Share

Chapter 27

Author: JV Writes
last update Huling Na-update: 2025-06-28 22:02:52

Sa loob ng isang modernong department store na malapit lang sa condo building ni Alyssa, pumasok sina Lucas at Alyssa bitbit ang tig-isang cart. Maaliwalas ang loob ng grocery—malapad ang pasilyo, may malalaking salamin sa kisame, malamig ang aircon at amoy bagong linis ang paligid. Halata rin ang kagandahan ng lugar, may konting mamahalin na ambiance, pero hindi naman intimidating. Puno ito ng kulay mula sa mga nakaayos na prutas, canned goods, at tinapay sa shelves.

Bago pa man sila lumibot sa food section, nagpaalam muna si Lucas para magpalit ng damit. “Bigyan mo ko ng limang minuto,” aniya, sabay turo sa malapit na restroom kung saan siya nakalagay ang gym bag niya.

Pagbalik nito, naka-black casual shirt at jeans na ito, medyo basang-basa pa rin ang buhok pero mas presko na tingnan. “Mas presentable na ba akong kasama sa pasta aisle?” biro nito.

Habang isinusuksok ni Alyssa ang keso sa loob ng cart, napatingin siya kay Lucas na abala sa pag-aayos ng mga pinamili sa kabilang side
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nhing Nhing
muntanga naman....hindi daw makaiwas pero sya ang lumapit pwede namang umalis na lang
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 149

    Narinig ni Marco mula sa kabilang linya ang malalakas na busina ng mga sasakyan at ang walang patid na dagundong ng ulan na humahampas sa windshield. Ang mga county road ay hindi kasing kinis ng highway—mas makitid, mas liko-liko, at mas mapanganib lalo na ngayong bumubuhos ang ulan.Napaigting ang pag-aalala ni Alyssa. Hindi man niya ito hayagang ipakita, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Marco. Huwag kang magmadali.”Halos kasabay nito’y nagsalita rin si Marco, tila nagtatagpo ang kanilang mga salita, isang palatandaan ng hindi maitatangging pagkakaintindihan na parang awtomatikong lumilitaw sa pagitan nila. “Huwag kang maliligo. Ingatan mo ang sugat sa kamay mo. Pag-uwi natin saka na tayo mag-usap.”Sandaling natahimik silang dalawa, pareho nilang napansin na sabay silang nagsalita. Nagpakawala si Marco ng mahinang ubo, parang pagtatakip sa biglang pagkailang. Pagkatapos ay nagtanong siya, “Nasaan ang mga magulang ng bata ngayon?”Saglit munang nag-i

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 148

    “…”Wala pa ring salita. Tahimik ang kabilang linya, at ang katahimikan na iyon ay tila isang matalim na kutsilyong humihiwa sa pagitan nila.Muling nagsalita si Alyssa, maingat ngunit mariin, “Kung gano’n… ibababa ko na ang tawag.”At doon, saka lamang nagsalita si Marco, mabilis at puno ng pananakot. “Ikaw ang bumaba.”Sa unang tingin, simpleng pahayag lamang iyon—“Ikaw ang bumaba”—ngunit sa tono ng kanyang boses, malinaw ang nakatagong pagbabanta: “Subukan mo lang, kung may lakas ka ng loob.”Ngunit ngayong araw, kakaiba ang pakiramdam ni Alyssa. Para bang bigla siyang nagkaroon ng tapang na noon pa niya hinahanap. At dahil siya mismo ang nagsabi kanina, wala na siyang balak umatras. Kaya’t walang alinlangan, pinindot niya ang pulang buton ng kanyang telepono.“Oh,” maikli at malamig niyang tugon bago niya tuluyang pinutol ang tawag.Isang mabilis at tiyak na kilos—parang isang desisyong matagal na niyang gustong gawin.Ngunit wala pang isang segundo matapos niyang ibaba ang tawag,

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 147

    “Sino ‘yang kasama mo sa hotel?!” Ang sigaw ni Marco ay parang dumagundong sa tenga ni Alyssa.Ayaw na ni Alyssa na palawigin pa ang alitan. Ramdam niya ang pamimigat ng paligid, na para bang bawat salitang mabibitawan pa nila ay gasolina lamang na magpapaliyab sa apoy ng hindi pagkakaunawaan. Wala na siyang balak pang magpaliwanag nang mahaba-haba—wala na rin siyang lakas na muling idetalye ang lahat para lang mapatunayan ang sarili. Kaya’t pinili niyang dumiretso sa tanong na kanina pa kumakain sa isip niya. Mahina ngunit diretso ang boses niya, puno ng pag-aalala at bahid ng pagod.“Pumunta ka ba sa ospital? Kumusta si Sam, maayos ba siya?”Ngunit para bang bingi si Marco. Hindi man lang kumurap o nagpakita ng kahit anong pagkalinga sa tanong ni Alyssa. Parang hindi niya narinig ang mga salita, o marahil ay sadyang hindi niya pinansin. Ang tanging lumabas sa bibig niya ay malamig at mariing tinig.“Sagutin mo muna ang tanong ko.”Napapikit si Alyssa, mariing pinisil ang mga mata na

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 146

    Tahimik silang lumakad hanggang makarating sa pinto ng kanilang kuwarto. Pagbukas ng pinto, napahinga nang malalim si Alyssa—at hindi niya napigilang mapa-wow.“Wow…” bulong niya sa sarili. “Totoo ngang couple’s suite…”Ang buong silid ay balot sa malabong kulay rosas na ilaw na para bang nagmula sa isang eksenang pang-romansa sa pelikula. Banayad ang ningning nito ngunit sapat para bigyang-diin ang kakaibang ambiance ng kuwarto. Sa gitna, namamayani ang malaking bilog na kama, napapalibutan ng mga unan at kumot na kulay puti at pula, tila ba nilikha para sa mga bagong kasal.Habang dahan-dahan siyang pumasok, napansin niyang ang mga dingding ay natatakpan ng hindi pantay-pantay na salamin, bawat isa’y kumakain ng bahagyang ilaw at ibinabalik ito sa iba’t ibang anggulo. Para siyang nasa loob ng isang malaking music lounge o KTV bar, at ang bawat sulok ay nag-aanyaya ng pagiging malapit.Hindi alam ni Alyssa kung saan siya titingin. Pakiramdam niya’y may mali sa lahat ng ito, ngunit wa

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 145

    Isang Couple’s Suite?!Mabilis na nagpaliwanag si Ethan, “Hindi kami—”“Hindi ba kayo magkasintahan?” Tumigil sa pagta-type ang receptionist at tumaas ang kilay, may halong pagdududa sa tono. “Pero iisa lang ang kama sa loob, at ang disenyo ng kuwarto ay talagang para sa magkasintahan. Ibo-book n’yo pa rin ba?”Natigilan si Ethan at dahan-dahang napatingin kay Alyssa.Si Alyssa naman ay parang napatigil ang paghinga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung hindi siya magbu-book ng kuwarto, saan siya pupunta? Grabe ang buhos ng ulan sa labas—wala na siyang ibang mapupuntahan kundi dito sa hotel. At higit sa lahat, iniingatan niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan—isang maling galaw lang ay maaaring magdulot ng kapahamakan.Pero kung tatanggapin niya ang kuwarto, kawawa naman si Ethan na basang-basa na dahil sa kanya. Hindi ba’t parang magiging makasarili siya kung magpapahinga siyang mag-isa habang pinapabayaan ang lalaking tumulong sa kanya?Nahulog si Alyssa sa isang mahirap na s

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 144

    Habang abala pa sa pag-uusap sina Alyssa at ang ina ni Alice, natapos nang makipag-usap si Ethan sa telepono at lumapit sa kanila. Basa pa rin ang dulo ng kaniyang buhok, marahil mula sa halumigmig ng ulan, ngunit maayos pa rin siyang nakatayo, dala ang karaniwang kalmado sa mukha nito—maliban na lamang sa pamumula ng pisngi na tila hindi pa rin nawawala mula kanina.“Tinignan ko ang lagay ng daan,” sabi niya, na parang nag-uulat kay Alyssa mismo. “Malakas ang ulan sa kabundukan at isinara na ang highway. Mukhang dito na tayo matutulog ngayong gabi at bukas na tayo makakauwi.”Napatingin si Alyssa sa kaniya, pilit pinapakalma ang sarili kahit may halong pagkailang sa dibdib. Wala siyang ibang nagawa kundi tumango na lamang, tinatanggap ang sitwasyon.“Mukhang maraming na-stranded ngayon sa bundok,” dagdag naman ng ama ni Alice, na may bakas ng pagkabahala sa mukha. “Baka maubusan tayo ng kuwarto sa hotel. Kailangan nating magmadali.”Nagpasya silang umalis agad mula sa water bar patun

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status