Home / Romance / Beyond That One Night Mistake / CHAPTER 71 => Hindi Ako Susuko.

Share

CHAPTER 71 => Hindi Ako Susuko.

last update Last Updated: 2025-08-06 22:00:46

Tahimik.

Sobrang tahimik.

Ang tanging naririnig sa buong kwarto ay ang mahinang tunog ng dextrose, ang ugong ng aircon—tila isang mundong huminto sa pag -ikot.

Hindi na muling nagsalita si Xayvier simula nang ibaling ni Yukisha ang galit sa bulaklak at basagin ang vase. Parang isang marupok na damdamin ang lumipad kasama ng mga piraso ng salamin.

Naiwan si Xayvier na tulala sa tabi ng kama ni Yukisha.

Hindi siya naka galaw kaagad. Hindi rin siya nagsalita. Tinitigan niya lang ang dalagang nakaupo, nakatitig sa kawalan. Wala na roon ang kislap sa mata. Wala na rin ang ngiti. Ang mga pisngi nitong dati’y may mapula at buhay na kulay, ngayo’y maputla, tuyot, at tila walang alab.

Nanatiling nakahawak ang isang kamay ni Xayvier sa kamay ni Yukisha, humihinga ito pero hindi kumikibo. Parang nakahawak siya sa isang estatwa— malamig, walang reaksyon, walang paki.

Pero hindi siya bumitaw.

Gaano ba siya katagal nawala? Ilang araw ang lumipas na wala siya sa tabi nito? Ilang u
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 80 => Friends.

    Unang tumayo mula sa sofa si Leandro Cruz, matangkad, matipuno, at may matalim na tingin na tila laging nag- oobserba sa paligid. Naka- dark leather jacket ito, simpleng pantalon, at may baril na bahagyang nakasilip mula sa holster sa bewang. Isa siyang NBI agent, kilala sa matapang at walang kompromisong paghawak ng mga kaso. Nakilala ni Xayvier si Leandro pitong taon na ang nakalipas sa isang kidnapping incident kung saan parehong nalagay sa alanganin ang buhay nila. Simula noon, naging matibay ang samahan nila — hindi lang bilang magkakaibigan, kundi bilang magkakapatid sa laban. “Matagal ka naming hinintay,” sabi ni Leandro, mababa ang tono ngunit may bahid ng pag- aalala. Sa tabi niya, bahagyang nakasandal sa armrest ng sofa, hawak ang isang slim laptop, si Rafael “Raf” Torres. May salamin ito, lean build, at palaging may kasamang earphones na nakakabit sa isang earpiece. Isang dating black-hat hacker na naging ally ni Xayvier matapos nitong subukang pasukin ang server ng kum

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 79 => Adapting.

    Tahimik ang buong silid maliban sa mahinang ugong ng aircon at banayad na tunog ng bentilador sa kisame. Sa ilalim ng malambot at mamahaling kutson, nakaupo si Yukisha sa gilid ng kama, nakasandal sa headboard at mahigpit na nakayakap sa sarili. Parang sinusubukan niyang ikulong ang init ng kanyang katawan sa malamig na hanging nanggagaling mula sa aircon, ngunit higit pa roon — tila ikinukulong din niya ang sariling damdamin, pilit itinatago sa kahit kanino, lalo na kay Xayvier. Lumapit si Xayvier, may hawak na baso ng maligamgam na gatas. Sa bawat hakbang niya, ramdam niya ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. Nang marating ang gilid ng kama, mahinahon niyang inilapag ang baso sa maliit na mesa sa tabi nito. “Uminom ka muna,” wika niya, mababa ngunit mariin, parang utos na may halong pag- aalaga. Saglit na nag -angat ng tingin si Yukisha. Ang mga mata niya’ y mapupungay, hindi dahil sa antok kundi dahil sa labis na pagod. Walang imik, niyang kinuha ang baso at dahan -dahang

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 78 => Sa Bahay ng mga Juaquin.

    Sa bahay ng mga Juaquin. Pagdating nila roon, sinalubong sila ng malamig na hangin mula sa malapad na bukas na pinto ng mansyon. Ang liwanag mula sa mga chandelier ay bumungad agad sa kanila, kumikislap sa makintab na sahig na gawa sa marmol. Nasa bungad si Aling Minda, ang matagal nang tagapangalaga ng pamilya, na may bakas ng pagkabahala sa mukha. Ilang gwardya rin ang agad tumayo nang tuwid, handang magbigay- galang at mag- ulat. “Sir,” mahinang bati ni Aling Minda, bahagyang yumuko bilang pagrespeto, “handa na po ang kuwarto sa itaas, gaya ng iniutos niyo.” Mula sa likuran, lumapit ang isa sa mga gwardya. “Sir, may mga idinagdag na tayong bantay sa likod at gilid ng bahay. Lahat ng gate naka- lock. Nagpalit na rin kami ng security code sa main gate.” Tumango lang si Xayvier, malamig ngunit may awtoridad ang boses. “Walang makakalapit kay Yukisha nang hindi ko alam. Kung may mapansin kayo na kakaiba kumilos, agad niyo akong tawagin.” Tahimik lang si Yukisha habang maingat

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 77 => Going Home.

    Parang mabigat na ulap ang bumalot sa isip ni Xayvier matapos marinig ang huling pabulong na iyon mula kay Yukisha. “Papatayin nila ang anak ko…” Hindi niya alam kung paano niya dapat intindihin iyon. Ang anak na tinutukoy ba niya ay ang bata na… nawala na? O may ibang ibig sabihin si Yukisha? At sino ang tinutukoy niyang “nila”? Mas lalo pang nagulo ang isipan niya nang maisip ang mga salitang binitiwan ni Leandro sa tawag kanina. Ang tono nito, ang bigat ng tinig, at ang malabong pagbibintang na para bang may alam na hindi niya alam. Paulit- ulit niyang tinanong ang sarili “Sino ang tinutukoy ng kaibigan kong si Leandro kanina? Sino ang may gawa ng aksidente? Bakit parang konektado lahat?” Pero sa bawat tanong na pumapasok sa utak niya, mas lalo lang siyang nalulunod sa kawalan ng sagot. Mula sa tabi niya, bahagyang gumalaw si Yukisha. Mahigpit pa rin ang kapit nito sa kamay niya, para bang iyon na lang ang natitirang tali na nag- uugnay sa kanya sa mundong ito. Pinagmasdan

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 76 => Bangungot.

    Dahan- dahan niyang ibinaba ang telepono sa mesa, ngunit sa halip na umalis para mag -isip tungkol sa sinabi ni Leandro, mas lumapit pa siya kay Yukisha. Mas mabigat ang pakiramdam niya ngayon, ngunit alam niyang may mas mahalaga kaysa mga salitang iniwan ng katawag— ang babaeng nasa harap niya. Ito ang pinakaimportante sa lahat. Hindi niya hahayaang mag tagumpay sila at ngayong nalaman niyang sinadya ang nagyaring ito. Mag kakamatayan sila. Umupo siya sa gilid ng kama. Ilang segundo ang lumipas bago niya marinig ang mahinang paghinga nito. Sa una, inakala niyang tulog ito, ngunit nang mapansin niyang bahagyang gumalaw ang labi ni Yukisha, napayuko siya. “…Hindi ko siya… inagaw…” Mahina, halos wala sa tono, at para bang galing sa malalim na bangungot. Muli niyang nakita ang paggalaw ng labi nito, mas mabagal ngayon, at mas basag ang boses. “…hindi… akin… hindi… ko… siya… kinuha…” Parang may tumusok sa puso ni Xayvier sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng dalaga. Sino ang t

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 75 => Caller.

    Riiiiing… Riiiiing… Sa katahimikan ng kwarto, bawat pag -ring ng telepono ay parang matalim na tunog ng kampana na humihiwa sa manipis na hangin. Sa bawat tunog, parang may kumakaskas na malamig na bakal sa puso ni Xayvier —mabagal, tapos biglang magiging marahas at sisikip. Nakaupo siya sa tabi ni Yukisha habang Pinagmamasdan niya parin si Yukisha —nakahiga sa kama, walang kibo, parang estatwang gawa sa porselana. Ang manipis nitong buhok ay kumalat sa puting unan, at kasabay ng bawat paghinga ay ang bahagyang gumagalaw ng kumot na nakatakip dito hanggang balikat. Kung titingnan mula sa malayo, maiisip mong mahimbing lang ang tulog niya, pero alam ni Xayvier… hindi iyon tulog, nakapikit lang ito pero alam niyang lumilipad ang utak nito at nakakulong parin sa trahedyang maski siya ay nahihirapang umalis. Mula sa puwesto niya, nasasagap ng kanyang mga mata ang dilim na bumabalot, at malamlam na ilaw mula sa buwan na tukatagos sa kurtina na dumadagdag ng liwanag sa kwarto na may d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status