共有

Chapter 5

作者: Chelle
last update 公開日: 2025-04-11 14:12:51

Chapter 5

Meet again

Sabado ngayon, iniwan ko ang mga bata sa anak ng landlady kung saan ako nangungupahan. Gusto kong bumisita sa puntod ng aking ama.

Every week ako dumadalaw sa kanya sa sementeryo. Masakit pa rin para sa akin ang maagang pagkawala ng aking ama. Kung sana nabubuhay pa siya, masaya na sana siyang nakikipaglaro sa mga anak ko.

Sakay ng aking motorcycle, dumaan muna ako sa flower shop ng hapon na iyon para bumili ng bulaklak para sa aking ama. Bubuhayin ko na sana ang makina ng motorcycle nang biglang may umangkas sa likod ko.

"What the hell!" malakas kong sigaw dahil sa gulat.

"Faster, paandarin mo na ang motorcycle mo, Miss Sungit,"

"Gago! Ikaw na naman? Buo na naman ang problema ko!" inis na sigaw ko.

"Now!" sigaw nito. Nataranta naman ako.

Magnanakaw na naman ba ang sideline ng gagong ito kaya tumatakas sa humahabol sa kanya? Mapapahamak pa yata ako sa kalokohan ng lalaking ito.

"Malas talaga ang dala mo sa buhay ko, Gago!" sigaw ko at mabilis akong nag-drive sa motorcycle ko.

Buti na lang dalawa ang helmet ko. Kasama ko sana ang kaibigan kong si Rosey, kaso ang gagong ito'y panira sa plano.

"Oh, isuot mo ang helmet na ito, gago!" sigaw ko. Sabay padabog na inabot ko sa likuran ko. Kaso napadaing ito dahil natamaan ko yata ang mukha niya.

'Deserve mo 'yan!' galit na sabi ko sa isip ko.

"Gusto mo bang masira ang gwapo kong mukha, huh?" reklamo ng gago!

"Sino ba kasing may sabing bigla ka na lang sasakay sa motor ko, Gago ka!" sigaw ko at mabilis na nag-drive nang makarinig ako ng mga putok.

Kahit maliwanag pa ang araw, may ganito? Hindi sila takot na bumaril kahit sa maraming sasakyan na dumadaan. Pahamak ang lalaking ito.

"Kumapit ka, gago! Baka gusto mong mahulog?" sigaw ko at mas lalong binilisan ko ang pagdrive.

Pokus na ako sa pagda-drive nang biglang humawak nga ang lalaki sa akin. Napagiwang ang pagdrive ko dahil sa dalawa kong bundok sa harap ko siya humawak. Napadiin pa talaga at saktong sakto ang mga kamay sa dalawa kong bundok.

"Tangina mo! Manyak! Putangina ang mga kamay mo, alisin mo sa dibdib ko kung ayaw mong pareho tayong madisgrasya dito! Gago! Damn! Fvck! Sh!t!" sunod-sunod kong mura.

"Sabi mo, humawak ako, di ba? E, di humawak ako!" ganting sigaw rin niya.

"Hindi ko sinabing sa dibdib ko ikaw humawak, Gago ka!"

"Wala kang sinabi na bawal humawak sa dibdib mo! At isa pa hindi ko alam na sa dibdib mo ako kumapit!" sigaw nito, na parang nag-eenjoy pa sa paghawak nito sa dibdib ko.

"Putangina!" sigaw ko na lang.

"Whooah, Miss. Easy sa pagda-drive, ayaw ko pang mamatay. May hinahanap pa akong babae na sumira sa buhay ko!" sigaw ng lalaki, na ramdam ko ang kaba sa boses nito.

"Kung ikaw na kaya ang mag-drive, ano?!" singhal ko.

"Just drive, don't mind me here complaining!" sigaw pa nito.

"Siraulo!" sambit ko. "Hindi ka ba marunong mag-drive?" sigaw kong tanong.

"Dalian mo, mahuhuli na tayo ng mga naka-kotse! Worse, baka mabaril ka pa, sinong magda-drive para sa akin," utos ng lalaki.

"Bwesit ka, ginawa mo pa akong driver mo! Motherfvcker!" sigaw ko.

Panay mura ko kanina pa. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, na kay bilis ko magmura kapag ang lalaking ito ang nakikita ko!

"Stop swearing!" sigaw ng lalaki, sabay yakap nito sa bewang ko. Napaigtad naman ako sa pagkakadikit ng katawan naming dalawa.

"Huwag mo akong yakapin ng mahigpit, gago! Hindi ako makahinga!" reklamong sigaw ko.

Niluwagan naman niya ang pagkakayakap sa akin. May naisip akong shortcut na daan patungong sementeryo, para na rin mailigaw ang humahabol sa amin.

"Whooah! Finally, nailigaw na natin sila," masayang bulalas ng gagong lalaki.

Hindi ako umimik at binagalan ko ang pagpapatakbo sa motorcycle ko papasok sa sementeryo.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ng lalaki.

"Huwag mo akong kausapin kung ayaw mong ibaon kita isa sa mga nitso dito!" sikmat ko.

"Nagtatanong lang naman, Miss Sungit," maamong sagot ng lalaki.

"Ano na naman ba ang sideline mo at nasangkot ka sa gulong ito? Idinamay mo pa akong gago ka!"

"Jupiter ang pangalan ko, Miss Sungit."

"Wala akong pakialam sa pangalan mo, gago! Umuwi ka na sa planeta ninyo!" sikmat ko.

Bumaba na ako matapos na mai-park ang motor ko sa gilid. Sumunod sa akin ang lalaking nagngangalang Jupiter. Ang weird ng lalaking ito, pati pangalan ay weird.

"Sinong bibisitahin mo dito? Mukhang nakakatakot ang lugar na ito. Nakakakilabot. Nakakabinging katahimikan at nakakapanindig ng balahibo."

"Kalalaki mong tao, takot sa ganitong lugar. Hindi ka ba sanay sa ganitong katahimik na lugar? Puro alien lang ba ang mga nakakasalamuha mo kaya takot ka sa mga multo," pabalang kong tanong.

"Pero ang angas mo, Miss Sungit. Ang galing mong mag-drive ng motor," puri pa nito sa akin.

"At ang galing mong kumapit..." napatigil ako sa sasabihin ko at bahagya akong namula. "Tangina!" mura ko na lang.

Humalakhak naman ang lalaki, na ikinagulat rin nito dahil sa mga ibon na nagliparan mula sa punong kahoy. Biglang yumakap sa akin ang lalaki dahil sa gulat.

"Damn! Nanggugulat kayong mga ibon!" bigla pang mura niya.

Wala sa sariling napahagikhik ako, na ikinagulat ng lalaki, sabay tingin sa akin. Umirap na lang ako at pumasok na sa gate ng puntod ng aking ama.

"Ama mo ang dinadalaw mo dito?" curious na tanong ni Jupiter. "Jimenez Galoya," basa pa nito sa pangalan ng ama ko.

"Oo! Kaya huwag kang tanong nang tanong, baka ipamulto kita sa Daddy ko!"

"Behave na nga ang tao, binibiro mo pa!" angal agad ng lalaki.

Naiiling na lang ako na natatawa.

"Marunong ka ring tumawa, ano?"

"Huwag mo akong kausapin, hindi tayo magkakilala. Nakiangkas ka lang sa akin. Bayaran mo ako sa kamuntikan na nating pagkadisgrasya dahil sa kamanyakan mo!" seryosong sabi ko.

Naglahad pa ako ng kamay na para maningil ng utang. Napanganga na lang ako nang bigyan niya ako ng tag-iisang libong pera.

"Nakaw ba ito, galing ha?" agad kong tanong. Makajudge naman ako wagas.

Tumawa lang ang lalaki sabay iling niya.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 82

    The kids dramaJELA POV "Tito Papa," sabi ng isa sa kambal, "paano po ba maging champion? Gusto ko rin kasi maging champion kagaya mo." Nagkunwari si Jupiter na seryoso. "Kailangan... kumain ng maraming gulay." "Ha?!" sabay reklamo ng tatlo. Natawa naman sila Tita. "Hindi po totoo 'yan!" kontra agad ni Jam. "Hindi po mukhang kumakain ng ampalaya si Tito Papa!" "Aba!" natatawang sagot ni Jupiter. "Kumakain ako, huh!" "Proof po, Tito Papa!" sigaw ng kambal. "Wala akong proof sa ngayon," natawa siya. "Sabi ko na nga ba," mahinang sabi ni Jam. "Fake news si Tito Papa." Halos mabulunan ako ng tubig. "Jam, ikaw talaga!" "Totoo naman po, Mama!" sagot ni Jam. "Saka, Mama, sabi ni teacher kapag gusto lumakas ang katawan, pwede rin kainin ang prutas, manok, karne, isda, kahit wag na ang gulay," sagot ni Jon. "May tawag si teacher sa mga pagkain na 'yan, eh . Pro-something, basta gano'n, wait lang isipin ko pa. Para di kami fake news dito," sagot rin ni Jan. Lalong nag-ingay ang me

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 81

    FAMILY DINNER JELA POV Punong-puno ang mahabang hapag sa bahay ni Tito. Iba't ibang putahe, may lechon, may pansit, may spaghetti na halatang request ng mga bata at kung anu-ano pang handa na parang fiesta. "Grabe, parang may kasal!" bulong ko habang nakatingin sa mesa. Ang dami ba naman kasing pagkain at parang kami lang naman ang kakain. Kahit isama pa ang mga security guard, drivers at kasambahay. Hindi pa rin namin ito mauubos. "Hindi, Ma," sabat ni Jam. "Mas bongga pa po 'to. May champion kasi. Pagod siya, nagpana kaya kailangan niya kumain ng marami," "Ha? Pagod? Nagpana lang naman ah." Sabay lingon ko kay Jam. "Si Tito Papa! Champion siya!" sabay taas niya ng kamay na parang announcer ulit. "Jam..." napapailing na lang ako sabay tawa. Pagpasok pa lang namin ay sinalubong agad kami ni Tito. Tumakbo naman ang mga bata para yumakap sa Lolo at Lola nila. "Oy! Andito na ang sikat! Champion pa!" malakas niyang sigaw sabay tapik sa balikat ni Jupiter. Natawa na lang rin kam

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 80

    "Tito Papa! May banner kami!" sabay turo sa papel na naka-tape sa dingding. *WELCOME HOME CHAMPION* at may drawing pa na pana at bituin . Pero mali ang spelling nila. CHAMPYON ang nakalagay. Natawa si Jupiter nang malakas. "CHAMPYON?!". "Eh kasi po, Tito Papa, pinoy version po yan!" proud na proud na sagot ni Jam. "Ahh, Pinoy version pala! Sige, pwede na," tawa ni Jupiter. Tapos biglang tumakbo ang kambal sa kwarto . Pagbabalik nila, may dala-dala na silang improvised crown. Gawa sa karton iyon at may glitter pa. May nakadikit pang sticker na "Princess" sa gilid. Napangiti ako sa ginawa nila. "Tito Papa! Suotin mo na po!" sabay abot nila. Napatingin si Jupiter sa crown na iniabot nila, tapos sa akin. "Babe... papayag ka?" "Ako pa tinanong mo?" sagot ko. "Edi suotin mo , para naman iyan sa'yo." Ngumiti siya at sinuot ang crown. Pagtingin ko sa kanya, muntik na akong matawa nang malakas. World champion sa archery... pero ngayon? Mukha siyang hari ng kinder.

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 79

    Welcome home party Jela Pov Maaga pa lang, parang may fiesta na dito sa bahay. Hindi pa man sumisikat nang todo ang araw, gising na ang mga bata, lalo na si Jam. Hindi na siya mapakali. Paikot-ikot sa sala, hawak ang maliit na papel na ginawa niyang "WELCOME HOME" banner. "Mama, dapat po may confetti!" excited na sigaw niya. "Anong confetti?" singhal ko, nakataas pa ang kilay ko. "Jam, bahay 'to, hindi birthday party ang magaganap. Welcome party lang." "Eh champion po siya, Mama! Pwede po yung confetti. Dapat may pa-salubong tayo sa champion!" sabay taas ng kamay niya na parang announcer. "WELCOME HOME, GOLD MEDALIST! TITO PAPA!" Napapikit ako. "Anak... wag kang sumigaw, pakihinaan ang boses mo. Baka marinig tayo ng kapitbahay, isipin nilang may artista dito." awat ko sa bata. "Ay, Mama, artista naman po si Tito Papa ngayon. Dami niya fans po!" singit ng kambal sabay tawa. Ako naman, pilit kong kinakalma ang sarili habang nag-aayos ng mesa. Pero sa totoo lang, kinakabahan ta

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 78

    Happy and Thrilled Jela Pov "TITO PAPA! CONGRATS POOOOO!" malakas na sigaw nilang tatlo. Napatakip na lang ako sa isang tainga ko. Narinig ko ang tawa ni Jupiter sa kabilang linya. "Hello, babies ko." "WOW! Tito Papa, GOLD KA PO!" sigaw ni Jam. "Ikaw na po ang pinaka-astig sa lahat!" "Thank you," malambing niyang sagot. "Ang galing-galing mo po," sambit rin ni Jon. "Gusto rin po namin maglaro ng ganyan," bulalas ni Jan. "Tuturuan ko kayo soon," sagot naman ni Jupiter. "YEEEEH!" malakas na naman na sambit ng tatlo. Tapos, bumalik siya sa akin. "Babe..." "Ano." "Hindi ko sinabi... kasi natatakot akong isipin mo na masyado akong... malayo sa mundo niyo," malumanay na sabi ni Jupiter. Napakagat ako sa labi. Tama ang nasa isip niya dahil nakakatakot maging sikat sa mundo at nakakatakot ang mga mapanghusgang tao. "Hindi ka malayo," mahina kong sagot, "pero minsan... nakakagulat ka. Baka mamaya may mga reporter na dito ha! Sasakalin na talaga kita." Tumawa siya

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 77

    Tawag Jela Pov Katatapos lang ng live sa TV. Pero paulit-ulit pa ring naka-replay sa screen ang moment na tumama ang palaso sa bullseye, perfect score, at ang sigawan ng crowd sa arena. Naka-Gold medalist na nga, Champion pa si Jupiter. Ang galing naman ng lalaking ito. Ang dami talaga niyang surprise sa sarili. Nagugulat na lang talaga ako sa kanya. Dati, akala ko delivery boy siya sa mall, tapos isang construction worker na kalaunan siya pala ang may-ari ng building na pinapatayo malapit lang sa apartment na inuupahan namin. Ang nakakatawa pa, nagtinda pa ng balut at akala ko magnanakaw siya. Ayon pala, trip lang niyang gawin at gusto lang daw niya subukan para ma-experience rin niya ang ginagawa ng simpleng mamamayan. Kaya nakaka-amaze siya, full of surprise, very jolly, at masayang kasama. Kaya gustong-gusto siya ng mga anak ko. Gustong-gusto ko rin siya kahit minsan bwesit na bwesit na ako sa kanya. Nakatulala pa rin ako, hawak ang cellphone ko na parang biglang nagi

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 64

    Back to normal Jela "Uy, Jela, nabalitaan ko na malapit ka nang umalis sa trabaho mo?" bungad sa akin ni Wenneth, ang manager dito sa clothing department. "Saan mo 'yan nabalitaan?" tanong ko naman. "Sa asawa ko, ano pa nga ba. Remember, kamag-anak siya ni ma'am Beverly." "Sorry, nakalimutan k

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 63

    My kids happiness Jela Si Kuya Aaron pala ang driver kasama ang mga kapatid niya. Sabik na sabik talaga sila na magkaroon ng pamangkin. Kaya heto, alagang-alaga nila ang mga anak ko. Kada Friday ng hapon at Sabado sa bahay nila Tito sila natutulog na kahit ayaw ko. Kaya no choice, ako doon n

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 62

    Very caring Jela Inayos ko na ang mesa at kumuha na rin ako ng kubyertos para sa amin dalawa ni Jupiter. "Saan ang knife, Jupiter?" tanong ko. Nagulat pa ako nang paglingon ko, nasa likuran ko na pala siya. Nagulat ako sa pagsunggab niya sa labi ko. Bahagya pa niya itong kinagat ang pang-ibaban

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 61

    Laughter Jela Halos gumulong ako sa sofa sa kakatawa. Paano nagulat ito sa pagkakahulog niya sa swimming pool. Bahagya pa itong inubo dahil mukhang nakainom ng tubig. "Tinulak mo ba ako ha?" Sabay saboy niya sa akin ng tubig ng mahimasmasan. "No!" natatawang sagot ko. Lumayo ako roon para hi

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status