เข้าสู่ระบบLIAH POV
"Kung hindi ako nagkakamali Liah right? Sa pagkakaalala ko?" Tanong ni Luciella Kinakabahan ako sa presensya ng babaeng ito, ayoko talaga sa kanya to be honest. Parang siya yung klase ng babae na elegante man sa itsura ay hindi papayag na hindi makuha ang gusto. "Ah oo, tama ka ako nga pala si Liah Delos Santos, yes nagkita na tayo sa restaurant, kahapon lang." sagot ko sa tanong niya. "Sino nagpapasok sayo?" Tanong ni Ethan habang nakataas ang isang kilay. "Excuse me ano paba? Ako ang bagong Director ng company, mama mo ang nagpasok sa akin dito." Sagot naman ni Luciella sa tanong ni Ethan, "at isa pa mukhang gusto ng mama mo na ako ang makatuluyan mo, hindi lang basta kung sino sino jan sa tabi tabi." Sabi ni Luciella habang pataray na nakatitig sakin, yung tipong ang titig niya ay may ibig sabihin. "Whatever, I don't like you." Mariin na sabi ni Ethan sa kanya. "Kahapon mo palang naman ako nakita, of course hindi mo ko magugustuhan sa umpisa, pero malay mo habang tumatagal ma-inlove ka sa akin." Comfident na sabi ni Luciella kay Ethan. "See you around baby boy" sabi ni Luciella at sabay ngumisi sakin bago ito tuluyang umalis. Napaisip ako kung anong problema ni Luciella at bakit pakiramdam ko ay pagiinitan ako at pahihirapan ang buhay ko sa opisina. "Ethan mukhang nanganganib ang buhay ko dito sa company niyo." Nagaalalang sabi ko. "No, don't worry girl, hindi ko hahayaan na mangyari yun." Pangako ni Ethan sakin. "Bakla siguraduhin mo lang. kung hindi malaki ang ¡babayad mo, hindi ako papayag sa set up na ito." Pangungulit na sabi ko sa kanya. "Gaga oo nga, kulit nito, maniwala ka sakin. Hindi ko ilalagay ang buhay mo sa kapahamakan." Sagot naman ni Ethan. Parang lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Ang hirap ng ganito. Kung hindi ko lang kailangan ng pera eh. "Bago ang lahat ito ang contract natin basahin mong mabuti" sabi ni Ethan sabay abot ng kontrata sa akin. Habang binabasa ko ang kontrata ay nabigla ako sa halaga ng nakalagay. "200 thousand a day? Really? Too good ro be true." Sabi ko sa kanya habang hindi makapaniwala. "I know, it is too good to be true, but believe me wala ng ibang boss maliban sakin ang magbibigay ng ganyang halaga" proud na sabi niya sakin. "Pero syempre hindi yan basta basta, ipapakita ko sa lahat ng gusto kita at nililigawan kita, like for the show-alam mo yun?" Dagdag pa niya. "Oo alam ko naman yun kasi, hindi mo kaya maghanap ng girlfriend." "Hindi sa hindi kaya, pero dahil sa ayoko, hindi ko gusto. Alam mo naman diba yung secret ko, ang need natin ay matanggap ka ni mama, ng hindi na niya ipagpilitan si Luciella sa akin." Sabi ni Ethan. "Okay sige, tulungan natin ang isa't isa, babayaran ko ang utang ko habang tutulungan kitang gumawa ng paraan para tigilan na ng mama mo ang pangungulit sayo." Sagot ko kay Ethan. Syempre hindi ko na palalagpasin pa ito, sinong boss ba at anong office work ang nagbibigay ng 200 thousand a day? Syempre wala, kung meron man bihira lang. Wala naman akong masyadong ginawa sa office, dahil first day, itinuro lang ni Ethan ang mga gagawin ko, ang bawat sulok ng company para hindi ako maligaw. 5pm na at ako ay pasakay ng elevator ng makasalubong ko si Luciella. "Oh Liah, how's your first day?" Tanong nito sakin. "Oh hi Luciella, oo okay naman ako. Ikaw kamusta ka, first day mo din diba?" Tanong ko din sa kanya. "Well of course okay lang, madali lang ito para sakin, so anong pakiramdam kumapit sa mayaman? Nakakaraos kaba? Nabibili mo na ba lahat ng gusto mo?" Tanong ni Luciella na may tonong parang niya akong i-provoke, tono ng taong nagmamataas sa kapwa. Huminga ako ng malalim "well sorry to say, mali ka ng hinala. As you can see gusto ko nga i-reject si Ethan eh, but you know what? Mahal niya talaga siguro ako, and of course hindi kasama itong trabaho ko-1 applied for this position, kahit na sa local school lang ako nagaral may degree parin ako." Sagot ko sa kanya, habang nagpapanggap na hindi na-offend sa mga sinabi niya. Syempre hindi ako papatalo, hindi ako mayaman pero hindi ako mahina. Tumingi siya sakin na para bang na-disappoint dahil hindi ako tinamaan sa mga sinabi niya. "Oh well then mabuti kung ganon." Tumalikod siya at umalis na siya palayo. Napabuntong hininga nanaman ako, at napaisip kung ilan na paghingang malalim naba agad ang nagawa ko magmula kahapon. Tinatamad na ako magcommute kaya nag-book nalang ako sasakyan. Habang naghihintay sa sasakyan ay nag-vibrate ang cellphone ko. Message galing kay Ethan. Message: Ethan: Kumain kana ba? Tara kain. Liah: pauwi nako, sa bahay nako kakain. ーーー Reply ko sa kanya sabay sakay sa dumating na sasakyan. Paguwi ko sa bahay, ramdam ko ang pagod ng buong araw. Dali dali akong naglinis ng katawan, nagpalit ng damit, itinali ko ang buhok ko ng pa-messy bun. Sabay upo sa harap ng PC ko at punta sa website ng paborito kong chinese drama. Habang nanonood ay biglang may kumatok. Ng buksan ko ito ay nagulat ako kung sino ang nasa labas ng pinto. "Oh Ethan, ano ginagawa mo dito?" Tanong ko habang bahagya na nagulat "Sabi ko kasi kain tayo, partners in crime tayo-parang isang ganap na magbestie. Ang arte mo ah ayaw moko kasabay kumain?" Sagot ni Ethan. Pinapasok ko siya, na medyo nahihiya dahil hindi kalakihan ang bahay na iniwanan sa akin ng magulang ko, may gate pero tama lang ang laki. "Pasensya kana, medyo maliit ang bahay ko at makalat" sabi ko sa kanya. "Aba ay oo nga makalat, sinong babae ang nagsasabit ng bra at panty sa lugar ma madalin makita?" Sabi ni Ethan pagka baba niya ng mga pagkain sa lamesa ay itinuro niya yung mga underwear ko na nakasampay sa electric fan. Agad ko naman itong kinuha, "sa dami mong pwedeng mapansin, yung panty at bra ko pa talaga?" Itinago ko agad sa loob ng cabinet. Dinala ko yung mga pagkain sa loob ng kwarto, at nagdala din ako ng extra na upuan. "Dito tayo kakain ah, nanonood kasi ako ng chinese drama" "Nanonood ka din nyan? Ang title nyan ay The Last Goddess diba?" Paborito ko rin nyan, minsan kasi nagi-imagine ako na ako yung bida na si chow Rosie" maarteng sabi ni Ethan. "Oo na manood ka nalang at kumain na tayo." Sabi ko naman na medyo nainis ng konti sa kaingayan niya dahil nalistorbo ang panonood ko. Nakakapagod ang araw, at lalo na ay hindi ko alam kung ano nanaman ang naghihintay sakin sa opisina bukas.LIAH POVNalimutan ko na ang lahat ng gabing yun, nakatulog pala ako. Paggising ko tinignan ko agad ang desk ko na nasa harapan ko. Ifairness ah nakapatay ng maayos ang PC, malinis ang lamesa at wala narin ang mga basura."Malinis siya sa bahay ah" sabi ko sa isip ko.Hindi ko nadin siya naabutan, maaga aga siyang umalis, pag-tingin ko sa orasan ay nasa 6am palang.Nag-handa na akong magalmusal at maligo para makapag-prepare na sa pag-pasok sa work. "Ito nanaman ako, oh god, anong kaartehan nanaman ng Luciella nayun ang gagawin niya?" Sabi ko sa sarili ko na para bang pagod na agad kahit hindi pa ako nagsisimula sa trabaho.Lumabas na ako para makapasok na sa trabaho, as usual medyo matraffic na agad ng konti kahit maaga pa, pinas nga naman lalo na kapag papuntang BGC. Pagdating ko sa building ng company hindi yata ako napansin ng dalawang taong naguusap, nagtago ako at sumilip ng bahagya."Si Luciella at isang employee sa team namin" sabi ko sa isip ko na ma
LIAH POV"Kung hindi ako nagkakamali Liah right? Sa pagkakaalala ko?" Tanong ni LuciellaKinakabahan ako sa presensya ng babaeng ito, ayoko talaga sa kanya to be honest. Parang siya yung klase ng babae na elegante man sa itsura ay hindi papayag na hindi makuha ang gusto."Ah oo, tama ka ako nga pala si Liah Delos Santos, yes nagkita na tayo sa restaurant, kahapon lang." sagot ko sa tanong niya."Sino nagpapasok sayo?" Tanong ni Ethan habang nakataas ang isang kilay."Excuse me ano paba? Ako ang bagong Director ng company, mama mo ang nagpasok sa akin dito." Sagot naman ni Luciella sa tanong ni Ethan,"at isa pa mukhang gusto ng mama mo na ako ang makatuluyan mo, hindi lang basta kung sino sino jan sa tabi tabi." Sabi ni Luciella habang pataray na nakatitig sakin, yung tipong ang titig niya ay may ibig sabihin."Whatever, I don't like you." Mariin na sabi ni Ethan sa kanya."Kahapon mo palang naman ako nakita, of course hindi mo ko magugustuhan sa
LIAH POVNang makapasok nako sa bahay at sa aking kwarto, naupo ako sa kama na para bang hihimatayin na sa sobrang pagod. "Grabe ang daming nangyari, at higit sa lahat yung pera" medyo kinakabahan pa akong kinuha yung natirang pera na naibulsa ko."Oh, kung natatandaan ko yung naibigay ko kanina sa kanila ay 47k so ang ibig sabihin ay 53k ang natira sa akin." Sabi ko sa isip ko.Buti nalang sa amin Itong bahay, wala akong rent na babayaran, pero at least may pambayad na ako ng kuryente at tubig. At pang-grocery kahit papaano.Habang napapangiti ako ay naalala ko no kailangan ko palang tignan ang email ko, dahil may isesend na reviewer about sa deal naming dalawa."May part sakin na medyo nadartehan ako sa kanya, sayang siya hahaha ang gwapo niya at ang tangkad mayaman pa pero bakla siya" natatawang sabi ko sa sarili ko.- — -/Email/Ethan: To do ListAlways stay by my side-Be attentive and Observant-Be punctual-gusto ni mama n
LIAH POVDumating na kami sa Venue ng Blind date, isang mamahaling restaurant, una munang sumilip si Ethan."Sandali sisilipin ko lang muna sila, wag ka kabahan, chin up be confident." Sabi niya sakin na may halong pangasar na ngiti,Nang makita na ni Ethan kung saan nakapwesto ang nanay niya at ang babaeng ibablind date sa kanya, siya namang inayos niya ang tindig niya, bigla siyang kumilos na parang lalaki. Napaka gwapong tignan."Sayang itong lalaki na ito, ang tangkad, ang gwapo tapos bakla pala." Panghihinayang na sabi ko sa sarili ko."Anong tinitignan mo diyan? Mukha kang baliw.Halika na, humawak ka sa braso ko, dapat mukha tayong close na close talaga." Sabi niya sakin habang nakataas pa ang isang kilay.Dahan dahan kong hinawakan ang braso niya na para bang meron kaming feelings para sa isa't isa."Sigurado kaba sa gagawin natin ito?" Tanong ko na may halong kaba."Oo, ayoko sa mga blind date na bigay ni mama"Sagot niya."Eh, ka
LIAH POVDahan dahan akong lumabas sa pinto ng bahay namin, naka jacket at cap, palinga linga sa paligid, nakayuko ako may hawak hawak na brown envelop.""Bakit naman kasi di sinabi ni papa na may utang siya, maghahanap pako ng trabaho para mabayaran yun eh." Bulong niya sa sarili niya.Habang naglalakad Maya maya lang may nakabungo ako na mga lalaki na naka suit, pero grupo at gangster ang atake."Ay sorry po" bigla kong sabi pero nakayuko parin ako.Apat silang lalaki na malalaki ang katawan, isa sa kanila ang nagsalita, "bata may kilala kabang Liah Delos Santos na nakatira malapit dito? Kailangan kasi namin siya makausap eh, about sa utang ng tatay niya""Ah-eh, di ko po kilala yun" mahina pero hindi pabulong na sabi ko at nakayuko parin ako."Imposible, malapit kalang dito diba? At bakit kaba nakayuko, tumingala ka nga-" pilit iniangat ng isang lalaki ang ulo ko at dun nila narealize ako nga ang hinahanap nila."Ikaw pala yan-"







