niya ang kasintahan. Alam ni Camilla ang lahat, na isang marriage for convenience ang
“Sakay,” mariing utos ni Theo kay Viviene. “Hindi ako sasama sa ‘yo,” sagot ni Viviene sa asawa. Matapos ang usapan patungkol sa kaibigan ni Theo na si Jake, ay pinauwi na si Viviene at Theo. Nakaiwas si Theo sa maaaring kapahamakan niya, kamuntikan na sanang mabuko ang relasyon nilang dalawa ni Camilla. “Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Viviene. Sasakay ka o kakaladkarin kita?” “Hindi ako uuwi kasama mo. Uuwi ako sa sarili kong bahay. Don’t worry. Hindi ako magsusumbong o kung ano kay Mama at Papa. Lalong lalo na kay Abuelo. At bukas na bukas rin ay pupunta ako rito. Kaya wala kang dapat ikabahala. All you need to do is stay away from me, Theo.” Biglang hinablot ni Theo ang braso ni Viviene. “Aray!” reklamo ni Viviene nang diinan ni Theo ang pagkakahawak sa braso niya. “Bitiwan mo nga ako! Ano ba. Nasasaktan ako, Theo!” Nagpupumiglas si Viviene, ngunit tila ba walang narinig si Theo at bigla na lamang siyang kinaladkad patungo sa passengear seat. Binuksan ni Theo ang pinto a
“Abuelo!” bulaslas ni Vivienne nang makita si Julio Saldivar na nagmulat ng mata. Agad na dinaluhan ni Viviene ang matanda. Luminga-linga si Don Julio, nalilito ang matanda kung ano ang nangyayari. Ang huling natatandaan niya ay may kinausap siya. Bukod doon ay wala na siyang maalala pa. “Nasaan ako?” paos at nanghihina na tanong ng matanda. “Call the doctor!” utos ni Joseph kay Theo. Mabilis namang tumalima si Theo sa utos ng ama. Naiwan ang mag-asawang Saldivar at si Viviene. Hinawakan ni Vivienne ang kamay ng matanda. “Abuelo, kumusta ang pakiramdam mo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Viviene sa matanda.Hindi sumagot ang matanda. Tila wala pa rin ito sa sarili. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto, kung saan pumasok si Theo. Kasunod nito ang isang doktor at nurse. Ang nurse na may dala-dalang basket, habang ang doktor naman ay dala-dala ang chart ni Julio Saldivar. Agad na chi-neck ng doktor at nurse si Julio Saldivar. Mataman lang na nagmamasid ang buong pamilya nito. Isa