Nagpupuyos sa galit si Viviene, kung kanina lang ay malungkot siya dahil iniwan siya ng asawa niya. Ngayon ay nandidiri naman siya sa asawa niya. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi na niya matapos halikan ni Theo.
“Ang kapal ng mukha mo, Theo. Matapos mo akong gaguhin at ipagpalit sa babaeng ‘yun. May gana kang magalit kung may iba akong lalaki? At ang kapal naman ng mukha mo para halikan ako. Nakakadiri ka! Hindi ko alam kung saan-saan mo nginudngod ang nguso and I don’t wanna know. At ito ang pakatandaan mo, I will sue if you d–”
Humalakhak si Theo, “Ikaw? Kakasuhan ako? May pera ka ba? Ni wala ka ngang pera ngayon dahil hindi ako nagbigay ng allowance mo. At nandito ka ngayon? Para ano? Maghanap ng bagong lalaki?”
Hindi umimik si Viviene, aminado siyang may tinatanggap siyang pera mula kay Theo. Mula iyon sa abuelo nito pero hindi naman iyon para sa sarili niya. Ang perang natatanggap niya ay ibinibigay niya sa mga orphanage. Alam iyon ng abuelo ni Theo at wala nang iba pang nakakaalam roon.
Pero ganun ba talaga ka babaw ang tingin ni Theo sa kanya? Na pera lang ang habol niya? Iniwan nga niya ang marangyang buhay na mayroon siya. Maghahabol pa kaya sa pera ng iba?
Ngunit walang nakakaalam sa pamilya ni Theo na mula rin siya sa prominenteng angkan. Kung siguro, hindi siya hiniwalayan ni Theo ay nunkang uuwi siya sa mansyon nila.
“See? Wala kang masabi. You married me for money, Viviene. We all know that. Behind your angelic face, na nais mo ring makaahon sa hirap. Now if you want money, umuwi ka sa bahay. Maging mabuti at desente kang asawa, hindi iyong kung kani-kanino ka lang lumalapit. Kapag naghiwalay naman tayo ng tuluyan, I will give you fifty million and a house. Ayos na naman siguro yon hinda ba?” ngumisi si Theo at sinubukang abutin ang kamay ni Viviene.
Umiwas si Viviene at matalim na tinignan si Theo. Bakit nga ba minahal niya ang lalaking ‘to? Bakit ibang-iba na si Theo? O sadyang bulag lang siya sa pagmamahal niya noon kaya hindi niya makita?
“Ipapasundo kita sa driver ngayon. Kaya maghintay ka–”
“I won’t go home, Theo.” Mariing wika ni Viviene.
“You don’t have a choice, Viviene. Uuwi ka sa ayaw at sa gusto mo,” mariing wika ni Theo at biglang hinawakan si Viviene sa pulso at hinila ito.
“Ano ba? Sinabi na nga na ayaw ko ‘di ba? Hiwalay na tayo, Theo. Pinili mo ang babae mo kaya tantanan mo ako. Don’t worry, I will file for legal separation. Pagkatapos noon, tapos na tayo!”
Nanlilisik ang mga mata ni Theo, ito ang unang beses na nakita niya ang asawa na ganito kagalit. Pero hindi siya makakapayag na apihin siya nito. Sapat na ang pangangaliwa nito sa kanya at pagpili nito sa ibang babae.
“Sasama ka sa ‘kin!” sigaw ni Theo.
Kinakabahan si Viviene, baka makita sila ng mga kapatid niya. Alam na alam pa naman niya na mabilis magalit ang mga kapatid niya kapag siya ang naaagrabyado.
“Hindi nga ako sasama sa ‘yo, Theo! Kaya pwede ba umalis ka na at dun ka na sa babae mo. Hinding-hindi na ako magpapagamit pa sa ‘yo.” matapang na wika ni Viviene.
Gaya ng nang sinabi ni Theo nais nito na umakto pa rin siyang mag-asawa sila. Na para bang hindi nito binalikan ang dating kasintahan nito. Lalo pa’t gustong-gusto si Viviene ng pamilya ni Theo. Kaya mahihirapan ito na makuha ang titulo kung malalaman ng Abuelo nito na hiwalay na sila at binalikan nito ang dating kasintahan nito. Ang kuwento ng ina ni Theo sa kanya ay hindi gusto ng buong pamilya ni Theo ang kasintahan nito noon. Kaya alam ni Viviene na pagmumukhain ni Theo na ayos pa sila. At lalong lalo na palapit na ang succession. Kapag malilipat na ang lahat kay Theo ay basta na lang siya nitong itong itatapon ng basura.
Hindi naman tanga si Viviene para magbulag-bulagan pa.
“Asawa pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo!” mariing wika nito at mas diniinan ang pagkakahawak nito kay Viviene.
Napangiwi si Viviene sa sakit, “B-Bitawan mo ako! Ano ba!”
Nag-umpisang maglakad si Theo, kinakaladkad ang kaawa-awang si Viviene. Natatakot si Viviene kay Theo pero mas natatakot siya na malaman ng buong pamilya niya kung paano siya tratuhin ni Theo. Lalong lalo na ang Daddy niya, wala itong kaalam-alam na ikinasal siya. Dahil ang nangyaring kasal sa pagitan nila ni Theo ay nanatiling sekreto at iilan lamang ang nakakalam.
At kung malalaman ng Daddy niya na sinasaktan siya nito Theo, at kinasal siya na lingid sa kaalaman nito. Magwawala ang Daddy niya, mukha man silang walang pakialam sa isa’t-isa ay mahal na mahal siya ng Daddy niya.
“Theo please? Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako,” pagmamakaawa ni Viviene ngunit tila bingi si Theo sa mga pagmamakaawa niya.
“Talagang masasaktan ka kapag hindi ka sumama sa ‘kin. Muntik pa akong mapahamak nang hanapin ka nila Abuelo sa ‘kin. Ni hindi ko masagot ng maayos ang mga tanong niya dahil hindi ko alam kung saan ka nagpunta. So you’re coming with me!”
Napahinto sa paglalakad si Theo nang biglang tumunog ang cellphone nito. Agad nitong sinagot ang tawag at umaliwalas agad ang ekspresyon nito. Alam agad ni Viviene kung sino ang tumawag.
“Baby!” anas ni Theo, doon lang binitawan ni Theo si Viviene.
Hinimas-himas ni Viviene ang pulsuhan niya, namumula iyon at masakit. Panigurado ay magkakapasa siya kinabukasan. Nag-angat ng tingin si Viviene, kitang-kita niyang halos mapuknat ang labi ni Theo sa kakangiti. Parang tinusok-tusok naman ang puso ni Viviene nang makita ang tagpong iyon.
Ni minsan ay hindi niya nakita ang ganung klase na ngiti ni Theo. Iyong totoong ngiti, ngumingiti lang ito sa kanya sa tuwing kaharap ang pamilya nito at kapag nais nitong angkinin siya. Ibang-iba sa ngiti na mayroon ito ngayon.
“Do you want me to pick you up? Okay, saan ka ba, Baby? Oo, kakatapos lang ng dinner namin. Yeah, nagpahangin lang ako. Pauwi na rin sana. Yeah, I’llbe there in a minute. I love you, Camilla.”
Ni hindi nga narinig ni Viviene ang mga katagang iyan mula kay Theo. Sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ito ay hindi sumasagot si Theo. Tanging tango lang ang sagot nito, akala ni Viviene ay hindi lang sanay si Theo sa ganun. Kaya hinayaan na niya, basta alam niyang siya ang asawa nito.
Na akala niya pareho silang may nararamdaman sa isa’t isa. Pero isang malaking pagkakamali lang ang lahat. He was never in love with her, not even a second. Samantalang siya ay si Theo ang unang lalaking minahal. Kay Theo niya ibinigay ang pinaka iniingatan niyang pagkababae.
Matapos patayin ni Theo ang tawag ay isinilid nito sa bulsa ang cellphone nito at hinarap si Viviene. Seryoso ang ekspresyon nito, wala na ang Theo na nakangiti kanina.
“Umuwi ka sa bahay natin. Sumunod ka sa gusto kong mangyari Viviene, kung ayaw mong mawala sa ‘yo ang pinakamamahal mong trabaho. Matagal mong pinaghirapan ang pagiging propesor hindi ba? Kung nais mong manatili ang lahat sa ‘yo ay matuto kang sumunod sa gusto. Wala naman akong ibang hinihingi sa ‘yo kundi ang magpanggap pa rin na asawa ko hanggang sa matapos ang paglipat ng lahat ng shares ng pamilya sa pangalan ko. At pagkatapos noon ay hindi na kita guguluhin, Viviene. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo hindi ba?”
Ngumisi si Theo at sinubukang abutin ang kamay ni Viviene pero mabilis na umiwas si Viviene.
“‘Wag kang maarte. Akala mo naman hindi ko nahawakan ang lahat ng parte ng katawan mo. Anyway, as I was saying umuwi ka sa mansyon. Maging mabait kang asawa, utuin mo si Abuelo na bilisan ang paglipat ng lahat sa pangalan ko para mas mapabilis ang paglaya mo. Ganun lang ka simple, Viviene. Saka mahal mo naman ako hindi ba? Kaya gawin mo ang lahat ng gusto ko kung mahal mo ako. Now, be a good wife Viviene."
Saka lumapit si Theo at biglang siniil ng halik si Viviene. Hindi nakahuma si Viviene, tulala lang siya. Ni hindi alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Dahil ang nangingibabaw ngayon sa kanya, ay ang sakit na nararamdaman niya. Buong akala niya masakit na nang makipaghiwalay sa kanya si Theo noong araw, pero mas masakit palang malaman at makita kung paano magmahal ang isang Theo.
“Ikaw nga! Ikaw ang babaeng matagal ko nang hinahanap!” Napalingon si Viviene nang marinig ang boses na yun. Kumunot ang noo niya nang hindi niya maaninag kung sino iyon. Kinabahana agad si Viviene, napahawak siya sa basong nasa harapan niya at handa iyong ibato. “Sino ka?” Nangingnig sa takot na wika ni Viviene. “I am not a bad guy!” muling wika ni Silas.“Ganyan naman lahat sinasabi. Pero yun pala serial killer!” giit ni Viviene. “Do I look like a killer to you?” inis na wika ni Silas.Nainis siya bigla sa paratang ng babae sa kanya. He is Silas Montemayor-Averde, mula siya sa isang prominenting pamilya. At isa ang pamilya nila sa pinaka mayaman sa bansa. And to think mapagkakamalan siyang killer? Mukha lang siyang bangangdahil hindi sapat ang tulog niya. But his face card? Mula sa mga ninuno niya hanggang sa kanya at sa pinsang niyang si Kristine? Hindi man sila pumasok sa mundo ng entertainment but they had been scouted a thousand times. Even internationally, maraming guston
“Ano bang gusto mong gawin ko, Silas?” Inis na tanong ni Kristine kay Silas na nakaupo sa mahabang sofa sa opisina niya, “I don’t know, Kristine. I can’t think straight, okay? Palala nang palala ang sitwasyon ko. I haven’t slept for days, Kristine. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko!” naiinis na wika ni Silas.“I told you, seek for a professional help, Silas. Hindi pwedeng porque hindi ka agad komportable sa doktor ay hindi ka na rin sisipot sa susunod pang session mo. You have to endure it to get better—”“No,” seryosong wika ni Silas. Sumeryoso ang mukha ni Kristine, “Then, I can’t help you. That’s the only thing I could tell you, Silas. Bukod r’yan ay wala na. Or do you want me to tell Abuela about this, Silas. Mamili ka.” “You can’t do that, Kristine. I know you won’t,” wika pa ni Silas. “Trust me, Silas. I can, lalo na kung kapakanan mo ang nakasalalay rito. You can’t go on with your life like that. Maapektuhan lahat nuyan, Silas. Kaya mas mabuti pang malaman ni Abuela par
“Ma’am, saan ka po pupunta?” Natatarantang tanong ni Cherry nang makitang pababa sa hagdan si Viviene. “Aalis ako, Cherry. Kayo na ang bahala dito sa bahay. Sa susunod, kapag sumulpot naman ang babaeng ‘yun tawagan niyo agad ako,” sambit ni Viviene. “Maghihiwalay na talaga kayo ni Sir, Ma’am? Hindi na talaga mapipigilan yan? Wala po ba kayong balak na awayin ang babae ni Sir?” sunod-sunod na tanong ni Cherry. Huminto si Viviene sa harap ni Cherry, “Hindi ko alam, Cherry.” “Pero kayo po ang legal na asawa, Ma’am. Kailangan niyong lumaban! Kahit pa siya ang mahal, kayo ang legal wife. Sa mga teleserye nga hindi nagpapaapi ang asawa sa kerida. Dapat ganun ka rin Ma’am!” Naiiling si Viviene, “Hindi ganun kadali, Cherry. Masyadong komplikado ang sitwasyon namin ni Theo. At higit sa lahat, ayaw ko nang ipilit ang ayaw pa…” “Ma’am hanggang sa ikaw at ikaw pa rin ang legal wife. May laban ka! Dapat gayahin mo yung sa teleserye, sinabunutan niya ang babae ng asawa niya. Pinagsasampal niy
“Theo!” galit na wika ni Camilla nang hindi umimik si Theo nang makaalis ang asawa nito. Hindi pa rin sumagot si Theo. Nagpupuyos na sa galit si Camilla, ilang araw niyang hindi nakita ang kasintahan. Panay tawag siya at text ngunit madalang lang ito kung sumagot. Kaya nagpasya na siyang puntahan ang bahay nito. Kinailangan niya pang magtanong kung saan nakatira si Theo dahil hindi niya kung saan ito nakatira. Maliban na lamang sa mansyon mismo ng mga Saldivar, kung saan isang beses siyang nakapunta roon.Bumuntong hininga si Theo, pagod siya at walang ganang makipag-away. Hinawakan niya ang kamay ni Camilla. “Iuuwi na muna kita,” wika pa nito. Napantig ang tenga ni Camilla sa narinig, “Anong ibig mong sabihin?” Imbes na nagpapahinga siya ngayong gabi ay pinili niyang magmaneho papunta rito dahil sa nais niyang makita si Theo. Ilang gabi na siyang hindi makatulog ng maayos dahil miss na miss na niya ang kasintahan. Alam ni Camilla ang lahat, na isang marriage for convenience ang
“Sakay,” mariing utos ni Theo kay Viviene. “Hindi ako sasama sa ‘yo,” sagot ni Viviene sa asawa. Matapos ang usapan patungkol sa kaibigan ni Theo na si Jake, ay pinauwi na si Viviene at Theo. Nakaiwas si Theo sa maaaring kapahamakan niya, kamuntikan na sanang mabuko ang relasyon nilang dalawa ni Camilla. “Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Viviene. Sasakay ka o kakaladkarin kita?” “Hindi ako uuwi kasama mo. Uuwi ako sa sarili kong bahay. Don’t worry. Hindi ako magsusumbong o kung ano kay Mama at Papa. Lalong lalo na kay Abuelo. At bukas na bukas rin ay pupunta ako rito. Kaya wala kang dapat ikabahala. All you need to do is stay away from me, Theo.” Biglang hinablot ni Theo ang braso ni Viviene. “Aray!” reklamo ni Viviene nang diinan ni Theo ang pagkakahawak sa braso niya. “Bitiwan mo nga ako! Ano ba. Nasasaktan ako, Theo!” Nagpupumiglas si Viviene, ngunit tila ba walang narinig si Theo at bigla na lamang siyang kinaladkad patungo sa passengear seat. Binuksan ni Theo ang pinto a
“Abuelo!” bulaslas ni Vivienne nang makita si Julio Saldivar na nagmulat ng mata. Agad na dinaluhan ni Viviene ang matanda. Luminga-linga si Don Julio, nalilito ang matanda kung ano ang nangyayari. Ang huling natatandaan niya ay may kinausap siya. Bukod doon ay wala na siyang maalala pa. “Nasaan ako?” paos at nanghihina na tanong ng matanda. “Call the doctor!” utos ni Joseph kay Theo. Mabilis namang tumalima si Theo sa utos ng ama. Naiwan ang mag-asawang Saldivar at si Viviene. Hinawakan ni Vivienne ang kamay ng matanda. “Abuelo, kumusta ang pakiramdam mo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Viviene sa matanda.Hindi sumagot ang matanda. Tila wala pa rin ito sa sarili. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto, kung saan pumasok si Theo. Kasunod nito ang isang doktor at nurse. Ang nurse na may dala-dalang basket, habang ang doktor naman ay dala-dala ang chart ni Julio Saldivar. Agad na chi-neck ng doktor at nurse si Julio Saldivar. Mataman lang na nagmamasid ang buong pamilya nito. Isa