In a relationshipJela Nagkatitigan kaming dalawa. Parang may mga isip ang mga kamay ko na basta na lang yumakap sa batok ni Jupiter. Masuyo naman itong napangiti sa ginawa kong pagyakap sa batok nito. Alam ko at ramdam ko ang pagkasabik ni Jupiter na mahalikan niya ako muli. Kahit ako naman dahil may kakaiba sa pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag noong una kaming naghalikan. Yung spark, kilig, at pagkasabik ng puso ko ay kakaiba. Pati ang tibok ng puso ko ay hindi nerbyos kundi excitement ang nararamdaman. Mga nakaw nitong halik sa pisngi nagdudulot ng kiliti sa katawan at puso ko. Ayaw ko lang bigyan ng kahulugan pero iyon ang nararamdaman ko. Napapikit ako ng dahan-dahan habang inilapit ni Jupiter ang mukha sa mukha ko. Hindi rin nagtagal ay naglapat ang aming mga labi. Agad akong tumugon sa marahan pero matamis na halik ni Jupiter. Napayakap ako ng mas lumalim ang halikan naming dalawa. Mapusok pero nandoon ang pag-iingat sa bawat galaw ng labi nito sa labi ko. Very pas
Kulitan Jela Habang nanonood kami ng movie, bigla akong nagsalita. "Kapag ba sasagutin kita ngayon, sigurado bang totoo ang pinapakita mo sa akin? At kung sakaling sagutin kita, hindi mo kaya akong iiwan at sasaktan sa bandang huli?" Bigla itong tumayo sa kinauupuan niyang sofa sa tabi ko, gulat na gulat na tumingin sa akin. Sumimangot ako, parang nagtatanong lang eh. "Sinasagot mo na ako?" tuwang-tuwa nitong tanong. "Hindi! Hindi ka naman nagtatanong pa, di ba?" biro ko. "Ay!" sabay kamot nito sa ulo niya. "Will you marry me? Ah, wait, excited naman ako masyado. Can you be my girlfriendticious?" taas-baba pa ang kilay nito. Imbes na mainis, natawa na lang ako. Pati ako, nagaya na sa pagtaas-baba ng mga kilay ni Jupiter. Paano ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, kaya napataas-baba na din ang kilay ko. Tinulak ko ang noo niya. "Nagtanong lang ako, kasal agad?! Ewan ko sa'yo!" Natatawa namang itong umakbay sa akin. "Nakakagulat naman kasi 'yang tanong mo, babe.
Jela Kaya nagkwento ako sa nakaraan ko. "Nang araw na nakita kong may katalik ang ex ko. Sobrang galit na galit ako. Nilabas ko ang dala kong spray paint at ni-spray ko sa kanilang dalawa habang nagtatalik. Hindi ko alam kung pati mukha nila ay na-spray-han ko. Tapos tumakbo na ako palabas ng bahay nila. Lahat ng madaanan ko sa bahay nila ini-spray-han ko gamit ang hawak kong spray paint. Wala akong pinalagpas," huminga ako ng malalim. "Pagka-uwi ko sa bahay, sampal agad ang bungad sa akin ng Mommy ko. I don't know kung saan niya nalaman ang pag-spray ko sa bahay ng ex ko. Nagrebelde ang dibdib ko. Sa galit ko, nagtungo ako sa bar. Naglasing and so on," nahiya pa ako sa huli kong sinabi. Nakakaunawang hinaplos naman ni Jupiter ang likod ko. Hindi pa nakontento, kinabig niya ako ng yakap. "Paano mo nalaman na may ugnayan ang ex mo at half sister mo?" curious niyang tanong. "Narinig ko si Ate at Mommy sa kusina na nag-uusap at binaliktad ako ni Ate. Nagsumbong siya na gusto
Chapter 57 Jela May hinanda pa palang surprise sa terrace ng penthouse nito. Ang ganda dahil may mini swimming pool pa ito sa gilid. Parang sa mga nakikita ko lang sa mga magasin noon na luxury hotels sa ibang bansa. "Wow, ang ganda ng view dito," sabay gala ang paningin sa paligid, partikular sa ganda ng lungsod ng Manila. "We can relax here for a while," iginiya siya sa sofa. May nakalagay na roon na wine at some snacks like chips, popcorn, at may dessert pa. Gusto ko 'yung mini cake. "Enjoy'n na natin ang magsolo dahil sigurado akong matatagalan na naman bago tayo makapagsolo ulit," sabi ni Jupiter. "Yeah, dahil sinimulan kong i-renovate ang boutique shop ko. And I'm sure busy na ako by that time. Baka hindi na rin kita kilala dahil sa kabisihan ko," hagikhik ko. "Na, you can't do that, huh! Ako nga na busy gumagawa ng paraan just to be with you. Tapos ikaw kakalimutan mo lang ako, that's unfair!" angal agad ni Jupiter. "Tsk! Minsan witty ka, minsan naman slow, or
Penthouse Jela "Ang ganda ng penthouse mo," puri ko. "Thanks," ngumiti naman ito. "Sigurado akong marami ka nang isinama dito na mga chicks mo, 'no?" sabi ko. Napatigil ito sa pagnguya sabay tingin niya sa akin. Napangiti ako nang sumimangot ito. Pero bigla akong natigilan na parang may kawangis ito. Ganito ang mukha niya kapag sumisimangot eh. No way! Namalikmata lang siguro ako. "Anong akala ko, böld star na nagdadala ng mga bayaran na babae sa penthouse ko?" "Alam mo, feeling artista ka na böld star sa Vivä Max kung makaasta ka! Nagtanong lang naman ako. At isa pa, hindi lang böld star ang nagdadala ng partner sa condo, bahay, o penthouse, mga babaero rin at mga matakaw sa mga babae!" ngiwi ko. Pero ang gago humalakhak naman. Tumingin ako sa kanya. "Iniisip ko pa lang na böld star ka, kinikilabutan na ako," nanginig pa ako kunwari. "Bakit, hindi ba bagay?" amuse na tanong ni Jupiter. "Hindi bagay talaga sayo nagmumukha kang alien na mukhang palaka. Sorry!" sabay tawa ko
Penthouse Jela Pagkatapos naming bisitahin ang puntod ng aking ama, ay dumiretso na kami sa lugar kung saan kami magde-date. "Woooo!" buga ng hangin ni Jupiter sa kanyang hininga. "Can breathe properly now," buska ko. "Just because I'm a man doesn't mean I have no right to be feared or scared of something," malumanay na sabi ni Jupiter. "I didn't see anything like duwag ka. I just noticed just now na parang hindi ka makahinga sa loob ng sementeryo like before. Kaya hindi ko na pinatagal ang pag-stay sa puntod ni Daddy," sabi ko naman. Totoo naman iyon. Hindi niya alam na yon ang naobserbahan ko kanina. Kaya may phobia yata ito or something na hindi maalis sa sistema niya. Bumuntong-hininga na lang ito at hindi na nagsalita. Napatingin ako ng hawakan niya ang isa kong kamay. Marahan pa niya itong pinisil. "Kahit ang pinakamatapang na tao sa mundo, may mga kahinaan rin sa katawan. It's just that weird lang siguro na hindi talaga ako comfortable sa cemetery," mahinahon na sabi