Share

KABANATA 18

Contest

"Ready na ba kayo? Aalis na tayo maya-maya." saad ni prof salazar.

Ngayon ang araw ng contest namin ni saturn. Matagal na rin pala ang huling pagre-review namin. Katabi ko  ngayon si saturn habang hawak ang kamay ko. Bitbit nito ang bag ko at halos lahat ng estudyante sa loob ng jeep ay nakatingin sa amin.

Boyfriend ko na ngayon si saturn at halos mag i-isang linggo na kaming magkarelasiyon. Halos lahat ng estudyante sa university, ay alam nang ako ang girlfriend ni saturn. Pati na rin ang ibang subject teachers. Minsan ay inaasar pa ako ng mga classmates ko tuwing susunduin ako ni saturn. 

Naikwento ko na rin kila aia at olivia ang tungkol sa amin ni saturn. Kilig na kilig naman si aia. Si olivia naman ay support lang sa akin. Bumalik na rin ang pagiging masigla niya. Minsan ay nakikisabay pa ito sa amin ni saturn na kumain. At nilalaglag pa ako ng gaga.

"You're sweating." bulong ni saturn nang mapansing pinagpapawisan ako.

Pinaypayan ko ang sarili ko ngayon at saka bumuntong hininga. Nasa dulo kami ngayon ng jeep, nakaupo. Napansin ko ang pagkuha ni saturn ng panyo niya sa bulsa nito at agad na pinunasan ang pawis sa noo ko.

"Ayiieee, Sana all." sigaw ng mga estudyanteng kasama namin sa loob ng jeep na makiki-contest rin.

Ngumuso ako at saka napakamot sa batok ko.

"Are you okay? Puwede naman tayong umatras, If hindi maayos pakiramdam mo." bulong ni saturn sa tenga ko.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Maayos naman ako, ha?" 

"Yeah, maayos nga." ani nito saka pinatakan ng halik ang labi ko na ikinahiyaw ng mga estudyante.

Sobra na ang pagpapakilig mo sa 'kin, saturn. Mamaya ka sa 'kin! 

Pagkatapos ng ilang oras ay umandar na rin ang jeep at saka ito dumiretso sa lugar kung saan kami makiki-contest. Sa La Union ang contest namin ngayon kaya medyo natagalan pa kami sa biyahe.

Sumandal ako sa balikat ni saturn at saka pinikit ang mga mata. Mukhang aantukin pa yata ako.

Saturn pulled my waist closer to him.

I stiffened.

"I'll just wake you up later, sleepyhead." he whispered and suddenly bit my ear.

Tila lahat ng init sa katawan ko ay napunta na ngayon sa pisngi ko dahil sa ginawa ni saturn.

"S-aturn." I murmurred.

He lick my earlobe and then chuckled.

"I can't help it." bulong pa nito.

"Psh, matutulog na ako." pagpapaalam ko.

"Hm, okay." saad nito at saka hinalikan ang noo ko.

Pinikit ko nalang ang mata ko at saka tuluyan nang nagpalamon sa antok.

_

Nagising nalang ako nang maramdaman kong tumigil ang sinasakyan naming jeep. Kinusot ko ang mata ko at saka humikab. Napasarap pa yata ang tulog ko.

Lumingon ako ngayon sa lalaking katabi ko. Hindi ko na napigilan ang ngiti sa labi ko. Nakapikit ito habang hawak ang kamay ko. Mukhang nakatulog rin ang lolo niyo. May pa 'I'll just wake you up later, sleepyhead.' huh? Tapos, natulog rin.

Umiling nalang ako at saka marahang tinapik ang pisngi niya.

"Wake up, Mr. Sleepyhead." saad ko habang tinatapik ang pisngi ni saturn.

"Hmm, zandra." ungol nito.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at saka agad na tinakpan ang bibig ni saturn. Lumingon ako ngayon sa mga estudyante na nakatingin sa amin. Binigyan nila ako ng mapang-asar na tingin kaya napangiwi ako do'n.

Binalik ko ang tingin ko ngayon kay saturn na nakangising nakatingin sa akin. Binigyan ko ito ng masamang tingin. Tinanggal nito ang kamay kong nakatakip sa bibig niya at saka ito hinalikan.

"You're awake, sleepyhead." pang aasar nito.

"Oh, nandito na tayo. Bumaba na kayo." sigaw ni prof salazar sa labas ng jeep.

Humiwalay ako sa hawak ni saturn sa 'kin at saka bumaba na ng jeep. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura nito saka sumunod sa akin.

"Good afternoon po, prof." bati ko nang makababa sa jeep.

"Afternoon too. Ms. Torres." bati rin nito.

Luminga-linga ako sa paligid at saka sinalubong ang sariwang hangin. Dumampi sa akin ang malamig na hangin kaya napapikit ako dahil sa sarap no'n. Napasinghap nalang ako nang may yumakap sa 'kin mula sa likuran.

"Are you mad?hmm." bulong ni saturn habang pinapatakan ng halik ang leeg ko.

Minulat ko ang mga mata ko at saka lumingon kay saturn. Tumingin rin ito sa akin.

"Ha? Handog." I rolled my eyes.

"Sorry. I was just joking, baby." He whispered.

My brows furrowed.

"Hindi nakakatawa. May ungol ka pang nalalaman, huh?" asik ko.

Kinurot ko ang tagiliran nito kaya napangiwi ito.

"Huh? I moaned? When? Where?" nagtatakang tanong nito.

Aba, nagkunwari pa ang gago!

"Kanina lang habang nagkukunwari kang tulog." sagot ko.

"Hindi ako nagkunwari. Tulog talaga ako." saad nito.

"Lahat na ba nakababa sa jeep? Kailangan nating mag book ng hotel para doon muna magpalipas ng gabi. Bukas ang contest kaya maghanda na kayo." mahabang litanya ni prof laine.

Bumaling ang gawi ko kila prof salazar kaya lumapit ako roon. Hindi ko pinansin si saturn at iniwan do'n sa gilid. Tinawag pa nito ang pangalan ko pero hindi ko nalang 'yon binigyan ng pansin.

Naiinis ako sa kanya. Naalala ko na naman ang ginawa niyang pag ungol kanina! Narinig 'yon ng ibang estudyante, baka kung anong isipin nila. Tapos sasabihin ni saturn na hindi niya alam na umungol siya? Pinagloloko niya ba ako?!

"Magbo-book kami ng room sa isang hotel at sa isang room, lahat ng babae magkasama. Hindi puwedeng magkasama ang babae at lalaki, kahit magjowa pa kayo." bitter na saad ni prof laine. 

Nangunot ang noo ko nang tumingin lahat sa akin ang mga estudyante. Ay wow, ba't parang kasalanan ko pa?

"Prof, na saang parte po ba tayo ng la union ngayon?" tanong ng isang babae na sapalagay ko ay kasing edad ko.

"Sa Naguilian, La Union." sagot ni prof salazar.

"Wow." manghang saad ng mga estudyante.

Umirap nalang ako. 

"Oh siya, at magbook na tayo ng room. Maaga pa tayo bukas." saad ni prof laine at saka nag umpisa ng maglakad.

Sinundan lang namin ito. Nauna naman ang ibang estudyante at nagpicture pa ang iba. 

"Pakipicture nga ako dito." saad ng isang babae at saka inabot sa kasama niya ang cellphone nito.

Sumabay ako sa paglalakad kay prof laine at saka nakipagchismisan sa kanila. Lumingon ako sa likuran namin at nakita kong nakasunod sa'min ngayon sila saturn. Bitbit pa rin nito ang bag ko at bag niya. 

Dumapo ang tingin nito sa akin at saka kumaway. Bakas sa mukha nito ang lungkot nang hindi ako kumaway pabalik. Tipid lang itong ngumiti kaya nag iwas nalang ako ng tingin.

Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa nakita. Bitbit niya pala ang bag ko, tapos narito ako kila prof laine at hindi siya pinapansin. Bumaling ulit ang tingin ko kay saturn at nakita ko ang paglapit sa kanya ng ilang babae. 

Agad na nag init ang ulo ko nang biglang hawakan ng babae ang braso ni saturn. Aba! Ang landi, ha? Don't touch my boyfriend, bitch! Nakita ko kung paano tanggalin ni saturn ang hawak ng babae sa kanya. Lumayo si saturn sa babae at saka tumingin ulit sa akin. 

Binigyan ko ito ng masamang tingin at saka padabog na lumapit sa kanya para kunin ang bag ko.

"Amin na 'yang bag ko." pagsusungit ko at saka hinila ang bag ko sa kanya.

Agad niya naman itong binigay sa akin at saka hinawakan ang kamay ko.

"Let's talk, please?" nagmamakaawang saad nito.

"Mama mo talk." I hissed.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay  lumayo na ako sa kanya dala ang bag ko. Kung kanina nagu-guilty ako, ngayon hindi na!

Nang tuluyan na kaming makarating sa hotel ay nagbook agad ng room sila prof laine. Magkakasama kami sa i-isang room, samantalang si prof salazar naman ang kasama nila saturn.

Pagkatapos ibigay ang card ng room namin ay dumiretso na kami doon. Naghiyawan pa ang mga kasama namin at tila excited na makita ang tutulugan namin. 

Nang makarating kami sa tamang floor kung saan naroon ang room namin, ay agad na binuksan ni prof laine ang pinto ng room at saka kami pinapasok do'n. Sa kabilang room naman ay sila prof salazar. Ganoon rin ang ginawa nila. Si saturn naman ay tila walang ganang pumasok sa loob.

Bahala ka diyan, saturn. Hindi pa ako marupok.

"Kainan na." sigaw ni Irene.

Sa lahat ng kasama ko dito ay sila Irene at prof laine lang ang kilala ko. Hindi rin kasi ako mahilig makipag usap sa ibang tao lalo na kung hindi sila olivia ang kausap ko.

Nag umpisa na kaming kumain nang maihatid na ng bellboy ang mga pagkain namin. Masarap naman ang pagkain nila dito, lalo na 'yong creamy scallops. Ngayon lang ako nakatikim nito kaya sinulit ko na. 

Pagkatapos naming kumain ay napagpasiyahan naming maligo muna bago matulog. Dahil naliligo pa ang iba ay kinuha ko muna ang phone ko para magpicture. Isesend ko 'to kila olivia. Nang makapagpicture ako ay agad kong sinend 'yon sa gc namin.

Penis Hunter:

Prettyoung_dra sent a photo.



Jeje_basher: Ay wow, pangit ng hotel room niyo.

Atty_aia: Oks, sanaol. Pasalubong nga.

Agad akong nagtipa nang puwedeng ireply sa kanila.

Prettyoung_dra: pangit ng hotel room, hiwalay kami ng room ni saturn:(

Jejw_basher: Takas ka nalang. Momol kayo sa cr.

Atty_aia: troo, pakivideo na rin.

Tuluyan na akong napatawa dahil sa mga reply nila. Kaibigan ko ba talaga sila? Umiling nalang ako at saka naghanda para maligo.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis agad ako ng pajama at sando. Bago ako matulog ay nakinig pa ako sa mga kwentuhan ng mga kasama ko, samantalang si prof laine naman ay tulog na sa kabilang side ng kama.

"Laro tayo." saad ni Irene.

"Sige." masayang saad naman ng isang babae.

"Sali ka, zandra." ani ni Irene at saka tumingin sa akin.

"Huwag na. Kayo nalang." nahihiyang saad ko.

Gusto ko munang magpahinga.

"Kj naman." ani ng isa kaya umirap nalang ako.

Humiga muna ako sa gilid ng kama at saka tiningnan ang cellphone ko. Pinindot ko ang inbox message, nagba-baka sakaling magtext sa 'kin si saturn. Kaso wala man lang akong natanggap na text message ni isa, kaya mas lalo lang akong nainis.

"Truth or Dare?" rinig kong tanong ni Irene.

"Truth." ani ng babae.

"Sinong crush mo?" tanong ni Irene.

"Si saturn." sagot ng babae.

"Shh, baka marinig ka ni zandra." 

Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan ko. Wala akong pake kung gusto nila si saturn, ang akin lang, ay bakit pati ang pangalan ko idadamay nila diyan sa walang kwentang laro na 'yan. Nananahimik lang naman ako dito!

"Kung sakaling magbreak sila ni zandra edi landiin mo na, sash." 

"Hindi magbe-break ang mga 'yon. Tantanan niyo nga si zandra." naiinis na saad ni Irene.

"Ay wow, magkaibigan pala kayo." 

Ngumiwi nalang ako at saka hindi sila pinansin, sumilip ako sa phone ko at halos mahulog ako sa kama nang makitang tumatawag si saturn. 

Saturn's calling..........

Napatingin sa akin ang mga babaeng naglalaro kanina ng truth or dare. Nagulat pa sila nang tumayo ako, dumiretso ako sa cr para sagutin ang tawag ni saturn.

Pagkasagot ko ng call ay hindi na muna ako nagsalita. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Medyo nakakaselos lang rin na hindi siya nagtext sa akin, tapos, ngayon  lang siya tatawag!

"Baby." ani ni saturn sa kabilang linya.

Tumikhim ako pero hindi ako nagsalita.

"Have you had your dinner?hmm." tanong nito.

I bit my lowerlip. 

"I'm sorry. I was so insensitive." dagdag nito.

Pinigilan ko ang sarili na magsalita. Gusto kong marinig ang paliwanag niya.

"Baby, say something. please? 'yong babaeng lumapit sa akin kanina, I don't know her. She asked for my number, but I give her your number." mahabang litanya nito.

"Are you still mad at me? I didn't text you, because I know that you're still mad. I'm sorry." dagdag ulit nito.

Hindi pa rin ako nagsalita. Umayos ako sa pagkakahilig sa pintuan ng cr.

Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya kaya napanguso ako.

When I look into your eyes

It's like watching the night sky

Or a beautiful sunrise

Well there's so much they hold

And just like them old stars

I see that you've come so far

To be right where you are

How old is your soul?

Narinig ko ang pagkanta nito sa kabilang linya, dahilan kung ba't nanuyo ang lalamunan ko. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ang kanta.

Well, I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up

Pagtutuloy ni saturn sa kanta. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na nagiging emosiyonal na ako rito sa loob ng cr. Ano ba naman 'yan, saturn!

I stiffened.

"Alright. You should sleep. May contest ka pa bukas. Goodnight, baby. I love you." tila napapaos na saad ni saturn sa kabilang linya, pero hindi niya pa rin pinapatay ang call.

"Hang up the call, baby. Because I can't hang up this. I can't...." tila nahihirapang saad ni saturn.

"G-oodnight." pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad kong pinatay ang call.

I wont give up by Jason Mraz

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status