Tipid akong ngumiti at inabot ang kaniyang kamay. “Alliyah Martinez po, Sir.”
Dumapo ang tingin nito sa aking case nang ilapag ko iyon sa mesa.
“You look familiar,” diretsang saad nito.
Ikaw rin, pamilyar...pero hindi ko maalala kung saan kita nakita...
Hindi ko iyon maisatinig.
“I bet you have already seen her somewhere,” ani Ruan. “After all, we're living in the same planet,” biro pa niya.
“I know.” Ngumisi ang lalaki.
“By the way, Alliyah, just call me Luke. I preferred that,” nakangiting turan nito sa akin.
Ibang-iba ang aura niya kay Russel. Pareho silang pormal pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya.
“Matagal ka nang gumuguhit?”
“Since I was 10.”
“Cool, can I see your works?”
Ipinakita ko sa kaniya ang old at new portraits na ginawa ko. May ilan lang kaming napag-usapan gaya ng kung sino-sino ang mga iyon at kung magkano ang payment. Kasama na rin sa mga tiningnan niya ang nag-iisang portrait ni Ruan na kailan ko lang ginawa.
“You're great,” bakas ang pagkamanghang puri ni Luke.
“Thank you,” sinserong turan ko.
“So, what else can you do aside from this one?”
Bago sumagot ay umayos ako ng upo.
“I can use different mediums such as graphite, charcoal, water color, and colored pencils,” magaang saad ko.
“I want a colored portrait. How long can you finish it?”
“Within a whole day po.”
“Oh, quite fast, huh,” bilib nitong sabi.
Tipid akong ngumiti. Para sa akin ay matagal ang isang araw. Marami akong kilalang artist na nakakatapos ng portrait within 2-3 hours lang. Marami pa rin akong dapat aralin. Maybe techniques para mas mapadali.
Nasira ang konsentrasyon ko nang dumating ang waiter. Inilapag nito ang tatlong frappe at slices ng cake. Tumagal ang tingin ko roon, iniisip ang posibleng laki ng halaga ng bawat isa. Tumapon ang tingin ko sa kabuuan ng restaurant. Tanging brown at white lang ang kulay na nakikita ko, resemblance ng kape kaya masarap sa paningin. May sapat na distansya ang bawat pabilog na mesa at yari sa bubog ang lahat ng iyon na tila pinasadya lamang para sa maiingat na tao.
Bigla kong naala ang kabataan namin ni Venus. Noon ay madalas kaming kumain sa lugawan. Kung dito ay kalkulado ang bawat kilos, doon naman ay walang may pakialam kahit makalat kaming kumain. Wala ring air-con, hindi gaya rito.
“Woah, umorder ka pala.” Ngumisi si Ruan at agad nilantakan ang kaniya.
Ako tuloy ang nahiya kay Luke.
Pabiro kong tinampal ang braso ni Ruan. “Grabe ka naman,” natatawang turan ko.
Ngumisi lang siya, hindi makapagsalita dahil puno ang bibig. Nag-almusal ba siya?
“It's okay, ganiyan talaga si Ruan. Sanay na ako,” may bahid ng tuwang anas ni Luke sabay tingin sa akin.
Humiwa siya ng maliit sa cake at maingat na isinubo iyon. Hindi ko napigilang usisain ang mukha niya. Ngayon ko lang napansing kahawig niya si Russel pero mas matapang ang mga mata ng isang iyon samantalang banayad at kalmado ang kay Luke.
Hindi na rin ako magtatakang hindi ako nakakaramdam ng takot kay Luke.
Talaga ba, Alliyah? O baka naman masyado ka lang intimidated sa presensya ni Russel dahil gusto mo siya?
Oh! Bakit ba ang hilig kong magkumpara?
Bago pa ako mahuli ni Luke na nakatingin sa kaniya ay agad akong yumuko at humiwa na rin sa cake.
“So...” Pinunasan ni Ruan ang bibig niya. May ilang bahid ng chocolate icing sa gilid dahil sa pagmamadaling kumain. “Sinong ipapa-drawing mo?” Kay Luke siya nakatingin.
Samantala, sa halip na sagutin si Ruan ay ako ang binalingan ni Luke.
“I'll send you the picture. What's your account?”
“Alliyah Martinez.”
S******p ako sa frappe.
Mabilis siyang nagtype sa kaniyang cellphone. Ilang sandali'y pinasadahan niya ito ng tingin at natigil ang mga mata niya nang tila nahanap na ako.
“Just check your messages later,” aniya at muling sumubo ng cake.
Marahan akong tumango kahit hindi niya iyon nakikita.
Gusto ko sanang itanong kung kaano-ano niya si Russel pero hindi ko iyon magagawa sa harap ni Ruan. He can sense me. Naisip ko lang na siguro naman ay balewala iyon kay Luke dahil hindi naman niya ako kilala. I can alibi. But si Ruan... hindi ako sigurado. Matagal na kaming magkakilala pero ilang beses palang namin napag-usapan si Russel at siya pa ang nagbubukas ng ganoong topic.
“Hindi ba, madalas kang nasa art studios, Ruan?” si Luke.
“Yup.”
“Why?”
Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa huling tanong ni Luke.
Bakit nga ba? Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung bakit naroon sa art competition si Ruan, parehong araw at lugar kung kailan at saan ko siya nakilala.
“Psh, naging tsismoso ka na ba?”
“Pfft, if I know...” mapang-asar na wika ni Luke. Hindi niya iyon itinuloy.
“You're wrong!” dispensa ni Ruan.
Ipinahalata ko sa kanila ang pagtataka ko para ipaalam na wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila.
Natatawang binalingan ako ni Luke at sumenyas na kalimutan ko na lang.
I sighed.
Naagaw ang atensyon ko sa pagtunog ng chime. Magmula kasi nang pumasok kami ni Ruan ay hindi ko na muling narinig iyon kaya ito ang pangalawang beses.
Lumingon ako roon at napatiim-bagang sa pagpasok ng hindi ko inaasahang tao.
Naka-angkla ang kamay sa braso ni Russel, inilibot ni Denise ang paningin sa loob nitong restaurant, marahil ay naghahanap ng magandang spot.
Binawi ko ang aking tingin at ibinalik iyon sa pagkain ko. Dahil sa nagwawala kong kalamnan ay hindi ko na napansing napalaki ang subo ko ng cake. Mariin ko iyong nginuya.
Gosh! Bakit? Bakit ganito ang tadhana?
Tumunog ang platito nang mabitawan ko ang tinidor. Seryoso na palang nakatingin sa akin si Luke, may pagtataka.
“Sudden change of mood?” aniya sa pag-aakalang nagdadabog ako.
Hindi na ako nakasagot nang mag-angat si Luke ng tingin.
Oh! Please, don't, don—
“Russel,” kaswal niyang sabi.
Napapikit ako nang palihim. Ito na nga ba ang naiisip ko.
Inabala ko ang sarili sa pagkain, kahit pa unti-unting lumalakas sa pandinig ko ang tunog ng stilettos ni Denise na tumatama sa sahig.
"Luke,” tipid na saad ng isang pamilyar na boses.
Agad humalo sa amoy ng frappe ang matapang na pabango. Nanuot iyon sa ilong ko. Nasa likod ko lang sila!
“Hey, dude! Join us here!” Nakakainggit ang sigla ni Ruan.
How I wish na kaya kong umakto nang ganoon pero hindi. Sa isang iglap ay parang natatabunan ng kaba ang d****b ko.
“Come on, hon. Let's have a seat,” yaya ni Denise.
Hindi nagbago ang ekspresyong ipinakikita ni Luke. Seryoso lamang siya.
Madalas rin kaya silang narito?
Mayroon limang seats sa table namin. Bakante ang upuan sa tabi ko at bakante rin ang sa kabilang side ni Ruan.
Nang igiya ni Ruan si Denise sa tabi niya ay isa lang ang ibig sabihin no'n.
Muli na naman akong nataranta. Mabilis kong tinipon ang nagkalat na papel sa table. Tutal ay tapos na rin naman ang usapan namin ni Luke.
Parang naging mabagal ang galaw ng paligid nang umingay ang upuan sa tabi ko. Walang pasabing umupo roon ang taong hindi ko kainlaman ginustong makatabi nang ganito kalapit.
Napalingon ako. Hindi ko sinasadyang makita ang seryoso niyang mukha. Walang nagbago, kagaya pa rin ng hitsura niya sa event. Dumapo ang tingin niya sa aking case na kasasarado ko lang.
Agad rin niyang binawi iyon. Tamad niyang isinandal ang likod sa upuan at bumaling kay Luke.
"What are you doing here?”
Lumipat ang tingin ko kay Denise. Ganoon pa rin, walang nagbago sa kisig niya. Hapit ang suot na dress sa kaniyang katawan. Deep v-neck shape iyon kaya lumilitaw ang kaniyang cleavage.
Sino bang hindi manliliit? Tanging t-shirt at jeans lang ang suot ko. At ngayon ay pinalilibutan ako ng mga taong ito, how can I calm down? Puwede ko naman sigurong yayain nang umalis si Ruan pero hindi ko iyon kaya! Ayoko ring magmukhang pa-importante.
“Well, I'm having a portrait commission with Alliyah. She's a good artist.”
“Really? I thought she's your sister!” bulalas ni Denise. Hindi ko maitatangging nainsulto ako roon.
Kung sabagay. Hindi naman ako mukhang kaaya-aya kumpara sa kanila. Kahit nasa edad disi otso na ako ay mukha pa rin akong bata. Mas dalaga pa nga kung tingnan si Venus kaysa sa akin.
"How I wish she's my sister too.” Ang ngiti ni Luke ang nakapagpa-alo sa akin. Wala iyong bahid ng kung ano man. Katunayan ay nahimigan ko sa boses niya ang pagmamalaki.
Tumango lang ako kay Denise. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal.
“I see,” imik ni Russel na tila may napagtanto.
Hindi niya ako tiningnan pero para akong hinihigop ng boses niya. Punong-puno iyon ng otoridad.
Hanggang tingin na lang din ako sa cake at frappe. Mukhang masasayang ko pa ang mga ito dahil sa balisang nararamdaman.
“Anyway, what are you guys up to?” maya-maya'y singit ni Ruan. Hindi niya nahahalata ang pagkailang ko.
“We're having our breakfast here,” si Denise ang sumagot.
“Bago 'yan, ah?” Sumimsim si Ruan sa kaniyang frappe.
“Yeah, she woke up late. Mas male-late kami kung magluluto pa,” balewalang saad ni Russel.
“I was so tired last night! It's your fault!” Tumawa si Denise.
Ngumisi si Ruan nang nakakaloko.
Hindi ko makita ang reaskyon ni Russel pero ayoko rin talaga. Sapat nang basehan ang mga narinig ko.
Nag-init ang pisngi ko. She was tired and it was Russel's fault. Ano ang dapat kong isipin doon?
“Wala kayong maid?” si Luke.
"None. Siya ang nagluluto,” sagot ni Russel.
How sweet. Talagang mag-asawa na sila. Silang dalawa din lang ang magkasama kung ganoon.
Bakit ganito? Ang hirap huminga.
Hindi ko na inisip ang atensyon nila. Binuksan ko ang frappe at nilagok iyon bago pa ako lamunin ng kabang ito.
Kahit pa noong ibinaba ko ang frappe at sumubo ng malaking cake ay tiniis ko ang nagtatakang tingin ni Luke habang si Denise ay abala sa pagpili ng oorderin.
Bigla kong nalunok ang kinakain ko nang isampay ni Russel ang braso niya sa sandalan ng upuan ko! Ako lang naman ang naiilang dahil mukhang balewala lang sa kanila iyon, maliban kay Denise na agad napako ang tingin sa braso ni Russel at pagkatapos ay sa akin. Sinalubong ko ang matatalim niyang tingin. Sana lang ay alam niyang wala akong ginagawang masama.
Nagtaas siya ng kilay, tuloy ay mas napatuwid ako ng upo. Napansin pa ni Russel ang munting kilos ko.
“By the way, Alliyah, gusto mo bang ako na lang ang kumuha sa bahay niyo kapag natapos mo na?”
“Hindi na, Luke. Puwede ko naman sigurong ipaabot na lang kay Ruan,” malumanay kong sagot.
“Sure!” maagap na sang-ayon ni Ruan.
“Well, I'm fine with that.” Ngumiti si Luke.
Hinintay ko na lang na magyaya si Luke dahil hindi ko talaga kayang magsalita. Para akong nabunutan ng tinik nang tumayo siya.
“I'm going, how about you two?”
Tumingin sa akin si Ruan at agad akong tumango. Sabay na rin kaming tumayo.
“Mauuna na kami, Russel,” paalam nito.
“Uhm.”
Abot-abot ang kaba nang iangat ko ang aking case, muntik ko pa iyong mabitawan. Naramdaman ko na lang ang maagap na kamay ni Russel na nakasambot doon.
“Easy,” aniya habang tila pinipigilan ang pagsilay ng ngiti.
Bahagya akong nagulat. Hindi niya dapat ako nginingitian! Mas gusto kong nagsusungit siya.
Mali ito.
Baka mas lalo akong mahulog.
Napamura na lang ako sa isip ko.
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami