Share

Kabanata 62

Tumatakbo sa isip ko ang tungkol kay Lionel habang nag-uusap kami ni Russel. Napansin niya ang pananahimik ko kaya tumigil siya sa pagsasalita.

“You're spacing out,” puna niya.

Ibinaba ko ang baso matapos sumimsim sa juice.

“Nalaman ko na... d-dalawa ang kinikilalang nanay ni Lionel. Is it true?”

“Yeah but it's a long story. Kaunti lang ang alam ko tungkol doon, Alliyah. I can't feed your curiosity.”

Tumango ako. Ayos lang naman. Nagtataka ako pero wala naman akong balak manghimasok. I'm just concerned because Lionel is my student.

Hindi ko na muling binanggit pa kay Russel ang tungkol doon. Dismissal na't nag-aya si Lionel sa ice cream shop kaya't kasama rin ako papunta roon. Nakasabay pa namin ang ilang mga bata, pare-parehong nag-aaya sa kani-kanilang magulang.

“You love ice cream?” tanong ko kay Lionel pagkapasok namin.

“Yes po!”

Naupo kami sa tatluhang mesa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status