Share

KABANATA 17

Official

Nilingon na ako ngayon ni saturn dahil sa sinabi ko. Bakas sa mukha nito ang gulat, At tila hindi ito makapaniwala na sinagot ko siya nang ganito kabilis.

Well, gusto ko si saturn, gusto niya rin ako. Gusto namin ang isa't isa, kaya bakit patatagalin ko pa ang pagsagot sa kanya kung puwedeng ang relasiyon nalang namin ang patatagalin ko.

Hindi ako easy to get, pero pag si saturn? why not? sure!

"Are you serious? Manliligaw pa lang ako, zandra." saad ni saturn saka bahagyang sumimangot.

Ang cute naman ng lalaking 'to. 

"Ayaw mo bang sagutin kita?" bulong ko.

Umiling ito agad at saka hinawakan ang kamay ko.

"Yes, I like you, zandra. But, isn't it too early for you to answer me?Nanliligaw pa lang ako, At gusto kong unti-untiin ka, nang sa ganoon ay hindi ka mabigla." ani ni saturn.

My brows furrowed. 

May point naman si saturn sa sinabi niya, pero hindi ba dapat ay maging masaya nalang siya na sinagot ko siya? Nakakainis naman!

"So, ayaw mo ngang sagutin kita? Ayaw mo sa akin?" malamig na saad ko.

Nakita ko ang paglaki ng mata nito at tila iritado sa nangyayari ngayon.

"Baby, it's not like tha-."

I cut him off.

"Basted ka na." saad ko at saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Agad akong naglakad palayo sa kanya pero bago ko 'yon magawa ay niyakap na ako nito patalikod.

"I'm sorry, baby. You are officially mine now. You won't kiss other guys. You should only kiss me." malambing saad ni saturn habang nakayap sa likuran ko.

Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa lambing ng boses nito. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko dahil sa kilig. Tila nagwala ang mga paru-paru sa tiyan ko dahil sa sinabi nito.

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at saka hinarap ako. Hawak na nito ngayon ang magkabilaang braso ko. 

"Even though we are official now, I'm still courting you. Walang magbabago do'n." saad ni saturn at saka marahang hinalikan ang noo ko.

Pagkatapos ang usapan naming 'yon ni saturn ay dumiretso na kami sa ICT room para magreview. Malapit na rin kasi ang contest at kailangan naming maghanda para do'n. 

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Boyfriend ko na si saturn. Hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. Tila panaginip lang ang lahat ng ito. Akala ko ba ayaw niya sa akin dahil malandi ako, pero bakit manliligaw siya at boyfriend ko pa ngayon?

Kung panaginip lang ito, Huwag niyo na akong gisingin!

"Hey baby, what are you thinking?" tanong ni saturn nang mapansing tahimik ako sa gilid.

Ngumuso ako at tila kinikilig pa rin sa nangyari kanina. Kumalma ka, zandra!

"U-hm wala lang." 

I bit my tongue to stop from smiling.

Hinila ni saturn ang upuan ko at saka pinaharap ito sa kanya. Wow, great! Magkaharap na kami ngayon.

"Are you comfortable with this? I mean, about us. Are you comfortable with me?" He asked while holding my hands.

Agad naman akong tumango sa tanong nito.

"Oo naman..." nahihiyang sagot ko.

"You sure?" tanong ulit nito.

"Oo nga... Ang kulit mo naman bebe." saad ko at saka binulong ang huling salita.

"What did you say? Bebe?" pang uulit ni saturn.

Agad na namula ang pisngi ko. Narinig niya 'yong sinabi ko?

"Ha? U-hm nagugutom na ako hehe. Gusto ko ng bibe.... Oo tama! 'yong duck. Itlog ng duck. Balut." pagsisinungaling ko.

I heard him chuckled.

Mas lalo akong nahiya nang tumayo si saturn at saka lumuhod sa harap ko.

"Gutom na pala ang bebe. Let's eat, then." natatawang saad nito.

Nag iwas nalang ako ng tingin at saka pinigilan ang matawa sa sinabi niya.

"Sige, bibili na ako sa labas." saad ko at saka agad na tumayo.

"Hm? Who said na bibili ka sa labas? I brought our food here. Nagluto ako kanina bago pumasok." ani ni saturn at saka tumayo para kunin sa bag ang isang paper bag na hula ko ay pagkain ang laman.

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Nagluto siya para sa kakainin namin ngayon? Pinaghandaan niya ba ang araw na 'to?

"Dito na tayo kumain. Here." ani nito at saka nilagay sa lamesa ko ang baunan na may lamang kanin at menudo. 

Binuksan nito ang baunan na para sa 'kin at saka nilagay ang kutsara at tinidor. Umupo na siya sa tabi ko at ganoon rin ang ginawa niya sa baunan niya. 

"Hinanda mo lahat ng 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Uhm yeah. Hindi ba masarap?" nahihiyang tanong nito na agad ko naman inilingan.

Hindi ko pa nga natitikman, e!

Agad akong sumubo ng isang kutsarang kanin at saka nilagyan ng ulam na menudo. Nanlaki ang mga mata ko nang malasahan ko ang sarap sa luto nito.

"Masarap!" masiglang saad ko at saka sumubo ulit ng isang kutsara. 

Ang sarap nga!

Sumubo ulit ako ng ilang kutsara at saka inubos na ng tuluyan ang pagkaing binigay sa 'kin ni saturn. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na ulam. Masarap naman ang luto ni olivia pero hindi ganito kasarap sa luto ni saturn.

Nang maubos ko ang pagkain ko ay saka ako tumingin kay saturn na tila manghang-mangha habang pinapanood ako. Bumaba ang tingin ko sa pagkain nito na hindi pa nabawasan. 

Pinanood ba ako nitong kumain?

Lumunok ako ng ilang beses at saka tumikhim.

"Drink?" ani nito saka inabot sa 'kin ang bottled water na hawak niya.

Agad ko naman 'yong kinuha at saka ininuman. Nauuhaw na talaga ako, kanina pa. Nang matapos kong inumin ang tubig ay saka ako umayos ng upo at tumingin sa pagkain ni saturn na hindi man lang nagalaw. 

"Kumain ka na. Hindi ako titingin." saad ko at saka nag iwas ng tingin.

Narinig ko ang paghalakhak nito kaya ngumuso ako.

"I am full now." bulong nito.

"Ha? Hindi mo nga nabawasan, e." asik ko.

"Pinanood mo lang akong kumain, e" dagdag ko pa.

"That's why I am full." sambit nito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinampas ko na si saturn. Narinig ko ang pagtawa nito.

"Bwesit ka!" singhal ko habang patuloy pa rin sa paghampas sa kanya.

"Yeah, I know. I love you too." natatawang saad nito na mas lalong ikinapula ng pisngi ko.

Ano ba naman 'yan, saturn!

:>

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status