Share

Chapter 122

Francine’s POV

“Are you ready?” Liam asked me pagpasok niya ng kwarto.

Tumango ako. “I had no choice. Ngayon ang libing nila,” sagot ko.

Mahigit isang linggo akong nanatili sa bahay mula nang namatay sina Britney at Daddy. Tahimik naming idinaos ang burol nila dahil ‘yon ang gusto ko. Dito rin pansamantalang nakatira ang pamilya ni Lucas sa bahay namin habang inaasikaso nila ang nangyari sa pamilya ko.

Napalingon ako kay Liam nang hawakan niya ang aking kamay. Kinuha niya ang family picture na hawak ko saka ibinalik ito sa ibabaw ng bedside table.

“Malalampasan mo rin ang lahat. You’re brave,” bulong niya bago ako niyakap ng mahigpit. “Nandito lang ako palagi sa tabi mo.”

Napasinghap ako nang nagsimula na naman mangilid ang aking mga luha. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan at pinaparusahan ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli. Ang sakit-sakit pa rin isipin na wala na sila.

Kumalas siya sa yakap at hinanap ang aking mga mata. Pinunasan niya ang namumuon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status