Share

KABANATA 19

Boyfriend

Matapos ang pagtawag ni saturn kagabi ay hindi na ako nakatulog nang maayos. Iniisip ko pa rin kung tama ba ang ginawa kong desisyon kagabi. At ito ay ang patayin ang call at hindi siya kausapin. Pag gising ko ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Parang gusto ko nalang humiga buong araw at matulog.

Kakatapos ko lang maligo ngayon at narito kaming lahat sa sala para mag almusal. Mamayang 10 am pa ang contest kaya may oras pa ako para magreview.

"Zandra, anong oras ka natulog kagabi?" tanong ni prof laine.

Napatingin ako kay prof laine dahil sa tanong nito sa 'kin. Maaga naman akong natulog kagabi, ha. Hindi nga lang maayos.

"Mga 8:30 pm po." sagot ko pagkatapos inumin ang gatas.

Tumango lang si prof laine at hindi na nag usisa pa. Umayos ako sa pagkakaupo at saka nginuya ang kinakain kong hotdog.

"Zandra..."

Siniko ako ng katabi kong si Irene kaya napatingin ako sa kanya. 

"Ano?" tanong ko habang ngumunguya.

Ngumuso ito sa harap ko kaya nangunot ang noo ko. Ano bang sinasabi ng babaeng 'to?

May nginuso ito kaya tinignan ko kung ano 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si saturn na nandito sa harapan namin, kausap si prof laine.

Agad na namula ang pisngi ko nang dumapo ang tingin nito sa 'kin. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hindi ko siya kinausap kahit nagpaliwanag na siya. Masyado ba akong unfair?

Nag iwas nalang ako ng tingin at saka tuluyan nang inubos ang almusal ko. Narinig ko ang ilang tawanan ng mga kasama ko.

"Ay weh? Break na yata sila. Hindi lumapit si saturn oh." natatawang saad ng babae.

"Hindi mo sure. Ako papalit na girlfriend." ani ng babaeng sash ang pangalan.

Tumungo nalang ako at saka nagngitngit sa galit. Ang kapal naman nilang pag usapan ako. Hindi ba sila tinuruan ng good manners and right conduct? Palibhasa mga mukhang walang pinag-aralan.

Nag angat ako nang tingin sa mga nagtatawanan para makita ang mga pagmumukha nila, kaso nahagip ng mata ko ang papalapit na si saturn. 

Napahawak ako sa braso ni Irene at saka ito niyugyog. Hindi ako mapakali dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako kinilig, kinakabahan ako!

Nang makalapit sa 'kin si saturn ay agad ako nitong hinalikan sa noo at saka tipid na ngumiti.

"How was your sleep, hm?" saturn asked.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni saturn kaya kinuha ko ang baso ng tubig at saka uminom do'n. 

"Are you okay?" tanong ni saturn sabay haplos sa noo at leeg ko.

"Hey, baby. May masakit ba sa'yo?" bakas sa boses nito ang pag aalala.

Saturn hold my hands tightly. "Baby, what happened? Are you okay?" 

Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at saka tumingin kila prof laine na walang pakealam sa amin. 

"Baby, talk to me. Please?" bulong nito na sapat para marinig ko. 

I bit my lowerlip.

Kakausapin ko ba siya? Malamang zandra! He's my fucking boyfriend for fuck sake. Dapat lang na kausapin ko siya!

"Sa labas na tayo mag usap." saad ko at agad na tumayo.

Dumiretso agad ako sa labas ng hotel room namin. Narinig ko naman ang yabag ni saturn sa likuran ko. Nang makalabas ako ng room ay agad kong hinarap si saturn. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko agad. Bakas sa mukha nito ang gulat dahil sa biglaang pagsasalita ko.

"Are you okay?"

"Yes, I am okay. 'Yan lang ba tanong mo?" malamig na tanong ko.

Nakita ko ang pag awang ng labi nito. 

"I'm sorry about last night. I was so insensitive. Please, don't be mad at me. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung magagalit ka pa ulit sa akin." mahabang litanya ni saturn at saka ako hinagkan.

"I love you, baby. I love you so much. I'm sorry. Please, forgive me." nanghihinang saad ni saturn.

Tumatama sa leeg ko ang mainit na hininga nito kaya mas lalo kong nilapit ang leeg ko kay saturn. Dinampian nito ng halik ang leeg ko.

"I love you so much." he said while kissing my neck.

"Psh. I love you even more." I pouted.

Tumigil ito sa paghalik sa akin. 

"Am I forgiven?" tanong nito habang nakahawak sa pisngi ko.

"Oo?" hindi siguradong saad ko.

Sumilay ang ngiti sa labi nito at saka dinampian ng halik sa labi.

"Bakit kasi umungol ka sa loob ng jeep? Baka kung anong isipin nila. Nakakahiya!" asik ko.

Tuwing naaalala ko 'yon ay naiinis lang ako. Parang ako pa 'yong nahihiya, dahil tinakpan ko pa ang bibig niya!

"I didn't know, okay? Malay ko bang uungol ako." ani nito.

I rolled my eyes.

"Tapos 'yong babae mo pala, tinext ako." saad ko nang maalala ang isang text message na galing sa unknown number kaninang umaga.

Pag gising ko ay bumungad na sa 'kin ang text ng unknown number. Nagtaka pa ako kung sino 'yon at kung paano niya nalaman number ko, kaso naalala ko nga pala na binigay ni saturn ang number ko do'n sa babae.

"Don't mind her. I don't know her." naiiritang saad nito.

"Ay weh? Gusto mo replyan? Kukunin ko phone ko tapos ikaw na mag re-."

He cut me off.

"I'm not interested to anyone, baby. I'm only interested to you." saad nito at saka muling hinalikan ang labi ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napangiti na ako. Ang swerte ko talaga sa lalaking 'to!

"Hindi ka na galit sa 'kin?" muling tanong ni saturn.

"Hindi na nga." ngumuso ako at gusto ulit magpahalik.

Ginulo lang nito ang buhok ko at saka hinila sa loob ng hotel room namin. 

Ang kj naman!

"Oh bati na kayo?" bungad ni prof laine.

"Yup." sagot ni saturn.

Tumingin ako ngayon kay saturn na nagkibit balikat lang. Hinila ko ang t-shirt niya kaya napatingin ito sa gawi ko.

Ngumuso ako pero umiling lang ito.

"Saturn." bulong ko.

"Later." ani nito.

I smiled.

Okay, later! Kaya ko namang maghintay, e. Basta si saturn ang kapalit! Ang tagal ko na rin hinintay na mapansin niya 'no tapos boyfriend ka pa ngayon.

Nang matapos ang ilang oras ay dumiretso na kami sa contest. Katabi ko ngayon si saturn, hawak nito ang kamay ko habang ang bag ko ay nakasukbit sa balikat niya.

Maraming nakatingin sa amin ngayon , At ang iba ay nagbubulungan pa. Kasama namin ngayon si prof salazar, samantalang si prof laine ang kasama nila Irene at nang iba pa.

"Sila ba 'yong sa set A?" tanong ng sa tingin ko ay kasing edad lang ni prof salazar. May katabi itong dalawang lalaki na kasing edad ko.

"Ah oo. Ito si zandra at saturn." saad ni prof salazar.

"I'm Prof Asuncion." saad ng matanda.

Ngumiti lang ako dito at saka nakipagkamayan. Gano'n rin ang ginawa ni saturn.

"At ito nga pala sila Alfred at Jojill." ani ni Prof Asuncion.

Pinakilala niya sa amin ang dalawang estudyanteng kasama niya na sa tingin ko ay pambato ng school nila. Nagtawanan lang ang dalawang lalaki, dahilan nang pagkunot ng noo ko. 

Umirap nalang ako at saka tumingin kay saturn. 

"Pag nanalo tayo, mag celebrate tayo, ha?" bulong ko.

He lick his lips and then nodded. "Okay, then. If that's what my baby wants, then let's celebrate."

Bumungisngis ako at saka dali daling tumango. Napatigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang tikhim sa harapan namin ni saturn.

Si Alfred at Jojill.

"Zandra, right? Set A rin kami." ani ng lalaking sa tingin ko ay si alfred.

"Oo, set A kami hehe." pang uulit naman ni jojill.

Magkasing-tangkad lang ang dalawang lalaki. May kaputian si jojill samantalang si alfred naman ay katamtaman lang. Para silang pinagbiyak na bunga.

"Yes, I am zandra. And this is saturn." ani ko at agad na bumaling kay saturn.

Nakita ko ang pag ngisi nang dalawang lalaki at nagsikuan pa. 

"Sabi sa'yo kuya niya 'yan, e. Halata naman." bulong ni alfred.

"Oo nga, 'no? Baka sinamahan lang." natatawang saad ni jojill.

Nangunot ang noo ko sa mga bulungan nila. Anong kuya?

"Wala ka bang boyfriend, zandra? May irereto sana ako sa'yo." saad ni alfred. Nakita ko ang pagsiko sa kanya ni jojill.

Hindi pa ako nakakasagot ay bigla nalang tumikhim si saturn at saka nag abot ng kamay sa dalawang lalaki.

"I'm the boyfriend, anyway." bakas sa boses ni saturn ang pang iinis sa dalawang lalaki.

"I'm saturn. Zandra's boyfriend." pang uulit nito.

Bakas sa mukha ng dalawang lalaki ngayon ang gulat nang marinig nila ang sinabi ni saturn. Nawala na rin ang ngisi sa kanilang mga labi.

"Ah haha, I'm Alfred!" nahihiyang saad ng lalaki.

"Jojill nga pala, bro."

Bakas sa boses nila ang takot at kaba kaya natawa na ako. Tumingin naman sa akin ngayon ang dalawang lalaki.

"Sige, goodluck sa inyo." ani nila at saka umalis na sa harapan namin.

"I'm the boyfriend, anyway." pang gagaya ko sa boses ni saturn.

"Lol. You don't introduce me as your boyfriend, huh? Really, zandra?" mapanuyang saad nito.

"Hindi naman sa gano'n, sasabihin ko nga dapat, e!" 

Sasabihin ko naman talaga kung hindi ko lang narinig 'yong sinabi ng mga kumag na 'yon.

"Kinakahiya mo ba 'ko?" tanong ni saturn.

Bahagyang nangunot ang noo ko dahil do'n kaya kinurot ko siya.

"Hindi , 'no! Ba't kita ikakahiya? Ang guwapo mo nga, e. Tapos matalino pa. Saan pa ako? Syempre kay saturn na." pagpupuri ko.

I heard him chuckled.

Totoo naman, eh. Kahit sino namang babae, kung si saturn ang boyfriend nila, hindi nila ikakahiya 'yon. Ang magkaroon ng isang saturn centaurus na boyfriend ay isang karangalan para sa aming mga babae. Ideal si saturn ng lahat kaya tanga na lang ang ikakahiya siya.

"Huwag mo 'kong daanin sa gan'yan, zandra. Baka makalimutan kong nasa contest tayo at mahalikan kita." bulong nito na ikinangiti ko.

"Halikan mo 'ko kung gano'n." pang aakit ko, narinig ko ang pagmumura nito na ikinatawa ko.

"Zandra." pagbabanta nito.

"Ano? Halikan mo sabi ako." ngumuso ako at saka pumikit. 

Naramdaman ko ang paghila nito sa akin. Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto kaya agad kong dinilat ang mata ko.

"Saturn, anong ginagawa nati-." 

He cut me off by kissing me thoroughly.

Napasandal ako sa pinto ngayon at napahawak ako sa balikat niya.

He put my arms around his nape. He kissed me slowly. Tila puno 'yon ng pag iingat. Hanggang sa palalimin nito ang halik at pareho na kaming kinapos ng hininga.

Nakasandal na ngayon ang noo namin sa isa't isa. Naririnig ko pa rin ang pintig ng puso ko. Sobrang bilis no'n.

"I love you." his voice was husky.

I smiled.

"I love you too." 

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status